webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 7:THE THREE CLAN

Sa teritoryo ng Heavenly Blossom Province ay mayroong iba't ibang angkan at mahigit kumulang isang daang angkan ay meron dito pero may tatlong angkan na siyang namamahala sa probinsyang ito.Ito ay ang Yang Clan, Zhoe Clan, kasama ang angkan ni Yun na Zhao Clan.Itong tatlong ang pinakamakapangyarihang angkan at nasa kanila ang mataas na awtoridad.Lahat din ng mga ma-impluwensiyang negosyo ay nasa kamay nila, naghahati ang tatlong na ito sa mga negosyo.Ang ibang angkan naman ay ordinaryong angkan lamang ang mga ito at mayroon din silang mga negosyo pero hindi gaya ng mga negosyo ng tatlong angkan na maimpluwensya.

Ang tatlong angkan ay may pare-parehong lakas at kapangyarihan.May alitan ang bawat isa pero hindi ito humahantong sa patayan.Nagkukumpetensya nalang sila sa kanilang mga negosyo at ari-arian.

May kanya-kanyang lupain at teritoryo ang lahat ng angkan pero ang may pinakamalawak ay ang tatlong angkan parin.Napakaliit na lupain lamang ang sakop ng mga ordinaryong angkan.

Ang lupain ng Zhao Clan ay nasa silangang bahagi,kalahati sa direksyon na ito ang kanilang ari-arian.Ang Yang Clan naman sa kanlurang bahagi at gaya sa Zhao Clan ay kalahati rin ang kanilang teritoryo at ang Zhoe Clan naman ay sa timog at ganon din ang kanilang ari-arian.Ang hilagang direksyon ay kung saan nakatira ang mga ordinaryong angkan.Ang lahat ng angkan ay may iisa lang na bayan kung saan nandoon lahat ng uri negosyo at kung saan bumibili ang lahat ng tao,nagkalat rin dito ang mga maliliit na tindahan ng mga ordinaryong angkan kung saan sila nangunguha ng kanilang ikinabubuhay.

Ang malaking ikinabubuhay ng Zhao Clan ay ang pangingisda,pangangaso, pagsasaka at pagtatanim ng mga gulay at prutas.Sila ang may pinakamaraming technique para sa ganitong trabaho,bihasa sila sa mga technique kung paano ang tamang pagtatanim at pagpapalaki sa mga ito.Sila ang nagsusuplay ng pagkain sa buong Heavenly Blossom Province at ito ang dahilan kung bakit makapangyarihang at maimpluwensya ang Zhao Clan.Nasa Zhao Clan ang napakaraming negosyo tungkol sa pagbebenta ng pagkain at sila rin ang may pinakamaraming branch ng restawran.Kilala rin ang Zhao Clan sa iba pang probinsya dahil mayroon din silang ilang branch ng restawran sa iba pang probinsya at nagbabayad sila ng buwis para mapanatili ito.Nakikipagkalakalan rin sila sa ibang probinsya para ipagpalit ang mga naani nilang pagkain para sa kayamanan na kailangan ng kanilang angkan.Ang kasalukuyang patriarch ng Zhao Clan ay si Zhao Yudao pero hindi siya ang pinakamalakas dahil may sabi-sabi na buhay pa ang dating patriarch ng kanilang angkan na si Zhao Lee at naging guardian nila ito at kasalukuyan lang itong nasa tagong seklusyon.Hindi na ito lihim sa iba pero wala paring patunay na buhay pa ang dating patriarch pero walang nangahas kahit na ang dalawa pang malalakas na angkan na sakupin ang angkan ng Zhao.

Ang Yang Clan naman ay ang may pinakamalaking suplay ng mga sangkap,bakal at mga kakaibang bato.Ang angkan kasi ng Yin Clan ay pamilya ng mga minero at pagpapanday.Ang pagmimina at pagpapanday at paghahanap ng mga sangkap ang kanilang trabaho.Sa kanila nagmumula ang mga sangkap,bakal, at mga kakaibang bato na naibebenta sa kanilang bayan.Nasa kanila ang mga napakaraming negosyo tungkol sa bentahan ng mga ito,sila rin ang may pinakamaraming ibinebentang iba't ibang uri ng sandata at kalasag,palamuti at iba pa.Sila rin lamang ang may Weapon Smith sa buong Heavenly Blossom Province at ito ang kanilang grand elder na si Yang Xin na ama ng kasalukuyang patriarch ng Yang Clan na si Yang Shen .Si Yang Xin ay isang grade 8 weaponsmith. Si Yang Xin din ang pinakamalakas sa kanilang angkan at magkasing edad sila ni Zhao Lee na dating patriarch ng Yin Clan at sila ay nasa iisang henerasyon.

Ang Weaponsmith ay isang propesyon kung saan ang isang tao ay may kakayahan sa pagpapanday ng mga sandata,baluti,palamuti ,at iba pa.Para maging isang weaponsmith ay kailangan na may marami kang kaalaman tungkol sa pagpapanday at dapat na may mataas kang pasensya at konsentrasyon sa iyong ginagawa.Hindi gaya ng isang Alchemist na nangangailangan ng alchemy fire at cauldron para makabuo ng mga pills at potion ay naiiba ang pagiging weaponsmith dahil wala kang kailangan na kakaibang bagay kundi ang iyong martilyo at pugon lamang.Pero hindi parin naman maging madali ang pagiging weaponsmith dahil iilan lang ang nagtatagumpay na maging weaponsmith.Nahahati rin sa sampung grado ang pagiging blacksmith mula sa pinakamababa ay grade 10 at ang pinakamataas ay grade 1.Ang palatandaan lang kung paano malalaman ang grado ng isang weaponsmith ay sa pamamagitan ng kanyang gawa.Nararamdaman mo kasi ang kalidad ng kanilang gawa at doon mo lang masasabi kung anong antas ng weaponsmith

Napakaimpluwensya nila dahil may koneksyon rin sila sa nag-iisang Alchemist ng Heavenly Blossom Province na si Lo Zheng.Sa kanila lang naman nanggagaling ang napakaraming sangkap na ibinebenta sa Alchemist Hall.Kahit na hindi sila maimpluwensya sa ibang probinsya ay kilala rin naman sila sa pakikipagkalakalan sa iba pang angkan ng ibang probinsya.

Ang Zhoe Clan naman ay ang angkan kung saan ay talentado sila sa inskripsyon.Tinatawag rin ang Zhoe Clan na inskripsyon masters.Ito ang dahilan kung bakit malakas at maimpluwensya ang kanilang angkan.Sila ang naglalagay ng inskripsyon sa mga sandata at baluti.Lahat ng angkan sa Heavenly Blossom Province ay dito pumupunta para magpalagay ng inskription sa kanilang sandata at baluti.Ito ang negosyo ng Zhoe Clan.May limang branch lang sila sa buong Heavenly Blossom Province at pinamamahalaan ito ng mga elder ng angkan.Mayroon din silang koneksyon sa Yang Clan dahil ang Yang Clan ang parating pumupunta dito para magpalagay ng inskripsyon.Maganda ang ugnayan ng dalawang angkan.Nagbebenepisyo ang isa't isa sa kanilang pagkakaibigan kaya minamabuti nila na hindi magkaroon ng alitan ang isa't isa.Gaya ng Yang Clan ay wala rin silang impluwensya sa ibang probinsya ang Zhoe Clan dahil mayroon din namang ilang angkan na may mga inskripsyon master sa iba't ibang probinsya.

Ang inskripsyon master ay isang propesyon.Tinatawag na inskripsyon master ang taong may talento sa pag-ukit ng inskrisyon.Ang inskripsyon ay ang paglalagay ng mga kakaibang array o formation sa mga sandata at baluti at mapapansin mo na may inskripsyon ang isang sandata o baluti kung ito ay may inskrisyon mark na kung saan mo matatagpuan ang impormasyon kung anong inskrisyon ang naikabit.Pinapalakas ng inskripsyon ang mga sandata at baluti.Nagagawa ang inskrisyon sa pamamagitan ng inskrisyon art technique at inskripsyon pen.Kinakailangan ng inskripsyon pen para malagyan ng inskripsyon ang isang sandata o baluti.Ang bawat inskripsyon pen ay may kanya kanya ring grado simula sa pinakamababa na grade 10 at pinakamataas na grade 1.Malalaman mo ang grado ng inskripsyon pen kung papakiramdaman mo ito.Kahit na mataas ang inskripsyon pen na nasa kamay mo ay hindi ka makakalagay ng inskrisyon sa isang sandata o baluti kung hindi ito abot ng iyong antas at ranggo.Kinakailangan mo munang punan ang mga pangangailan para makagamit ka ng may mas mataas na grado ng inskripsyon pen.

Sa buong Zhoe Clan ay may labing-anim silang mga inskripsyon master.Labingtatlo diyan ay mga matatanda at tatlo namang ang kabataan.Ang lima diyan ay ang mga elder na namamahala sa limang branch ng kanilang negosyo.Isa rin ang kanilang patriarch na si Zhoe Cheng at ang dalawa niyang anak at isa pang bata na anak ng isa sa mamamayan ng Zhoe Clan at pati narin ang kanilang supreme elder na si Zhoe Mengjo na lolo ng kasalukuyang patriarch.Ang ibang ay naiatas sa ibang trabaho.Isa na sana ngayong grade 7 o baka grade 6 inskripsyon master ang ama ni Zhoe Cheng at anak ni Zhoe Mengjo na si Zhoe Anglo na dating patriarch ng Zhoe Clan kung hindi lamang ito namatay,namatay ang ama ni Zhoe Cheng noong nasa dalampu ang kanyang edad at siya ang pinakabata na naging patriarch sa kanilang angkan dahil pinalitan niya ang kanyang ama pagkatapos nitong mamatay.Si Zhoe Anglo ang pinakatalentadong inskripsyon master sa kanilang angkan pero sa hindi inaasahang pangyayari ay hindi niya sinasadyang mapadpad sa teritoryo ng isang malakas na halimaw sa kailaliman ng Azure Dragon Forest na isang level 1 gold rank Golden Fang Leopard at siya ay napatay nito dahil nasa level 10 silver rank lang naman si Zhoe Anglo at kahit na iisang level lang ang kanilang agwat ay ang pinagkaiba naman ng level 10 silver rank at level 1 gold rank ay parang langit at lupa.Natagpuan ang kanyang bangkay na naaagnas na dahil mahigit isang buwan bago nila ito nahanap.Ang nakahanap sa kanyang bangkay ay ang supreme elder,siya na mismo ang naghanap dahil sa nararamdaman niya na parang may masamang nangyari sa kanyang anak sa pamamagitan ng koneksiyon ng kanilang dugo.Kung hindi lamang siya namatay ay baka ang Zhoe Clan ang magiging pinakamalakas na angkan sa buong Heavenly Blossom Province.

Ipinagbawal ng supreme elder ng Zhoe Clan na pumasok sa Azure Dragon Forest ang kanilang patriarch dahil ayaw niyang ulit na mangyari sa kanyang apo ang nangyari sa kanyang anak.Ito ay ang pinakamataas na batas ng Zhoe Clan.