webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 6:WHITE ALCHEMY FLAME

Pagkapasok ni Yun sa gusali ay may isang magandang babae na nasa katanghaliangang gulang ang bumungad sa kanya.Nakangiting nakatingin ito kay Yun.Wala nang ibang tao bukod sa nag-iisang babae. "Ano ang maipaglilingkod ng Alchemist Hall sayo ginoo."

"Gusto ko sanang ibenta ang bangkay ng dalawang halimaw."

"Pwede ko bang makita ang sinasabi mong mga halimaw."inilabas ni Yun ang kanyang spatial sack at ibinigay niya ito sa babae.Sinilip naman ito ng babae at sobrang gulat ang kanyang nararamdaman dahil sa kanyang nakikita.

"Da-dalawang level 10 silver na halimaw."napangiti nalang si Yun dahil inaasahan na niya ito.

"Mabibili niyo ba ito?"ibinalik na ng babae kay Yun ang kanyang spatial sack.

"Maghintay ka lamang ginoo at tatawagin ko lang si master."tumakbo siya hagdan paitaas sa ikalawang palapag.

Naghintay ng ilang minuto si Yun.May dalawang tao ang bumababa sa hagdan na nanggaling sa ikalawang palapag.Nakangiting bumungad kay Yun ang dalawang pigura.

"Siya ba ang kagalang galang na alchemist?"nakatingin lang si Yun sa dalawa.

"Ginoo,nalaman ko sa aking disipulo na may ibinebenta kang mga bangkay ng halimaw na may mataas na ranggo."iniabot ni Yun sa lalaki ang kanyang spatial sack at kinuha naman ito ng lalaki at sinilip ang laman.

"Totoo nga, dalawang magkaibang halimaw, isang one horned red boa at isang lightning winged lion.Hindi na masama."Hindi makikitaan ng surpresa ang lalaki.

"Bibilhin niyo ba?"tanong ulit ni Yun.

"Nakalimutan kong magpakilala, Ako nga pala si Lo Zheng at isa akong grade 8 alchemist at ito ang aking disipulo na si Melissa Xin na isa ring alchemist ,isang grade 10 alchemist."pagpapakilala ng lalaki.Ang pagiging alchemist ay nahahati rin sa sampung grado,ang grade 10 ang pinakamahina at ang grade 1 naman ang pinakamalakas.Malalaman mo ang grado ng isang alchemist sa pamamagitan ng kulay ng kanilang alchemy fire.Bawat grado ay may iba't ibang kulay.Puti para sa grade 10,asul sa grade 9,dilaw sa grade 8, berde sa grade 7,kayumanggi sa grade 6,lila sa grade 5,kahel sa grade 4,itim sa grade 3,silver sa grade 2 at ginto para sa grade 1.Isang tunay na grade 8 alchemist si Lo Zheng dahil may dilaw itong alchemy fire.

"Ako si Zhao Yun mula sa Zhao Clan."

"Paano ka nagkaroon ng bangkay ng ganito may kalakas na ranggo ng halimaw?"napatingin naman si Yun kay Melissa.

"Hindi maganda na magtanong sa bagay na ganyan Melissa."kalmadong sabi ni Lo Zheng.

"Patawad ginoong Yun sa aking kabastusan."

"Ayos lang."nagpilit nalang ng ngiti si Yun.

"Bibilhin ko ang dalawang bangkay na ito sa halagang dalawang ginto."nabigla si Ilpyo dahil sobrang halaga ng gintong barya. Ang isang gintong barya ay maihahalintulad sa isang libong silver coin.

"Patas ang presyo kaya pumapayag ako."napatango si Yun.May inilabas na dalawang gintong barya si Lo Zheng mula sa kanyang spatial ring.Ang spatial ring ay kagaya rin ng spatial sack pero ang espasyo nito sa loob ay isangdaang beses na mas malawak kaysa spatial sack.

Kinuha naman ito ni Yun at inilagay sa kanyang spatial sack.

"Mauuna na po ako."tumango si Lo Zheng at bago umalis si Yun ay tumingin muna siya sa babae kaya nginitian siya nito.

"Ano sa tingin niyo master? Paano napasakamay ng batang iyon ang mga bangkay."

"Hindi ko rin alam.Nakapagtataka dahil isa lamang siyang level 8 bronze rank at kung ang mga elder naman ng Zhao Clan nanggaling ang bangkay ay imposible dahil nasa level 5 silver rank lang ang pinakamalakas sa kanila at lalong imposible ang patriarch dahil hindi ito pumupunta sa Azure Dragon Forest kung hindi ito importante at isa pa ay nasa level 7 silver rank lamang ito"

"Nakapagtataka talaga,baka ang dalawang halimaw na ito ay naglalaban at pareho silang binawian ng buhay at sinuwerte ang batang iyon na matagpuan ito."saktong-sakto ang hula ng babae sa kung paano nakuha ni Yun ang mga bangkay.

"Hindi na iyon mahalaga pa,ang mahalaga ay makagagawa na ako ng maraming potion at pills mula sa bangkay ng mga halimaw."nananabik si Lo Zheng dahil mas makakabenta na naman niya ng napakaraming potion at pills.

Naglibot-libot sa bayan si Yun para maghanap ng mga sangkap.Bumibili siya ngayon ng cauldron.

"Magkano ang cauldron na ito."tinitingnang mabuti ni Ilpyo ang isang may katamtamang laki na cauldron.

"Limang silver ginoo."hindi na nagulat si Yun sa halaga ng cauldron dahil iilan lang ang nagbebenta nito.Iniabot ni Yun ang limang silver sa babaeng nagtitinda."Salamat ginoo."

Pagkabili niya ng cauldron ay umalis na siya agad at pumasok muna siya sa isang simpleng tindahan para bumili ng spatial ring.Kumpleto na ang gagamitin niya para sa paggawa ng potion.Ang lahat ng nasa kanyang spatial sack ay inilipat na niya sa kanyang spatial ring pati na ang itlog na wala paring pinagbago.Isinuot niya ito sa kanyang hintuturo dahil dito sumakto

Binabalak ni Yun na bumalik sa kweba sa bangin para doon gawin ang potion.

Gabi na noong nakarating siya sa paanan ng bangin.Itinudo na naman niya ang kanyang bilis para iwasan ang mga halimaw at medyo natagalan siyang papunta sa bangin dahil naghanap muna siya ng azure wood leaves at nakahanap siya ng pito dagdag ang limang nahanap niya kamakailan lamang ay may labindalawang azure wood leaves na siya.Kada bote kasi ng potion na gagawin niya ay kailangan ng isang azure wood leaves at labindalawang bote ng potion ang kanyang magagawa kung papalarin siya.

Bumaba na siya ng bangin at pumasok sa kweba.Inilabas na niya ang lahat ng sangkap at ang cauldron at inilapag niya ito sa malapad at malaking bato sa kanyang harapan.

"Kailangan ko na lang magpahinga at ibalik ang buo kong lakas bago ko simulan ang paggawa."napagod siya sa paghahanap ng mga azure wood leaves kanina.Nagdekwatro siya sa isa pang malapad at malaking bato malapit sa mga sangkap.Ipinikit niya ang kanyang mga mata at sinumulan na niyang magcultivate,pinaikot na niya ang kanyang cultivation method sa kanyang cultivation core.

Di na namamalayan ni Yun ang paglipas ng oras dahil nakatuon lang ang kanyang pansin sa pagcucultivate.Tatlong araw na ang lumipas simula noong nagcultivate siya pero wala parin naidagdag na level sa kanyang lakas.

Iminulat na ni Yun ang kanyang mga mata.

"Hindi ko namalayan ang oras at di ko na alam kong ilang araw ang lumipas."tumayo na si Yun sa kanyang pagkakaupo.Andon parin ang mga sangkap at cauldron.

"Simulan na ang paggawa."ngumiti siya sa pananabik pero napalitan agad ito ng blankong ekspresyong.

"Paano ko ito gagawin kung wala akong alchemy fire."hinalughog niya ang namana niyang alaala.

"Kailangan ko ng konsentrasyon at kalinawan ng isip para mapalabas ko ang aking alchemy fire?"ito ang impormasyon sa kanyang isip para mapalabas ang kanyang alchemy fire.Pinakalma at winalis lahat ng kanyang iniisip at sinubukang ilabas ang kanyang alchemy fire,itinaas niya ang kanyang hintuturo.

Ilang minuto ang lumipas pero wala paring pagbabago."May alchemy fire ba talaga ako o wala?"pinagpapawisan narin si Yun at nangangawit na ang kanyang nakataas na kamay pero hindi niya parin ito ibinababa at maigi parin itong naghihintay sa magiging resulta.Ipinikit nalang niya ang kanyang mga mata at walang inisip na kahit anong bagay.

Matapos ang mahigit labinlimang oras ay basang basa na sa pawis Yun pero may nararamdaman na siyang kakaibang sensasyon na nanggagaling sa kanyang hintuturo.Bigla na lang may lumiyab na butil ng apoy sa kanyang hintuturo at kulay puti ito.Nagtagumpay narin siya sa pagpapalabas ng kanyang alchemy fire.

"Sa wakas nagawa ko rin."Hinihingal na sa pagod si Yun.Kinontrol niya ito paibaba pero namatay ito at sinubukan niya ulit na ilabas at ilang beses siyang nagkamali bago nagtagumpay.

Pinag-aaralan niya muna kung paano kontrolin ang kanyang alchemy fire at ilang beses itong pumalpak at laging namamatay ang apoy.Kailangan niyang masanay para magtagal at makontrol niya ang kanyang alchemy fire.Sa tulong ng mga alaala na kanyang namana ay sa bawat subok niya sa pagkontrol ay nagkakaroon siya ng progreso dahil mas tumatagal na bago mamatay ang apoy.

Kahit na pagod na pagod na si Yun ay hindi ito makikitaan ng pagsuko at mas lalo pa siyang nagfocus para tuluyan na niyang makontrol ang kanyang alchemy fire.Nakaraming subok na siya at mas gumagaling na siya sa pagkontrol.

Mahigit limang oras pa ang lumipas at tuluyan nang nakontrol ni Yun ang kanyang alchemy fire.Kung malalaman ng lahat kung gaano kadali nagkaroon ng alchemy fire si Yun ay magkakagulo ang mga ito.Ang normal kasi na pagpapalabas ng alchemy fire ay umaabot sa isa o dalawang linggo at para lamang ito sa mga taong may talento sa alchemy.

Napahiga na si Yun sa bato at naghahabol siya ng hininga."Nakontrol ko na ng buo ang aking alchemy fire pero pagod na pagod na ako kaya kailangan ko ulit magpahinga para mabawi ang nawala kong lakas."Hindi nagcultivate si Yun bagkus mas pinili na lang niya na matulog.Ang mga cultivator kasi ay pwedeng pumili kung sila ba ay magcucultivate o matutulog nalang para bawiin ang nawala nilang lakas.