webnovel

Real Kiss or Fake Kiss?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1450: Real Kiss or Fake Kiss?

Nakakunot ang noo ni Guo Qisheng at lumapit sa dalawa. Pinag-isipan niyang mabuti ang kanyang sasabihin. "Ning Xi, 'di tama 'yung ekspresyon mo. Kaka-amin lang ng lalaking gusto mo sa ibang babae at gusto ka niyang iwasan. Nagdadalamhati ka…kahit inaakit mo si Liu Yan habang nakokontrol ka ng charm poison, malinaw pa rin ang pagkilos mo mula sa kalooban mo. Dapat mas makita 'yung sakit at lungkot sa mga mata mo…pero 'di ba parang masyado ka atang natural sa pag-arte kanina?"

Napaubo si Ning Xi at napahawak sa ilong. "Pasensya na po. Mag-iingat na po ako lalo."

Lumapit naman si Guo Qisheng kay Ke Mingyu pagkatapos kausapin si Ning Xi.

Bumulong si Ning Xi sa sarili nang malayo na siya kay Guo Qisheng, "Putek, masyado akong excited 'di ko napigilan…"

Kahit 'di narinig ni Guo Qisheng, narinig naman siya ng tatlo pang lalaking nagpapahinga sa tabi.

Nanatiling tahimik si Yun Shen.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com