webnovel

You’re The Cure

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Chapter 1449: You're The Cure

Pagkatapos ng insidenteng 'yun, nagsimula na ang shooting sa wakas.

Lahat ng eksena ngayon ay kukunan sa indoor studio na dinisenyohan bilang isang sinaunang gubat na may malakas na awra ng mahika. Syempre, isa pa lamang itong initial set up; sa post-production na ilalapat ang mga special effects.

"3, 2, 1! Lighting, rainwater, be prepared... Action!"

Nang sabihin na ng clapperboard na nagsisimula na ang eksena, si Ning Xi na nakatayo lang sa gubat ay biglang nakalipat sa acting mode.

Ngsimulang umambon. Halos dulo na ng autumn at parang maliliit na mga punyal ang pagpatak ng malamig na ulan, pero walang makakapantay sa sakit na naramdaman niya sa nakita niya kanina.

Isa siyang maliit na demonyita noon at lumaki siyang isang matandang demonyo pa rin. Lahat ng ginagawa niya ay para sa sarili lang niya at wala siyang pakialam sa ibang tao.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com