webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Past: Reasons.

"Hillary!" Habol ni Art ngunit hindi pa rin siya nililingon ng dalaga.

Ang alam ni Art ay naattract siya kay Hillary simula noong una niya itong makita. Agad naman niya itong inamin sa sarili dahil hindi siya ang tipo na magsasayang ng oras kapag may gusto siyang tao.

Hinawakan niya ang kamay nito upang mapatigil sa paglalakad ngunit kumakalas si Hillary dahil ayaw niyang kausapin ang binata.

"Can we just try?" Bakas ang sinseridad sa boses ni Art.

"Try what! Ano ha! Paano kapag nagsawa ka, edi ako talo?" Pareho silang napatigil dahil sa salitang binitawan ni Hillary.

"A-wqano?" uutal utal na tanong ni Art kay Hillary.

"Wala, tigilan mo na Art. Nadadala ka lang sa pamilya natin, okay? 'wag na natin ipilit." Seryosong sabi ni Hillary kay Art.

"Okay." Sagot ni Art na naging dahilan kung bakit sila parehong tumahimik.

Hindi alam ni Art kung anong gagawin nila kaya nagaya na lamang umuwi si Art at pumayag naman agad si Hillary dahil parang wala rin namang kwenta ang naging trip nila.

Bumuntong hininga si Hillary bago pumasok ng kotse dahil mahaba haba pa ang byahe nila at kailangan niyang ihold ang kaniyang sarili upang hindi siya magsuka o kaya mahilo.

Ngunit bago sila tuluyang makaalis ay pumukaw sa atensyon ni Art ang mga nagpaparty sa paligid ng beach, may disco light at may malakas na tugtog. Napansin ni Art na nakatitig dito si Hillary.

"You wanna go there?" Tanong ni Art ngunit umiling lang si Hillary.

Napaatras si Hillary sa pagsakay ng kotse. Ayaw niya pang sumakay dahil gusto niya pang malanghap ang sariwang hangin.

"Yes." Simpleng sagot ni Hillary kay Art. Naunang maglakad si Hillary papunta sa mga taong nagsasayawan. Madalim na ang paligid kaya mas masayang tignan ang lugar.

Nawala sa paningin ni Art si Hillary, napansin din niyang naiwan ng dalaga ang kaniyang cellphone sa kotse. Kaya wala siyang ibang ginawa kundi umupo sa kinauupuan nila kanina. Napagdesisyonan niyang hintayin nalang ang dalaga na bumalik ng kotse.

Sa kabilang banda ay si Hillary na nakaupo lang malayo sa mga tao. May dala dalang beer na inorder niya kanina. Dahan dahan niya itong nilalagok, hindi niya na iniisip ang magiging byahe niya mamaya. Umaasa na lamang siya na hindi niya maisuka lahat ng ininom niya sa sasakyan ni Art.

Iniisip ni Hillary ang lahat ng mga sinabi ni Art. She's confused and she doesn't know what she should do.

There is a part of her is like "What if he's serious? Should I consider his feelings?" but the other part is like "No, he's just swayed by his parents and his feelings wasn't real so, don't you dare."

~~~~~~

"Drishti!" Malakas na tawag ng Daddy ni Drishti sa kaniya. Agad naman siyang lumapit sa sala kung saan nakaupo ang tatay niya na nasa harap niya lang naman.

"Makasigaw naman, Dad! Taong kalye ka ba!?" Iritableng sagot ni Drishti sa kaniyang ama.

"Where's Hillary?" Tanong nito 'saka isinubo ang apple na nasa harap niya.

"She's with her boyfriend." Simpleng sagot ng dalaga sa kaniyang ama na ikinabigla naman nito.

"What? Boyfriend? Who?" Sunod sunod na tanong ng Daddy niya.

"Mr. Manuel, I'm talking about Art, okay?" Umirap si Drishti.

"Oh, buti naman at nagkakasundo sila?" Tanong nito.

"Hindi naman mahirap pakisamahan si Hillary, atsaka mag-schoolmate naman sila. Ano ba talagang plano n'yo at finake n'yo 'yung engangement nila? May nalalaman pa kayong media media and company company hindi pa naman ata babagsak 'yung kompanya ni Lolo at nakikita ko naman na ang healthy healthy ng kompanya ng mga Anderson." Mahabang pagdadaldal ni Drishti sa kaniyang Ama. Umupo ng ito ng maayos at mukhang seryoso talaga siya.

"Mr. Anderson asked me if I can help him. He asked me a favor. He just wanted to show everyone that his son is having a goodlife. There is this girl who wants to talk to Art daw but Mr. Anderson pero paniniwala niya na pera lang ang habol nito sa kanila." Paliwang ni Mr. Manuel sa kaniyang anak.

"Is it his ex? Is she claiming that she's pregnant?" Agad namang umiling si Mr. Manuel nang marinig niya ang tanong ng kaniyang anak.

"It's just Mr. Anderson doesn't like the girl because she's poor."

"Wow! Ano 'to teleserye but bahala kayo." Tumayo si Drishti at kumaway sa ama bago tuluyang umalis papunta ng kaniyang bedroom.

~~~~~~~~

"Art! Hehe!" Tawag ni Hillary nang makita niya si Art na nakaupo sa upuan nila kanina.

Gumegewang gewang na si Hillary habang naglalakad papunta kay Art kaya tumayo si Art upang alalayan ang dalaga.

"Tsk, this woman." Art glared but Hillary just laughed at her.

Alas diyes na ng gabi ngunit nasa batangas parin sila at may pasok pa kinabukasan.

Matagumpay na naalalayan ni Art si Hillary pabalik sa loob ng kotse.

Habang nagdr-drive si Art ay nagsasalita si Hillary ngunit nakapikit na ito dala ng kalasingan.

"Alam mo, you are the second guy who made me so confused. First is my Dad, hindi ko alam bakit bigla niya akong pinauwi rito sa pinas samantalang dati ay ayaw niya akong pumupunta rito. Ikaw ba, maniniwala ka ba na pinauwi ka ng pinas dahil gusto lang nila na mag-aral ka ng college dito? Kung tutuusin ay mas maganda nga ang pagpapatakbo sa ibang bansa. Feeling ko talaga, may nangyari saakin na hindi maganda ron sa states e, hindi ko lang maalala. Feeling ko there are reasons why I was sent here." 'saka tumawa si Hillary na parang evil witch.

"Tapos, ikaw," Sinubukan niyang imulat ang kaniyang mga mata ngunit muli niya itong ipinikit "Nahilo ako."

"Tapos ikaw, gan'yan ka! Kung totoong gusto mo ako bakit hindi ka muna nakipag kaibigan saakin? Bakit ka pumayag sa letseng engagement na 'yan? Alam mo ba isang tao palang nagustuhan ko buong buhay ko pero hindi niya ako pinansin kasi hindi ko sila kalahi but I did everything for him. Ayoko na ulit mangyari 'yon feeling ko nagamit lang ako." Atsaka umiyak si Hillary na parang walang bukas. Marahil ay dala ito ng alak sa kaniyang katawan kaya siya ganito.

"Nakamove on kana sakaniya?" Tanong ni Art ngunit ang mga mata niya ay nakadikit parin sa kalsada.

"Oo but the traumas are still in my heart. They were engraved here." Hinawakan ni Hillary ang kaniyang dibdib. Pa

"Gusto mo ba ienumerate ko sa'yo kung paano niya ako gi---" Hindi na naituloy ni Hillary ang kaniyang sasabihin dahil nakatulog na siya.

Hindi maiwasan ni Art ang kwestyonin din ang sarili, baka nga nadadala lang siya ng kaniyang magulang, baka nga gusto niya lang si Hillary ngunit hindi niya ito kayang mahalin.

"Argh! Tsk! You're making me question myself too. I have a lot of things pa na hindi alam tungkol sa'yo at ganoon ka rin sakin pero ano ba 'tong nagtutulak saakin para patuloy kang kulitin?" Malalim na bumuntong hininga si Art atsaka nagfocus sa pagdridive.

"Bahala na." Bulong pa niya.

is it okaaayyyy? huhuhu. I'm so sorry for the slow update I'm preparing for my online class. thank you for reading! <3

pagibiglycreators' thoughts