webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Past : I'm serious

Tatlong araw na ang nakalipas simula noong gabing iyon. Hindi alam ni Hillary ang dapat niyang maramdaman, hindi niya alam kung bakit nafluttered siya dahil sa ginawa ni Art.

"I'm going." Paalam ni Hillary sa Ate niya na kasama niya ngayong kumain.

Tumayo si Hillary at kinuha ang bag na nasa tabi niyang upuan. Nang makalabas siya sa bahay ay agad na bumungad ang isang mamahaling kotse.

"Hop in!" Utos ni Art.

"Hop in, mukha mo!" Inismiran siya ni Hillary at nagpatuloy sa paglalakad.

"Shit, why does he need to be look so handsome." Napabuntong hininga si Hillary nang makalayo siya sa lalaking iyon.

Akala niya ay nakalayo na siya ngunit sinundan pala siya nito nang hindi ginagamit ang kotse.

"Edi sasamahan nalang kita mag-commute." Simpleng sabi ni Art nang tuluyan niyang mahabol si Hillary.

"Alam kong ginagawa mo 'to dahil sa parents mo, tumigil ka kung ayaw mong mabalatan ng buhay." Banta ni Hillary kay Art.

"I'm just grabbing the opportunity to talk to you." Seryosong sabi ni Art kay Hillary na naging dahilan kung bakit napatigil ito sa paglalakad.

"You're just grabbing the opportunity to look good in your parents eyes. Stop joking, okay?" Seryosong sabi ni Hillary habang nakataas pa ang kilay.

"Calm down. I'm serious." 'Saka lumakad si Art palabas ng subdivision, sinundan naman siya ni Hillary.

Tahimik lang silang naglalakad palabas ng subdivision. Walang nagsasalita pero alam nila sa isa't isa na magkasama sila.

"Ano ba naman 'to, totoo kayang seryoso 'to?" Tanong ni Hillary sakaniyang utak.

Maya maya pa ay nakarating na sila sa sakayan ng jeep.

"Akin na pamasahe mo." Utos ni Hillary kay Art ngunit binigyan lang siya nito ng nagtatakang mukha.

"Ilang taon kana bang nakatira sa pilipinas at bakit hindi mo alam kung ano 'yung pamasahe? Pilipino ka ba?" Iritableng tanong ni Hillary kay Art.

"Hindi, lumaki ako na sa kotse lang ako sumasakay! Ano bang malay ko." Nakasimangot na sagot ni Art.

"Hypocrite. Bigyan mo 'ko ng kahit na anong bill diyan sa wallet mo!" Utos ni Hillary kay Art na agad agad kinuha ang wallet sa bulsa ng bag niya.

"Tanga neto. Sa bulsa ng bag naglalagay ng wallet." Saad ni Hillary 'saka siya inabutan ni Art ng 1,000 pesos bill.

"What the heck?" Mas lalong nainis si Hillary kay Art dahil sa inabot niyang pera.

Tinanggap na lang ito ni Hillary dahil wala naman siyang magagawa ngunit siya pa rin ang nagbayad para sakanilang dalawa.

"You're just a typical privileged guy. Tsk." Inis na bulong ni Hillary.

"Sus." Bulong din ni Art. Kinurot siya ni Hillary dahil narinig niya ito. Napaurong si Art at natamaan ang pasahero na katabi niya.

"I'm sorry." Paghingi ng paumanhin ni Art ngunit hinagikhikan lamang siya nito.

Sinamaan ng tingin ni Hillary ang babaeng katabi ni Art.

"Bes, ang bango niya." Malakas na bulong ng babae na natamaan ni Art sa kaniyang pag urong.

"Tulak kita, dali." Kinikilig na sabi ng kaibigan niya.

Napaurong tuloy si Art kay Hillary nang marinig niya ang usapan ng mga babae.

"Did you guys know na sexual harassment 'yan?" Inis na tanong ni Hillary sa mga babaeng katabi ni Art.

"Hey," Awat ni Art.

"What?!" Malakas ang boses na tanong ni Hillary kay Art. Dahil sa ginawa ng mga babae ay sobrang nag-init ang dugo niya.

"Para po!" Sigaw ni Hillary 'saka bumaba ng jeep.

"Hillary!" Sigaw ni Art na sumunod sakaniya.

Padabog na naglalakad si Hillary papunta sa bagong terminal ng jeep. Hindi niya kinakausap si Art at si Art naman ay hindi rin naman masyadong nagsasalita pero ramdam niya ang inis ni Hillary.

Nakarating sila ng school ngunit ganoon pa rin si Hillary. Hinatid siya ni Art hanggang classroom niya at ang mga tao sa paligid ay nagbu-bulong bulungan sa kanilang nakikita ngunit napapatigik sa tuwing titignan sila ng masama ni Hillary.

Tatlong araw na rin itong ginagawa ni Art. Hindi matigil ang mga usapan sa paligid.

"Hoy! Saan ka galing?" Bungad na tanong ni Ace nang makita si Art na kakapasok lang sa loob ng room.

"Kahit saan." Inilugmok ni Art ang kaniyang ulo sa lamesa dahil wala pa naman ang kanilang prof.

Sa kabilang banda, si Hillary naman ay nakatulala lang habang naghihintay ng prof dahil hindi niya rin alam kung bakit siya umasal ng ganoon kanina.

"Uy!" bati ni Ada 'saka umupo sa tabi ni Hillary. Hillary just smiled at her.

"Ang snob talaga ng future sister-in-law ko grabe!" Natatawang pangaasar nito.

"Can you please shut up?" Nginisian lang siya ni Ada.

"Wow, ang sungit! Nakakatakot ka naman po." Dagdag pa ni Ada.

Mabilis na natapos ang klase, lunch time na samantalang si Hillary ay walang balak na umalis ng classroom.

"Sure ka, ayaw mo maglunch?" Nakakailang tanong na si Ada kay Hillary pero nakakailang tanggi na rin ito.

"Do I need to repeat myself?" Nakataas ang kilay na tanong ni Hillary kay Ada.

"Ito na boss, dalhan nalang kita ng pagkain, pero sa labas na ako kakain! bye!" 'Saka kumaripas ng takbo si Ada.

Karamihan sa mga college students ay pinipili na lamang sa labas ng school kumain. Dahil mas worth it kumain sa labas kaysa sa canteen ng school nila. Maraming canteen ngunit pare-pareho lamang ang tinda. Allowed na lumabas ang mga College student ng school pero may oras dapat nasa school na sila after 1 hour. Kapag nalate or hindi nakapag check in ulit ay ide-deduct ang 5 points sa quizzes at mga test minsan pa ay sa card mismo kaya naman ang mga walang pake sa grades lang ang mga nagcucut class.

Kapag nakatatlong cut class na ipapatawag na ang magulang at hindi na muling palalabasin ng school tuwing lunch time. Karamihan ng nasa school na 'to ay takot sakanilang magulang kaya marami rin ang takot mag cut class, syempre kapag hindi ka natakot mawawalan ka ng atm at ang kinakatakutan ng lahat ay ang ma-cut ang allowance nila.

Karamihan sa school na 'to ay lumaking spoiled brat ngunit may mga takot sa magulang lalo na kapag ang usapan ay pera.

Naglalakad si Art papuntang classroom ni Hillary, may dalang pagkain at mga inumin. Ayan nanaman, halos karamihan ng nasa hallway ay ang buong atensyon ay nakay Art.

Nang makapasok si Art sa room ay umupo siya sa tabi ni Hillary. Napatingin sakaniya si Hillary ng nagtataka.

"What's that?" Tanong ni Hillary sakaniya.

"Let's eat. My sister said you don't want to eat but no, you should. You're too sexy, everyone looks at you like you're a model, so you must eat a lot and gain weight." Seryosong sabi ni Art pero tinawanan lang siya ni Hillary.

"What? Are you serious? You sounds like a manipulative man." Natatawang sabi ni Hillary kay Art.

"I'm sorry if I do. Let's just eat." Nakangiting utos ni Art kay Hillary.

Inilatag ni Art ang pagkain sa mesa. Kung titignan silang dalawa na parehong nakangiti ay mukhang may kakaiba. Dahil si Art at Hillary ay pareho ng personality, hindi basta basta ngumingiti sa iba, hindi madaling mapangiti, parehas na parang galit sa mundo at higit sa lahat ay walang pake sa paligid.

Paboritong pagkain ni Hillary ang dala ni Art. Kaya naman medyo natutuwa si Hillary.

"Paano mo nalaman na kumakain ako nito?" Pagtukoy ni Hillary sa sushi na dala ni Art.

"Well, every girl love it." Simpleng sagot ni Art.

"Ahh, yes, I know that's why you're branded as heartbreaker because you broke too many hearts by giving them sushis and leaving them behind kapag nagsawa kana." Tumatango tango pang sabi ni Hillary kay Art.

Salubong ang kilay ni Art nang tumingin siya kay Hillary,

"Anong sinasabi mo?" Inis na tanong nito.

"Hulaan mo." Nakangiting pangaasar ni Hillary kay Art.

"So, you know how to smile?"

"Who wouldn't?" Mas lalong lumawak ang ngiti ni Hillary.

"Thank you for the lunch. I'll go to the restroom." Paalam ni Hillary 'saka siya tumayo at kinuha ang bag niya.

Naiwan si Art sa loob ng classroom nang nakatulala at para bang hindi niya ineexpect ang ugaling iyon ni Hillary.

Hillary was snob and don't know how to smile. That's why naninibago si Art.

"Shit, her smile is making my heart flutter." Hindi inaasahang bulong ni Art sakaniyang sarili.