webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 5:UNKNOWN EGG

Kasalukuyang naglalakad sa loob ng gubat si Yun.Marami na siyang nakolektang sangkap na magagamit niya sa paggawa ng potion pero may kulang parin ito.Marami na rin siyang naka-sagupang mga halimaw pero pinapatay niya lamang ito sa isang atake gamit ang kanyang espada.

Naghahanap siya ngayon ng isang azure wood leaves dahil ito ang pinakaimportanteng sangkap sa gagawin niyang potion.Isang kakaibang dahon ang hinahanap niya dahil ang puno kung saan ito mahahanap ay iilan lamang."Mahigit kalahating araw na akong naghahanap sa dahon na iyon pero wala parin akong makita.Marami na siyang nakitang ganitong puno pero wala na o wala paring kakaibang dahon ang kanyang nakita.

Lumipas ang tatlo pang oras."Sa wakas nahanap rin kita."May isang puno ang makikitaan ng limang dahon na may kakaibang kulay.Dali-daling itong inakyat ni Yun.Kinuha niya ang limang azure wood leaves at ipinasok niya ito sa kanyang spatial sack.

"Masisimulan ko na rin ang paggawa ng potion."

BANG!!...

Habang masaya si Yun ay bigla nalang may sumabog di kalayuan sa kanyang pwesto.

"Ano iyon?"sinundan niya ang tunog ng pinangyarihan ng pagsabog.Nagtago siya sa likod ng isang puno at sumilip siya sa pinangyarihan at laking gulat niya dahil may naglalabang dalawang halimaw.Ang isa ay isang pulang ahas na may isang sungay sa kanyang noo at ito ay ang one horned red boa at ang isa naman ay isang leon na may pakpak at ito naman ay ang lightning winged lion.May parehong antas at ranggo ang dalawang halimaw, parehas silang level 10 silver rank.At hindi na nila napansin at naramdaman ang presensya ni Yu dahil nakatuon lang ang kanilang atensyon sa laban.

Kasalukuyang silang naglalaban dahil sa isang itlog na may iba't ibang kulay na nakapatong sa isang malaking bato."Isang itlog? Anong itlog iyon? Iyan ba ang pinag-aawayan nila?"napansin narin ni Yun ang itlog at tumingin-tingin pa siya sa ibang direksyon pero wala na siyang ibang makitang kakaiba maliban sa itlog ,pinag-aaralan niya ang itlog pero wala siyang makuhang sagot at hindi niya malaman kung anong itlog ito.

Na-palipad ang one horned red boa sa atake ng Lightning winged lion.Nagkaroon ito ng malubhang sugat.Umatake muli ang leon pero di niya naasahan na makakarekobre ng mabilis ang ahas at lumaki ang sungay nito saktong tumusok sa dibdib ng pa-atakeng leon.Natumba ang leon at malubha ring nasugatan dahil natamaan ang kanyang life core pero hindi ito nabasag at nagkaroon lang ng bitak.

"Napakalakas nilang pareho."namamanghang nanonood si Yun sa likod ng isang puno.

Tumayo muli ang leon.Nagkatitigan ang dalawang halimaw at sabay silang sumuhod.Nagkasagupaan ang kuko ng leon na may boltahe at ang matulis na sungay ng ahas.

BANG!!!

May malakas na naman na pagsabog ang naganap at puro usok na ang makikita sa paligid.

"Ano na ang nangyari?"

Pagkalipas ng ilang segundo ay napawi na ang usok at tumambad sa harap ni Yun ang dalawang katawan ng halimaw na natumba.Pareho itong may malubhang sugat at hinihingal na sila sa pagod.Nanood lang si Yun sa nangyayari. Susubukan pa nila sanang tumayo pero natumba rin sila agad dahil sobrang hina nila at sobrang pagod.

Tuluyan nang lumapit si Yun sa dalawang nakahandusay na halimaw dahil nararamdaman niya na pareho na itong di magtatagal.

Napansin siya ng dalawang halimaw pero wala silang ginawa at lumapit si Yun sa itlog na nakapatong sa malaking bato.

Kinuha niya ang itlog."Anong itlog ba ito?"nagulat si Yun dahil sobrang bigat ng itlog kahit na napakaliit nito.Pinag-aralan pa niya ng ilang minuto ang itlog bago niya napagpasyahan na itago na lang muna ito.Inilagay niya ito sa kanyang spatial sack.

"Napakaswerte ko dahil umani ako kahit na wala akong ginawa."lumapit siya sa katawan ng dalawang halimaw na kamamatay lamang.Balak niyang kunin ang dalawang halimaw na ito para ibenta sa kanilang bayan at magkakaroon siya ng maraming salapi dahil ang dalawang halimaw na ito ay may mga matataas na antas at ranggo.

Kinuha muna ni Yun ang tig-isang life core ng mga halimaw.Isinalin niya sa kanyang spatial sack ang mga life core na ibinigay sa kanya ni Arthur sa pinaglagyan niya kanina ng itlog.Balak niyang ilagay sa isa pa niyang spatial sack ang dalawang bangkay ng halimaw.Ipinasok na niya ang banghay ng mga halimaw sa kanyang spatial sack at saktong-sakto lamang ang espasyo sa loob para paglagyan niya sa dalawang dambuhalang katawan ng mga halimaw.

Umalis na sa lugar na ito si Yun na may ngiti sa kanyang labi.Binabalak niyang bumalik muna sa kanyang angkan.Gusto niya ring ibenta ang mga halimaw para makabili siya ng cauldron na gagamitin niya sa paggawa ng potion.Gusto niya ring bumili ng mga iba pang sangkap para sa iba pang gagawin niyang potion.

Nakalabas na si Yun sa kagubatan dahil itinudo niya ang kanyang bilis para iwasan ang mga halimaw sa paligid.

Sa pinangyarihan kanina ng laban ay may dalawang tao ang kadarating lamang at ito ay isang binata at isang babaeng matanda.

"Master nawawala na ang itlog,wala na rin ang illusion formation na itinayo niyo dito para bantayan ang itlog,kapansin pansin rin dito na may naganap na laban kamakailan lamang dahil mababakas parin ang pinsala sa paligid."Nagmamasid lang sa paligid ang matanda.

"Ang naglaban dito ay isang one horned red boa at isang lightning winged lion,kaya pala nawasak ang formation na itinayo ko dahil sa pinaghalong lakas ng dalawang halimaw na ito."hindi lamang hula ang ginawa ng matanda dahil pinag-aralan niyang mabuti ang paligid.

"Paano na ang itlog master."mababakas sa mukha ng bata ang pag-aalala.

"Batay sa paligid ay pareho silang napuruhan at baka isa sa kanila ang kumuha sa itlog bago tumakas at kung nakatakas nga sila ay hindi pa sila nakakalayo dahil sa kanilang sugat."pinakiramdaman ng matanda ang paligid pero wala siyang naramdamang presensya ng sugatang mga halimaw.

"Kung ganon tao ang may gawa nito pero sino?"natural lang na ito ang isipin niya dahil sakop ng kanyang pakiramdam ang buong Azure Dragon Forest at ito lang ang limitasyon niya.

"Bumalik na muna tayo sa ating angkan para ipaalam ito kay patriarch."nawala na parang bula ang dalawa sa lugar na iyon.

Nakabalik na si Yun sa kanilang angkan.Kasama na niya ngayon ang kanyang ina at si Arthur.

"Tumaas na naman ng isang level ang iyong lakas young master,napakabilis ng iyong paglakas."

"Oo nga anak at masasabi ko na isa kang henyo at talentadong bata."mapabuti nalang siya sa sinabi ng dalawa pero hindi siya sumagot.

"Balak ko pong pumunta sa bayan para bumili ng ilang bagay."maglalakad na sana siya palabas ng kanilang bahay pero pinigilan siya ng kanyang ina.

"Kunin mo ito."iniabot ng kanyang ina ang isang supot. Kinuha naman ito ni Yun at sinilip ang loob at may laman itong sampung silver coin.

"Hindi ko ito matatanggap ina."umiling iling si Yun.

"Kunin mo nalang young master."

"Hindi ko talaga matatanggap iyan, marami rin naman akong napatay na halimaw noong nasa gubat pa ako kaya ibebenta ko nalang ang mga ito para magkapera ."naunawaan naman ng kanyang ina at ni Arthur ang gustong mangyari ni Yun kaya hindi na nila ito pinilit.

"Kung yan ang gusto mo anak."kinuha na ulit niya ang supot at iniligay ito sa kanyang spatial sack.Lumabas na ng bahay si Yun.

"Kakaiba na talaga si young master."tumango-tango nalang si Hesusa.

Habang naglalakad si Yu sa kanilang lupain ay may humarang sa kanya na tatlong lalaki.Ang tatlong lalaki na ito ay siyang laging nagpapahirap sa kanya noong mahina pa siya.Kahit na magka-angkan sila ay di maganda ang ugnayan nila sa isa't isa.

"Yun,matagal na rin noong nakatikim ka sa amin." nakangisi ang matabang lalaki at ganon din ang dalawa.

"Tabi, wala akong oras para sa inyo."pumangit ang ekspresyon ng tatlong lalaki sa kanilang narinig.

"May lakas ka na ng loob para sumagot."sinugod ng lalaking mataba si Yun pero napahinto siya noong malapit na siya dahil inilabas ni Yun ang kanyang level 8 bronze rank awra at naramdaman rin ito ng dalawa pang lalaki.Naglakad na muli si Yun at iniwang niyang hindi gumagalaw ang tatlong lalaki.

"Le-level 8 bronze rank?Paanong."natatakot na ang ekspresyon ng matabang lalaki.

"Nananaginip ba ako?"kinurot ng isang lalaki ang kanyang pisngi at may naramdaman siya.

"Totoo nga pero papaano siya naging ganon kalakas."

"Paano siya lumakas ng ganon kabilis."kung may makakakita sa tatlo ay baka matatawa sila dahil sa pumapangit nilang ekspresyon dahil sa takot.Natural lang na matakot sila dahil mas mababa ng dalawang beses ang kanilang level kumpara sa level ni Yun ay naprepresyur sila sa awrang inilabas ni Yun.Nagulat din ang mga nakarinig na isang level 8 bronze rank na si Yun.

Bumalik sa dating ekspresyon ng mga mukha ng tatlong lalaki."Kailangang malaman ito ni boss Ryuzen kaya tayo na."dali-dali silang umalis.

Nasa harap na ngayon ng isang malaking gusali si Yun.Pinuntahan niya ang lugar kung saan naninirahan ang nag-iisang alchemist sa kanilang probinsya dahil dito lang alam niyang na makapagbibigay ng magandang presyo para sa kanyang mga ibebenta.Tinatawag ang gusaling ito na Alchemist Hall.Papasok na sana siya pero may humarang na isang tao.

"Anong gagawin mo dito."nakakatakot ang

ekspresyon ng nagbabantay sa pintuan ng gusali.

"May gusto lang akong ibenta sa ginagalang alchemist."binuksan na ng nagbabantay ang pintuan nitong gusali.Pumasok na si Yun.