webnovel

Goodnight, My Girl

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 42: Goodnight, My Girl

Galit si Ning Xi habang umuubo at tintititigan si Lu Tingxiao na parang isang sira.

"Heh," bakas sa mga mata ni Lu Tingxiao ang pagtawa dahil ang cute pa rin ni Ning Xi. Initsa na niya ang sigarilyo at ibinuga ang lahat ng usok bago lumingon pabalik at lumapit kay Ning Xi para halikan ito.

Ang sabi ng instinct ni Ning Xi ay pumiglas pero pinigilan siya ng kamay na nasa bewang niya at ng pagbulong ng mababang boses sa tenga niya "Dahan-dahan lang ngayon."

Bago pa maka-react si Ning Xi, napuno na siya ng masigasig na mga lasang-tabakong halik.

Patuloy lang siyang hinalikan hanggang sa nahilo siya na parang nakalutang siya sa ere.

Ang tanging sigurado siya sa mga panahong 'yon ay ang pagiging mas delikado ng lalaking kasama niya kaysa sa kahit anong sigarilyo.

Bang. Bumaba ang sandalan ng car seat at sumunod din ang katawan ng lalaki.

Halos 'di makahinga si Ning Xi; para siyang nahuhulog, palalim nang palalim, palalim nang palalim, hanggang narating niya ang pinakaibabang bahagi ng dagat…

Nang tumigil sa pagkibo ang taong nasa ilalim niya, tumingala si Lu Tingxiao at nakitang tulog na tulog na si Ning Xi at mahina pang humihilik…

Ang kaninang namumulang mga mata ni Lu Tingxiao ay bumalik na sa normal nitong kulay na itim, namatay na ang nagbabagang apoy sa puso niya.

Ha, nababaliw na ba siya? Sineseryoso niya masyado ang oras kasama ang isang lasing…

Tatlong araw pa lang ang nakalipas.

Tatlong araw pa lang nilang kilala ang isa't isa.

Bakit ba siya nagmamadali?

'Di makatuwiran ang pagkahumaling niya sa babaeng ito.

Unang beses pa lang niyang nakita si Ning Xi, may kakaiba na siyang naramdaman – parang nabuhay siya ulit.

Kahit 'di pa naman sila nagkakakilala dati, pakiramdam niya isa siyang taong nakilala mula sa nakaraan.

Noong binuhat niya ito mula sa bar storeroom, bigla siyang nakumpleto na parang buong buhay niya may isang kulang na pirasong natagpuan niya ng araw na 'yun.

Gusto niya si Ning XI, ang kabuuan ni Ning Xi, at hindi na siya makapaghintay.

Pero 'di niya rin maaatim na mawala pa 'to sa kanya, kaya tanging paghihintay lang ang magagawa niya.

Kumuha ng unan at kumot mula sa likod ng sasakyan si Lu Tingxiao at tinimpla ang lamig ng aircon bago humiga sa tabi ni Ning Xi at hinalikan ang noo ng dalaga.

"Goodnight, my girl."

Kinabukasan.

Nagising si Ning Xi na nakabalot sa yakap ng isang tao.

Kinusot niya ang mata at nakita mula sa bintana ang mga berdeng dahon, maliwanag na sikat ng araw na nagbibigay init sa kanyang katawan, at narinig niya ang tunog ng paghuni ng mga ibon…

Hm, nasa'n kaya siya?

Tumingin siya sa paligid at nagulat na sa loob pala siya ng sasakyan nakatulog – at kung magiging eksakto, sa mga braso ni Lu Tingxiao.

Oh my freaking God!

Madaling bumangon si Ning Xi at nauntog pa nang malakas sa bubong ng kotse.

Siya… si Lu Tingxiao… sa sasakyan…

Put*k, ano bang nangyari kagabi? Bakit naman ganito 'yung bumungad sa kanya pagkagising na pagkagising?

'Di naman mahirap magkamali ng hinala sa nakikita niya ngayon!

"Ano bang iniisip mo?"

Kinakagat na ni Ning Xi ang mga kuko niya sa kaba, parang umiikot ang utak niya, at sumagot na lang siya nang walang bahala, "Iniisip ko kung talaga bang may naganap na car sex dito kagabi kasama ko si Big Demon King...karumaldumal 'yon…"

"Big Demon King… car sex…? Kung 'yon talaga ang nangyari sa tingin mo ba talaga magkakaroon ka pa ng lakas ngayong umaga na bumangon nang madalian at mag-imagine ng kung anu-ano?"

"AH—" ngayon lang na-realize ni Ning Xi na gising na rin si Lu Tingxiao. Napatalon siya sa gulat at muntik pa ulit mauntog. Buti na lang at inasahan na ito ni Lu Tingxiao kaya tinakpan na niya ang ulo ni Ning Xi gamit ang malaki at malakas niyang kamay.

"Mister… Mister Lu…"

"Use my name," sabi ni Lu Tingxiao na may halong panlalamig.

Tinatawag siyang "Mister Lu" ni Ning Xi kapag may tinatago ito at "Master Xiao" naman kapag ayaw niyang mabwisit ang kausap, at ayaw 'yon ni Lu Tingxiao pareho.

Baka guni-guni lang ni Ning Xi, pero pagkatapos ng isa gabi, pakiramdam niya may nagbago kay Lu Tingxiao…