webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Present : Year 2020

As Hillary walk in the hallway she saw someone whom she did not see for a long time. Someone who turned his back to her.

"What the actual freak, why is he here?" Hillary asked herself. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad bitbit ang 3 inches heels na suot niya. Lahat ng estudyante sa paligid ay napapatingin sakaniya dahil bukod sa ingay ng kaniyang sapatos ay kakaiba rin ang suot niya kung iku-kumpara sa ibang guro.

Suot niya ang kaniyang black coat, puting polo sa loob nito at black pants. Para siyang prosecutor na makikita mo sa South Korean Dramas.

Palapit ng palapit ay mas lalong kinakabahan si Hillary palapit sakaniyang patutunguhan. Maya maya pa ay,

"Ma'am Manuel!" Tawag ng kaniyang estudyante. Napalingon siya rito at agad itong kinausap.

"What do you need?" Masungit na tanong nitong si Hillary sa kaniyang isang estudyante.

"Can I speak tagalog, Ma'am?" She asked, Hillary looked at her hand and it is trembling.

"No." Hillary answered.

"A-ah, Sir Carson is asking to see you. He's in the library, Ma'am." Tumango lamang si Hillary at umalis sa harap ng bata.

Nang makarating si Hillary sa Library lahat ng tao ay napatingin sakaniya dahil sa ingay ng heels na suot nito.

"What?" Nakataas na kilay na tanong niya.

"Your ex," bungad ni Wilson nang marinig niya ang boses ni Hillary.

"So?" Umakto si Hillary na parang walang nangyayari kahit na ang totoo ay hindi niya alam ang kaniyang gagawin.

Hinawi niya ang kaniyang mahabang buhok, at itinali ito kaya naging mukhang messy bun. Si Hillary ay isang magandang guro, lahat ng tao ay hinahangaan siya dahil sa galing niyang magturo idagdag pa ang kaniyang bad girl aura at kakaibang pananamit.

"You know, it's been 3 years." Natatawang sabi ni Wilson sakaniya.

"Wilson Carson, wala ka bang ibang sasabihin? Sinayang mo lang oras ng estudyante mo para tawagin ako at mas lalong sinayang mo lang ang oras ko," tumayo si Hillary at nagakmang babatuhin si Wilson ng libro na nasa lamesa. Tinawanan lang siya ng kaibigan. Tumayo na rin si Wilson para samahan si Hillary na bumalik sa kanilang faculty.

Inakbayan ni Wilson si Hillary subalit sinubukang alisin ni Hillary ang pagkakakapit ni Wilson ngunit masyado itong malakas para tuluyang matanggal.

"Alisin mo nga!" Inis na sabi ni Hillary ngunit hindi siya pinapakinggan ng kaibigan.

"Para isipin ng ex mo na naka-move on kana!" Pangaasar pa nito.

"Tapos, anong iisipin ng ng estudyante? Nawawala coolness ko sa'yong kupal ka." Inis na sabi ni Hillary sa kaibigan ngunit gaya ng ibang pagkakataon ay tinawanan lang siya nito.

Nakarating sila ng faculty kung saan nakita ni Hillary ang lalaki na nang-iwan sakaniya. Wala na ito sa labas gaya kanina, nasa loob na ito at may kausap na ibang guro. Nakahinga ng maluwag si Hillary ng makiya niya ito at dali daling umalis matapos kuhain ang iilang gamit na ka-kailanganin niya sa pagtuturo.

Nakahinga ng maluwag si Hillary nang tuluyan siyang makaalis sa faculty. Agad naman siyang nagtungo sa kaniyang unang klase.

Si Hillary ay isang Secondary Teacher major in English pero sa ngayon sa isang private school siya nagtuturo at ang kaniyang tinuturuan ay elementary.

Papunta siya sa isang building ngayon kung saan nandoon ang una niyang mga estudyante. Grade 1. Pagpasok ng classroom ay masigla siyang binati ng kaniyang mga estudyante. Lahat sila ay nakangiti ngunit may iilang nagiiyak dahil iniwan sila ng magulang nila.

"Oh, babies. Sinong gusto ng candy? Taas kamay." Lahat ng mga bata ay nagtaas ng kamay pwera sa isang bata na nakatingin sa malayo sa labas ng binatana.

"Behave muna. Seat kayong lahat." Agad naman siyang sinunod ng mga bata. Napangiti si Hillary at nilapitan ang batang umagaw ng atensyon niya.

Ang batang nasa tabi ng bintana.

"Hello, are you new here?" Tanong ni Hillary sa bata ngunit tinignan lang siya nito.

"What's your name?" Dagdag na tanong ni Hillary ngunit nasa malambing na tono.

"Eliza" Simpleng sagot ng bata, lumaki ang mata ni Hillary dahil may naalala siya sa pangalan nito.

"a-ah, you're Eliza? Eliza Anderson?" Tumango ang bata kaya naman napaatras si Hillary dahil sa kaniyang narinig.

Paulit-ulit na sinasabi niya sakaniyang isip na hindi ito maaari, ayaw tanggapin ng kaniyang utak ang kaniyang narinig.

Huminga siya ng malalim at sinabi sa sarili na 'wag na lamang pansinin atsaka napunta sa harapan upang magturo.

Mabilis na natapos ang klase ni Hillary kaso hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsisink in sakaniya ang kaniyang narinig. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin kaya nagtungo siya sa faculty kung saan niya naisipang magpahinga.

Malaki ang school na ito at may isang building per grade dahil konti pa lang naman ang mga estudyante rito.

Maraming bata ang nagtatakbuhan ngunit napapatigil sa tuwing nakakasalubong nila si Hillary dahil sa takot nilang masigawan nito. Subalit, iba ngayong araw sapagkat walang pake si Hillary kahit na bangga banggain pa siya ng mga estudyante na nasa paligid niya.

Lutang ang kaniyang utak at mistulang pagod na pagod ang kaniyang katawan kahit na hindi pa nangangalahati ang araw na ito.

pagkarating niya sa faculty ay dumiretso siya sakaniyang upuan at ibinagsak ang kaniyang lamesa.

Maya maya pa ay nakatulog siya at hindi na nakapasok sa iba pa niyang klase dahil sa nangyari.

Dito niya na-realized na hindi nga talaga madali ang lahat. Hindi pa nga siya ganoon nakaka-move on sa mga nangyari dati.

Sabagay, matagal din naman silang nag-sama kaya hanggang ngayon ay hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman.

Hanggang ngayon ay nagsisi siya kung bakit pumasok siya sa relasyon na wala rin naman palang patutunguhan sa huli.

Ang buong akala niya noon ay sila na ngunit habang tumatagal ay mas nakikilala pa nila ang isa't isa at may mga pagkakataon na hindi nila maintindihan ang takbo ng kanilang isipan.

Akala niya sa pag tagal ay mas lalong niyang makakalimutan ang mga bagay na ginawa niya at ginawa sakaniya. Buong akala niya na ang lahat ng sugat ay magagamot ng panahon. Akala niya ang breakup ay hindi gaya ng kaniyang mga nababasa sa mga nobela at napapanood sa mga palabas pero mali pala siya...

"Akala ko, okay na ako." Mahinang bulong niya nang magising siyang pawis na pawis.

"Ms. Manuel, someone is looking for you sa guidance." Sabi ng isang janitress na malamang ay inutusan ng kung sino man ang tumawag sakaniya.

"Who?" Takang tanong niya.

"Mr. Anderson daw po." Nanlaki ang mata ni Hillary at napatayo sa kaniyang upuan.

"Shit." She cursed as she look at the mirror na nakasabit sa taas ng table niya.

"The sun is too bright for me,

the world seems messy,

the noise of the people around me scares me."

pagibiglycreators' thoughts