webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 2: DRAGON HERMIT EMPEROR

Limang araw na ang nakakaraan at tuluyan na ngang gumaling ang mga sugat ni Yun.Salamat sa pag-aalaga ng kanyang Ina sa tulong ni Arthur.Bumalik na ang dati niyang lakas at masigla na ulit siya.

Sa limang araw na ito at binisita rin siya ng patriarch pero ang mukha nito ay walang makikitang emosyon kahit na pag-alala ay wala, parang wala siyang pakialam kahit na mamatay pa si Ilpyo na pumapangalawa sa kanyang tatlong anak.

Binabalak na naman ni Yun na pumasok sa kagubatan,alam niya na ayaw na ng Ina niya na pumasok siya sa kagubatan pero hindi na siya ang dating Yun,hindi na niya ipinaalam kasi alam niya na di siya papayagan.

Lumabas siya sa kanilang teritoryo.Napadaan siya sa bayan.Napakaraming tao dito at kahit saan ka tumingin ay mga tindihan na nagbebenta ng kung ano-ano, mga sandata, potion, sangkap,halamang gamot at iba pa.Lumapit si Yun sa isang tindahan ng nga armas dahil parang may isang bagay na humihikayat sa kanya na pumunta dito.

"Anong maipaglilingkod ko sayo ginoo,balak mo bang bumili? "kubang lalaki na may katandaan na ang nagbabantay sa tindahan na ito.Napatingin si Yun sa bewang ng matanda dahil ang nakasukbit na bagay sa bewang ng matanda ang tumatawag sa kanya.

"Mawalang galang na po, binebebta mo po ba ang kutsilyo na iyan?"itinuro niya ang nasa bewang ng matanda.

"Ito ba."kinuha ng matanda ang kutsilyo."Hindi ko ito ipinagbebenta dahil wala naman kakayahan ang bagay na ito maliban sa panghiwa ng mga gulay at karne."pinakita niya ang simpleng kutsilyo na may haba ng iabindalawang sentimetro.

"Bilhin ko na lang po iyan ng isang silver."nasurpresa ang matanda sa kanyang narinig.

"Nako iho sobrang mahal ng tinatawad mo, kung gusto mo ibibigay ko na lang ito ng libre."napangiti nalang si Yun.

Nalaman ni Yun na may iba't ibang uri rin ng pera na ginagamit sa mundong ito.Ito ay ang copper na siyang pinakamababa ang halaga, silver na hindi mababa pero hindi rin malaki ang halaga at ang gold na siyang pinakamalaki ang halaga.Kaya nagulat ang matanda kanina sa isang silver ay katumabas ang isang libong copper.

"Salamat po kung ganon,mauuna na po ako"kinuha na niya ang kutsilyo sa matanda at saka umalis.

"Kakaibang bata,ikaw na ang matagal kong hinahanap, Sana lang ay magtagumpay ka."makahulugang ngumiti ang matanda.Ngayon palang kasi may isang tao ang nagkainteres sa punyal na lagi nyang dala,ang punyal na iyon ay ang Knife Dimention Key.Ang punyal kasi na iyon ay ang susi ng isang dimensyon kung saan nandon ang ari-arian ng namayapang powerhouse.Kung may dimensyon man na lumitaw ay pag-aagawan ito ng mga tao dahil hindi mabilang na pamana at mga kayaman ang nasa loob nito.Nang nakalayo na si Yun ay bigla nalang nawala ang tindahan at ang matanda na parang bula at ni isa ay wala itong nakapansin dahil simula't sapol ay hindi naman nila ito pinagtutuunan ng pansin dahil puro simpleng punyal at mga espada lang ang nabebenta dito at si Yun lang naman ang nagkainteres na lumapit dito.

Nakalabas na ng bayan si Yun, nasa bungad na siya ng kagubatan.Ang kagubatang ito ay tinatawag na Azure Dragon Forest.Tinawag sa pangalang ito batay sa kwento noon na may naninirahan daw dito na isang azure dragon pero wala pang nakakapagpatunay at isa palang itong haka-haka.

Sa kagubatan rin na ito namatay ang dating Yun.

"Kanina pa parang may tumatawag sa akin loob ng kagubatan simula nong nakuha ko ang kutsilyong ito."hinawakan niya ang punyal pero nong ilalagay na niya sana ito sa kanyang spatial sack ay hindi niya ito maipasok,ibinigay ng kanyang ina ang kanyang spatial sack noong ikasampong kaarawan niya bilang regalo at bilang pagsisimula niya bilang isang cultivator.Inilagay nalang niya ito sa kanyang bewang.

Ang spatial sack parang isang dimensyon pero may haba lang ito ng sampong metro at lapad rin na sampong metro, pwede kang maglagay ng mga bagay dito na walang buhay.

Pumasok na siya sa gubat,balak niyang sundan ang pakiramdam na tumatawag sa kanya kahit na wala siyang alam at dahil na rin sa kuryosidad.Ilang oras na ang nakakalipas simula nong pumasok siya pero ni isang halimaw ay wala siyang nakasalubong.Nakapagtatakada dahil malayo na siya sa lugar kung saan namatay ang dating Yun, wala pa rin siya sa gitna ng kagubatan dahil sobrang lawak ng kagubatang ito. Kanina pa siya naglalakad at palagi siyang nagmamasid sa paligid pero wala parin siyang namamataan na mga halimaw.

"Parang may mali, kanina pa ako palakad lakad pero wala parin akong nakakasagupang halimaw ni isa."

Sinusunod niya lamang ang pakiramdam niya na lumakad sa direksyon kung saan parang may tumatawag sa kanya.

Ilang oras na naman ang nakalipas at hindi na rin niya alam ang oras dahil wala ng sinag ng araw ang makikita dahil sa sobrang yabong ng mga dahon sa kagubatang ito.

"Hmm,mas lumakas na ang pakiramdam ng tumatawag sa akin."itinuloy niya ang paglalakad.Napunta siya sa isang napakalalim na bangin.Nasa harap na nita ito at ramdam na ramdam na niya ang kakaibabg pakiramdam.

"Talon."nagulat siya dahil may narinig siya ng isang misteryosong boses ng matanda.

"Tumalon ka bata."

"Sino ka? Ikaw ba ang tumatawag sa akin."inilabas niya ang punyal at naghahandang dumepensa pag may umatake sa kanya.Bigla nalang umilaw ang punyal at bumigat ito kaya nabitawan ito ni Ilpyo,nahulog ito sa bangin.

"Tumalon ka na bata."tumakbo na siya pabalik pero nagulat siya dahil hindi niya maigalaw ang kanyang katawan.

"Anong nangyayari sa akin?"natatakot na siya.

"Hindi ka makakaalis hanggat hindi mo nakukuha ang aking pamana."kinikilabutan na siya sa boses ng misteryosong matanda.

"Pa-pamana?A-anong pamana ang pinagsasabi mo?"natatakot nitong tugon.

"Ikaw ang napiling tagapagmana ng aking alaala at ang aking dimensyon na kung saan andon lahat ng aking mga ari-arian at kayamanan."

"Paano mo mapapatunayan ang sinasabi mo?"kahit na natatakot na si Yun ay pinalakas niya ang kanyang loob pero hindi sumagot ang matanda.

Lumipas ang ilang segundo at bigla nalang may isang matanda ang lumitaw sa kanyang tabi.

"Nagkita muli tayo bata."Nagulat si Yun dahil ang matandang ito ang nagbigay sa kanya ng punyal.

"I-ikaw, pa-paano ka napunta dito."

"HAHAHAHAHAHA"tumawa ng malakas ang matanda.

"Ako ang nagsasabi sayo na tumalon ka sa bangin bata."

"Ikaw? "

"Dahil sabi mo na gusto mo ng proweba ay nagpakita ako.Ikaw ang maswerteng napili para manahin ang alaala at kayamanan ng aking master."paliwanag nito.

"Master?Sinong master? "nagtatala nitong tanong.

"Kilala mo ang ang pangalang Dragon Hermit Emperor?"mas nagulat si Yun dahil kilalang kilala niya ang nasabing pangalan.Lahat ng matatandang henerasyon ay palaging ikinukwento sa mga bata ang katanyagan ng taong ito.Ang Dragon Hermit Emperor ay siyang naghari milyong-milyong taon na ang nakakalipas.Siya ang pinakamalakas na nilalang na naabot ang tuktok ng Saint God Realm pero sa hindi malamang dahilan ay bigla nalang siyang nawala.Siya ang hinahangaan ng lahat.Hanggang ngayon ay bukang bibig parin siya ng nakakarami dahil isa siyang maalamat na nilalang ng Saint God Realm.

"Oo."tumango tango ang matanda.

"Ako ay isa sa maraming remnant thought soul ng aking master,nabuhay kami milyong taon na nag nakakaraan,nabuhay kami para mahanap ang tagapagmana sa mga ala-ala at ari-arian ng aking master,kapag nahanap na namin ang tagapagmana ay mabubuo ang lahat ng remnant thought soul ng aking master at mapupunta ito sayo.Nasa samin lahat ng alaala ng aking master,dahil nahanap ko na ang tagapagmana at ilang oras na lang ang aking itatagal."nakinig ng mabuti si Yun sa paliwanag ng matanda at wala siyang pinatakas sa kanyang pandinig kahit maliit na detalye.

"Kung ganon, ako ang naitadhanang magmana sa mga ari-arian ng isang maalamat na nalilalang."nananabik ang nararamdaman niya pero hindi niya ipinahalata.

"Tinatanggap mo ba ang pamana?"

"Tinatangga ko."buong puso nitong sagot.

"Kung ganon tumalon ka na sa bangin dahil nabuksan na ng Knife Dimensyon Key ang dimensyon."marami pang katanungan si Ilpyo pero isinawalang bahala nalang niya ito at tumalon na siya ss bangin.

"Kunting panahon na lang at may isang nilalang na naman ang magiging usapan sa mundong ito at susunod sa yapak ng aking master,HAHAHAHA."tumawa ng napakalakas ang matanda.Nawala na ang matanda sa kanyang pwesto at naging isa itong liwanag.Sumunod siya kay Yun na kasalukuyang nasa loob ng dimensyon at wala siyang malay dahil di niya nakayanan ang bigat ng presyon sapaligid.

Isang liwanag ang pumasok sa kanyang katawan at ito ay ang matanda kanina na naging liwanag.Lumipas pa ilang sandali at sunod-sunod na liwanag ang pumasok sa kanyang katawan at ito ang iba pang remnant thought soul ng dragon hermit emperor.

SA ANGKAN NG ZHAO

"Hesusa, wala sa kwarto ang young master."

"Baka pumunta na naman siya sa kagubatan."nag-aalala na naman ang Ina ni Yun.

"Hahanapin ko siya Hesusa,wag kang mag-alala ibabalik ko siya dito."hindi na niya hinintay sumagot at lumabas na siya sa kanilang angkan.

Hindi parin mawala-wala ang kaba at pag-alala ng ina ni Yun.

Si Yun naman ay wala paring malay at wala ng pumapasok na liwanag sa kanyang katawan pero nagliliwanag ang kanyang buong katawan.