webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 10 : THE BLACK SACRED ROBE AND WHITE STONE SWORD NECKLACE

Lumipas na naman ang apat na araw.Tuluyan ng nakalimutan ng ibang tao ng nangyaring duelo kamakailan pero may isang tao ang sariwa pa sa kanya ang pangyayaring ito.Ito si Zhoe Ling na kakalabas lang sa kanyang tagong seklusyon at ngayon niya lang napag-alaman ang pangyayari.

"Wala ng magiging sagabal pa para mapasa-akin si Fei.Pero kahit na meron may ay mawawala sila sa aking landas"inilabas niya ang kanyang awra at hindi na ito ang dati niyang awra dahil mas lumakas na ito.

Nasa tago siyang seklusyon sa nagdaang limang buwan at lumabas na siya dahil nakatapak na siya patungo sa susunod na ranggo na mula sa dating ranggo niya na level 10 bronze rank patungo sa level 1 silver rank.Pinapatunayan niya na siya talaga ang pinaka-talentado at hindi mawawala sa kanya ang pwesto na nauunang henyo sa kanilang angkan.

Sa gitnang bahagi ng Azure Dragon Forest sa ibaba ng bangin ay may isang binata na walang malay at may maruming damit.Ito si Zhao Yun na nakatulog ng apat na araw dahil sa pagod na nakuha niya sa pagkabigo sa pagbuo ng thunder flame potion.

Wala paring senyales na magigising siya.Ilang minuto pa ang nakalipas ay bigla nalang umilaw ang kwintas na nakasuot kanyang leeg.Si Yun naman ay walang kamalay-malay sa nangyayari sa kanyang kwintas.

Ang kwintas na ito ay ang dimensyon na namana ni Yun mula sa Dragon Hermit Emperor.Tinatawag itong White Stone Sword Necklace na ang mismong gumawa ay ang Dragon Hermit Emperor.Ang lahat ng pag-aari at kayamanan ng Dragon Hermit Emperor na naipon niya noong nabubuhay pa siya at naiwan niya noong namatay siya ay nasa loob ng kwintas na ito at sa ngayon ay pagmamay-ari na ni Yun.Napakaraming iba't ibang uri ng kayamanan,pills,potions,cultivation method books,spirit fruits,accessories at marami pang iba sa loob nito at may ilan ding royal grade.Kung malalaman ng mga tao ang mga napakaraming kayamanan na ito ay hindi sila magdadalawang isip na kuhain ito mula kay Yun at kahit na ang kwintas palang ay isang royal grade na e paano nalang kung ang laman nito.

Nakita na rin ni Yun ang ilan sa kayamanang ito at mas lalo pa siyang magugulat kung malalaman niyang naka-seal ang iba pang kayamanan.Masyado pang mahina si Yun para mawasak ang mga seal na iyon.Hindi parin naman niya nalalaman na ang kwintas na ito ay ang kanyang na-manang dimensyon.Ang kwintas na ito ay may simpleng itsura pero ang kwintas na ito ay isang royal grade accessories.Sa Saint God Realm ay isang alamat lang ang ang ganitong kayamanan dahil mahigit milyong-milyong taon na ang lumipas ng lumitaw ang ganitong kayamanan.Ilang tao at angkan ang matagal na naghanap sa mga maalamat na kayamanang ito pero lahat sila ay nabigo.Dahil sa tagal ay nawalan na sila ng pag-asa at inisip nila na nawala at nabura na ang ganitong uri ng kayamanan sa mundong ginagalawan nila.

Humupa na ang liwanag at mapapansin sa kwintas na may nabuo ditong pendant na may hulmang maliit na espada at may maliit na puting bato sa gitna ng espada na ito.

Humiwalay ang puting bato at lumutang ito sa tabi ni Ilpyo.Lumaki ang puting bato at naghulma itong parang pintuan.May lumabas ditong isang bagay, isang roba.

Lumutang ang katawan ni Yun pero hindi parin siya gising.Bigla nalang nawala ang lahat ng saplot niya at napalitan ito ng bago.Lumapit ang itim na roba sa kanya at kusa itong sumuot kay Yun at saktong-sakto ang roba kay Yun.

Bumalik na sa pagkakahiga si Yun pero hanggang ngayon ay wala parin siyang malay.Lumiit na rin ang puting bato at bumalik sa dating anyo.Bumalik na ito sa gitna ng maliit na espada.Umilaw ulit ang kwintas pero sandali lang.Bumalik na sa dati nitong itsura at nawala na ang pendant nitong maliit na espada.

Ang roba na nakasuot kay Yun ay napakasimple, walang kadise-disenyo at may kulay itong itim pero sa simple nitong itsura ay isa rin itong royal grade accessories kagaya ng kwintas ni Yu .Ang robang ito ay tinatawag na Black Sacred Robe at kung makikita ito ng ibang tao ay sasabihin nila na isa lamang itong ordinaryong roba dahil hindi nila mararamdaman ang kalidad nito at dahil narin sa simple nitong itsura.Isa rin ito sa mga kayamanan na nakita ni Yun noong nasa loob siya ng dimensyon pero hindi niya ito pinansin noon dahil gaya ng iba ay iniisip niya na isa itong ordinaryong roba lamang.Ang robang ito ay isa sa iilang royal grade na lumitaw milyong taon na ang nakakalipas.

Muling lumipas ang ilang oras at tuluyan ng may senyales na magigising si Yun dahil gumalaw ang talukap ng kanyang mata.

Na-imulat na ni Yun ang kanyang mga mata at iba ang pakiramdam niya dahil parang lumakas ang kanyang katawan at kapangyarihan.

Pinakiramdaman at inilbas niya ang awra ng kanyang ranggo at bigla na lang siyang napatayo.

"Level 1 silver rank? Papaanong?"nagulat siya sa kanyang nalaman."Huh?Ano naman ito."tumingin siya sa kanyang katawan at napansin na rin niya ang robang nakasuot sa kanya at nag iba na rin ang kanyang mga kasuotan.

"Anong nangyari?"naguguluhan siya at di malaman ang pangyayari habang siya ay nakatulog.

"Bata,ang robang nakasuot sayo ay isa sa mga kayamanan na namana mo kay master.Naabot mo na ang kailangan para magamit ang kayamanang ito."may narinig siya sa kanyang isip at pamilyar sa kanya ang tinig na ito.

"Ikaw,nasaan ka?"sumagot siya gamit ang kanyang isip.

"Nasa katawan mo na ako kasama ang ibang remnant thought soul ng aking master."

"Sa katawan ko?Papaano kayo napunta sa katawan ko."

"Noong nakapasok ka sa dimensyon ay hindi mo nakayanan ang kakaibang enerhiya nito sa loob kaya nawalan ka ng malay.Sa oras rin na iyon kami pumasok sa iyong katawan."

"Ganoon pala.Bakit naman kayo pumasok sa aking katawan?"

"Bawat isa sa aming remnant thought soul ni master ay makakatulong sayo at dahil ikaw ang tagapagmana ay dapat lang na tulungan ka namin."

Tumango tango nalang si Yun sa kanyang nalaman at itinaas niya ang kanyang dalawang kamay.

"Alam mo ba kung paano tumaas ang aking level at ranggo at ano itong robang ito?"

"Magkaugnay ang pagtaas ng level at ranggo mo sa robang ito dahil ang robang ito ay si master ang gumawa at kung bakit tumaas ang iyong antas at ranggo, isa lang ito sa epekto ng robang ito at sa hinaharap ay may matutuklasan ka pang iba.Ang robang ito ay tinatawag na Black Sacred Robe at isa itong kayamanan na walang kapantay."narinig ng mabuti si Yun at gulat na gulat sa kanyang nalaman.

"Itong robang ito ang may gawa?Kayamanang walang kapantay?Bakit hindi ko maramdaman ang kalidad at grado ng kayamanang ito?"sunod-sunod na tanong ni Yun.

"Ikaw mismo ang tumuklas sa bagay na iyan dahil ikaw na ngayon ang nagmamay-ari sa kayamanang iyan at matutuklasan mo ito sa takdang panahon."napangiwi nalang si Yun.

"Salamat ."wala na siyang nahintay na tugon.

"Hindi na baleng hindi ko pa malaman sa ngayon kung ano pa ang kakayahan ng robang ito dahil matutuklasan ko rin namn ito sa hinaharap basta ito ay aking paghihirapan."palaisipan parin sa kanya kung ano pa ang tinatagong sikreto ng roba.

"Dahil kakatapak ko lang sa ranggong silver ay matatagalan ulit bago ako tumuntong sa susunod na antas.Kailangan ko munang sanayin ang lakas kong ito."pinakiramdaman at inilabas niya ang kanyang awra.

"Sa ngayon makakagamit na rin ako sa wakas ng ilang skills mula sa aking cultivation method."mabilis na pinagana ni Ilpyo ang kanyang cultivation method at sa sandali ding iyon ay may mga impormasyong pumapasok sa kanyang isip.

"Heavenly Dragon's roar."isang skill na may lakas ng isang dragon at isang sound type skill.(Heaven Grade)

"Chaos Dragon Claw."mapaminsalang atake na maihahalintulad sa kuko ng isang dragon.(Heaven Grade)

"Dalawa ?Dalawang Heaven grade skill ang skill na pwede kung matutunan?"gulat na gulat si Yun dahil m

kahit dalawa lang ang kanyang pwedeng matutunan ay mga heaven grade ang mga ito.Nahahati sa apat na grado ang mga skill.Yellow Grade,Black Grade,Earth Grade at Heaven grade at nahahati rin ang mga ito sa apat na kategorya ang low tier,mid tier ,high tier at ang peerless tire.

Napatango nalang sa gulat si Yun dahil sa mga skill na pwede niyang matutunan.

Habang nakaupo si Yun ay meron siyang naalala"Dahil silver rank na ako ay hindi na ko na magagamit ang thunder flame potion kahit na tagumpay ko itong mabuo."lumapit nalang si Yun sa cauldron at mga sangkap at inilagay niya ito sa kanyang interspatial ring.Wala na siyang balak na bumuo pa dahil wala na din naman itong kwenta sa kanya.

"Nasa initial stage na ako sa copper fist at elementary naman sa copper body.Ito nalang muna ang pag-aaralan ko bago ang mga skills ng cultivation method ko."