webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 8: THUNDER FLAME POTION

Isang binata ang dahang-dahang iminumulat ang kanyang mga mata.Nakahiga ito sa isang malapad at malaking bato sa isang kweba sa ilalim ng isang bangin.Ang binatang ito ay Yun na kakabawi lang ang buo niyang lakas makalipas ang isang araw.

"Malakas na muli ako."umayos ng upo si Yun at tumingin sa isa pang bato na may mga sangkap at nakita niyang walang nawala sa mga sangkap at kumpleto parin ang mga ito.

Lumapit siya sa mga sangkap at kinuha niya ang cauldron.

"Subukan natin."pinagana niya ang kanyang alchemy fire at may lumabas sa kanyang hintuturo na puting apoy.

"Batay sa mga impormasyon sa alaala ng matandang iyon,kinakailangan ko munang painitin ang cauldron."

"Huh?"Sampung oras?bakit ang tagal?"halos lumuwa na nag mga mata ni Yun sa gulat.

Sa alchemy kasi ay kung ano ang grado ng iyong alchemy flame ay ganon din katagal ang pagpapainit sa iyong cauldron.

Dahil isa palang na grade 10 alchemist si Yun ay kinakailangan niya ng sampung oras para painitin ang kanyang cauldron.

Wala namang magagawa si Yun sa kanyang natuklasan dahil kung gusto niyang mapabilis ang pagpapainit ay kailangan niya munang magpataas ng grado sa pagiging alchemist at magagawa niya iyon kung mataas na ang kanyang antas at ranggo.

Pinatay muna ni Yun ang kanyang alchemy flame.

"Anong potion ba ang magandang gawin para makatulong sa akin."mula sa isip ni Yun ay may hindi mabilang na iba't ibang potion at pill formula ang nasa kanyang isip."Ang hirap naman pumili sa sobrang dami."sa sobrang dami nito ay hindi agad makapili si Yu..

"Hmm,thunder flame potion?Ito na nga."ito ang potion na napiling gawin ni Yun.

Ang thunder flame potion ay isang uri ng grade 10 potion pero may mataas itong kalidad.Sa hindi mabilang na dami grade 10 potion ay mairaranggo ang thunder flame potion sa unang ika-sampu dahil sa kalidad, tindi at napakalakas nitong epekto sa cultivator na gagamit sa potion.

Mga bronze rank lamang ang pwedeng gumamit sa thunder flame potion dahil kung isang silver rank ang gagamit nito ay masasayang lang dahil wala ng bisa ito sa kanila.Naisadya ang potion na ito para mas mapadali ang pagpapataas ng antas ng isang bronze rank.

Para sa cultivator na may ordinaryong talento na gagamit sa potion at karaniwang isang level lamang ang maidadagdag sa kanilang lakas pero pag isang cultivator na may likas na talentado ang gagamit nito ay magiging dalawa o tatlong level ang maidadagdag sa kanyang lakas.

Ang isa pang maganda at kakaibang epekto ng thunder flame potion ay may limampung porsyento ng tyansa na magtatagumpay ang cultivator na may level 10 bronze rank papunta sa level 1 silver rank.Ito ang dahilan kung bakit nairaranggo ito sa unang ika-sampu.

Sa buong Dark Draconic Palace ay walang alchemist ang may kayang bumuo ng thunder flame pill.Dahil nairaranggo ito sa ika-sampu ay napakaliit lang ng tyansa na mabuo ito ng ordinaryong achemist.Mayroon lamang isang porsyentong tyansa na mabubuo ito ng isang ordinaryong alchemist.Hindi sa walang alchemist ang makakagawa nito dahil may mga talentadong alchemist ay may kakaibang pamamaraan at technique para mapataas ang porsyento ng tyansa na mabuo ang potion na ito.Ang mga alchemist na ito ay talentado na kayang itaas hanggang sampung porsyento ang tyansa.Sampung porsyento lang dahil ito na ang pinakalimitasyon.

"Hindi ko alam kong talentado ba ako o hindi pero sa tulong ng alaala ng matanda na naipamana sa akin ay alam ko na lalakas ako."dahil nakapili na si Yun ng bubuoin niyang potion ay pinagana niya ulit ang kanyang alchemy fire.

Ipinatong ni Yun ang cauldron sa batong kanyang nag-tulugan at saka niya sinimulang painitin ang cauldron.

Habang pasensyadong nagpapainit ng cauldron si Yun ay may limang kabataan at isang matanda malapit sa bangin ang kasalukuyang nakikipaglaban sa isang level 1 silver rank Jade Claw Rat.Mga bronze rank lang mga kabataan pero nakakasabay sila sa halimaw dahil sa suporta ng matanda na isang level 5 silver rank.

Ang mga kabataan at matandang ito ay hindi nagmula sa Heavenly Blossom Province.Sila ay taga ibang Probinsya na tinatawag na Shadow Blizzard Province.

Natumba na ang Jade Claw Rat at tuluyan na itong napatay ng mga kabataan.

"Natapos rin. "

"Salamat sa tulong mo elder Kian."

Kasalukuyan kasing nagsasanay ang mga kabataan at ang matanda naman ay ang kanilang gabay at protektor para walang masamang mangyari sa kanila.

"Mga young master,kailangan na nating bumalik sa ating angkan.Dalawang-araw na pakikipaglaban ang ating ginawa at sa nakikita ko ay pagod na kayo.Sigurado naman ako na sapat na ang karanasan ninyo dito para mas lumakas kayo.Kailangan nyo lang ng panahon para makamit niyo ito.Pagbabayarin pa natin ang Ouyang Clan dahil sa ginawa nila sa ating angkan."may halong galit, sakit at paghihinagpis ang matanda habang siya ay nagsasalita at hindi rin maganda ang ekspresyon ng limang kabataan.

"Oo nga, kailangan ko na din magcultivate dahil nararamdaman ko na makakatapak na ako sa susunod na antas.Pagbabayarin pa natin ang Ouyang Clan sa pagpatay sa aking ama."isang gwapong binata ang lumapit sa elder at ramdam sa kanyang boses at determinasyon na magpalakas.

"Gusto ko ng kumain."napahawak naman sa kanyang tiyan ang maliit at may katabaan na lalaki.

"Puro pagkain nalang ang nasa isip mo,ikaw pa din naman ang siyang may pinakamaliit na ambag sa lahat ng ating laban.Ikaw din ang pinakamahina sa atin kaya ikaw dapat ang mas magsumikap para naman may maitulong ka sa gagawin nating pagsingil sa Ouyang Clan."napailing naman ang isa pang payat at may katamtamang laki na lalaki.Sinamaan naman siya ng tingin ng matabang lalaki pero hindi na nakipagtalo pa.

Ang dalawa pang natitirang kabataan ay mga babae at hindi na sila nagsalita pero makikitaan sa kanilang ekspresyong ang pagod.Napakaganda nilang dalawa at magkamukhang-magkamukha at kung wala lang sana ang nunal ng isang babae ay baka di mo na matukoy kung sino sa kanila ang hinahanap mo,kambal ang mga babaeng ito.

"Tayo na."bumalik na sa dati ang ekspresyong ng matanda.Nauna nang umalis ang elder at sumunod naman sa kanya ang limang kabataan.Papunta sila sa direksyon ng kung nasaan ang bangin.

Nakarating na sila sa paanan ng bangin at nakatingin silang lahat sa ibaba ng bangin.

"May bangin pala sa kagubatang ito."

"Sobrang lalim naman ng bangin na ito."

"Bakit wala akong makitang kahit ano."Sobrang dilim ng ibaba ng bangin dahil napakalalim nito.

Gaya kanina ay tahimik parin ang dalawang babae at para wala silang pakialam kung bakit may bangin dito.

Ang matanda naman ay may kakaibang ekspresyong dahil may nararamdaman siyang presensya sa ibaba ng bangin pero napakahina ng presensya na ito.

"May tao ba sa ibaba?"napakunot ang noo ng matanda sa kanyang iniisip pero umiling nalang siya.

"Magpatuloy na tayo."tumingin muna siya sa ibaba ng bangin bago nagsimulang maglakad."Kahit na may tao sa ibaba ng bangin ay hindi ko na problema iyon.Baka nahulog ito at malamang malapit na itong mamatay dahil sa sobrang lalim ng bangin na ito ay sigurado ako na kahit sinong mahulog dito ay hindi na makakaligtas pa."totoo ang sinasabi ng matanda na mamatay ang kahit na sinong mahulog dito pero ang hindi niya alam na ang presensyang naramdaman niya kanina ay pagmamay-ari ng isang tao na may paraan kung paano bumaba at umakyat mula sa bangin at ito ay si Yun na nakatuon lang ang atensyon sa pagpapainit sa kanyang cauldron at kung may halimaw man na umatake sa kanya ay hindi na niya ito mapapansin pa at sigurado na mamatay siya pero hindi naman nababahala si Yun sa paligid dahil alam naman niya na walang halimaw dito sa ilalim ng bangin.

Tuluyan na ngang nakalayo mula sa bangin ang mga kabataan at matanda at naghahanap sila ng lugar kung saan sila pwedeng magpahinga pansamantala.

Hindi naiinip si Yun sa kanyang ginagawa at pasensyado lang itong naghihintay na matapos at kung ang dating Yun lang sana siya ay hindi na niya ito itutuloy pero hindi na siya ang dating Yun,siya na ngayon ang bagong Yun at nagagawa niyang magpasensya dahil naapektuhan na siya ng namana niyang alaala ng matanda at isa pa ay isang dating sundalo si Yu noong nasa planetang earth pa lamang siya at bahagi ng kanyang trabaho ang pagkakaroon ng mahabang pasensya.

Sa loob naman ng kweba.May namumuo ng mga butil ng pawis sa mukha ni Yun dahil sa pagod at pagpapanatili ng kanyang alchemy flame.Mahigit dalawang oras palang ang nakakalipas ng sinimulan niya ang pagpapa-init pero nahihirapan na siya.Hindi pa siya sanay dahil ito palang ang una niyang subok kaya nahihirapan pa siya.Kahit na ganon ay nasa konsentrasyon parin naman si Yun at nakatuon lang ito sa pagpapainit sa cauldron."Napakahirap pala ang pagpapanatili ng aking alchemy flame at mahigit dalawang oras palang ang nakakalipas at kailangan ko pa ng kulang na walong oras."determinado si Yun sa kanyang ginagawa.

Pumikit siya at sinubukan na mag-absurb ng natural na enerhiya ng langit at lupa.Mas gumaan na ang kanyang pakiramdam dahil sa kanyang ginawa.Natutunan niya ang pamamaraan na ito mula sa namana niyang alaala.Ito ang pamamaraan na wala sa ibang alchemist.Ito ang technique ng Dragon Hermit Emperor, ito ang ginagamit niya pag siya ay bumubuo ng mga pills at potion.Sa ngayon ay si Yun na ang gumagamit.