webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 9:ZHOE FEI

Mula sa tulong ng pamamaraan na natutunan ni Yun ay hindi na siya nahihirapan pa.Hinati niya lang naman ang kanyang pag-iisip sa dalawa para gawin ang pagpapa-init ng cauldron at pag-absorb ng enerhiya.

"Ang pamamaraang ito ay sobrang nakakatulong sa akin.Salamat sa Dragon Hermit Emperor."galak at saya ang nararamdaman ni Yun.

"Tapos na rin."sa wakas at natapos na ni Yun ang pagpapa-init sa cauldron at sa loob nito ay nagbabaga.Pinunasan ni Yun ang ilang butil ng pawis sa kanyang mukha.Ito na rin ang pinakakritikal na parte ng pagbuo ng potion dahil dapat na mas magaling at maingat ka sa pagkontrol ng alchemy flame mo kundi ang pinaghirapan mo ay masasayang lang.

Hindi parin pinapatay ni Yun ang kanyang alchemy flame dahil natatakot siya na magkamali.

"Sa tulong ng pamamaraan at technique ng Dragon Hermit Emperor ay may limampung porsyento ako na magtagumpay.Kalimitan ay may isang porsyento lang para sa mga ordinaryong alchemist at sampung porsyento naman para sa mga talentado."kung malalaman lang ng ibang cultivator na may ganitong pamamaraan at technique si Yun ay baka hindi na magiging payapa ang buhay niya dahil hahabulin siya ng mga ito para lang makuha ang pamamaraan na ito sa kanya.

"Pero hindi parin ako sigurado kung makakabuo ba ako dahil ito palang ang una kung subok.Kung magkamali man ako ng isa o dalawa ay ayos lang dahil marami naman akong nakolektang sangkap kamakailan."tumingin siya sa mga sandamakmak na sangkap sa kanyang tabi.

Isa-isa ng ipinapasok ni Yun sa cauldron ang mga sangkap at nahihirapan na naman siya sa pagpapanatili at pagkontrol sa kanyang alchemy flame dahil sa pag-iingat niya na baka siya at magkamali.

Lumipas ang mahigit kalahating oras ay tuluyan ng naging likido ang lahat ng sangkap maliban sa Azure Wood Leaves na buo pa at lumulutang.

"Bakit parang hindi natutunaw ang dahon na ito?"Hindi naman naiinip si Yun pero nahihirapan na kasi siya.Mahigit sampung oras niyang pinanatili ang kanyang alchemy flame kaya nanghihina na siya.

Limang oras pa ang lumipas at tuluyan ng natunaw at naging likido ang Azure Wood Leaves."Ganon katagal matunaw ang dahon na iyon."sobrang hina ng katawan ni Yun pero napapanatili niya parin naman ang kanyang alchemy flame pero hindi na maganda ang kanyang pagkontrol.

Gagamitin na niya sana ang kanyang pamamaraan at technique para tanggalin ang mga dumi sa natunaw na mga sangkap pero bigla siyang nahilo at nawalan siya ng kontrol sa kanyang alchemy flame kaya sumabog ang cauldron pero buo parin naman ito at ang likido naman sa loob nito ay nagkalat sa paligid.

Napalipad naman si Yun ng ilang metro at napahiga.

"Gaya ng aking inaasahan,HAHAHAHA."napatawa nalang si Ilpyo.Kahit na buong konsentrasyon na ang kanyang ginawa ay hindi parin ito naging sapat at nagkamali siya.Nawalan na siya ng malay at tuluyang nakatulog.

Habang nakatulog si Yun.Sa bayan ng Heavenly Blossom Province ay may nagaganap na duelo.Ang magkalaban ay isang lalaki at isang babae.

Napakaraming tao ang nasa paligid na nanood sa nagaganap ng duelo.

"Zhoe Fei,tuparin mo ang pangako mo pag natalo kita."bulalas ng binata habang sila ay nagpapalitan ng atake.Kita sa mata ng binata ang pananabik at parang napasakamay na niya ang tagumpay.Si Zhoe Fei ay isang disipulo ng Zhoe Clan at napapabilang siya sa limang talentadong kabataan sa kanilang angkan.Anak rin siya ng second elder ng Zhoe Clan na si Zhoe Ming.

"Hindi mo ako matatalo Zhao Meng."napakalambot ng kanyang boses.Ang binata ay si Meng na kapatid sa ama ni Yun.

Matagal ng may gusto si Meng kay Fei at palagi niya itong kinukulit pero hindi siya pinapansin ng dalaga pero ngayon ay hindi na nakatiis ang dalaga at pinatulan na niya si Meng.Nagkasundo silang tapusin ito sa isang duelo.Kung matalo man si Zhoe Fei ay magiging babae siya ni Meng at kung matalo naman si Meng ay hihinto na ito sa pangungulit sa kanya.

"Iba talaga pag-umibig ang isang lalaki,gagawin niya ang lahat para lang makuha ang babae."

"Sa ganyang ganda naman kasi ay kahit sinong lalaki ay mapapaibig.Kung hindi lang ako matanda ay baka napa-ibig na rin ako."

"Ako rin."

"Parang pantay lang ang kanilang lakas.

"Malas ni Zhoe Fei kung matatalo siya."

Iba't ibang bulungan ang maririnig sa paligid.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay tumilapon si Zhao Meng at may natamo itong sugat sa kanyang dibdib.

Nagulat ang lahat sa nangyari.

"'Paanong?"nahihirapang umupo si Zhao Meng.

Parehong level 10 bronze rank ang dalawa.Kahit na magkapareho sila ng level at ranggo ay natalo parin si Zhao Meng dahil magkaiba sila ng pamamaraan ng pakikipaglaban at mga technique na ginagamit at mapapansin na mas bihasa at mas magaling sa paggamit ng mga technique na ito si Fei batay sa resulta ng duelo.

"Talo ka,simula ngayon ay tantanan muna ang paglapit sa akin kung hindi makakatikim kana talaga sa akin."pagkatapos niya itong sabihin ay naglakad na ito.Gumilid naman ang mga tao para bigyan siya ng madadaanan.

"Napakalakas talaga ni Zhoe Fei."

"Nakita niyo ang nangyari diba?"

"Malamang may mga mata rin kami."

"Ang ginamit niyang atake kanina ay ang technique ng Zhoe Clan diba,Ang Meteor Sword Slash?"

"Tama ka iyon nga dahil minsan ko na itong nasaksihan noong may naganap rin na duelo sa pagitan ng dalawang elder ng Zhoe Clan at Yang Clan."

"Ang akala ko sabi-sabi lang ang lakas nito pero pinatunayan ito ni Zhao Fei."

Umingay na naman ang paligid dahil sa nangyari.Marami ang napatingin kay Zhao Meng na may naaawang ekspresyon pero mayroon ding iba na parang gusto nila ang nangyari sa binata.Kasalukuyan parin itong nakaupo at ang tingin nito ay nasa direksyon kung saang direksyon nagpunta ang dalaga.

"Kung sa tingin mo ay ganon na lang kita kadaling sukuan ay nagkakamali ka.Makukuha rin kita sa ayaw at gusto mo."naglabas siya ng isang bote na may lamang recovery potion at saka niya ininom.Tumayo na siya at napatingin sa paligid.Umiwas ang lahat ng tao sa kanyang tingin dahil sa takot na sila ang mapagbuntunan ng galit ng binata.Hindi sila natatakot sa binata pero natatakot sila sa kanyang kinabibilangang angkan.Suminghal siya at tuluyan ng umalis.Lumuwag na ang lugar ng pinangyarihan ng duelo.Umalis na rin ang mga tao at nagsibalik sa kanilang mga ginagawa.

Ilang oras lang ang lumipas ay kumalat na ang balita na natalo si Meng kay Fei.Nabalitaan na din ito ng Zhao Clan.

"Anong pinaggagawa mo Meng."napapagalitan ngayon si Meng ng kanyang ama.Mababakas ang galit batay sa pananalita nito.

"Di ko akalain na mas malakas siya sa akin."nakaupo lang ito at nakasimangot na parang walang pakialaman.

"Hindi iyon ang pinupunto ko.Bakit kailangan mo siyang labanan,alam mo naman na puspusan ang pagpapalakas ng lahat ng kabataan para makakuha ng pwesto sa paligsahan pero sinasayang mo ang oras para sa ganyang walang kwentang bagay."

"Hindi iyon walang kwenta ama dahil gusto ko si Fei at dapat na makuha ko siya.Sisiguraduhin ko rin na makakakuha ako ng pwesto kaya wag kang mag-alala."tumayo na siya at lumabas ng kanilang mansyon.Umiling nalang ang kanyang ama dahil sa katigasan ng ulo ng kanyang anak.

Sa angkan ng Zhoe Clan.Nakauwi na si Fei.Nabalitan na rin nila ang pangyayari.

"Di ko akalain na matatalo mo ang aroganteng iyon Fei."isang maskulado at matangkad na binata ang nakaupo sa harapan ni Fei.

"Arogante lang siya pero pabaya pero wag mo siyang mamaliitin dahil alam kung hindi pa iyon ang totoo niyang lakas Xhiao"umiling iling si Fei at ang lalaking kausap niya ay nagngangalang Zhoe Xhiao.Mas mahina siya kay Fei dahil nasa panglimang pwesto lamang siya at si Fei at pang apat.

Ang limang henyo ng Zhoe Clan ay pareho-parehong nasa level 10 bronze rank pero magkakaiba ang kanilang karanasan at kasanayan kaya magkakaiba ang kanilang lakas.

"Hindi ko siya minamaliit,pero alam kong pagtatawanan siya ni senior Ling."Ang Ling na tinitukoy niya ay ang binatang pinakamalakas sa limang henyo sa kanilang angkan at siya ang nasa unang pwesto kaya naman maraming babae sa kanilang angkan at sa ibang angkan ang nahuhumaling at nagkakagusto sa kanya pero walang nagugustuhan dito si Ling dahil si Fei ang gusto niya at hindi na ito sikreto sa kanilang angkan pero gaya ni Meng ay hindi rin siya pinapansin ni Fei.

Si Zhoe Ling ay ang bunso sa dalawang anak ng patriarch ng Zhoe Clan.Siya ang pinaka-talentadong kabataan sa kanilang angkan,kinakatakutan siya ng ilang kabataan dahil sa marahas nitong pamamaraan sa pakikipaglaban pero hinahangaan parin siya ng iba dahil malakas ito.

Sinasabi ng lahat na ang makakasabay lamang sa kanyang lakas ay si Zhao Qin na pangatlong anak ng patriarch ng Zhao Clan at si Yang Zenon ng Yang Clan na anak ng ordinaryong mamamayan ng Yang Clan.

Hindi pa naman naglalaban-laban ang isa't isa kaya hindi pa napapatunayan at ang sabi-sabing ito ay isa palang teorya.Pareho silang tatlo na level 10 bronze rank at sobrang lapit na nila para maabot ang susunod na ranggo.

"Maiwan na kita diyan.Magcucultivate na ako."tumango nalang si Fei at saka umalis ang binata.