webnovel

The Mystery Guy

Oo, in love nga talaga ako. Ewan ko ba kung in love ba ang matatawag dito. Basta noong nakita ko siya, feeling ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko, honestly speaking.

Hindi ko siya kilala. Hindi ko rin alam kung ano'ng year level siya. Hindi rin alam kung ano ang pangalan niya. Basta noong first day of school doon ko na siya nakita.

Kasalukuyan kasi kaming ina-arrange ng seating arrangement ng adviser namin na lalaki. At swerte naman doon ako napaupo malapit sa bintana kasi gusto ko talaga doon umupo kasi mahangin.

Sa bintanang iyun, hallway na ng school ang makikita mo. At sa hindi sinasadyang pangyayari, habang naga-arrange pa si Sir Durant ng seating arrangement at ako naman ay nakaupo na sa sariling upuan ko, bigla akong napatingin doon sa labas ng bintana.

At doon ko siya nakita.

His face is so new to me. Made-describe siguro ko siya sa pagiging maputi niya, matangkad siya at mukhang maamo ang mukha niya. Napaka-inosente ng mukha niya sa totoo lang. That time hindi pa siya nakasuot ng uniform niya kasi hula ko transferee siya dito sa Allison Academy.

Nang makita ko siya, doon na ako napatulala bigla sa kanya. Sinusundan ko ng tingin kung saan siya pupunta. Hindi ko nga namalayan na tinatawag na pala ako ni Sir Durant niyon kasi gusto ko talaga siya makita.

Nang makita ko siya, parang biglang naramdaman ko na bumilis ang tibok ng puso ko. Ibang iba siya kung tumibok. Hindi siya parang tibok lang na tumakbo ka galing, hindi ganun.

Para sa akin, ngayon ko lang naramdaman iyon. First time kong makaramdam ng ganoong kabilis ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano yun. Basta ang para sa akin, inaamin ko na na-attract talaga ako doon sa guy na iyon. Ano kaya pangalan niya?

These past few day, lagi ko na siyang nakikita. Same time, same place. Nakaupo ako sa permanent seat ko habang siya ay naglalakad mag-isa papunta siguro sa classroom niya. At masaya naman ako kapag nakikita ko siya.

Minsan nga nahuli niya akong tumitingin sa kanya habang naglalakad siya. Bigla ko kaagad ibinaling ang tingin ko sa teacher namin na nagtuturo sa unahan ang tingin ko kasi ayoko magtama ang dalawa naming mga mata sa isa't isa. Pero wala eh, nahuli niya ako sa hindi sinasadya. At nahiya naman ako niyon sa sarili ko... na may halong... kilig.

Kilig, ganito pala ang feeling kapag kinikilig ka. First time kong kiligin dahil dito. Hindi ko alam na ganito pala kiligin ang isang tao. Ang alien ko naman pakinggan.

Makalipas pa ang ilang araw, walang pinagbabago ang pagkikita namin sa isa't isa. Gusto ko sana na makausap siya sa personal pero... nahihiya ako kapag nasa unahan ko na siya. Gwapo talaga siya eh atsaka ang lakas talaga ng impact niya sa akin.

Dahil dito, napangiti ako. Hindi ko namamalayan na tinatawag na pala ako ni Althea.

"Hoy! Hoy! Joan! Hoy! Ano nangyayari sa iyo ah at grabe ka makangiti dyan!?"

Nagising na lamang ako sa katotohanan at tumingin kay Althea na nakatayo na pala at ready na siyang bumaba sa bus. "H-Huh? B-bakit?" sabi ko pa sa kanya. Ginawa ko ang sarili ko na maging normal ulit. Feeling ko kasi sobra na akong nakangiti dahil sa ala ala na iyon.

"Nababaliw ka na ba o sinasaniban ka na? Bakit grabe ang ngiti mo dyan ah!?" nagtatakang tanong pa niya sa akin.

"H-huh? N-nasaan na ba tayo?" tumingin tingin ako sa labas ng bintana ng bus at nakita ko na nasa harapan na kami ng gate ng building na kung saan sa taas nito ay may nakasulat na ALLISON ACADEMY sa bakal nito.

"Hello! Nandito na tayo. Tara na!" sabi niya sa akin. Doon naman ako natauhan bigla. Kaagad naman akong tumayo sa kinauupuan ko.

"Tara na." niyaya ko na siya na bumaba na sa bus. Pagkababa namin ay doon na siya muling nagsalita.

"Ikaw Joan ah! Napapansin ko na sa iyo lately kapag sumasakay tayo ng bus, lagi ka na lang nakatulala at nakangiti. Kung hindi lang tayo mag-pinsan, iisipin ko na nakasinghot ka ng rugby o kaya naman mabahong sabatos. Tanong ko lang, naka-drugs ka ba?" sabi niya sa akin habang naglalakad na kami patungo sa gate ng Allison Academy.

"W-wala... ano ka ba!" sabi ko na lang sa kanya.

"Wala ka dyan!? Siguraduhin mo yan ah! Ako kasi itong kinakabahan sa iyo. Baka mabalitaan ko na lang nabaril ka sa hindi kilalang tao kasi naka-drugs ka."

"Tumigil ka nga! OA mo rin 'no. Hindi nga ako naka-drugs."

"Ehh bakit ka nakangiti?"

"Bakit? Masama bang ngumiti? Masama bang maging masaya?" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Hindi naman sa ganun. Hindi rin kasi ngingiti ang isang tao kapag mag-isa kung wala siyang iniisip na makapagpapasaya sa kanya. Unless if sira ulo ka. Kasi nakangiti kang mag-isa ng walang dahilan eh."

"Hindi 'no. Basta. Sa akin na 'yun!"

"Ikaw ah! Nagtatago ka na ng sikreto sa akin. Lahat ng sikreto ko, lahat inamin ko sa iyo tapos ikaw, hindi mo magawa. Aba! Napaka-unfair naman niyan."

"Basta. Akin na yun!" sabi ko sa kanya tapos tuluyan na nga kaming nakapasok sa gate ng school. "Ano ba ang big deal kung nakangiti ako ah? Hindi ba pwedeng maging masaya lang ako ngayong araw."

"Jo, hindi ka naman palangiti eh. Ngayon ka lang nagkakaganyan. Ayy hindi pala ngayon, noong pagka-first day of school pa. Ano ka ba, month of july na at hindi ka pa rin ba naka-move on sa nangyari sa iyo noong first day of school. Hindi ko nga alam kung ano nangyari sa iyo eh." sabi niya sa akin.

Napangiti lang ako sa sinabi niya sa akin. Kasi naman noong pagka-first day of school na nakita ko yung mystery guy na iyon, hindi ko na maiwasan na hindi mapangiti kapag naalala ko siya. Ewan ko ba. Para bang binigyan akong ng mystery guy na yun ng misteryo kung bakit ako laging ngumingiti araw-araw kapag naalala ko siya. Syempre, sino ba naman ang hindi mapapangiti sa gwapong lalaking iyun diba kapag maalaala mo siya.

And for your information, hindi rin kasi alam ni Althea ito. Wala kasi akong sinabi sa kanya na... na... in love na ako. Nakakahiya pero inaamin ko talaga sa sarili ko na in love na nga talaga ako. In love talaga ako sa mystery guy na yun.

"Alam mo kalimutan mo na lang 'yang pinagsasabi mo sa akin. Ikaw nga rin laging ngumingiti kasi masaya ka. Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatan na sumaya? Unfair naman niyon diba." sabi ko kay Althea.

"Che! Ako pa ang binaligtad mo ngayon ah. Sige na nga, nandito na ang room ko, babye na." paalam sa akin ni Althea ng makarating na kami sa room niya. Pagdating namin doon ay wala 'yung teacher nila kaya naririnig namin na maingay yung mga classmates niya.

Bago ako magpaalam sa kanya, biglang lumabas si Clyde sa room nila. Hindi niyo ako natatanong, classmate pala sila ni Clyde at parehas lang sila na third year pa.

"Hi Clyde.." kaway ko sa kanya ng bigla siyang lumabas. Kaagad naman itong yumakap kay Althea na ginawaran rin naman niya ito ng kiss sa pinsgi. Itong pinsan ko talaga sobrang landi!

Kinawayan naman ako ni Clyde pagkatapos ay humarap na si Althea sa akin. "Sige na, Joan. Babye na. Basta mamayang lunch ah. Sabay ka sa amin." sabi pa nito sa akin.

Nag-nod naman ako. "Oo na.. Oo na. Mauuna na ako sa inyo. Late na ako." paalam ko sa kanilang dalawa at doon na nga ako naglakad papunta sa room ko. Narinig ko pa na sumigaw si Althea. Pero hindi ko na iyon pinansin pa. Male-late na ako eh.

Naglakad na ako. Sobrang ang lalaki ng hakbang ko sa hallway. Hindi ko maiwasan na bilisan ang lakad ko kasi baka ma-late ako. All my life, never pa akong na-late. Kaya nga natatakot ako na ma-late at baka maka-epekto ito sa performance ko. Ayoko pumanget ang records ko 'no.

Pagdating ko sa classroom ay bigla naman akong nakahinga ng maluwag ng madatnan ko na walang pang teacher ang classroom namin. Salamat naman kasi hindi ako na-late.

Kaagad naman akong pumasok sa room. May bumabati naman sa akin ng "good morning". Meron din na nagha-hi sila sa akin. Nasanay na ako sa mga ganyan nila kapag papasok ako sa classroom. Mga ka-close ko kaya sila. Oo nga pala, nasa top section nga pala ako kung hindi ko pa name-mention.

Umupo na ako sa permanent seat ko doon malapit sa bintana. Pagkaupo ko, nilabas ko na ang notebook ko para gawin 'yung assignment na hindi pa natapos kagabi.

Bigla naman nagsalita si Kimberly sa akin. Nakaupo nga pala siya sa unahan ko at dyan rin ang permanent seat niya ngayon. "Joan, nakadala ka ng materials para sa Physics experiment natin mamaya sa grupo." tanong niya sa akin.

"Oo naman. May dala akong balloons dito."

"Ahh sige. Nagdala rin kasi ako ng iba pang gamit dito." sabi pa niya sa akin.

"Good." nakangiti kong sabi sa kanya pagkatapos ay bumalik na ako sa ginagawa ko.

Mga ilang minuto pa lang ay tapos ko ng tapusin ang assignment ko. Kaagad ko ng sinara ang notebook ko tapos biglang napatingin sa labas ng bintana. Baka kasi sakaling makita ko ulit siya... si mystery guy.

Sakto naman na pagtingin ko sa bintana, nakita ko siya.

Sa ngayon ay nakasuot na siya ng uniform niya. Alam niyo, mas gumagwapo pa siya sa kapag nakasuot siya ng uniform niya. Napapangiti naman ako kapag nakikita siya atsaka hindi ko rin mapigilan na bumilis ang tibok ng puso ko 'no kapag nandyan siya. Aish, ganito ba talaga kapag in love ka?

Para na akong sira. Hinahangaan ko 'yung tao na hindi ko naman kilala. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya kilala. Hindi ko pa rin alam ang pangalan niya at hindi ko rin alam kung ano'ng year level na siya. Bakit ba ang tanga ko? July na Joan, tapos wala ka pa rin alam na background tungkol sa lalaking iyun.

Tinignan ko siyang maglakad papunta siguro sa classroom niya. Mukha rin siyang nagmamadali kasi palipat lipat ang tingin niya sa daan pati sa wrist watch niya. Mukhang late na siya. Hihihihi same lang kami na late.

Mabuti na lang hindi ulit siya napatingin dito sa pwesto ko. Kasi kung magkataon na titingin siya dito, matataranta na ako. Aish.

Nang mawala na siya sa paningin ko, sakto naman na tinawag ako ni Maricris, classmate ko at secretary ko nga pala sa SSG.

"Joan.."

"Oh?"

"Malapit na ang Intramural Games sa school. Magpapa-meeting ka ngayon?" tanong niya sa akin. Ay! Oo nga pala 'no. Malapit ng mag-intramural games dito sa Allison Academy. Bilang SSG president dapat paghandaan yan.

"Kailan nga pala ihe-held ang Intrams natin?" tanong ko kay Maricris.

"Sa July 28 and 29, Joan. Tsaka magkakaroon din tayo ng acquiantance party after the closing remarks and announcement sa Intrams. So ano, magpapa-meeting ka ngayon."

"Sige. Ako na bahala sa agenda. Ibibigay ko na lang sa iyo mamaya. Then just provide me some room na available kung saan tayo magme-meeting okay. And, mag-announce ka na sa mga SSG officer na magkakaroon tayo ng meeting, 5:30 pm this afternoon after the whole class. Okay na?"

"Okay na. Ako na bahala, Joan."

"Sige. Thank you."

Pagkatapos namin mag-usap ni Maricris ay sakto naman na dumating na si Sir Durant, ang aming room adviser slash English teacher namin at EPP teacher.

Kaagad na umalis na si Maricris sa kinatatayuan niya ng biglang pumasok si Sir Durant sa classroom. At doon na rin siguro nagsimula ang mala-boring pero masayang discussion namin ngayon.