webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Past : Year 2012

Unang araw ng klase ngayon sa isang malaking College School.

"Saan ba tayong room?" Tanong ng isang estudyanye sa kaibigan niya.

Sobrang gulo ng paligid dahil may naliligaw at marami namang natutuwa dahil kahit papaano ay kasama pa rin nila ang mga kaibigan nila sa bagong kabanata ng buhay nila.

Karamihan sa maagang pumasok ay ang mga freshman, mga first year college.

Maraming naeexcite ngunit mas marami namang natatakot dahil sa bagong environment na haharapin nila.

Maya maya ay tumahimik ang lahat nang pumasok ang tatlong nag-gagandahang lalaki.

"Sino sila?" Student 1.

"Shet, bes! Ang pogi ng nasa gitna." Bulong bulungan ng mga estudyanteng nasa hallway.

"Ahh, si Art 'yan, simula noong highschool, marami ng nagkakagusto diyan. Halata naman, siya kaya pinaka gwapo sa apat. Kaso, heartbreaker." Paliwanag nito.

Art Anderson ang pinakama-appeal sa apat. Halos lahat ng babae ay kinakabaliwan siya.

Lahat ng tao ay napatingin sa apat na estudyanteng ito. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo nang sabay sabay na pumasok ang mga lalaki.

"Grabe, ang gwapo talaga ni Ace!! Bagay na bagay sakaniya 'yung glasses na suot niya. Nerdy type talaga 'yung mga type ko." Student 1. Tinutukoy niya ang pinaka matangkad na lalaki sa grupo.

Sa lahat ng magkakaibigan si Ace Manuel ang pinaka masipag mag-aral, gaya nga ng sabi ng isang estudyante kanina ay siya ang mukhang nerd sa magbabarkada pero hindi pa rin naalis ang malakas na charm nito.

"Hi, Axel!" Malanding bati ni Student 2.

"Hello!" Malanding bati ni Axel pabalik sa babaeng tumawag sakaniya. Malakas namang tumili ang mga babaeng ito.

Axel Ford, ang pinaka malakas ang appeal sa tatlo kaso nga lang tamad at parang walang balak gawin sa buhay pero kahit ganoon, lahat ng tao ay napapahanga pa rin dahil sa taglay niyang magandang hugis ng mukha.

Lahat ng tao ay kinikilig sa gilid, natutuwa dahil sa kanilang nakikita ngunit...

Ngunit may sumira sa eksena nang pumasok si Hillary at dumaan sa gitna ng mga lalaking ito.

Si Hillary Manuel, kilala bilang isang bad ass bitch at sa aura na bitbit niya.

"Tsk, I'm late. Hindi niyo kina-cool 'yan." Inismiran niya ang mga lalaki atsaka tuloy tuloy na nilampasan ang mga ito.

"Sino 'yon?" Inis na tanong ng ibang babae sa paligid dahil nasira ni Hillary ang eksena.

"Ang epal naman niya." Dagdag pa ng iba.

"Tsk, ang attitude talaga ni Hillary, ano?" Singhal ng isang estudyante, nilingon siya ni Hillary dahil narinig siya nito subalit umiwas ng tingin ang estudyanteng ito.

Napailing nalang si Ace sa ginawa ng kaniyang pinsan. Oo, tama, magpinsan si Ace at Hillary.

Hindi ito binigyang pansin ng tatlo at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Maya maya pa ay nakarating na sila sa iisang classroom, pare-pareho naman sila ng kurso.

"Ano palang kurso ng pinsan mo? Bakit nandito 'yon kanina?" Tanong ni Axel kay Ace.

"BsEd, ewan ko ron, naliligaw ata." Simpleng sagot ni Ace kay Axel. Samantalang si Art naman ay nakamukmok ang ulo sa lamesa at 'tila ba natutulog.

"Ang layo naman ng Psychology Department sa Education Department." Sabi ni Axel subalit hindi na siya muling pinansin ni Ace.

Tatlong building kasi ang pagitan ng Psychology Department sa Education Department. Hindi man ganoon kasikat ang school na 'to gaya ng ibang universities, marami pa ring mayayaman na estudyante rito. Hindi naman siya masyadong tago pero masyadong mataas ang presyo ng tuition fee para makapasok dito.

Halos lahat ng estudyante ay may sariling kotse. Exclusive for high school hanggang college ang pwedeng mag-aral dito.

Samantalang si Hillary, hanggang ngayon hinahanap pa rin ang kaniyang room. Hindi pa rin kasi siya ganoon katagal dito. Grade 11 siya noong lumipat sila ng Pinas upang dito siya pag-aralin ng kaniyang mga magulang. Hindi rin siya ang tipo ng tao na kayang libutin ang eskwelahan sa loob lamang ng halos tatlong taon, dahil mas pipiliin niya pang manahimik na lamang sa loob ng room at library kaysa libutin at kabisaduhin ang buong paaralan na ito.

"Tsk, I'm late." Inis na sabi niya sa sarili habang nakatingin sa kaniyang relo.

Hindi rin nahanap ni Hillary ang room niya nitong nakaraang araw dahil kakauwi niya lang galing US upang bisitahin ang Lola niya roon.

Maya maya pa ay nahanap na rin niya ang classroom ngunit nasa loob na ang kaniyang Prof.

Dire-diretso lang siyang pumasok sa room na 'tila ba wala siyang napansin na may teacher na. Hindi naman umimik ang Professor, pinagbigyan niya na lamang si Hillary dahil alam first day palang naman.

"Tsk, hindi manlang ako pinansin." Bulong ni Hillary nang makaupo siya sa dulo.

Maya maya pa ay nagvibrate ang cellphone niya dahil may nagtext.

"Hi, crush!" Inismiran ni Hillary ang text na kan'yang natanggap mula sa unknown number.

Nagsimula nang magdiscuss ang prof pero hindi nakikinig si Hillary, tinulugan niya lang ang introduction ng mga subjects niya.

Walang masiyadong kaibigan si Hillary dahil hindi siya gaano marunong makipag socialize, Isa rin sa mga dahilan kung bakit ay dahil galing siya sa USA kung saan ibang iba ang environment sa Pilipinas. Nahihirapan siyang mag-adjust sapagkat mas pipiliin niyang magobserba bago lumabas ng kaniyang comfort zone.

Natapos ang klase wala namang masyadong ginawa dahil unang araw pa lang naman. Introduction pa lang ng mga subjects.

Lumabas si Hillary ng classroom nang walang kinakausap samantalang ang mga kaklase niya ay may kaniya kaniyang grupo na. Hindi naman big deal kay Hillary ang kaibigan.

Dumiretso sa locker si Hillary upang iwan ang mga gamit niya, medyo naligaw pa siya dahil nga iba ang college buildings sa high school buildings. Sobrang daming pasikot sikot sa loob nito.

Hinahanap niya ang 356 dahil ito ang assigned number para sa locker niya. Bubuksan niya na sana ngunit may humarang na kamay. Dahan dahang napatingin si Hillary sa kanan kung saan nakatayo ang tao na humarang sa pinto ng locker niya.

"Akin po 'to." Nasilayan ni Hillary ang babaeng kulot ang buhok at makapal ang suot na glasses pero kahit gano'n ay maganda pa rin 'to.

Napaangat ang kilay ni Hillary at,

"Excuse me? 356 is mine." Masungit na sabi ni Hillary sa babae. Nginitian lang siya nito.

"Hehe charot lang. Gusto ko lang makipag kaibigan." Nakangiting sabi nito 'saka inilahad ang kanan na kamay upang makipag shakehands.

Hindi siya pinansin ni Hillary at nagpatuloy lang sa ginagawa. Matapos niyang gawin ito ay tumalikod na siya ngunit sinundan parin siya nito.

"Ako nga pala si Ada!" Masayang pagsunod niya kay Hillary ngunit hindi pa rin siya pinapansin nito.

Nakarating ng library si Hillary ngunit nakasunod pa rin sakaniya si Ada. Salubong ang kilay na hinarap ni Hillary si Ada napaatras naman si Ada at ngumiti.

"Kanina pa kita tinitignan sa room hehe." Tumalikod si Hillary nang marinig niya ito.

Samantalang si Ada naman ay hindi pa rin tumitigil sa pangungulit,

"Alam mo ba, ang ganda mo." Panguuto ni Ada kay Hillary. Umupo si Hillary kaya naman umupo sa harap niya si Ada.

Inilabas ni Hillary ang kaniyang journal at nagsimulang magsulat habang si Ada naman ay nakatitig lang kay Hillary.

"Can you please stop starring at me?" Iritableng sabi ni Hillary ngunit hindi siya pinansin ni Ada.

"Tsk." Ismid ni Hillary.

Makalipas ang ilang oras ay hindi na muling nagsalita pa.

Sa isip isip ni Hillary ay buti naman, tumigil na ang madaldal na mukhang nerd.

Alas otso na ng gabi kaya napag-desisyonan na ni Hillary ang umuwi. Alas syete kasi ng gabi natatapos ang klase nila.

Hindi siya gaya ng iba na may sasakyan bukod kasi sa hindi siya marunong magdrive ay may trauma rin siya sa pag sakay ng kotse ng sobrang tagal kaya mas pinili niya na lang na magcommute atleast sa jeep or bus ay hindi siya aatikihin ng traumatic experience na 'yon.

Maya maya pa ay humiwalay na si Ada sakaniya dahil pupunta na itong parking lot.

Pagkalabas ni Hillary sa main gate ay bumungad si Ada na nakasakay na sakaniyang mamahaling sasakyan. Ibang iba na ang hitsura nito. Nakalugay na at wavy na tignan ang buhok niya, hindi niya na rin suot ang kaniyang glasses kaya naman ang aliwalas na niyang tignan.

"Hop in." She smiled pero hindi naman siya pinansin ni Hillary ngunit patuloy niya itong kinukulit hanggang sa napapayag niya na rin si Hillary.

Nakarating sila sa bahay nila Hillary. Nakangiti lang si Ada ngunit si Hillary ay sobrang nagtataka.

"Are you my stalker??" Hillary Curiously asked.

"No, I'm your future sister in law." Kinindatan ni Ada si Hillary atsaka bumaba ng kotse at walang hiyang pumasok sa loob ng bahay.

Naiwang nagtataka si Hillary kaya naman hindi agad nagsink in sakaniya ang nangyayari...

Tell me your thoughts, I don't know if I'm going to pursue this

pagibiglycreators' thoughts