webnovel

I AM INVINCIBLE IN WORLD OF HEAVENLY MARTIAL CULTIVATORS (TAGALOG)

Mundo kung saan ang mga malalakas ang naghahari at ang mga mahihina ang naaapi.Iba't ibang lahi na masa iisang mundo,mga tao,demon beast,fairies at iba pang kakaibang nilalabg. Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Zhao Yun sa kakaibang mundo na ito at subaybayan ang kanyang mga kwento kung saan unti-unti niyang inaabot ang rurok para maging pinakamalakas na nilalang sa mundo na maraming henyo ang tatapakan niya at mamamatay sa kanyang kamay dahil sa pangmamaliit ng mga ito sa kanya at dahil don ay marami siyang magiging mga kaaway at mga malalakas na nilalang ang kanyang mga mababangga pero marami din siyang magiging kaibigan na siyang magiging parte ng kanyang pakikipagsapalaran. Maraming pagsubok ang kanyang dadanasin.Makakayanan kaya niya ang mga pagsubok na ito? Makakaligtas ba siya sa kamay ng mga malalakas na nilalang?Maabot ba niya ang rurok?

InnocentZero · Fantasy
Not enough ratings
11 Chs

CHAPTER 11: ANCIENT SEAL ART TECHNIQUE

Ilang araw na naman ang lumipas.Sa gitnang bahagi ng Azure Dragon Forest.

Isang binatang may itim na roba ang nakikipaglaban

sa limang halimaw at ito ay walang iba kundi si Yun na walang sawang nakikipaglaban sa mga halimaw sa nagdaang araw at hanggang ngayon ay hindi parin siya makikitaan ng pagod dahil sobrang sigla parin nito at ni isang sugat o galos man lang ay wala siya at pati ang robang gamit na ay wala paring pinsala.

Magkakapeho ang limang halimaw na ito pero may isang halimaw na may ibang katangian .Isang vicious beast pack ng Black Blood Wolf at ang pinuno nila ay isang Black Blood Wolf King.

Ang isang grupo ng halimaw ay may nagsisilbing pinuno at siya ang pinakamalakas sa kanila.Hindi pangkaraniwan ang grupo ng halimaw dahil mas nakakatakot pa ito kaysa isang halimaw na may mataas na ranggo.Ito ang iniiwasan ng mga cultivator na nagsasanay at mga mangangaso.Pero si Yun ay mas gusto pa na makasagupa ang grupo ng halimaw na ito.

"Isang grupo na naman."napangiti na lang si Yun dahil sa kanyang natagpuan at pinili na maunang umatake.

"Almighty Piercing Slash."winagayway ni Yun ang kanyang espada at may isang misteryosong lilang enerhiya ang lumabas dito.Pasugod na rin ang limang halimaw pero hindi pa sila nakakalapit ay nagsitalsikan na ang kanilang mga ulo.Namatay silang lahat sa technique na pinakawalan ni Ilpyo kasama na ang kanilang pinuno.

"Nakakabagot na ang ganitong pagsasanay.Kahit na isang level 4 silver na na halimaw ay hindi na ako matatapatan."sa ilang araw na pagsasanay ni Yun sa kanyang technique ay napagyabong nito papuntang initial stage.Ilang pack rin ng halimaw ang kanyang nakasagupa pero gaya ng kanina ay isang atake lang ay namamatay na silang lahat.At ang pinakamalakas na halimaw na nakalaban ni Yun ay isang Silver Eye Python na isang level 4 silver rank.Naging maganda ang kanilang laban at sa una ay pantay pa lamang sila pero habang tumatagal ay nakakalamang na si Yun dahil nahahasa na siya sa paggamit ng kanyang technique at skill.

Ilang araw palang ang lumilipas pero naabot na sa mastery stage ang kanyang cooper body at perfection stage ang cooper fist.

Dahil nasa nagkaroon ng bottleneck ang kanyang mga skills na ito ay naisipan niyang magsanay ng sandata at espada ang kanyang napili.Ang binitawan niyang skill kanina skill iyon ng kanyang sinasanay na Sword Technique,Ang Dual Sword Art Technique.Ang technique na ito ay kinakailangan ng dalawang espada para matutunan kaya dalawang espada ang ginagamit ni Yun sa nagdaang araw niyang pagsasanay.Ang technique na ito ay may gradong peerless tire heaven grade na may tatlong yugto at si Yun ay wala pang kalahati ang nasasanay at ang Almighty Piercing Slash ang skill na pwede niyang mahasa sa yugtong ito.

"Oo nga pala, gaganapin na sa isang araw ang paligsahan sa aming angkan."Napagpasyahan nalang ni Yun na bumalik muna sa kanilang angkan at maghanda para sa gaganaping paligsahan.

Hindi pa nakakalayo ng lakad si Yun ay may hindi pamilyar na boses ang kanyang narinig mula sa kanyang isip at alam na niya na isa ito sa remnant thought soul ng Dragon Hermit Emperor.

"Bata,hindi ka pwedeng bumalik sa iyong angkan na may ganyang lakas."napahinto si Yun sa kanyang paglalakad.

"Bakit naman hindi."

"Inosente ka pa talaga at wala pang alam sa mundong ito."hindi na nagpakilala ang misteryosong boses dahil wari nito na kilala siya ng binata.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Sa lakas mong iyan na nasa level 2 silver rank ay bibiglain mo ang mga taong nakakakilala sayo at magtataka sila kung paano mo iyan nagawa at hindi maiiwasan na may mga taong sakim na magnanasa sa pamamaraan na ginamit mo para mapagyabong ang iyong lakas at gagawa sila ng paraan para malaman at makuha ito sa iyong kamay."nakinig ng mabuti si Yun sa sinabi ng misteryosong boses at napagtanto nito na ang lahat ng sinabi ng misteryosong boses at totoo.

"Ibig mo ring sabihin na hindi narin ako pwedeng bumalik sa aking angkan?"

"Hindi iyon ang ibig kung sabihin dahil may paraan ako para maitago ang lakas mo ng hindi napapansin at maramdaman ng iba."nagulat si Yun dahil ngayon lang siya nakarinig ng isang pamamaraan na kayang itago ang totoo mong lakas.

"Kung ganon ay ituro mo na sa akin."habang nag-iisip si Yun ay ilang impormasyon ang napunta sa kanyang isip."Wala akong dapat ituro sayo dahil lahat ng pwede mong matutunan ay nasa isip mo na."napakunot naman ang ulo ni Yun sa kanyang narinig.

"Ancient Seal Art technique?"ito ang pamamaraan na kusa nalang nagpakita sa isipan ni Yun.Ang Ancient Seal Art Technique ay isang pamamaraan kung paano itago ang totoo mong lakas at may kakayahan rin ito na ibaba ang iyong level at ranggo pero hindi literal na bumaba dahil pansamantala lang ito.

"Ikaw na ang bahalang umunawa,nasabi ko na ang dapat mong malaman."

"Maraming salamat."

Isang oras lang ang ginugol ni Yu para pag-aralan at unawain ang nakuha niyang technique.Sinubukan niya ito sa kanyang sarili.

"Tagumpay."masaya sa Yun sa naging resulta nito.Napunta pansamanta ang level at ranggo ni Yun sa isang level 8 bronze rank pero ramdam na ramdam parin ni Yun ang totoo niyang lakas.Sinubukan niyang ilabas ang kanyang awra at level 8 bronze rank lang ang lakas nito.Pagkasabik at paghanga ang nararamdaman ngayon ni Yun dahil ngayon lang siya nagkaroon ng kaalaman na may ganitong malahimala at makapangyarihan technique.Hindi man ito nakakatulong sa laban ay nakakatulong naman ito linlangin ang mga tao sa kanyang paligid at ngayon ay nasa kamay na ngayon no Yun ang technique na ito.

"Pwede na akong bumalik sa aming angkan ngayon."tumalon paibaba ng puno si Yun dahil sa taas ng puno niya pinag-aralan ang technique.Bago siya maglakbay pauwi ay hinubad niya muna ang kanyang roba saka ito inilagay sa kanyang interspatial ring.

Madilim na ang paligid at ganitong oras nagsisilabasan ang mga malalakas na halimaw para makakita ng bibiktimahin nila.Tumakbo ng napakabilis si Yun at iniiwasan lahat ng nakakasalubong niyang halimaw.Kahit na naka-seal na totoong ranggo at lakas ni Yun ay malaya parin nitong magagamit ang totoo niyang lakas kahit kailan niya gusto.

Pagkatapos ng ilang minuto.Tuluyan ng nakauwi si Yun at kasalukuyang naglalakad papunta sa kanilang tirahan.

Sa isang sulok sa likod ng isang bahay ay may isang lalaki ang nagmamasid sa kanya.Sinusubukan niyang pakiramdaman ang lakas ni Yun at nagulat siya.

"Talaga ngang level 8 bronze rank na siya, ang kanyang paglakas ay kahanga-hanga.Hindi naman siya magiging sagabal para makakuha ako ng pwesto."

Pagkatopos niyang pakiramdaman ay umalis na siya.

"Ina andito na ako."pumasok na si Yin sa loob ng kanilang bahay at nakita ang kanyang ina na nakaupo sa kanilang salas.

"Sa wakas anak andito ka narin,hindi ko parin maiwasan na kabahan at mag-alala satwing pumupunta ka sa kagubatan."tumayo ito at sinalubong ng yakap si Yun.Ramdam ni Yun ang init ng pagmamahal ng kanyang ina,at kahit hindi niya ito totoong ina ay napamahal narin siya sa kanya dahil narin iisa nalang sila ng dating Yun.

"Ayaw ko na ulit na mapunta sa alanganin ang iyong buhay anak."

"Walang masamang mangyayari sakin ina."

Kasalukuyang nasa labas ng kanilang bahay si Yun at nag-iisip.

"Dahil namana ko ang ala-ala ng dating pinakamalakas na nilalang ay may pag-asa rin akong maging pinakamalakas sa hinaharap."makikitaan ng pagkasabik ang mga mata ni Yun.

"At hindi sa maliit na probinsyang ito ang huling hantungan ko.Gusto kong maging pinakamalakas dahil gusto kong sumunod sa kanyang yapak at higit sa lahat ay maprotektahan ang aking ina."determinadong maging pinakamalakas si Yun batay sa tuno ng kanyang salita.

Pumasok na siyang muli sa kanilang bahay at sinumulang magcultivate.

Kinabukasan ay masigla lahat ng kabataan sa Zhao Clan at hindi lang sila dahil pati mga nakakatanda ay masigla rin dahil ngayon na idadaos ang paligsahan para pumili ng tatlong kabataan na magrerepresenta ng kanilang angkan sa gaganaping paligsahan sa susunod na sampung buwan.

Pumunta lahat ng kabataan sa koliseyo dahil doon gaganapin ang paligsahan.Sobrang lawak ng koliseyo ng Zhao Clan dahil ukupado nito ang ang isang kaapat ng kanilang teritoryo.Sa gitna ng koliseyo at may malawak ding entablado.Ang entablado ito ay kung saan nagsasanay ang mga kabataan na nangangarap na maging malakas.

Matapos pa ang ilan pang minuto ay tuluyan ng napuno ang koliseyo.

Ito rin ang unang pagkakataon ni Yun na pumasok sa koliseyo dahil kahit ang dating Yun ay kahit kailan ay hindi pumasok dito dahil sa bakuran lang ito nagsasanay noon.Napamangha siya sa ganda at lawak ng koliseyo dahil libo-libong katao ang nandito ngayon at ito ang kabuuang mamamayan ng Zhao Clan.

"Zhao Meng,Zhao Qin."napatingin si Yun sa pribadong parte sa taas ng koliseyo at namataan niya ang magkapatid na kalmadong nakaupo sa gilid ng kanilang magulang."Hindi ako magpapatalo sa inyo."kalmado rin si Yun dahil tanging siya lamang ay may alam sa totoo niyang lakas

Sa taas ng koliseyo ay may kakaibang naramdaman si Zhao Qin kaya napatingin-tingin siya sa ibaba at kahit alam niyang maraming nakatingin sa kanilang kinaroroonan ay kakaiba parin ang nararamdaman niya ngayon .Napatingin siya sa isang lalaki na saktong kakaiwas ng tingin at tinitigan niya ito ng mabuti.

"Wala naman espesyal sa kaniya,hindi kaya siya?"Napatingin ulit siya sa paligid pero wala ng iba siyang maramdaman maliban sa lalaking iyon."Baka guni-guni kolang"hindi nalang ito pinansin ni Zhao Qin.

Napansin rin ito ni Yun na napatingin sa kanya si Qin pero inaasahan na nya ito kaya parang wala lang sa kanya at kalmado parin ang kanyang ekspresyon.