webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 4:NINE GOD DRAGONS SOVEREIGN TECHNIQUE

"Kumalma ka muna Hesusa,ayos lang ang young master."

"Paano ako kakalma kung wala dito ang anak ko, baka may nangyari na namang masama sa kanya."napaluha na si Hesusa,lumapit si Arthur at niyakap niya si Hesusa.

CREAK!!!

Napatingin sila sa pinto at may iniluwa itong batang lalaki at ito ay si Yun.Naging blanko na ulit ang kanyang ekspresyon.

"Anak ko."

"Young master. "

Kumalas sa yakap si Hesusa at dali-dali nitong niyakap si Yun.

"Saan ka na naman galing?Sobra akong nag-aalala sayo.

"Pasensya na Ina."nag-cultivate lang ako sa bangin sa gubat."Nasa level 7 bronze rank na ngayon si Yun at hindi na siya nagtaka dito dahil may namana lang naman siyang alaala ng isang powerhouse.Inilabas niya ang kanyang awra.

"Level 7 bronze rank?"

"Paanong?"Nagulat sina Arthur at Hesusa sa kanilang nalaman.

"May nahanap po akong isang gintong prutas sa kagubatan at dahil sa kuryusidad ay kinain ko ito at pagkalipas ng ilang minuto ay may naramdaman akong kakaiba na parang may dumadaloy sa buo kong katawan."pagsisinungaling ni Yun dahil hindi naman siya kumain ng ganitong prutas at nalaman niya lang ang prutas na ito sa namana niyang alaala, ang prutas na ito ay tinatawag na Golden Enhancing Soul Fruit na isa sa napakaraming uri ng spirit fruit.

"Gintong prutas? Ang Golden Enhancing Soul Fruit na Isang spirit fruit."

"Napakaswerte ni young master."

pagkagulat at saya ang nararamdaman nila dahil sa magandang pangyayari kay Yun pero di parin mawala ang kanilang kaba at takot.

"Pinapasabi ng patriarch sa lahat na pumunta sa bahay pagpupulong para sa mahalagang anunsyo."nanggaling ang boses na ito sa isang elder ng Zhao Clan

"Lumabas na tayo".Tumango sila at lumabas na sa kanilang bahay.

Napakaraming tao ang nakakasabay nila papunta sa iisang direksyon.Labinlimang minuto ang lumipas at ang lahat ng mamamayan ng Zhao Clan ay nasa bahay pagpupulong na silang lahat.Kahit na napakarami ng kanilang bilang ay parang wala parin nagbago dahil napakalawak ng espasyo sa loob nito.Mga bata, kabataan, katanghaliang gulang,at matatanda ay nandon na lahat.

Sa harap nila ay may mga taong nakatayo.Ito ang patriarch ng Zhao Clan na si Zhao Yudao kasama ang dalawa niyang anak at asawa at ang sampung elder ng Zhao Clan.

"Magandang-araw sa ating lahat,gusto ko lang sabihin na magkakaroon tayo ng paligsahan dito sa ating angkan para makilahok sa gaganaping paligsahan dito sa ating probinsya sa susunod na labing-isang buwan.Tatlong kabataan na hindi hihigit sa edad na dalawampu ang mapipili.Gusto ko na lahat ng kabataan dito sa ating angkan ay makilahok."anunsyo ng kanilang patriarch.

Umingay ang paligid at lahat ng kabataan ay nanabik sa kanilang.

"Isa ako sa mapipili."

"Asa ka,sa antas mong iyan."

"Sigurado na ang dalawang anak ng patriarch ang kasali."

"Isang pwesto nalang ang paglalabanan natin."

"Paligsahan? tamang tama para ako ay makapagsimula, sisiguraduhin ko na isa ako sa mapipili "tumingin tingin siya sa paligid at dumapo ang tingin niya sa dalawang kabataan na nasa kanilang harapan na sina Zhao Meng at Zhao Qin.", sila ang makakalaban ko."Tumalikod na siya naglakad.

"Saan ka pupunta anak."

"Gusto ko pong magcultivate."maglalakad na sana siya pero pinigilan siya ni Arthur.

"Teka lang young master."may inaabot siyang isang sako.Sinilip ito ni Yun at nakita niya ang nakaparaming life core ng mga halimaw.

"Salamat."tumalikod na ulit siya at tuluyan ng umalis kaya napangiti nalang si Arthur at napailing.

"Parang nagbago ang aking anak."narinig ito ni Arthur at napatango dahil ito rin ng kanyang napansin simula noong nakaligtas ito sa pag-aagaw buhay at kamatayan.

"Lahat ng kabataan ay maghanda na at magcultivate ng mabuti para mas maging malakas kayo pag idadaos na ang paligsahan.Inaasahan ko ang magiging magandang resulta.At ang mananalo sa paligsahan ay bibigyan ko ng thunder flame pill.Gaganapin ang paligsahan dito sa ating angkan sa susunod na dalawang linggo kaya maghanda na kayo. "pagpapatuloy ng patriarch.

"Ang thunder flame pill".

Mas lalong nanabik ang kabataan at pati narin ang magkapatid na anak ng patriarch.Kahit na anak sila ng patriarch ay isang beses palang sila nabigyan nito at alam nila na napakalakas ng epekto nito.

May nag-iisang alchemist lang kasi sa buong Heavenly Blossom Province.Napakataas ng kanyang katungkulan at kahit na ang tatlong patriarch ng pinakamalakas na angkan ay nagbibigay galang sa kanya pag nakikita nila ito.

"Magiging malakas ako."

"Ako rin."

Kahit na ang mga matatanda ay nauunawaan ang kahalagahan ng pill na ito.

"Maraming salamat sa inyong kooperasyon at pwede na kayong umalis para ipagpatuloy ang naudlot ninyong ginagawa."nagsilabasan na ang lahat ng tao sa loob ng bahay pagpupulong.Naiwan nalang ang patriarch, ang asawa nito at dalawa nilang at pati ang mga elder.

"Ama, totoo ba ang sinabi mong magbibigay ka ng thunder flame pill?"nananabik parin ang lalaking anak ng patriarch na si Zhao Meng .Nananabik rin si Zhao Qin pero hindi na siya nagtanong.

"Totoo ito at may pito lamang ako nito dahil napakamahal ng halaga nito."

"Bakit po hindi niyo nalang ibigay ang ilan sa amin ni Alicia, sigurado naman ako na dalawa kami sa tatlong mapipili."

"Oo nga naman mahal ko,bakit hindi mo nalang ibigay sa kanila ang ilan."makahulugang ngiti ng asawa ng patriarch na si Zhao Yeng.Umiling ang patriarch.

"Hindi maaari, di natin alam ang mangyayari sa magaganap na paligsahan."napasimangot nalang ang asawa nito sa kanyang narinig.

"Pero ama."

"Gustong gusto ko rin na makuha ang thunder flame pill pero mas gusto kong makuha ito sa patas na paraan kaya tumahimik ka nalang kuya at kuhanin mo ito kung kaya mo sa magaganap na paligsahan."mapangiti ang patriarch sa seryosong sabi ng anak niyang babae .Wala na ding nagawa si Zhao Meng pero wala siyang nararamdaman galit para sa kanyang kapatid dahil mahal na mahal niya kahit na hindi sila magkasundo dahil magkaiba sila ng ugali.

"Tama ka Qin, pag-igihin nyo pa ang pag-cucultivate at siguradong lalakas rin kayo."

Umalis na ang patriarch at sumunod ang kanyang asawa. Sumunod narin ang dalawa.Ang sampung elder naman ay pumunta na sa kanilang kanya kanyang trabaho.

Isang bata ang nakadekwatro sa loob ng kweba sa isang bangin.Ito ay si Yun na kasalukuyang pumipili ng kanyang bagong cultivation method.Ang bangin na ito ay wala ni isang halimaw na nakatira dahil sa kakaibang enerhiya dito na nagmumula sa dimensyon na namana ni Yun.Natatakot sila sa enerhiyang ito.

"Frost Sword Technique,hindi ito."

"Lightning Flame technique, hindi rin ito.

"Winged Fire Python technique,mas lalong hindi ito."

"Nine God Dragon Sovereign Technique, ito na."matapos ang mahabang oras ay nakahanap na rin siya ng nababagay na cultivation method para sa kanya.Napili niya ang Nine God Dragon Sovereign Technique dahil ito rin ang ginamit ng Dragon Hermit Emperor para maging pinakamalakas.

Pinag-aralan na niya ang nilalaman ng cultivation method na ito.Isang araw ang lumipas at tuluyan na niyang naunawaan ang lahat ng impormasyon tungkol sa cultivation method na ito.

"Subukan ko nga."Pinadaloy niya ang cultivation method sa kanyang cultivation core at may nabuong parang ipo-ipo at parang hinihigop nito ng napakabilis ang enerhiya ng langit at lupa papunta sa loob ng kanyang meridian.

"Sobrang bilis."may hindi makapaniwalang ekspresyon si Yun sa kanyang natuklasan.

"Limang araw lang ang aking kailangan para maabot ko ang susunod na antas."nananabik siya sa kanyang tantiya kung gaano siya kabilis na lumakas.Isang daang beses na mas mabilis ang paghigop niya

sa enerhiya ng langit at lupa sa pamamagitan ng bago niyang cultivation method kaysa sa kanyang dating cultivation method na Beast Lion King Technique na karaniwang cultivation method ng Zhao Clan ng Heavenly Blossom Province.Pag nalaman nila na may ganitong cultivation method si Yun ay pagkakaguluhan siya ng lahat at baka pati na rin ang kaharian ay tutugisin siya at dadakpin para lang malaman ang kanyang sikreto.

Lumipas na naman ang limang araw.

"Sa wakas,HAHAHAAHHAHA."iminulat ng isang bata ang kanyang mga mata,gaya ng tantya ni Yun ay tuluyan na namang tumaas ang kanyang antas at isa na siyang ganap na level 8 bronze rank.

Sa limang araw rin na ito ay hindi na nakakaramdam ng kaba at pag-alala ang ina ni Yun kahit na hindi niya alam ang eksaktong lugar kung saan nag-cucultivate ang kanyang anak dahil nagpaalam naman ito at umaasa siya na hindi na naman siya gagawa ng ikakapahamak nito.

Gaya ni Yun ay lubusan rin ang paghahanda ng mga kabataan sa kinabibilangan niyang angkan ng Zhao at pati ang dalawa nitong kapatid sa ama na sina Meng at Qin.

"Ito na ang oras para subukang gumawa ng isang potion."tumayo na si Yun.Binabalak niyang maghanap ng mga sangkap ng potion sa kagubatang ito dahil pangkaraniwan lang naman ang kailangan niyang mga sangkap para magawa ang potion.Lumabas na siya sa kweba.

Tuluyan na siyang nakaakyat paitaas sa pamamagitan ng baging na siyang ginamit niya rin paibaba nong pumunta siya bangin.

Pagtapak niya sa taas ng bangin ay isang halimaw ang biglang sumulpot sa kanyang harapan.Isang level 10 bronze rank wild fire boar. Ang wild fire boar ay isang uri ng pig type demonic beast na may elemento ng apoy.

"Di na masama,masusubukan ko ang bago kong lakas."ngumisi siya at umatake na ng napakabilis ang wild fire boar.Nakatayo lamang si Yun at naglabas siya ng isang simpleng espada pero ang totoo ay napakataas ng kalidad nito at maihahalintulad ito sa armas ng isang silver rank.

Nasa harap na niya ngayon ang halimaw,iwinasiwas niya ng isang beses ang kanyang espada.Lumipad palayo ang naputol na ulo ng wild fire boar.Isang atake lang ay napatay na niya ito.

Bago umalis si Yun ay kinuha niya muna ang life core nito at pinabayaan na ang bangkay.