webnovel

I Will Find You Again, Love. (Tagalog)

What if someone you love suddenly left you without giving you any valid reasons at all? What if this someone came back with something, are you willing to accept him/her again despite on what s/he have now?

pagibigly · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Past: Cliché Life

Hanggang ngayon ay nagtataka parin si Art kung bakit ginawa iyon ni Ezekiel. Nakatitig siya sa binata ngayon habang nagkaklase.

"Hoy, may gusto ka d'yan, ano?" Pangaasar ni Axel nang makita niyang kanina pa nakatitig si Art kay Ezekiel.

"May weird kasi na nangyari kanina." Paliwanag ni Art 'saka tumaliwas ng tingin.

"Nakita ko nga nung nakaraan na sabay sila pumasok ni Hillary, hawak niya mga libro ni Hill." Seryosong sabi ni Axel kaya napatingin si Art sa kaibigan. Ang sabi ni Hillary kanina ay hindi niya kilala si Ezekiel kaya naman sobrang nagtataka si Art dahil sa sinabi ni Axel.

"Are you serious?" Salubong ang kilay na tanong ni Art kay Axel.

"I'm not" Malakas ang tawang nagawa ni Axel kaya lahat ng kaklase at prof nila ay napatingin sa kanilang dalawa.

"May gusto ka bang sabihin, Axel?" Taas kilay na tanong ng babaeng prof nila ngunit mabilis na umiling si Axel atsaka nagpeace sign.

Natapos ang kanilang klase, dismissal na. Doon lang nagantihan ni Art si Axel ng batok dahil sa ginawa nito kanina.

Inaamin ni Art sa sarili na nakaramdam siya ng kaba nang marinig niya ito kay Axel.

"Tara sa bahay, tingin ko may kailangan tayong i-seminar kung paano manligaw." Mapangasar na sabi ni Axel sa kaniyang mga kaibigan.

"Ano?" Umambang babatukan sana ni Art si Axel ngunit pinigilan na sila ni Ace.

"Stop! But let's talk, sa tingin ko rin ay malapit ka nang maunahan noong Ezekiel na 'yon." Maloko ring ngumiti si Ace sa kaniyang kaibigan bago sila nagapir ni Axel.

"Kayo nalang!" Mabilis na naglakad si Art ngunit agad naman siyang sinundan ng dalawa niyang mapangasar na kaibigan.

"Hoy, ano ka ba? Gusto mo bang maunahan ni Ezekiel? Tahimik lang 'yon pero mukha ring matinik." Tumataas baba ang kilay ni Axel habang sinasabi ito.

Sa kabilang banda ay si Hillary habang naglalakad pauwi mag-isa. Papunta na siya sa terminal ng jeep. Hindi naman naging malaki ang epekto ng nangyari sa kaniya kanina. Ang tanging nasa isip niya lamang ay ang pag-uwi ng maaga dahil gusto niya nang matulog.

Nakarating agad siya ng kanilang bahay at dumiretso sa kaniyang kwarto. Wala namang tao kaya wala naman siyang dapat gawin.

Agad siyang nagbihis at nagtungo sa study table dahil tinambakan sila ng maraming gawain ng kanilang mga Professors.

"Tsk, is this hell?" Tanong niya sa sarili nang makita niya ang kaniyang gagawin na nakalista sa kaniyang Journal. Nagunat unat muna si Hillary bago sinimulan ang mga assignments niya.

Natapos niya na ang tatlong essays na pinagawa ng Professor niya sa iisang subject lang. Maya maya ay nagring ang cellphone ni Hillary na iniwan niya sa kama para less distraction ngunit tumayo siya upang kuhain ito at sagutin,

"Ano?" Bungad ni Hillary sa telepono.

"Ay, galit!" Mapangasar ang tono ni Ace matapos niyang marinig ang boses ng pinsan niyang babae.

"What do you want? Sa dami ng gagawin ko nangiistorbo ka talaga, ano?" Inis na bulyaw ni Hillary sa kabilang linya.

"Aray! Ang sakit sa tenga, gusto ko lang naman tanungin kung anong paborito mong kulay huhuhu." Sagot ni Ace sa pinsan habang nakangiti sa dalawa niyang kaibigan na ngayon ay kaharap niya. Oo, natuloy ang plano nilang tulungan si Art kung 'Paano manligaw'

Umirap si Hillary, "Any pastels color, why do you mind?"

itinaas ni Ace ang kanang kamay niya at malaking ngumiti 'saka nagthumbs up sa harap ng mga kaibigan niya, "Okay, thanks couz!"

"Ace kung ano man 'yang kalokohan na naiisip mo sana lang tigilam mo na! Mag-aral kang dupang ka." Papatayin na sana ni Hillary ang call ngunit,

"Galing sa ibang bansa pero kung makapag salita akala mo naman lumaki ng skwater!" Si Ace na ang pumatay ng tawag. Nakangiti siyang bumalik sa kaniyang mga kaibigan at nagsimula na silang magusap usap.

Samantalang si Hillary ay nagkibit balikat bago itinuloy ang mga hindi niya pa nagagawang assignments.

Sa kabilang banda ay sina Ace, Art at Axel na kanina pa naguusap usap kung paano liligawan ni Art si Hillary. Dahil sa totoo lang ay hindi naman nanligaw si Art sa nauna niyang girlfriend.

"Tsk, ang korni niyo talaga!" Umirap si Art sa dalawa nang marinig niya ang suhestyon nila tungkol sa paano kukuhain ang loob ni Hillary.

"Love letters? Chocolates? Ew! That's so korni, kayo nalang total kayo rin naman may gusto. Pwede namang ihatid sundo, kakain sa labas, bibigyan ng flowers! Kailangan ba talagang may love letter na nakasulat sa papel na kulay pink---" Pagdadaldal ni Art sa harap ng kaniyang mga kaibigan.

"Hephep" pagputol ni Axel kay Art, "Alam mo ba na ang gan'yan ang mga type ng babae ngayon?"

"Oo nga, maniwala ka riyan kay Axel, alam mo na 'yan babaero." Bakas sa mukha ni Ace ang pakla na nararamdaman niya para sa kaibigan.

"Katulad lang naman ng ibang badboy na babaero 'yan si Axel, tsk." Dagdag pa ni Ace.

Nasa kwarto sila ni Ace. Katulad ng bahay nila Liliana ay ganoon din kalaki ang bahay nila Ace sapagkat regalo ito ng kanilang grandparents sa kanilang parents, ito ang naging way nila upang hindi makainggitan, fair nilang hinati lahat ng kanilang ari-arian para sa kanilang mga anak. Dalawa lang naman ang anak ng mga Manuel. Para sa kaalaman ng iba, isa sila sa pinaka mayamang pamilya sa pilipinas. Kung mayroong sampu, sila ang pang-siyam at nasa ikasampu naman ang pamilya ng mga Anderson.

May bar area rin pala sa kwarto ni Ace, kaya napagdesisyonan nila na uminom doon saglit.

"Parang ang cliché ng buhay, ano?" Seryosong sabi ni Axel na nakatingin sa city lights na kitang kita mula sa veranda ni Ace.

Kung lilibutin ang kwarto ni Ace ay puno ito ng itim, gray at white normal na kulay na gusto ng karamihan. May walk in closet, may malaking batthub, may malaking kama at punong puno ng libro ang kaniyang kwarto, kung titignan ay pwede na ito maging library. Sa veranda naman nakalagay ang isang malaking duyan at ang Bar Area. Pinasadya itong ipinagawa ng kanilang grandparents, their grandparents want their grandchild to live in a luxury.

"Oh, bakit ka naman naging seryoso bigla?" Tanong ni Art kay Axel na ngayon ay mistulang nalulunod na sa alak.

"Ahm, wala. The reality just hit. What if one day lahat mawala tapos pera nalang matira, sasaya kaya tayo?" Tanong nito sa mga kaibigan. Nagkatinginan si Ace at Art.

"Hindi natin alam, kahit itong buhay na 'to hindi natin alam kung kailan kukunin." Seryosong sagot ni Ace.

"Hmm, sabagay. Cliché Life, our life is made for our parents, right?" Halata sa mukha ni Axel ang bigat na kaniyang dinadala.

Hindi mawari ng kaniyang mga kaibigan kung may pinagdadaanan ba ito o sadyang nalulunod lamang sa alak. Dahil ganito si Axel, kapag may problema sa alak niya dinadala.

"Tsk, my parents wants me to marry a chinese girl because they said I'm a chinese, see? It's so cliché! Kahit naman may pagkabadboy o kung ano man 'yung brand n'yo saakin, I still want to marry a girl who loves me despite of her ethnicity or race." Kinuha ni Axel ang isang buong wine atsaka ito inilagok lahat.

"But still, I want to follow my parents' order because I respect them the most." Matapos ng pangungusap na ito ay ibinagsak ni Axel ang kaniyang ulo sa lamesa.

"That makes him different." Komento ni Ace na nakatingin sa kaibigan.

"Even though he's branded as a badboy he did nothing but to make her parents proud of him." Dagdag pa ni Art na nakatingin sa kalangitan.

Sa tuwing magkasama silang tatlo ay palagi silang naguusap ng seryoso, tungkol sa problema at kung ano ano pa. Hindi sila tulad ng iba na puro kalokahan lamang ang alam. That makes them different from other people.

They care, respect and love their family despite on what they have. They didn't grew up like other rich kids.

Sorry for the slow update, I'm still preparing for my online class :(( Did you guys wait?

pagibiglycreators' thoughts