webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Past : Shopping

"Goodmorning!" Masiglang bati ni Drishti sa nakababatang kapatid na si Hillary na ngayon ay nakasalampak sa sofa.

"What's good in the morning?" Taas kilay na tanong nito.

"Sungit! Ang aga aga. Wala ka bang pasok?" Mabilis na sabi at tanong ni Drishti sa kapatid.

"It's sunday!" Sigaw ni Hillary sakaniyang Ate.

"Makasigaw naman 'to! Anyways, how was your school?" 'Saka ito umupo sa ulonan ni Hillary.

Hindi sila gaanong naging close dahil bata pa lamang ay magkahiwalay na sila. Lumaki si Hillary sa ibang bansa kasama ang kaniyang grandparents samantalang si Drishti naman ay lumaki sakaniyang mga magulang dito sa pilipinas.

Hindi naging madali para sa dalawa ang magsama muli sa loob ng napakatagal na panahon na hindi pagkikita. Lalo na at hindi ganoon kadali para kay Hillary ang makipag-usap sa ibang tao ngunit sa pagtagal ay mas lalo silang nagiging close dahil kabaliktaran ni Hillary si Drishti.

Kinuha ng kanilang grandparents si Hillary dahil gusto raw nilang may makasama sa paglipat nila roon. Ngunit hindi nagtagal ay hindi rin natiis ng grandparents nilang makita na lumalaki si Hillary na hindi kasama ang kaniyang magulang. Tahimik si Hillary ngunit naiintindihan niya naman lahat lahat ng nangyayare sa pamilya niya.

"Tara, mall tayo!" Aya ni Drishti sa kapatid na inilingan lang siya.

"Libre ko naman!" Malakas na sigaw nito. Agad namang tumayo si Hillary,

"Good. Wait for me." 'saka naglakad si Hillary papunta sa kwarto niya upang mag-ayos.

"Tsk, gusto lang pala magpalibre." Umiiling ngunit nakangiting bulong ni Drishti.

Hindi sila madalas lumabas ngunit kapag nakarinig si Hillary ng salitang libre ay agad agad naman itong pumapayag.

Hindi tulad ng iba, si Hillary ay sadyang tahimik at maattitude na tao, she can do whatever she wants at hindi dapat siya pigilan, wala dapat humawak ng buhay niya para sakaniya pwera sakaniyang grandparents.

Lumaki si Hillary sa mahigpit na pamamalakad ng kaniyang Lolo't Lola kaya hindi siya tulad ng iba na lumaki sa ibang bansa, hindi siya ganoon kaliberated, wala rin siyang masyadong kaibigan at bihira lang siyang makapunta sa mga nightouts tuwing friday kasama ang mga kaibigan niya roon.

Kaya naman naninibago siya rito sa pilipinas dahil hindi siya pinagbabawalan at hinahayaan lang sila. Sa states kasi kumpleto ang almusal hanggang dinner hindi pumalya ang Lola niya na gawan siya nito kaya nasanay siya.

Samantalang dito sa pilipinas ay hindi siya nababantayan ng maayos.

Nasa mall na ang magkapatid at nagsisimula nang maghanap ng mga bagay na gusto nilang bilhin.

"So how was growing with our grandparents?" Tanong ni Drishti sa nakababatang kapatid na ngayon ay nagtitingin na ng mga damit.

"It was cool knowing na lumaki ako sakanila tapos hindi ako ganoon kaliberated ang daming bawal but I can't blame them." Matinong sagot nito.

"Mabait ka ba sakanila?" Dagdag na tanong pa ni Drishti.

"Actually, I was so good to them not until pinabalik nila ako rito." Nagkibit balikat si Hillary.

"Why? Ayaw mo ba saamin?"

"It's not like that. I just found myself missing them everyday. At hindi kasi nila sinabi saakin agad noon na papabalikin nila ako rito, the night before my flight nila sinabi saakin but dati pa 'yon." Mahabang paliwanag nito. Iniwan niya si Drishti na nagsasalita pa ngunit hindi niya na ito pinakinggan at nagtungo na sa ibang bahagi nitong store.

Puro mamahaling damit ang nandito sa store na ito. Hindi naman nanghihinayang sa pera si Hillary dahil marami naman sila nito kaya kung anong magustuhan niya ay agad niya itong hinahawakan, kahit na alam naman niyang hindi niya ito magagamit kalaunan.

Matipid si Hillary ngunit hindi sa pagsho-shopping. Gagawin niya ang lahat para lamang makapag shopping at alam niya namang hindi siya ang magbabayad nito.

"Tapos ka na ba?" Tanong ng kapatid niya na nagbabayad na. Tumango naman si Hillary, lumapit siya kay Drishti upang iabot ang isang katerbang damit.

"What the! Sugapa ka!" Bulyaw ni Drishti sa kapatid dahil sa rami nitong kinuha.

"Shh, watch your mouth, Ma'am." Natatawang pangaasar ni Hillary sa kaniyang kapatid. Inismiran naman siya nito.

"Mauubos ata pera ko! Sagot mo pagkain ha!" Agad namang tumango si Hillary sakaniyang Ate.

Natapos bayaran ni Drishti lahat, napakamot siya sa ulo niya dahil inabot ng halos 20k ang binayaran niya para lang sakaniyang kapatid.

"Tara, saan tayo kakain? Jollibee?" Nakahawak si Hillary sa braso ng kapatid habang bitbit ang mga pinamili niya.

"Jollibee? Kuripot mo! Gusto ko ng sushi, tara." Binitbit niya ang kapatid sa isang restaurant na puno ng sushi.

Magkatapatan silang umupo atsaka umorder. Maya maya pa ay dumating na ang order at may dumating din na dalawang tao.

Lumaki ang mata ni Hillary nang makita ni si Art na may bitbit na mga shopping bag kasama si Ada na walang hawak kahit isa.

"Hello!" Nakangiting bati ni Ada sa magkapatid.

"Hi! Omy! Nandito rin kayo! Tara, Ada upo ka rito sa tabi ko. Art doon ka sa tabi ni Hillary." Utos nitong si Drishti. Bakas sa tono ni Drishti na sinadya nila 'tong pagkikita na 'to.

Nakataas ng kilay ni Hillary sa kapatid niya ngunit nginisian lang siya nito.

Agad namang umorder sila Ada at agad din itong dumating.

"Alam mo ba 'tong usapan na ito?" Tanong ni Hillary kay Art ngunit umiling lang ito. Halata rin naman na walang alam sa set up nitong mga kapatid nila.

Matapos nilang kumain ay binitbit lahat ni Drishti ang hawak ni Hillary kanina at ang hawak ni Art ay kinuha naman ni Ada.

"Enjoy kayo!" Tumakbo ang dalawa na parang walang mabigat na bitbit. Napaawang ang bibig ni Art at Hillary na nakaupo parin.

"Here's your bill, Ma'am and Sir." Pag-abot ng isang waitress sa resibo. Maglalabas na sana ng pera si Hillary ngunit inunahan siya ni Art.

"Here. Ipagsama mo nalang." Pag-abot ni Art sa kaniyang credit card.

"Okay, thanks." Bulong ni Hillary atsaka tumayo at iniwan si Art na naghihintay ng credit card niyang maibalik.

Hinabol naman ni Art si Hillary nang makuha niya na ang credit card niya.

"Let's date." Simpleng sabi niya. Napalingon sakaniya si Hillary at napaawang ang bibig nito.

"I said let's date." Hinila niya si Hillary paalis sa kinatatayuan nila dahil nakaharang sila sa daan.

Hindi alam ni Hillary kung saan siya dadalhin ni Art ngunit sumama na lamang siya. Nakarating sila ng parking lot, pareho silang nakatayo sa harap ng kotse ni Art.

"Let's go to batangas." Simpleng aya ni Art kay Hillary.

"I can't. Hindi ako nagtatagal sa loob ng kotse." Inabutan ni Art ng gamot si Hillary pang tanggal sa hilo.

Agad naman itong kinuha ni Hillary at ininom kahit hindi niya alam kung saan ito galing.

"I saw this coming." Ani Art bago alalayang sumakay ng kotse si Hillary. Pinagbuksan niya ito ng pinto 'saka siya tumakbo papunta sa driver's seat.