webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Past: The promise.

Madaling araw na nang makarating sila ng maynila. Wala namang naging problema kay Hillary dahil tulog lang siya buong byahe samantalang si Art ay napapahawak na sa kaniyang batok dahil sa sobrang pagod.

Binuhat niya papuntang kwarto si Hillary kaya naman nagpakawala siya malalim na buntong hininga bago dahan dahang iniapak ang kaniyang paa sa hagdan sapagkat mahaba habang lakaran ang magaganap.

Ibinagsak ni Art si Hillary sa kama kaya napaaray si Hillary.

"Payat pero mabigat." Reklamo niya.

Napansin niyang umiiling iling si Hillary pagkalapag niya rito bigla ring namawis kahit na nakabukas naman at malakas ang aircon. Kaagad niyang hinawakan si Hillary sa noo at nagaapoy ito sa lagnat.

Gusto niyang gisingin ang mga magulang ni Hillary ngunit hindi niya magawa dahil alas tres na ng madaling araw at ang bastos naman kung gigisingin niya ito.

Kumuha na lamang siya ng towel 'saka ito binasa at inilagay sa noo ng dalaga.

"Don't leave me, Raze..." Bulong ni Hillary habang naghihikahos.

"Hey, Hillary, wake up!" Patuloy na ginigising ni Art si Hillary ngunit hindi ito nagigising.

Sa pag tagal ay mas lalong naghihikahos ang dalaga. Mas lalo siyang namamawis. Bumibilis rin ang kaniyang paghinga kaya walang nagawa si Art kundi ang tumakbo palabas ng kwarto ni Hillary upang humingi ng tulong sa nakatatandang kapatid ng dalaga, kay Drishti.

"Ano bang nangyari?" Nagmamadali silang umakyat papunta sa kwarto ni Hillary. Sa second floor kasi ang kwarto ni Drishti.

"She was drunk when we go home." Sagot ni Art.

"What? Omygod." Napatakbo ng mabilis si Drishti patungo sa kwarto ni Hillary.

Nang makarating siya sa kwarto ng kapatid ay agad niyang nadatnan ang mas malalang sitwasyon nito.

She held Hillary's hand at yumuko upang bulungan ang kapatid,

"Hill, relax. Everything will be okay, breath in, breath out. Your ate is here. No one will hurt you." Dahan dahang sabi ni Drishti sa kapatid.

"Ate... Raze left... He left me in the dark where no one is walking, I'm inside of the car, I feel so suffocated, I ca--can't breathe properly..." Hikahos na sabi ni Hillary ngunit nakapikit pa rin siya.

"I won't leave you. I'm beside you. I'm sitting on the driver's seat. Look at me, I'm smiling at you and we will go now, we will go to our grandma's house." Malambing ang tono ng boses ni Drishti na naawa na sa nakikita niyang nangyayari sa kaniyang kapatid.

Si Art naman ay nakatulala sa dalawa. Hindi alam ang gagawin dahil ito ang unang beses niyang makita si Hillary na ganito ang sitwasyon.

Hindi parin matigil ang pagbagsak ng luha ni Hillary mula sa kaniyang mga mata ngunit kumalma naman na siya. Hindi parin matigil ang pag-iling at paghingi ng tulong nito.

Maya maya ay lumapit si Art kay Drishti at umupo sa gilid ng dalaga.

"She was abused. She was abused by the one she loved. Kahit alam niya nang inaabuso siya ay patuloy lang siyang naghahabol sa pesteng lalaki na iyon, nagbulag-bulagan siya, hinahayaan niyang gaguhin siya ng lalaking iyon. That's why our grandparents forced her to move out and go back here. Hindi niya naalala because of the last accident. She was drunk, Raze put drugs in her drink. Raze put her in the car and drove her to the abandoned place. When Hillary woke up, she saw Raze turned his back to her, she was left in the car, Hillary has asthma, hindi niya kinaya 'yung init sa loob ng kotse at hindi niya kinaya 'yung dosage ng drugs na inilagay sa inumin niya." Kwento ni Drishti habang ang kaniyang mga mata ay nakatingin sa kapatid.

"What happened to Raze?" Tanong ni Art.

"He disappeared after what happened. Hillary wasn't like this. She was sweet and talkative but after what happened, even though she didn't remember it all. She became like that, she become a mean girl who doesn't know how to show her emotions at all." Bakas sa boses ni Hillary ang awa at inis na kaniyang nararamdaman.

"Kaya next time, don't force her to ride your car or don't even put her in a car when she's drunk. May I ask you a favor?" Tanong ni Drishti kay Art na nakatitig sa babaeng gusto niya.

Hindi niya alam na may ganito pa lang pinagdaanan ang dalaga. Hindi niya alam kaya ang hirap nitong i-approach dahil sa mga nangyari sa kaniya dati. Lahat talaga ng tao ay may rason kung bakit sila lumaki ng ganito o bakit biglang nagbabago.

"I want you to take care of her. Trust me, Hillary likes you too. Please, don't treat her like a shit. Don't treat her like she don't deserved to be loved. It is just hard for her to show her emotions. I want you to handle this fragile girl with care." Bakas ang sinseridad sa mata ni Drishti kaya naman tumango si Art na para bang inaako na niya ang responsibilad sa pagaalaga ng babaeng maraming sugat, hindi pisikal kundi emosyonal.

Ala singko na ng umaga nang umalis si Drishti sa tabi ng kapatid. Si Art ay nasa pwesto niya pa rin nakatitig kay Hillary.

"She was never treated right. I want to treat you right this time Hillary, give me a chance." Bulong ni Art 'saka hinawakan ang kamay ni Hillary.

"I promise to treat you right, Hill." Dagdag pa ng binata.

Hindi nagtagal ay nakatulog ito nang nakahawak sa kamay ng dalaga. Ilang oras lang ang kaniyang naging pahinga dahil naramdaman niyang gumalaw si Hillary.

"Why are you holding my hand?" Tanong ni Hillary sa kaniya. Nakataas ang kilay nito at 'tila nagtataka, hindi rin bakas sa dalaga na nagbreakdown siya kagabi.

"Okay ka na ba?" Wala sa sariling tanong ni Art kaya mas lalong napataas ang kilay ni Hillary.

"Did something happened?" Hindi nga tanda ni Hillary ang nangyari kagabi, hindi nga niya matanda ang nangyari.

Punong puno ng pagtataka si Art ngunit hindi niya ito pinairal.

"A-ah nothing. You just threw up. So, I will go now." Tumayo si Art at inayos ang kaniyang buhok bago tuluyang umalis ng bahay nila Hillary.

Alas otso na ng umaga, may pasok pa sila kaya naman kumilos na si Hillary. Napahawak pa siya sa ulo dahil sumasakit ito.

Habang nagmamake up ay tinatanong niya ang sarili niya kung may nangyari ba ngunit wala siyang maalala.

Pagbaba niya ng kitchen ay walang ibang tao ngunit may mga pagkain, nagiwan ng note ang ate niya na kailangan niyang kainin lahat at kailangan niyang inumin ang mga gamot niya.

Oo, nagtatake siya ng medications for her traumas and sometimes nagvivisit siya sa psychiatrist pero hindi ibig sabihin noon ay alam niya na ang buong nangyari.

Ang alam niya lang ay nagvivisit siya sa psych dahil hindi niya kinaya ang paghihiwalay nila ng huli niyang karelasyon na akala niya naging karelasyon niya. Masyado siyang naging mahina.

Hanggang ngayon ay parang may binubuong puzzle si Hillary sa kaniyang utak. May kapiraso ng utak niya ang biglaan na lamang nawala at hindi niya mawari kung ano ito ngunit sa tulong ng pagbibisita niya sa psychiatrist paminsan ay kahit papaano ay hindi siya nappressure na hanapin ang kapirasong nawawala sa memorya niya.

HELLO, SHOULD I CHANGE TO FORST PERSON INSTEAD OF THIRD PERSON P.O.V?? TELL ME YOUR THOUGHTS

pagibiglycreators' thoughts