webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Past: Ezekiel

"Brad, mukhang walang tulog ah." Bungad na sabi ni Axel habang naglalakad sila sa hallway ni Art.

"Oo nga, lalim ng eyebags natin tol!" Lumitaw si Ace sa kabilang gilid ni Art na naging dahilan kung bakit nagulat si Axel.

"Akala mo 'tong si Ace, multo eh noh?" 'saka umismid ang binata sa kaibigan.

Hindi sila pinapansin ni Art, nakatulala lang ito 'tila wala sa mundo, mistulang napakalalim ng iniisip. Nakarating sila ng silid aralan ngunit hindi pa rin nagsasalita si Art, humihikab lang ito paminsan.

"Ace pakopya nga ng assignment sa philo!" Pangungulit ni Axel kay Ace na nanahimik sa tabi. Wala pa ang kanilang prof kaya naghahanap so Axel ng kokopyahan ng assignment nila.

"Ang haba haba ng weekend hindi mo ginawa?" Reklamo ni Ace astaka binato sa kaibigan ang notebook.

"Oh, sino 'tong kasama ni Hillary?" Tanong ni Axel nang buksan niya ang notebook ni Ace ay may nakita siyang picture ni Hillary at ng isang lalaki.

Kulay blue ang mga mata nito, itim ang buhok ay maputi halatang may lahi. Napatingin si Art sa litrato na hawak ni Axel.

"Ah, ayan ba? Ex 'yan ni Hillary, kinuha ko sa wallet niya dati, inutusan ako ng Ate niya. Gwapo, ano?" Sagot ni Ace sa kaibigan. Agad namang hinatak ito ni Art muntikan na itong mapunit dahil sa ginawa niya.

"Ito ba 'yung Raze?" Tanong ni Art kay Ace kaya tumango ito.

Napakuyom ang kamao ni Art na naging dahilan kung bakit nalukot ang litrato. Mabilis naman itong hinila ni Ace sa kaniyang kamay.

"Hoy! Bakit mo nilukot?" Mataas ang boses na tanong ni Ace kay Art na hindi na siya pinansin ulit.

"Tsk, lagot ako nito kay Ate Drishti e. Pahamak talaga 'tong si Art." Bulong niya 'saka padabog na umayos ng upo dahil dumating na ang kanilang prof.

Sa kabilang banda ay si Hillary na busy'ng nakikinig sa pagdi-discuss ng professor ngayon samantalang si Ada naman ay nakangiti lang habang nagce-cellphone sa tabi.

"Hindi umuwi si Art kagabi ah, may nangyari ba sa date n'yo? Hindi nga ako kinontak kahit text hindi manlang ginawa." Napatingin si Hillary kay Ada nang bigla itong nagsalita.

"Ha? Wala naman. Nagtataka nga rin ako e, pag gising ko kaninang umaga nasa bahay siya." Sagot naman ni Hillary na bumalik sa pagtatake down notes.

"Sure ka ba walang nangyari?" Muling napatingin si Hillary sa dalaga. Nagsalubong nag kaniyang kilay bago ito sagutin,

"Ano namang mangyayari, aber?" Taas kilay na tanong ni Hillary.

"Baby ganon," 'saka humagikhik si Ada. Napairap si Hillary at hindi na muling pinansin ang napakadaldal na katabi niya.

Kinukulit siya nito ngunit hindi niya na binigyan ng pansin. Si Ada at Art ay magkambal ngunit mas tinuturing na mas nakakatandang kapatid si Ada.

Tumagal pa ang klase, marami nang nakatulog at marami parin namang nakikinig. Sa kabilang banda naman ay sila Art na ang lesson ay tungkol sa iba't ibang uri ng psychologist at kung anong ginagawa ng mga ito.

"Can someone tell me what is Biopsychologist?" Tanong ng prof sa mga estudyante niya. Agad namang nagtaas ng kamay si Ace kaya agad rin siyang tinawag ng prof. Inayos niya ang kaniyang salamin bago sumagot,

"Biopsychologist are the psychologists that are also sometimes called biological psychologists or also known as physiological psychologists. They study and perform research on the brain and behavior. By examining the neural bases of behavior, biopsychologists are able to understand different biological factors that might impact how people think, feel, and act." Paliwanag ni Ace habang nakatitig siya sa Prof.

"Yes, thank you Mr. Manuel! You said it right. " Pumalakpak ang prof gayun din ang kaniyang mga estudyante. Ang mga babae sa paligid ay humahagikgik, samantalang ang uqp naman ay napapailing.

"Saan mo nakuha 'yon?" Tanong ni Axel na hanggang ngayon ay namamangha parin sa katalinuhan ng kaibigan kahit na bata pa lamang ay magkakasama na sila.

"Sa google, kinabisado ko." Natatawang biro ni Ace sa kaibigan.

"Clinical psychologist they are the ones who work in hospital, mental health clinics and private practice. They are trained in a variety of treatment techniques but may specialize in treating certain disorders or working with certain populations." Paliwanag ng kanilang professor.

"Can you give me an example, Mr. Salas?" Itinuro ng prof ang lalaking nasa harapan na walang ginagawa kundi ang magsulat nang magsulat ngunit nakasuot ito ng earphones. Dahan dahan siyang napatingin sa professor at dahan dahan niya ring tinanggal ang earphones na suot niya.

"Clinical psychologist might specialize in an area such as substance abuse treatment, child adult mental health, or geriatric mental health." Simpleng sagot nito 'saka umupo ulit at sinuot ang kaniyang earphones.

"Yes, very good. Remove your earphones before I confiscate that." Hindi halata ngunit matalino 'tong si Mr. Salas. Bukod kay Ace ay isa rin siya sa mga tinitingala sa kanilang school dahil sa angkin niyang talino.

May hitsura rin siya kaya karamihan sa mga babae ay siya ang ginagawang role model.

Matapos ang ilang oras ay natapos na rin ang klase nila at lunch break na. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos na nakakausap si Art. Hanggang ngayon ay parang lumulutang parin ang kaniyang utak.

Habang naglalakad ay nakasalubong nila Art ang Mr. Salas sa klase nila. Ezekiel Salas, anak ng isang politician at isang magaling na guro sa buong pilipinas. Sikat ang kaniyang mga magulang kaya naman ay nakakaramdam siya ng pressure.

Nginitian niya lang sina Art, Ace at Axel. Hindi palakaibigan ang binata dahil natatakot siya na baka gamitin lang siya ng ibang tao para lang sa fame ng kaniyang mga magulang.

"Kaibiganin ko kaya 'yon? Sayang, bagong makokopyahan 'yon." Sabi ni Axel nang makalampas sa kanila si Ezekiel.

"Gago! Kaya natatakot makipag kaibigan 'yun e! Takot siya sa mga tao na katulad mo! Mangga!" Bulyaw ni Ace sa kaibigang walang ibang ginawa kundi ang lumandi at mang-alaska.

"Anong mangga?" Taas kilay na tanong nito.

"Mangga, manggagamit HAHAHAHA." Pangaasar ni Ace 'saka niya ibinato ang kaniyang bag kay Axel. Samantalang si Axel naman ay ibinitbit ang bag ni Ace at inilagay ito sa basurahan na nasa hallway.

"Basura!" Pangaasar ni Axel 'saka siya tumakbo palayo sa dalawa.

Habang tumatakbo si Axel ay may natamaan siyang babae na may dalang kape.

"Ano ba!" Sigaw ng babae na punong puno na ng kape sa buong katawan, buti na lamang ay iced coffee ang kaniyang hawak dahil kung hindi ay baka mas nagwala pa ito sa sobrang init ng hot coffee.

"Hala, Hillary! Sorry!" Paghingi ng paumanhin ni Axel sa babaeng nabangga niya, agad niyang kinapa ang kan'yang bulsa upang maghanap ng panyo ngunit wala siyang nahanap.

Maya maya ay mabilis na lumakad si Art at hinila paalis si Hillary.

Nakarating sila sa women's comfort room, wala namang tao ngunit hindi pa rin dapat pumasok si Art dito subalit hindi siya nagpatinag. Agad siyang kumuha ng tissue sa lagayan at binasa ito 'saka iniabot kay Hillary.

"Here, dalian mo kailangan mong magpalit ng damit hindi ka pwedeng pumasok sa next class na may mantsa." Utos ng binata sa dalaga na agad naman sinunod nito.

Matapos niyang punasan ay sabay silang lumabas ng comfort room at doon bumungad si Ezekiel na may hawak na paper bag. Iniabot niya ito kay Hillary 'saka umalis.

"Do you know him?" Tanong ni Art kay Hillary ngunit umiling lang ito. Inagaw ni Art ang paper bag na hawak ni Hillary at tinignan kung ano ang laman nito, black dress.

Hindi required ang uniform sa kanilang school kaya hindi rin naman nahihirapan ang mga estudyante.

"no." umiling si Hillary bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"But I'm gonna wear this anyways." Nagkibit balikat siya 'saka bumalik sa comfort room upang magbihis samantalang si Art ay naiwang nakatulala sa labas ng cr.

Preferences: https://www.verywellmind.com/types-of-psychologists-and-what-they-do-2795627

pagibiglycreators' thoughts