webnovel

Darling, gusto talaga kitang pakasalan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 40: Darling, Gusto talaga kitang pakasalan

"Ahem, 'di rin naman siya masisisi. Nung nasa ibang bansa si Ning Xi, lahat ng na-link sa kanya puro fling lang. Pagtapos niya sa kanila, itinatapon na niya. Sobrang cool niya nga eh, pero itong si Su Yan lang ata 'yung nag-iisang lalaking minahal niya."

Mas mabuti pa kung wala nang sinabi pa si Lu Jingli. Pagkatapos niya kasing magpaliwanag, lalo lang pumangit ang ekspresyon ni Lu Tingxiao.

Walang masabi si Lu Jingli. 'Di pa nga kayo nagdedate eh, anong karapatan mong tumingin nang ganyan na parang gusto mo i-massacre lahat ng ex niya?

"Kuya, kung plano mong hintayin na mahulog 'yung loob niya sa 'yo, dapat dalhin mo muna siya sa Glory World – ang incovenient kasi na nasa Starlight siya na competitor natin. From what I know, miserable din siya 'dun dahil katrabaho niya si Ning Xueluo," pagrereklamo ni Lu Jingli.

Tinignan ni Lu Tingxiao ang tahimik na babaeng nakayakap kay Little Treasure. "'Di pa ngayon ang tamang panahon."

Matapos ang pagpapahirap na dala ng pag-uwi kay Ning Xi sa bahay nila, may panibagong problema paglabas nila ng sasakyan.

Nakita ni Ning Xi ang silver-white na sports car at nagningning ang mga mata niya bago ito niyakap na parang mas pipiliin niyang mamatay kaysa iwanan ang kotse. Mukha siyang isang dalagang natagpuan ang dream guy niya. "Oh! Little White! My darling!"

'Di maipinta ang mukha ni Lu Tingxiao sa dami ng pinagdaanan ng nararamdaman niya mula sa nakita.

Ang dami niyang pinagdaanan ngayon: pumunta sa women's restroom para sunduin siya, ni hindi pa nga maayos ang pakikitungo sa kanya ni Ning Xi. Tinawag pa siya nitong big demon king, tapos ngayon yayakap-yakap siya sa kotse nito at tatawagin pang darling?

"Hahaha… kuya, 'wag mong sabihin nagseselos ka sa kotse! Sino ba nagsabing ilabas mo 'tong sasakyan? Alam mo ba, nung nasa abroad si Xiao Xi, halos kapantay niya ang mga professional race car drivers, at mahilig siya sa mga sports car. Obviously, 'di siya makakatanggi sa allure ng world's top sports car!" pagkukwento ni Lu Jingli sa tabi habang ineenjoy ang kamalasan ng kapatid niya.

Tapos napansin niyang mayroon pang mas nagseselos kaysa kay Lu Tingxiao.

At si Little Treasure 'yun.

Paiyak na ang munting bata dahil narinig niyang ginamit sa isang sasakyan ang nickname niyang "Darling".

Si Ning Xi na dahilan ng mga pagseselos na 'to ay patuloy pa ring hinahaplos ang kotse na parang in love na in love. "Darling, napakagwapo po…sobrang dreamy! Gusto kitang pakasalan!"

Nagpalagutok ng knuckles si Lu Tingxiao, nangangati na gumamit ng dahas.

Nung si Lu Tingxiao ang nag-propose, tinrato siya ni Ning Xi na parang isang halimaw pero ngayon gusto niyang makasal sa isang sasakyan?

Inirolyo na ni Lu Tingxiao ang manggas ng suot niya. "Mr. Zhang, pakiabot ng martilyo."

Tumigil sa pagtawa si Lu Jingli. "'Wag! Kuya, kalma ka lang! Halos 2 billion 'tong kotse! Kung ayaw mo na, akin na lang. Ilalayo ko pa, promise 'di mo na makikita kahit kailan!"

Pagkasabi niya nito, bumaligtad ang mundo ni Lu Jingli dahil binuhat siya ni Ning Xi at ibinalibag.

"Who dares touch my Little White?!" punong puno ng galit si Ning Xi at parang handa siyang pumatay ng mga diyos.

Napahawak si Lu Jingli sa balakang niya. "Diyos ko, please spare me, nagkamali ako…"

Mukhang veteran practitioner ng judo si Ning Xi. Pakiramdam ni Lu Jingli ay nawala ang kalahating buhay niya sa pagkakabalibag sa kanya!

Naupos si Ning Xi sa driver's seat at niyakap nang mahigpit ang steering wheel. "Little White, 'wag ka nang matakot…"

"Eldest Young Master, ito po…" glat na gulat rin si Mr. Zhang na pinaalis sa sasakyan.

Pakiramdam ni Lu Tingxiao ay may paparating siyang sakit ng ulo. Pinaalis na niya si Mr. Zhang.

Tumingin ito sa kanyang anak. "Little Treasure, gabi na, matulog ka na muna."

Matindi ang pag-iling ni Little Treasure dala ng pagkawala ng pagkapaborito sa kanya ni Ning Xi.

'Di nagalit si Lu Tingxiao, ang sabi lang niya, "Dapat maintindihan mo na ang mga babae, they don't like it when the people they care most about see them in their worst state."

Hm, the people they care most about…

Pinag-isipan ni Little Treasure ang sinabi ng ama bago sumunod at umalis rin.

Nanlaki ang mga mata ni Lu Jingli. "Kuya, aren't you going overboard? Magsisinungaling ka pa sa bata!"

"May kailangan ka pa ba?

"Of course, meron pa, gusto kong maramdaman mo ang presensiya ng isang third wheel!"

Naramdaman ni Lu Jingli ang init ng ulo ng kapatid.

"Fine, aalis na, aalis na…" at naglakad na si Lu Jingli palayo bago lumingon pabalik.

Isang lalaki, isang babae, at isang sasakyan. 'Wag mo sabihin may pwedeng mangyari…

Hehe, panahon na para magamit niya ang record-breaking 63x optical zoom range camera na meron siya!