webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Past : Engagement

Tahimik na kumakain sa loob ng dining area ang dalawang pamilya. Ang pamilya ng mga Anderson at pamilya ng mga Manuel.

Hindi maigalaw ni Hillary ang kaniyang pagkain dahil wala siyang alam kung anong nangyayari.

"Hillary, eat up." Utos ng nanay ni Hillary sakaniya ngunit hindi niya ito pinansin.

"About the engagement--" simula nang Ama ni Art sa pagsasalita.

"Engagement? What?" Malakas na sabi ni Hillary na napatingin sa Ate niyang nagkibit balikat.

Wala naman kasi siyang ibang makitang tao na magkaedad kundi sila lang ni Art at nagkakaron na siya ng hinala na baka silang dalawa nga ang ipapakasal sa isa't isa.

"Dad, it's already 2012! Arrange marriage is still a thing? What the--" Bulyaw ni Hillary.

"Stop, Hillary! You're embarassing me!" Saway ng tatay niya na agad naman niyang sinunod. Muling umupo si Hillary dahil narealize niya rin na masyado siyang nagooverreact.

"You can continue." Mahinahon na sabi ni Mr. Manuel kay Mr. Anderson.

"You guys won't mary each other but we will tell the press that you are. It is like a fake engagement." Diretsahang sabi ni Mr. Anderson.

"It's for what?" Tanong ni Hillary.

"For our company." Simpleng sagot ni Mr. Manuel kay Hillary.

"I don't get it." Mariing sagot ni Hillary.

"It's for everyone, Hillary!" Marahan ngunit may diing sabi ng nanay niya.

Ang Ate ni Hillary ay tahimik lang na kumakain, samantalang si Ada ay nakangiti lang habang kumakain, si Art naman ay 'tila walang buhay na kumakain.

Hindi maintindihan ni Hillary ang nangyayari dahil ayaw naman ipaliwanag ng maayos. Agad na tumayo si Hillary at nagpaalam na tapos na siyang kumain kahit na hindi pa siya nagsisimula.

"Pursuade her." Utos ni Mr. Manuel kay Art.

"Can I go to her room?" Tanong ni Art sa ama ni Hillary.

"Third floor, second room in the right side." Itinuro ni Mr. Manuel ang direksyon dahil masyadong mataas at malaki ang kanilang bahay.

"Excuse me." Tumayo si Art at umalis sa harap ng mga magulang.

Habang naglalakad si Art paakyat ay agad niya namang nakita sa hagdan pa third floor si Hillary. Nakaupo lang ito at nakatungo.

Umupo siya sa tabi nito ngunit hindi pa siya pinansin.

"Let's do this." Sabi ni Art kay Hillary na naging dahilan kung bakit siya nilingon nito.

"How can we do this? Wala ka bang pangarap makilala ng ibang tao?" Tanong ni Hillary sakaniya.

"Tsk, coming from you, you don't even have a friend." Inismiran ni Hillary si Art dahil sa sinabi nito.

"I've been watching you since you transfered to our school. Grade 11, you looks so pretty and you caught my attention. I like you." Diretsahang sabi ni Art kay Hillary.

"Friends are different with boyfriend, okay? And stop saying that para lang mapapayag mo ako sa freaking engagement na 'yan. I'm only 19 and you expect me to agree with that? No way." Tumayo si Hillary at nagpunta sakaniya kwarto. Sinarado niya ito ngunit hindi niya na-lock kaya naman nakapasok si Art.

"What the-- What are you doing here?" Bulyaw ni Hillary nang masilayan niyang nakapasok si Art.

Inilibot ni Art ang kaniyang mata sa kwarto ni Hillary. Malaki ito. May sofa, may malaking kama, may tv sa tabi ng pinto. Sa right side naman ay ang walk-in closet at ang banyo. Puno ng kulay pula at puti ang kwarto ni Hillary.

"Hindi ka naman mahilig sa pula." Seryosong sabi ni Art 'saka humiga sa kama.

"Hey!" Inis na napatayo si Hillary dahil sa ginawa ni Art na pagtabi sakaniya.

"What do you think you're doing ha?" Hinila niya patayo si Art ngunit masyado itong malakas para tuluyan niya itong mahila patayo.

"Sleep with me tonight." Nabitawan ni Hillary ang kamay ni Art dahil sa narinig niya.

"Art? Are you even thinking??" Umiigting na ang panga ni Hillary dahil sa sobrang inis sa lalaking ito.

"Yes. I want to sleep beside you." Diretsahang sabi nito.

"USA is different from Philippines, can you please stop act like we're in the USA where everyone can sleep and do that thing anywhere they want! I did it many times and it's not that fun!" Pag amin ni Hillary. Napatayo si Art dahil sa narinig niya at napangisi.

Unang beses atang makita ni Hillary na ngumisi si Art. Hindi alam ni Hillary ngunit para bang may konting kilig siyang naramdaman dahil sa ngiti nito.

"Then, let's think like we're in USA, let's just sleep! I won't touch you, babe." Nakangisi si Art habang sinasabi ito.

Alam naman ni Art na halos lahat ng tao sa USA ay ganoon, liberated country ang USA. Pwede nilang gawin ang gusto nilang gawin. Hindi tulad sa pinas na may makita lang na magkahawak kamay ay iisipin na agad ng mga tao na buntis ang babae.

"Can you please stop? I will change my clothes and make sure wala kana rito paglabas ko." Utos ni Hillary kay Art ngunit hindi siya pinansin nito.

Pumasok si Hillary sa kaniyang walk-in closet at doon nagtantrums. Sinisipa at binabato niya ang lahat ng makita niyang sagabal sakaniyang dadaanan dahil sa sobrang inis niya.

"Bwisit! Ano ba namang klaseng pamilya 'to." Matagal nagstay si Hillary sa loob ng walk-in closet ngunit paglabas niya ay nakahiga pa rin si Art at mistulang nakatulog na.

Malalim na hinugot ni Hillary ang kaniyang hininga 'saka nagtungo sa kaniyang kama at doon sinipa pababa si Art ngunit hindi pa rin niya kinaya kaya siya ang natumba.

"Aray." Napahawak siya sakaniyang balakang dahil nauna itong bumagsak at ngayon ay masakit na.

Naglakad siya papunta sa sofa at doon nalang napagdesisyonan na matulog dahil malaki naman ito at kasya ang isang tao. Hindi niya na binuksan ang aircon dahil alam niyang lalamigin siya, wala

siyang kahit na anong kumot dahil nakay Art lahat. Kung kukuha pa siya ay sa basement pa kaya hindi na lang.

Hindi nagtagal ay lumalamig nararamdaman na ni Hillary ang lamig ng kwarto. Nakapikit siya ngunit ramdam niya ito at nagtataka kung bakit biglang bumukas ang aircon.

Pagmulat ng mata ni Hillary ay nasa kama na siya samantalang si Art na ang nakahiga sa upuan. Tumayo si Hillary upang patayin sana ang aircon ngunit biglang nagsalita si Art,

"Don't. Pagpapawisan ka. I'm fine here. Go back to sleep." Utos ni Art na naging dahilan kung bakit parang nalulusaw ang puso ni Hillary.

Tell me your thoughts, pleaseeee

pagibiglycreators' thoughts