webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 1: ZHAO YUN

Sa isang bansa sa planetang earth ay may nagaganap na digmaan.Nagkalat na ang mga bangkay kung saan-saan, humalo na sa hangin ang masangsang na amoy ng dugo,kahit saan ka tumingin ay may makikita kang dumadaloy na dugo.

Sa isang palapag ng isang mataas na gusali ay may dalawang lalaki ang nagtatago at nagmamasid sa nangyayari."Hindi ito maganda,namatay na lahat ng pinadalang buck-up na hukbo ng America."Na-ambush ang kanilang hukbo habang papunta sila sa parte kung saan nagaganap ang digmaan.Kahit na ganito na ang nakikita niya ay hindi mababakas sa kanyang mukha ang pagkatakot kundi kuryosidad lamang.

"Paanong nalaman ng ating kalaban na dito tayo dadaan,pinagplanuhan ko ito ng mabuti batay sa mga impormasyon na aking nakalap."Tumingin siya sa kanyang kasama.

"Bumalik muna tayo sa headquarters para ipaalam ang nangyari dito, malakas ang kutob ko na may traydor sa ating grupo."Naglakad na siya.

Bigla na lang may pumutok sa kanyang likod at may naramdaman na lang siya sa kanyang dibdib.

"Pasensyahan na lang tayo partner."

"Paano mo nagawa sa akin ito,halos buong buhay ko itinuring kitang kapatid Desyo."Hindi makikitaan ng galit habang siya ay nagsasalita.

Si Desyo at Yun Zhao ay sabay na lumaki sa isang amponan at noong lumaki na sila at nakapag-aral ay pareho silang kumuha ng trabahong pagiging sundalo.Mamamayan sila ng bansang America.

"Paalam Yun Zhao."

Bang!!

Isa pang putok ng baril at tumama sa kanyang dibdib ang bala.Tuluyan na itong natumba at nakapikit na ang kanyang mga mata.Nakangising umalis ang lalaking bumaril sa kanya.

Hindi niya inakala na ang taong tinuring at pinahalagahan niya bilang kapatid at buong buhay niyang nakasama ay siyang magtratraydor sa kanya.

"Kailangan kitang patayin Dragon para sa ikakaganda ng aking buhay,HAHAHAHAHA."kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang bulsa.

"Natapos ko na si Dragon."

"Magaling, maasahan talaga kita cobra."masayang tawa ng nasa kabilang linya.

-------

"Gising young master,young master gumising ka hindi ka pwedeng mamatay"May umiiyak na isang lalaking nasa katanghaliang gulang sa gilid ng isang bata na may katamtamang hubog ng katawan at medyo may katangkaran at may napakaraming sugat sa kanyang katawan.Nakahiga ito sa isang magandang higaan.

Napamulat ang bata.Pumangit ang itsura nito dahil namimilipit siya sa sakit.Napunta ang tingin niya sa matanda.

"Buhay ka young master."masaya pero umiiyak paring sabi ng matanda.Natagpuan kasi niya ang bata sa loob ng gubat na nakikipaglaban sa isang halimaw at ito ay nakahiga na.Sakto ang kanyang pagdating dahil kung nahuli siya ng ilang minuto ay baka nakain na ang bata.Pinatay niya ang halimaw at nag-aalalang inuwi ang katawan ng nag-aagaw buhay na bata.

"Sino k-..

Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya nang bigla na lang may mga impormasyon ng mga alaala ang napunta sa kanyang isip.

"Ahhhhhh,arayyyyyyy."nagpagulong-gulong na siya sa kanyang higaan.

"Young master."nag-aalala na ang lalaki sa kanya.

Lumipas ang ilang minuto ay tumigil na ang sakit na nararamdaman ng bata.

"Young master, ayos kalang?"

"Zhao Yun?"may iba't ibang alaala ang nasa kanyang isip at Zhao Yun ang pangalan ng batang nagmamay-ari sa ala-alang ito.

Tatayo na sana siya pero bigla siyang natumba."Young master,wag mong pilitin at magpahinga ka muna."bigla siyang may naalala. Namatay ang isang bata sa isang laban, laban sa isang malaking halimaw"Maiwan muna kita Young master, may gagawin lang ako saglit, babalik rin ako."Ipinikit niya ang kanyang mga mata.

"Na-migrate ako sa ibang mundo? Anong mga alaala ito?"dalawang magkaibang alaala ang nasa kanyang isip.Matapos niyang namatay sa kamay ng kanyang itinuturing na kapatid ay napunta ang kanyang kaluluwa niya sa kakaiba at mahiwagang mundo.Ang mundong ito ay tinatawag na Saint God Realm na kung saan ang malalakas ang siyang naghahari,mundo ng cultivation,mundo kung saan natural ang patayan at alitan ng iba't ibang lahi,mundo kung saan ang malalakas ang tinitingala,hinahangaan at kinakatakutan.Napunta ang kaluluwa niya sa batang kailan lang namatay sa kamay ng isang halimaw.

"Ang batang ito ay halos magkapareho kami ng pangalan.Siya ay labindalawang taong gulang na malayong malayo sa edad ko noong nasa earth palang ako na nasa limamput-pitong taong gulang. May maganda siyang hubog ng katawan at may katangkaran siya pero napakahina ng katawan nita.Level 3 bronze rank? Cultivation?Cultivation Method? Cultivation core?

Ano ang mga ito?"hinalungkat niya ang alaala ng bata, ang cultivation ay ang lakas ng isang tao at ang cultivation method ay ang paraan kung paano lumakas ang isang tao at ang cultivation core ay kung saan naiipon ang nacultivate mong lakas na nakuha mo sa enerhiya ng langit at lupa sa pamamagitan ng cultivation method,kung nawasak na ang cultivation core mo ay hindi kana lalakas at hindi na tataas ang iyong ranggo.At sa bawat cultivate mo ay magkakaroon ka ng antas at iba't ibang ranggo.Ang batang Yun at nasa ranggong bronze at level 3 lamang ito.Nahahati sa sampung level ang isang ranggo,magsisimula sa level 1 hanggang level 10 at may sampu ring ranggo,Ang bronze rank, silver rank, gold rank , platinum rank, scarlet gold rank, profound scarlet rank, phantom scarlet rank,phantom sky rank,heaven rank,at profound heaven rank.

"Ganon pala,napunta ako sa mundo kung saan sa planetang earth ay sa libro ko lang nababasa.Hmm,bakit sa katawan pa ng batang ito ako napunta, sobrang hina niya at napakababa ng kanyang antas at ranggo.Sino ba ang batang ito?"hinalungkat na naman niya ang alaala ng bata.Ang batang si Zhao Yun ay nagmula sa angkan ng mga Zhao,isa sa tatlong pinakamalakas na angkan ng Heavenly Blossom Province ,ang Heavenly Blossom Province ay isa sa labinlimang probinsya sa kaharian ng Dark Draconic Palace.Si Yun ay isa sa tatlong anak ng patriarch ng angkan ng Zhao-Zhao Yudao.Siya ang pumapangalawa sa tatlong magkakapatid pero siya ang hindi pinapaboran dahil anak lamang siya ng patriarch sa isang kasambahay sa palasyo.Ito ay isang lihim sa kanilang angkan,matataas na opisyal lamang ang nakakaalam at ang asawa ng patriarch,ang alam lang ng lahat ay dalawa lang ang anak ng patriarch.Si Zhao Meng at Zhao Qin.Hindi alam ng batang Yu ang katotohanan at ang alam niya ay naglakbay lang ang kanyang ama sa malayong lugar batay sa kwento ng kanyang ina.

Creakkk!!

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaki na umalis kanina at may kasama itong napakagandang babae.

"Anak ko anong nangyari sayo?"umiiyak na sabi ng babae habang papalapit.Napamulat ang bata.

Niyakap ng babae si Yun.

"Ina."napakaganda ng kanyang ina at ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang babae,noong nasa earth pa siya ay marami na siyang nakilalang mga magagandang babae pero malayo sila sa babaeng nakayakap sa kanya.

"Sinabi ko naman sayo na wag na wag kang pupunta sa kagubatan ng mag-isa kalang."umiiyak parin ang babae at kahit ramdam na ng bata ang sakit na nagmumula sa kanyang sugat ay hindi niya parin pinapaalis ang kanyang Ina mula sa kanyang yakap.

"Pasensya na po Ina,gusto ko lang po naman lumakas para hanapin si ama."ito ang gusto ng batang Yun simula noong nalaman niya sa kanyang Ina na naglakbay sa malayong lugar ang kanyang ama.

"Ma'am Hesusa, nasasaktan na si Young Master."

"Pasensya na anak nag-alala lang talaga ako ng sobra sayo."umupo na siya sa upuan sa gilid ng kama.Napangiti na lang naman si Yun.

"Salamat Arthur sa pagsagip at paggamot sa anak ko."nakwento na ng matanda sa Ina ni Yun ang nangyari sa kanya.

"Walang anuman, nararapat ko lang iyong gawin dahil ako ang bantay ni young master Yun."malugod at nakangiti nitong sabi.

Si Arthur ay ang kababata ng Ina ni Yun.Pareho silang nagtratrabaho sa palasyo.Si Arthur lang din ang hindi mataas na opisyal sa angkan ng Zhao ang nakakaalam sa tunay na pagkatao ni Yun.Simula noong nalaman niya ito ay ipinangako niya sa kanyang sarili na babantayan niya ang anak ng kanyang kababata dahil alam niya na hindi siya itratratong anak ng patriarch dahil isa lang kasambahay ang kanyang kababata.Napakaganda naman kasi ni Hesusa at napakarami itong manliligaw pero pinagbawal na ito ng patriarch at ang pinagdahilan nito ay ayaw niyang mawala ang pinakamasipag na kasambahay sa kanyang palasyo pero hindi ito ang totoo. May gusto rin siya kay Hesusa pero isinawalang bahala nalang niya ito dahil sa patriarch.Itinuring nalang niyang anak si Yun.

Matapos magpaalam ng Ina ni Yun at Arthur kay Yun at umalis narin sila para gawin ang kanilang mga responsibilidad sa palasyo.Si Yun naman ay nagpahinga at natulog dahil sariwa parin ang mga sugat sa kanyang katawan dahil pinainom lang naman siya ni Arthur isang level 1 healing potion na may 20% lamang na nagpapagaling,isa lang ang na-ipainom niya kay Yun dahil sobrang mahal parin ng healing potion kahit level 1 pa lamang ito at may tatlo lamang siya nito.Kailangan niyang magpagaling dahil ipinangako ni Yun na tutulungan niya ang batang Yun na hanapin ang kanyang ama pero bago niya gawin iyon ay magpapalakas muna siya bago siya maglakbay.