webnovel

My Dear, You’re Amazing

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1451: My Dear, You're Amazing

"'Di ako mangangahas." Sumunod naman si Liu Yan at ibinaba ang kanyang kamay pero may tensyon pa rin ang kanyang katawan na parang isang hinihilang pana.

"Ganyan nga…" Katunog ni Yun Huang ang isang demonyo na nakapanlinlang na ng 'di mabilang na mga babae. Naging marahan bigla ang tono niya na ni isang santo ay 'di makakatakas mula sa mapang-akit niyang mga mata…

Sa wakas ay lumapit din siya at unti-unting hinalikan ang mga labi ng lalaki.

Habang nakapikit si Yun Huang na hinahalikan si Liu Yan, tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya. May kakaibang kirot sa kanyang pagpikit na talaga namang nakakahawa sa manonood.

Ang pagiging mailap niya at pagiging magulo ay isa lamang manipis na proteksyon; may tunay ring pakiramdam ang demonyitang ito.

Nasasabik pero tahimik na pumapalakpak si Guo Qisheng gamit ang script habang pinapanood niyang maigi ang dalawa at 'di rin pinapapatigil pa.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com