webnovel

Chapter Two: The Interview (Part Two)

Elena Kaden

I dragged my ass in my office exactly eight in the morning. Bilang kagalang-galang na may-ari ng Kaden-Kudo, hindi ako puwedeng mahuli sa trabaho. I may sound a little bit arrogant pero never akong na-late ni isang minuto. On or before the said time, nasa executive department na ako. Somehow, nami-miss ko na si Dana. Madali ko siyang nakasundo dahil parehas naming pinahahalagahan ang oras. Wala akong maalala na sinermunan ko siya sa pagiging late niya.

Isa 'yan sa expectation ko sa soon to be assistant ko na maigi kong sasalain mula sa isandaang aplikanteng ni-recruit ng HR kahapon. Bakit gano'n kadami? Kasi mataas ang standards ko at maarte ako.

Don't get me wrong, hindi ako tumitingin sa physical appearance ng isang tao. Binabase ko ang pagpili sa kung paano siya magrespond sa mga itatanong ko. I can give just one or two questions and my decision is based on his answer. 'Pag 'di ko nagustuhan ang sagot, tatatakan ko ng denied ang résumé niya. As simple as that.

Si Vivan ang nag-handle ng mga task ko for today. Tawagan ko lang daw siya kung sakaling magka-problema.

The first applicant entered right away after I give a goal signal from the authorized front desk officer outside. "Good morning, Madam. Heto po ang résumé ko—"

"It's Miss Kaden. You're not supposed to use madam as a conventional term to address a woman in her thirties."

"Yes, Madam—ay, Miss Keylen." Napailing ako sa pagka-dismaya. I read his papers inside the white folder he submitted. Mabilis kong tinatakan ng 'denied' ang kanyang résumé.

"Out," mahina ngunit mariin kong utos sa first applicant. Tila nabingi yata ang hindi narinig ang sinabi ko kaya kinalampag ko ang mesa ko sabay sabing, "Are you deaf or what? I said get out! NEXT!"

Ang ayoko sa lahat 'yong mali-mali sa pagbigkas ng pangalan ko. He just proving to me how stupid he was.

Sunod na pumasok ang pangalawang aplikante and he end up almost the same as the first one.

"Next!"

Third.

"Paano ka nakatungtong dito kung kulang-kulang ang requirements mo? Ni wala ka lang maipakitang ID picture! Out!"

Nineth.

"What the hell is this? A junk? Next!"

Nineteenth.

"You think hindi ko mahahalatang babae ka? You're good in disguising but you can't fool my eyes!" Yes, she's a girl in disguise.

Twenty-nineth.

"Malayo ang sagot mo sa tanong ko. Next!"

Thirty-nineth.

"I like your answer, but you're lack experience on typewriting."

Fifty-nineth.

"Security!" He just tantrumed like a baby and he started to throw my things on the floor.

Seventy-nineth.

"No!"

Eighty-nineth.

"Declined. Next please!"

Ninety-nineth.

"Ano pang kaya mong gawin maliban sa pagd-drowing sa sketchpad at pag-t-type ng documents sa computer?" singkit-mata kong tanong sa ika-99 na aplikante.

Madilim na sa labas at inabot na 'ko ng gabi rito kaka-interview at kaka-reject. Nagpa-putol-putol ako sa pagpapa-pasok ng tao para makapag-pahinga. Salamat sa padala ni Vivian na snacks. Kung hindi baka kanina pa ako namatay sa gutom.

"Kaya ko pong magtimpla ng kape, mag-drive ng sasakyan niyo. Puwede rin niyo akong kuning kusinera sa bahay niyo o labandera—"

Hinagis ko sa direksyon niya ang folder na nasa mesa. "Oh, come on! I need a secretary, not a maid! UMALIS KA SA OPISINA KO BAGO PA MAGDILIM ANG PANINGIN KO!" he left immediately.

Why is this happening? Kaya nga ako tumanggap ng katakot-takot na aplikante kasi daig ko pa ang judges sa mga singing contest tapos 'yong mga susugod sa teritoryo ko mga walang bala? Of ninety-nine people, walang pumasa sa panlasa ko. Puro palpak!

I'm tired and I wanna go home. But I almost forgot na may natitira pang isang applicant—'yong pang-one hundred.

'Di na bale kung gaano siya ka-mangmang o ka-inutil. Pagtiya-tiyagaan ko na lang muna kaysa pumuti ang mga mata ko kahihintay sa wala.

Pumikit ako at huminga nang malalim. Relax, Elena. You're too young to die from stress and heart attack, my mind told me.

Napadilat ako nang iluwa ng glass door ang isang matangkad na lalaking sa tantiya ko ay 5'9" to 6'0" ang taas. Naka-suit and tie, may mustache sa pagitan ng kanyang ilong at upper lip, and I think hindi naglalayo ang aming mga edad. He's probably in his late thirties as well.

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa lalaking may number tag na 100 sa left side ng kanyang black coat.

God, why him?

"R-Richard? Richard Moore?"

Hindi magkamayaw ang puso ko sa magkahalong kaba at gulat nang makaharap ko ang pinaka-walang kwentang taong nakilala ko twenty years ago. I really thought it's over... Bakit pa siya nagparamdam? Nananahimik na ako, eh. I'm completely happy and contented living with my daughter. What's the reason of showing his face in front of me?

I don't understand. Ba't kung kelan maayos na ang buhay ko, saka pa siya magpapakita sa 'kin?

"E-E... E-Elena? I-Ikaw?" Maski siya'y nagulantang din. Sino ba naman kasing mag-aakalang magku-krus pa ang landas namin matapos niya 'kong lokohin at paasahin?

"N-No, no this can't be," I whispered. I tried to blink, thinking that he's just my illusion. But I found myself looking straightly at him with my hands on my mouth.

He's not a ghost nor a lookalike. This guy is definately Richard Moore, the fallen detective and my high school ex-boyfriend.

Nanghihina ako at 'di ko kayang labanan ang pagkatumba ko sa sahig. Bago ako ma-blanko ay nasilayan ko ang kanyang paglapit. I heard him mumble these words straight from his heart.

"Patawad... Elle."

***

My vision is still blurry, but I could see Richard's face covering the light from the ceiling. Unti-unti itong luminaw hanggang sa masilayan kong mabuti ang kanyang mukha. He looks scared. Is this true or he's just pretending to be concerned at all?

"Salamat at nagising ka na," aniya. "Kamusta ang pakiramdam mo? Hinimatay ka kanina sa opisina mo kaya dinala kita agad sa clinic."

O, talaga? Malay ko bang nagsisinungaling lang siya? Maybe someone just entered my office and that person told Richard to bring me here.

Inalalayan ako ni Richard sa pagbangon. I was trying to free his hands from my back, but I can't. May parte kasi ng sistema ko na gustong-gusto pa rin ang haplos niya.

What am I babbling about? I cleared those crazy thoughts on my head.

"Okay ka lang?" nag-aalala kuno nitong tanong.

Mataray ko siyang sinagot. "Knowing my condition is not your responsibility."

Ipinilig niya ang kanyang ulo at bahagyang lumayo ng kaunti. "Ikaw na ngang tinulungan, ikaw pang galit. Ang laki na talaga ng pinagbago mo," bulong ni Richard na halatang sinadya niyang iparinig sa akin.

"Well, I don't need your help. Why you're still here? You should go home and forget everything. Kalimutan mo ang araw na 'to kasi sa totoo lang ako? Ibig-ibig kong ipagdasal na sana, panaginip lang 'to."

"Hindi pa puwede, not unless interview-hin mo 'ko," paghamon niya. "Siyam na oras akong pumila para lang makapagpa-interview. Sayang naman ang porma ko kung ipagtutulakan mo lang ako palayo."

"As if I care. And... seriously are you out of your mind? How can we do the interview if I'm stuck here with you? Hindi ko ugaling magpa-reschedule lalo na kung ikaw lang ang ie-entertain ko!" inis kong sabi.

He chuckled. "Iyon na nga, eh. Tayong dalawa lang ang nandito. O, ayan ang résumé ko. Basahin mo." Sabay tapon niya ng folder na 'di mo malaman kung sinong burara ang may gawa. A fire flamed in my eyes. He never changed ever since! "Huwag ka nang mareklamo. Pinampaypay ko pa 'yan kanina. Ang init kaya doon sa pinagpilahan ko. Buti sana kung airconditioned ang downstairs niyo eh, 'di naman," pahabol niya pa.

Malaki ang department ko but we don't have enough space to get a hundred chairs in one place near my office. So as Vivian suggests, magsisimula ang pila from frontdesk pababa ng hagdan. Madalang lang kasi ang gumagamit ng stairs 'cause you know, modern technology na. One thing I didn't realize is that we forgot to install fans around the area.

Hindi ko pinangahasang buksan ang lukot-lukot niyang folder at siya kong isinampal sa pagmumukha niya. "Ayoko. Kainin mo 'yan kung gusto mo."

He made a shock expression. "Oh? Kinakain na pala ngayon ang folder? Bago 'yon, ah? Anong lasa? Masarap ba? Try ko nga next time—"

I tossed him my pillow which exactly hit his face. "Get out, you moron!"

"T-T-Teka lang! 'Di pa nga tayo nagsisimula, eh! Hoy!" Binato niya sa 'kin pabalik ang unan. Nag-usok ang ilong ko sa galit. Ang kapal!

"If you don't leave, I'll sue you!" I get up and throw him the pair of my shoes. Saktong nasalo ng palad niya ang sapatos ko.

Hinawakan niya ako sa balikat saka pinahiga. Hawak pa rin ni Richard ang sapatos na ibinato ko na para bang ibig-ibig niya akong saktan gamit n'on.

"Sumusobra ka na, ha?! Kung 'di ka lang babae yari ka sa 'kin!" banta niya. Siya pa may ganang manakot!

"Oh, so it's my fault now?" Humagalpak ako ng tawa. "Then do it! Do whatever you want! I dare you! If you're a real man, then show me what you got! I'm not scared. I'm not afraid to get hurt by you. Not again!"

Binitawan niya ang sapatos ko. "Ah, gano'n? Sige, pagbibigyan kita. Tignan natin kung hindi matanggal 'yang yabang mo!"

Nagulat ako nang bigla siyang sumampa sa kama at humiga sa ibabaw ko. He put his hands on my shoulder, stick his body on me as he moved closer to my face. I feel the warm air coming from his nose. Our lips were just few inches apart. Oh no, he's going to kiss me!

"Kung ano man 'yang binabalak mo, hindi ka magtatagumpay!" sabi ko.

Pinipilit kong magprotesta subalit hindi ako makawala sa pagkakakulong. I can't explain the sudden heat when he stares at me. Those eyes... it tells me how this bastard really miss me. He wants to take me somewhere... in a place where only two of us are sharing the most exciting moment...

Why am I talking like this? My lips were pursed, I can't do a single thing, I can't kick this old man's ass off the building. What's going on?

"Simulan na natin ang interview bago pa kita halikan," bulong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

Kusang bumuka ang bibig ko. Elena! Huwag mo ngang patulan ang kalokohan ng lalaking 'yan! He's a twist-minded person! Kaya siguro siya tumigil sa pagiging detective ay dahil sira ulo siya!

"A-Anong... Anong meron sa April 2?"

Iyan ang tanong na tanging si Richard lang ang makakasagot. There would be no reason for him not to answer my question, unless he's not the Richard Moore that I know twenty years ago.

"Hmmm..." saglit siyang natigilan at napaisip. Nang lumaon ay nakita kong itinukod niya ang isang kamay sa kama habang 'yong isa nama'y nasa pisngi ko.  He gently cupped my face, rubbing his thumb on my cheek. "Iyon ang araw ng graduation natin, 'di ba? At... 'yon din ang araw na... pinili ko si Chris kaysa sa 'yo."

"You're right. That was the day you fool me." Pumikit si Richard nang mariin, animo pinipigilan ang sarili na lumuha. "Nagsisisi ka yata? Pwes, huli ka na. You can't change what happened for the past two decades. Look at me," I commanded. "Ikaw ang may gawa sa akin nito kaya ako naging matapang at nagkaroon ng magandang buhay."

"'Di ko intensyong saktan ka, Elena. Gulong-gulo lang ako noon."

I rolled my eyes. "Kalokohan."

"Kalokohan na kung kalokohan pero 'yon ang totoo," aniya. "At patutunayan ko sa 'yo na nagbago na ako. Basta bigyan mo lang ako ng isa pang chance."

Ako'y napabuntong hininga sa mga pinagsasabi ng taong 'to. Everyone deserves a second chance, but not this person. Hindi naman ako Diyos para 'di magpatawad pero 'yong pangalawang pagkakataong hinihingi niya, hindi ko kayang ibigay.

Kasi natatakot ako na masaktan ulit.

"I wouldn't have hired you if I didn't need an assistant. To tell you frankly, among one hundred applicants, you're the worst. However, I'm still hoping for your best behavior. Ayokong mapahiya sa ibang tao. Naintindihan mo ako?"

Nag-puppy eyes siya. Idiot. "Ibig-sabihin ba niyan—"

"Yes, you're hired."

"Woooo! Yes! Sa wakas, may trabaho na ako!" Tumili ako matapos akong yakapin ni Richard at lumipat sa ilalim ko. Bale ako naman ang nasa ibabaw niya.

Sinampal ko siya nang malakas. "Aray!"

"Job is the only thing I can give to you. No more second chances," paglilinaw ko.

May dumaang sakit sa mga mata ni Richard. Kalaunan ay pinilit niyang ngumiti kahit deep inside alam kong tagos sa puso niya lahat ng lumabas sa bibig ko.

"Ayos lang. Lahat ng tao, may karapatang magbago."

Huh?

"What do you mean?" Bago pa siya makakibo ay suminghap ang nurse na kapapasok lang sa klinika.

And we're in unexplainable position.

"M-Miss K-Kaden? S-Sir?" anang nurse na balak-balak yatang tumakbo palayo sa amin ni Richard. "N-naku, pasensya na po sa abala! Aalis na po ako!"

"Wait, Nurse Hannah! Hey!" pahabol ko pero naisara na niya ang pinto. Argh!

I know her. She and my best friend Vivian are very close at napaka-tsismosa nito. For sure makakarating 'to kay Vivian na kesyo nagla-love making kami ni Moore. My concern is not of what will be her reaction. Ang kinababahala ko ay makaisip siya ng scheme para ipares ako sa hinayupak na matandang 'to.

Madalas niya kasi akong kinukulit na mag-asawa na. Siya rin ang number one fan ng aming loveteam noon. Palibhasa nakapag-asawa nang maaga. Well, magkaiba kami at ayoko nang magmahal muli. Sakit lang 'yan sa ulo.

I beat him in his chest. "Kasalanan mo 'to, eh!"

"Sorry na!" He said, pouting.

"You, childish perverted old man! 'Di mo pa man first day, namumuro ka na!"