webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Past : Let's try.

Habang tumatagal sa kotse ay mas lalong sumasama ang pakiramdam ni Hillary.

"Can you stop the car for a while?" Pakiusap ni Hillary ngunit tinignan lang siya ni Art.

"Hey!" Pagpuna niya nang hindi pa rin siya binibigyan ng pansin nito.

"Just sleep, it will help you." Simpleng sabi ni Art.

Sinunod ni Hillary sinabi ni Art. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at dahan dahang nakatulog. Samantalang si Art ay nakapokus lang sa pagd-drive.

Tatlong oras din ang kanilang naging byahe maggagabi na nang makarating sila sa isang resort na pagmamay-ari ng kamag-anak ni Art. Malapit nang mag-sunset ngunit hindi pa rin gising si Hillary. Nakatitig lang si Art sa mukha nito, hindi niya pwedeng gisingin dahil kapag nabigla ay malamang sa malamang ay magsu-suka ito at sasakit ang ulo niya.

Maya maya pa ay napagdesisyonan na ni Art na gisingin si Hillary, inihanda niya ang tubig kung sakaling maghanap ito ng maiinom.

"Hill..." 'saka niya inalog ang balikat nito.

"Wake up, Hillary." Pangungulit niya.

Dahan dahang iminulat ni Hillary ang kaniyang mga mata at naramdaman niya agad ang pagbaliktad ng kaniyang sikmura.

Agad siyang bumaba ng kotse 'saka inilabas ang kung ano ano na nasa tiyan niya. Hindi makatingin si Art sa ginagawa ni Hillary dahil hindi niya kaya ang amoy. Daig pa ni Hillary ang uminom ng napakaraming alak.

Hindi nagtagal ay lumapit naman si Art upang tulungan si Hillary na magsober up, hinaplos niya ang likod nito mistulang cinocomfort si Hillary 'saka inabutan ng tubig.

Napasapo sa ulo si Hillary dahil sa kahihiyang nagawa niya at nasaksihan pa ito ni Art.

"I shouldn't have come here. I don't know how will I go home. My stomach is a mess right now." Inis na sabi ni Hillary habang nakapikit.

Halo halo ang pakiramdam niya, para siyang lantang gulay na hindi niya maintindihan. Kahit hindi naman siya nagthrow-up during the trip.

Sa resort ng kamag-anak ni Art sila nagpunta. Maraming tao at 'tila sikat na sikat ito sa mga turista. Maraming nakaupo sa dalampasigan, nanonood ng sunset, samantalang ang iba ay umiinom masaya at mukhang walang problema.

May lumapit na staff ng resort, inabot kay Art ang hiningi niyang magpapainit sa tiyan ni Hillary. Hindi niya sigurado kung tama ba ang ipapainom niya sa dalaga ngunit hindi niya na ito inisip pa.

"Here. Painitin mo muna tiyan mo para mawala 'yung hapdi or ano man 'yan." Simpleng utos niya kay Hillary na tinanguan lang siya.

May upuan sa left side ng parking lot, nakatapat sila sa dagat kaya kahit papaano ay nakikita pa rin naman ang paglubog ng araw.

"Thank you." Nakangiting sabi ni Hillary sa binata.

Ininom ni Hillary ang kape, unti unti niyang naramdaman ang pag-init ng kaniyang tiyan.

"Are you really like that?" Tanong ni Art habang nakatitig sa dagat. Dinig na dinig ng dalawa ang paghampas ng alon.

Dumampi ang malamig na hangin sa kanilang balat. Napaakap si Hillary sa kaniyang sarili dahil sa biglaang pag-dampi ng hangin sa kaniyang katawan.

T-shirt at simpleng jeans lang ang suot ni Hillary dahil hindi naman siya mahilig magsuot ng magagandang damit, gusto niya lamang mangolekta ngunit bihira niya lang itong suotin.

Napansin ni Art ang pagyapos ni Hillary sa kaniyang katawan kaya naman tumayo siya at nagtungo sa kaniyang kotse upang kuhain ang kaniyang jacket 'saka niya ito iniabot kay Hillary.

"Are you really like that?" Tanong ni Art kay Hillary na nakatingin lang sa dagat.

"What?"

"Throwing up like there's no tommorrow and you look like a vegetable na hindi nadidiligan." Ani Art.

"Ah, yes. 3 or 4 years ago, naging ganito ako, hindi ako tumatagal ng kotse, parang may trauma ako tapos nakalimutan ko lang kung anong nangyari." Bumuntong hininga si Hillary matapos niyang sabihin ito. Dahil meron nga sakaniyang alaala na para bang nawawalang piyesa. Hindi niya matukoy kung ano ito subalit paggising niya isang araw ay hindi niya alam kung bakit ganoon na.

"Alam mo, may pagkachismoso ka." Pangaasar ni Hillary kay Art.

"I didn't know na may ganyan kang personality." Hindi makapaniwalang sabi ni Art kay Hillary habang umiiling iling.

"Hindi mo naman kailangang malaman. Sometimes, I'm funny or I'm not in the mood. Depende nalang sa tao na kasama ko. I believe lahat tayo may different personalities." Paliwanag ni Hillary kay Art.

"I know but can you let me to know what are your other personalities?" Napalingon si Hillary dahil sa tanong na ito ni Art.

"No. I can't tell you. You need to find out. Alam mo, I really don't know if you're serious or 'di kaya nadadala ka lang sa magulang natin, either the two." Pareho silang nakatingin sa isa't isa.

"Why don't we try?" Nakakalokong ngumiti si Art kaya naman binatukan siya ni Hillary.

"Aray! Mapanakit ka! Seryoso kasi ako." Reklamo ng binata.

"Really ha? Kaya pala nabansagan kang HEARTBREAKER!" Bulalas ni Hillary.

Iniwas na ng dalaga ang tingin niya sa binata muli siyang tumingin sa dagat habang hinahawakan ang mga emosyon na malapit nang sumabog.

"I guess, I did really break their heart but I'm not aware HAHAHA. They were the one who chased me, 'ni wala ng akong ibinigay na kahit na anong signs sa kanila. It's just a brand na hindi ko alam kung paano nagsimula." Paliwang ni Art kay Hillary.

"How about your ex for almost 2 years? You were together since grade 9, why did you two broke up? Kakabreak n'yo lang." Nabigla si Art sa narinig niya mula kay Hillary.

"What? We broke up 2 years ago too. I don't know, she left me hanging. She didn't even say a thing. She just left and boom!" Hindi alam ni Art kung bakit ba siya nagpapaliwanag kay Hillary basta ang alam niya lang ay kailangan ito.

"You're so funny. Iniiwan iwan ka lang pala HAHAHA." Tumatawang sabi ni Hillary kay Art na ngayon ay nakanguso.

"Yes, I'm a clown you know."

"What if she came back?" Tanong ni Hillary na naging rason kung bakit sila nagkatinginan muli.

"Edi, bumalik siya wala na rin naman siyang babalikan. I already have my eyes to someone." Bakas ang sinseridad sa boses ni Art.

"Who?" Kinakabahang tanong ni Hillary sa lalaking kausap niya ngayon.

"Let's try." Seryosong sabi ni Art kay Hillary.

"Try what?" Bakas ang kaba sa boses ni Hillary. Hindi niya matukoy kung bakit siya kinakabahan sa ganitong eksena, dahil ba gusto niya si Art o hindi lang talaga siya sanay?

"But I will pursue it anyways."

"Nadadala ka lang sa magulang natin, Art. Stop." Tumayo si Hillary at nagsimulang maglakad palayo sa kinauupuan nila kanina. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng mga paa niya ngunit gusto niyang makalanghap ng hangin sapagkat mukhang mauubusan na siya ng hangin dahil sa kaniyang narinig.