webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 3:BROKEN MOON SECT

Humupa na ang liwanag sa katawan ni Yun.Unti-unti na ring napapamulat ang kanyang mga mata.Umayos siya ng upo at napahawak siya sa kanyang ulo dahil masakit ito,di mabilang na impormasyon ang napupunta sa kanyang mga isip.

"Huh? Ano ang mga ito?"lahat kasi ng propesyon ay alam na niya kung ano ang gagawin.May iba't iba pang impormasyon tungkol sa mga lugar,pangyayari at may mga iba ring pangalan at pigura ang nasa kanyang isip.

Napatingin siya sa kanyang paligid.Tumayo siya pero natumba rin bigla.Tumayo ulit siya pero na-balanse na niya ang kanyang katawan.

Napatulala siya sa kanyang mga nakikita dahil ngayon lang siya nakakakita ng mga napakaraming kayamanan at nasa harapan pa niya ang mga ito.

Naglakad siya pero mabagal ito dahil mabigat parin ang pakiramdam niya sa paligid.Nakatuon ang atensyon niya sa limang bagay na lumulutang sa isang tabi at ito ay isang espada,kwintas na may kakaibang disenyo,simple at robang itim,maskara ,at sumbrero na gawa sa kawayan.Simple lang sa mga mata ang mga bagay na ito pero parang hindi niya ito mahahawakan.

Bigla nalang may lumutang na isang berdeng bato sa kanyang harapan.May lumabas dito na isang imahe ng matanda.

"Binabati kita bilang aking tagapagmana, ang lahat ng bagay at kayamanan na nakikita mo sa dimensyong ito ay mapapasakamay mo na.Ang bawat kayamanan dito ay makakatulong sayo para ikaw ay maging malakas.Nababatay sa iyong antas at ranggo kung anong pwede at kaya mong gamitin sa mga kayamanan na ito.Nakaseal muna ang iba sa aking mga alaala at magbubukas ito sa oras na nakatapak kana sa nararapat na ranggo."Nawasak na ang bato at nawala narin ang imahe ng matanda.

"Siya ba ang Dragon Hermit Emperor? "

Nawalan ulit siya ng malay at bigla nalang natumba.Napunta siya sa lugar kung saan namatay ang dating Yun.Kapansin-pansin na may suot siyang kwintas na napakasimple at kulay itim na may isang maliit na punyal bilang pendant.Ito ang dimensyon na namana niya mula sa Dragon Hermit Emperor.May mga halimaw na din na pagala-gala sa paligid pero wala pa rin naman ang nakakapansin sa kanya.

Ilang oras ang lumipas at may isang halimaw at ito ay poisoned fang wolf na nakatagpo sa kanyang katawan at dali-dali nitong umatake pero nong kakagatin na niya sana si Yun ay bigla nalang siyang napalipad palayo dahil may pwersa na pomoprotekta kay Yun na nanggagaling sa kanyang kwintas.Takot na takot na tumakbo palayo ang lobo.

Marami pang halimaw ang nakatagpo sa kanyang katawan pero gaya kanina ay pinoprotektahan siya ng kanyang kwintas at tumatakbo nalang palayo ang mga halimaw dahil sa takot.

Pagod na pagod na si Arthur sa paghahanap kay Yun at makikitaan na rin ng mga ilang galos at sugat sa kanyang katawan.Buong gabi na siyang naghahanap pero hindi pa rin niya mahanap si Yun.Hindi na kailangang matulog ng mga cultivator dahil nahihigop naman nila ang enerhiya ng langit at lupa at nagsisilbi na itong resistensya ng kanilang katawan.Kahit na ganon ay hindi siya makikitaan ng kawalan ng pag-asa.Isang level 8 bronze rank venom centipede ang kasalukuyan niyang kinakalaban.Ilang minuto lang ay napatay na niya ito.

"Mas lumalakas na ang mga halimaw.Kapag mas lumayo pa ako ay baka may makaharap na akong silver rank na halimaw na hindi ko kakayanin.Imposible rin na pumunta dito si young master dahil alam naman niya ang limitasyon niya."Bago siya umalis ay kinuha niya muna ang life core ng halimaw dahil magagamit ito sa pagcucultivate, mayroon na siyang life core na mahigit dalawampong bronze rank na may iba't ibang level.Pinabayaan na lang niya ang mga bangkay ng halimaw kahit na mahalaga ito dahil may importante sa kanya ang paghahanap sa kanyang young master.Binabalak niya ring ibigay kay Yun ang mga life core na ito dahil hindi niya rin naman ito magagamit dahil masyadong mababa ang kalidad nito at hindi rin ito makakatulong sa kanya para lumakas.

Napagpasyahan niya munang bumalik at ipagpatuloy ang paghahanap sa malapit sa bungad ng kagubatan dahil mas malaki ang posibilidad na dito lang napunta si Yun.

Umaga na nong nakalabas si Arthur at hindi pa rin niya nahahanap si Yun."Baka nakauwi na si young master."napagpasyahan na niyang umuwi dahil inaakala niya na nakauwi na si Yun pero ang hindi niya alam ay nakahiga parin na walang malay.

Sa bayan ay may nangyayaring kaguluhan dahil may isang ministro ng kaharian ang pumunta dito.Ang mga ministro ay may mataas na katungkulan sa kaharian at may labinlimang ministro.Lahat sila ay nasa level 10 silver rank.Pumapangalawa lang sila sa lakas ng hari na isang level 1 gold rank.

"Bakit may nagpuntang ministro dito?"

"Ano kaya ang sadya niya?"

"Baka may ibabalita siya?"

"Ramdam mo ba ang kaniyang antas at ranggo?"

"Hindi,pero usap-usapan na ang bawat ministro ay nasa tugatog na ng silver rank."

Iba't ibang bulungan ang maririnig sa paligid dahil sa pagdating ng mga ministro.

May inilabas na isang rolyo ng tela ang ministro.

"Ako si Daeyi Almond,isang ministro ng kaharian at andito ako para ipaalam ang kautusan ng mahal na hari.Pinag-uutos ng mahal na hari sa lahat ng probinsya dito sa kaharian na dapat na magkaroon ng isang paligsahan sa mga henerasyon ng kabataan.Ang bawat kalahok ay hindi dapat hihigit sa dalawampo ang edad.Idadaos ang paligsahan na ito sa susunod na taon at mahigit labin-isang buwan pa bago ito mangyari kaya marami pa kayong oras para palakasin ang inyong mga pambato.Ang bawat angkan ay magkakaroon ng 3 pambato na sasali sa paligsahan at kayo na ang bahalang pumili sa mga pambato nyo.Saka ko nalang ipapaliwanag ang ibang detalye sa susunod na pupunta ako ito.Paalam"Bigla na lang naglaho ang kanyang katawan.

SWOSHHH!!!...

"Nawala."

"May nakakita ba sa kanyang pag-alis?"

"Parang totoo ang sabi sabi na makapangyarihan ang mga ministro."

"Talagang totoo ito dahil pumapangalawa lang naman sila sa mahal na hari tungkol sa lakas at kapangyarihan."

"Yong paligsahan,sino sa tingin nyo ang magwawagi."

"Wala parin nakakaalam pero alam ko na ang tatlong angkan ang maghahari sa paligsahang ito."

Mas umingay ang paligid nang nawala ang ministro.Natural lang na walang nakakitang umalis ang ministro at ang alam lang nila ay nawala ito dahil sa sobrang bilis ng mga taong nasa tugatog ng silver rank at hindi ito mapapansin ng mga taong may mas mababang ranggo.

Nakabalik na ang ministro sa kaharian at papunta na siya sa trono ng hari para magreport.

"Mahal na hari,natapos ko na ang pinag-uutos niyo."lumuhod ito iniyuko ang kanyang ulo bilang paggalang sa mahal na hari na nakaupo sa kanyang trono.

"Magaling,maghihintay na lang tayo para idaos ang paligsahan na ito."napakatikas ng hari at kapansin pansin ang matipuno nitong pangangatawan.Napakabigat rin ng kanyang aura at kahit na ang ministro ay ramdam na ramdam ito.

"Mauuna po ako kung ganon."tumango lang ang hari at tuluyan ng umalis ang ministro.

"Ano ang binabalak ang Broken Moon Sect para ipag-utos na magdaos ng paligsahan sa bawat kaharian."malalim na nag-iisip ang hari.Kaya magkakaroon ng paligsahan ay dahil sa utos ng nakakataas sa Broken Moon Sect na siyang namamahala sa lahat ng kaharian kasama na ang Dark Draconic Palace.Ang hari ay isang elder ng Broken Moon Sect pero pinapunta siya sa kaharian na ito para pamahalaan, ganun din ang mga hari ng iba't ibang kaharian, mga elder rin sila ng Broken Moon Sect.Gaya ng iniisip ng hari ay nagtataka at nahihiwagahan rin ang ibang hari kung bakit magkakatoon ng paligsahan.

Sa loob ng kagubatan ay may isang binata ay napapamulat ng kanyang mata.Ang batang ito ay si Yun.

"Anong nangyari?"Umayos siya ng upo at inalala ang nangyari."Isang panaginip?"bigla niyang napansin ang kwintas sa kanyang leeg.Hinawakan niya ito huhubarin na niya sana pero nagulat siya dahil hindi niya maalis."Anong bagay to bakit parang sobrang bigat nito?"Gulat na gulat ito at kahit na anong pilit nito na hubarin ang kwintas ay walang nangyayari.Sumuko na lang siya."Bakit napunta ako dito, nasan na ang nga kayamanan?"dismayado siyang tumayo at naupo ulit siya dahil bigla na lang sumakit ang kanyang ulo at ilang impormasyon ang nasa kanyang isip."Hindi isang panaginip?anong mga ito?alchemy? weaponsmith?formation master? inscription master?"napakaraming kaalaman at kung paano gawin ang propesyon na ito ang pumasok sa kanyang isip.

"Ka-kaya ko kayang gumawa ng sandata, potion at mga pills at mga formation?pati inskripsyon?"nananabik na si Yun sa kanyang nalaman at kahit na walang kasiguraduhan kong kaya niya nga ba.

Dahil sa kanyang pagkasabik ay tumayo na siya at tumakbo palabas ng kagubatan.Maraming halimaw ang nadadaanan niya pero ni isa ay walang umaatake sa kanya at hindi naman ito pinansin ni Yun at diretso lang sa kanyang pagtakbo.

Nag-aalala na ng sobra ang Ina ni Yun dahil buong araw at gabi nang hindi umuuwi ang kanyang anak.

"Patawad Hesusa, hindi ko nahanap si young master at bumalik ako kasi inakala ko na nakauwi na siya pero wag kang mag-alala dahil babalik ako sa kagubatan para hanapin siya ulit."

Hindi mapakali ang Ina ni Yun at paikot ikot lang ito sa kwarto."Nasaan kana Yun,sana lang ay walang nangyaring masama sayo"Hindi nila alam na pabalik na si Yun na may masaya at nananabik na ekspresyon.