webnovel

Want More?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 41: Gusto mo pa?

"Ano…anong gusto mo?" nang makitang naupo rin sa passenger seat si Lu Tingxiao, hinigpitan ni Ning Xi ang kapit niya sa steering wheel na parang pinoprotektahan ang pagmamay-ari niya.

Umupo si Lu Tingxiao at nandilim ang mga mata.

Heh, anong gusto niya?

Mas mabuti nang 'di alam ni Ning Xi.

Nakasuot na lang ngayon si Lu Tingxiao ng puting polo shirt; masyadong masikip ang collar kaya marahas niyang inalis ang unang butones, tapos 'yung pangalawa, tapos 'yung pangatlo…

Maiging pinanood ni Ning Xi si Lu Tingxiao, nawala siya sa wisyo habang nakikita ang isang gwapong lalaking nagtatanggal ng damit para ipakita ang dibdib, umabot pa sa puntong nalimutan na niya ang pinakamamahal niyang Little White.

'Di napansin ni Lu Tingxiao na nanonood si Ning Xi. Habang pinipigilan niyang ipahalata ang katatawa-tawa at hindi makatwiran niyang pagseselos sa isang sasakyan, nagsindi siya ng isang sigarilyo at sinimulan ng isang mahabang hithit bago niya ibinuga ang usok.

Sa oras na hinawakan ni Lu Tingxiao ang yosi, 'di na kinaya ni Ning XI. Nakatitig na lang siya sa lalaking nasa harap niya: sa paggalaw ng Adam's apple niya, sa puting yosing nasa pagitan ngayon ng manipis niyang mga labi, at sa usok na lumalabas mula sa bibig nito.

Naramdaman ni Lu Tingxiao ang matinding pagtitig sa kanya at paglingon niya, nakita niya ang pagkauhaw sa mukha ni Ning Xi.

Sa isang sandali, muntik nang maloko si Lu Tingxiao ng itsurang 'yun; pero napagtanto niyang hindi siya ang dahilan ng craving ni Ning Xi.

Uhaw siya sa sigarilyong nasa pagitan ng mga labi nito.

Kung tutuusin, magaling talaga kumalap ng impormasyon si Lu Jingli; detalyado ang naging background check niya kay Ning Xi, mula sa kinalakihan niya, sa mga hilig niyang pagkaabalahan, maging yung plano niya na mag-quit sa paninigarilyo…

Naintindihan ni Lu Tingxiao na may smoke cravings si Ning Xi.

Hindi nalang pala isang ex-lover at magarang sports car ang nakatalo sa kanya, ngayon, pati sigarilyo mas kaakit-akit pa kaysa sa kanya.

Ngayon lang na-frustrate at na-insecure nang ganito si Lu Tingxiao sa buong buhay niya.

Mula sa unang pagkakataon na nakita niya si Ning Xi, gusto niya na 'to para sa sarili niya. Pero napagdesisyunan niyang 'wag madaliin ang mga bagay-bagay para protektahan ang nararamdaman ng dalaga. Si Ning Xi naman, sa kabilang banda, 'di kailanman naging interesado sa kanya at laging pang nagtatakda ng hangganan.

Sabi nga kanina "she would rather hug someone else's thigh" kaysa maging asawa ni Lu Tingxiao.

Ayon sa marami, kapag ang ex 'di makalimutan, ibig sabihin hindi sapat 'yung bago. Ibig sabihin ba no'n 'di pa talaga sapat si Lu Tingxiao? Na nagpakalasing pa siya dahil sa isang taong iniwan siya noon.

Malinaw sa kanya na ang pinakamabuting paraan ay ang dahan-dahanin lang ang mga bagay bagay at palagi niyang sinusunod ang patakaran na 'to. 'Di niya naisip kailanman na mawawala siya sa katwiran tulad nito na kahit maliit na bagay nawawala siya sa sarili.

Patuloy lang si Lu Tingxiao sa paninigarilyo habang nagkalat ang mga iniisip niya. Sinalamin ng mga mata niya ang pulang kislap ng baga ng sigarilyo at nagtanong, "Gusto mo?"

Walang pag-aalinlangang tumangi si Ning Xi, 'di malinaw kung dahil ba naakit siya sa sigarilyo o sa lalaking katabi niya.

Pinitik ni Lu Tingxiao ang abo ng yosi bago humithit muli sa ilalim ng malagkit na titig ni Ning Xi; bago niya pa mapaghandaan, nakadikit na ang lasang-sigarilyong mga labi ni Lu Tingxiao sa kanya…

Nandilat ang mga mata ni Ning Xi; napapaligiran siya ng amoy ng tabako at ng malamig na hininga ng lalaki; maya-maya lang ay marahang ibinuka ang mga labi niya bago ibinuga ang usok sa bibig niya…

Dahil hindi handa, naubo nang malala si Ning Xi mula sa usok.

Kalahati na lang ang sigarilyo. Humithit muli si Lu Tingxiao nang may lungkot sa mukha. Maluha-luha man ang umuubong babae sa tabi nito, sobrang ganda niya pa rin, kaya nagtanong ulit si Lu Tingxiao, "Gusto mo pa?"