webnovel

Kilig to the Max

Break time...

Pagkatapos ng 2nd class namin naFilipino ay kaagad naman kaming pinalabas ng teacher namin para mag-snacks.

Pumunta kaagad ako sa canteen at bumili lang ako ng cheeseburger at juice. Gutom na gutom na ako sa klase kaya magpapabusog ako sa cheesburger ngayon. Sakto buy one take on itong burger na ito.

Pagkatapos kong bumili sa canteen ng snacks, dumaretso kaagad ako sa oval. Doon sa oval na iyun, maraming bench ang mga nandoon. Umupo naman ako doon sa mga bench na iyun at tinitignan ang mga soccer team ng school na nagpa-practice ngayon sa oval.

Tinignan ko ang wrist watch ko. Mayroon pa pala akong thirty minutes para mag-snacks. Kumain na lang muna ako doon mag-isa tapos sinabayan ko na rin ng pag-gawa ng agenda para mamaya sa meeting namin ng SSG.

Kinuha ko ang ballpen ko pati na ang scratch notebook ko. Tapos nagsulat na doon ng agenda.

STUDENT SUPREME GOVERNMENT

2nd General Meeting

June 23, 20**

Agenda:

1. Intramural Games 20**

2. Team Names/Faction

3. Budget Allocation

4. SSG T-shirt

5. Other matters

Pagkatapos kong magsulat ng agenda para sa meeting, kaagad na napalingon ako sa kanang bahagi ko doon sa mga lalaking naka-stand by sa isang bench. Nagkakatuwaan kasi sila plus nagja-jamming rin like nagkakantahan sila.

Pagtingin ko sa kanila, nahagip kaagad ng mata ko 'yung lalaking naggi-gitara. Nakatayo lang siya niyon at nakapatong ang isang paa niya sa bench habang naggi-gitara siya at kumakanta.

Hindi ko maiwasan na mapangiti ng makita ko ulit siya. Sino pa ba eh di si mystery guy. Hindi ko pala ini-expect na dito pala siya tumatambay kapag break time.

Nakakilig lang kasi ang gwapo niya kapag ngumingiti siya. Tapos sabayan mo pa ng magandan niyang boses kapag kumakanta siya. 'Yung sa Spongecola yata ang kinakanta niyang kanta ngayon eh. "Pag-ibig" ba ang title niyon. Hindi naman kasi ako mahilig sa mga panlalaki na kanta, pero ng marinig ko ang boses niya na kinakanta niya ang kanta na iyon ng Spongecola, mukhang feeling ko gusto ko na i-download ang kanta na iyon at pakinggan ng paulit-ulit.

Isinara ko ang scratch notebook ko, pinanuod ko lang siya doon kung paano siya mag-gitara at kung paano rin siya kumanta.

Aish, sa pagiging gwapo nito, nakaka-dadag pogi points ang boses niya. At nakaka-in love lang talaga siya pakinggan at pagmasdan.

Habang pinapanuod ko siya, bigla na lang may tumabi sa tabi ko. Nagulat naman ako niyon at napatingin kung sino ang tumabi sa akin. Nakita ko si Kimberly na nakangiti habang kumakain siya ng snacks niya.

"Oh, bakit parang nakakita kaya yata ng multo diyan?" tanong niya sa akin.

"W-wala.." sabi ko na lang tapos ibinaling ko na lang ang tingin ko doon sa mystery guy na iyon na patuloy pa rin sa paggi-gitara niya ang pagkanta.

Aish, eto na siguro ang pagkakataon para makilala ko siya. Ano na? Lalapitan ko ba? Ang panget naman kung ako ang lalapit para magpakilala diba.

Teka!? Ano bang masama kung ako ang una? Magpapakilala lang naman ako sa kanya diba. Wala namang masama doon.

Pero ayoko talaga. Inuunahan na ako ng kaba kapag nakaharap na ako sa kanya. Ni hindi nga ako makatingin doon sa mata niya eh kasi nga naiilang ako.

Kung magpatulong kaya ako kay Kimberly? Tumingin ako sa katabi ko at nakita ko siya na kumakain pa rin ng snacks niya habang naka-saplak sa dalawang tenga niya ang earphones niya.

Ibinaling ko ulit ang tingin ko doon kay mystery guy. Huhuhuhuhu gusto ko talaga siya makilala. Gusto ko na malaman ang name niya. At gusto ko na malaman kung ano'ng year level na siya.

Pero paano nga ba?

Tumingin ulit ako kay Kimberly na mukhang sira ulo na doon sa tabi ko. Nakapikit kasi siya habang nagpapatugtog siya tapos sabayan mo pa na kumakain pa siya ng snacks niya. Feel na feel ang kanta, bess.

Kung magpatulong kaya ako dito kay Kimberly? Nah! Wag na lang! Ayy sige na nga... No! Wag na lang, baka kung ano pa ang sabihin niya sa akin eh.

AAAAAAAHHHHHHH! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Okay, final decision, magpapatulong ako kay Kimberly. Bahala na kung ano ang sasabihin niya basta magpapatulong ako sa kanya na magpakilala doon sa mystery guy na iyon.

Kaya ang ginawa ko ay kinalabit ko na si Kimberly para tawagin siya. Kaagad naman niyang minulat ang dalawa niyang mata tapos nagtataka na tumingin sa akin, tinanggal niya rin sa dalawang tenga niya ang earphone na suot suot niya.

"Oh? Bakit?" tanong niya sa akin.

Nag-sigh muna ako bago nagsalita. "Kilala mo ba 'yung lalaking na iyon?" tanong ko kay Kimberly tapos sabay turo ko doon kay mystery guy.

"Saan?" tumingin naman siya kung saan ako tumuturo.

"Ayun oh, yung maputi na lalaki na iyon. Kilala mo siya?" tanong ko pa ulit sa kanya.

Nakita naman niya si mystery guy at tinignan pa ito ng maiigi na para bang minumukhaan niya ito.

"Teka! Kilala ko iyan eh! Dito pala siya nag-aaral ngayon!" sabi niya sa akin. Mukhang kilala niya nga. Masaya naman ako para doon.

"Kilala mo siya?"

"Oo, schoolmate ko siya noong elementary pa ako. Grade six ako, grade three pa siya. Makulit 'yang bata na yan tsaka ang cute niya noong maliit pa siya." pagkukwento niya sa akin.

Talaga ba? Napangiti naman ako sa sinabi niya. Siguro ito na 'yung araw na makikilala ko na si mystery guy. "Bakit mo nga pala siya kilala?" tanong ko kay Kimberly.

"Eh tagasaamin yan eh." sabi pa niya sa akin. "First year na siguro siya ngayon. Good to him."

Ayy, first year pa pala siya ngayon. Bakit parang hindi halata sa kanya? Sa unang tingin mo pa lang sa kanya, iisipin mo na nasa third year na siya or fourth year. Siguro matangkad lang talaga siya at napaka-mature ng mukha.

"Ahh ganun ba." sabi ko na lang kay Kimberly tapos ibinaling ko na ulit ang tingin ko sa kanya.

Narinig ko na bigla ulit siya nagsalita. "Bakit Joan? Crush mo?"

Bigla naman akong napatingin sa kanya at parang nagulat sa sinabi niya. "H-huh?"

"Crush mo siya?" tanong pa niya sa akin. Tapos bigla siyang napangiti ng nakakaloko. Teka? Ano isasagot ko?

"H-huh? H-HINDI 'NO!" sabi ko kaagad sa kanya kahit pautal-utal na ako.

"Ano'ng hindi! Kitang kita na sa mukha mo eh!" nakangiti pa niyang sabi sa akin.

"Hindi nga! Ano ka ba! Masama bang magtanong?"

"Aieehhh, hindi rin kasi magtatanong ang isang tao kapag hindi siya curious sa isang tao."

"Ahh basta, wala akong crush dyan 'no." sabi ko. Pero hindi alam ni Kimberly na kinikilig na ako. Ano ba yan! Ba't ba naglilihim pa ako sa kanya.

"Aieehh wala daw. Teka.." sabi niya sa akin tapos nagulat na lang sa ginawa niyang pagtawag doon sa mystery guy na iyun. Ako naman, kaagad na akong nataranta at pinigilan siya na huwag ng tawagin. Pero wala eh. "Psst! Ethan!!"

"Hoy! Tumigil ka dyan! Wag kang maingay! Wag mo siyang tatawagin." natataranta na akong pinipigila itong babaeng ito na tawagin si mystery guy.

"Bahala ka. Ipapakilala kita..." sabi pa niya sa akin tapos tinawag niya ulit si mystery guy. "Ethan! Pssst!"

Mukhang wala na akong magagawa. Para na akong sinukluban ng kaba ng makita ko na biglang tumingin si mystery guy sa tawag sa kanya ni Kimberly. Ako naman, bigla akong napatingin sa kung saan saan. Nagmamaang-maangan lang ang peg ko doon para ibig sabihin wala akong alam. Pero deep inside, kinikilig na ako.

Naramdaman ko naman na nasa unahan ko na si mystery guy. Doon na ako kinabahan. Bigla kasi siyang napatingin sa akin eh. At dahil doon, hindi ko inaasahan na magtama ang mata namin sa isa't isa. Nagtataka siya ng tumingin sa akin lalo na kay Kimberly.

"Bakit?" narinig ko ang boses niya na nagsalita. Boses pa lang niya talaga, nakaka-in love na.

"Si Joan nga pala. Classmate ko. Gusto ka daw niya makilala.." nakangiti pa niyang sabi kay mystery guy ngayon. Hinampas ko naman siya sa braso niya para tumigil na siya kasi nahihiya na talaga ako. Ni hindi nga ako makatingin kay mystery guy eh. Nagmamaang-maangan lang ako ngayon.

Naramdaman kong kinalabit ako ni Kimberly. Masasapak ko talaga ito mamaya eh! "Hoy Joan, ayan na oh. Gusto ka na niya makilala.." sabi pa ni Joan sa akin na nakangiti. Ewan ko ba sa babaeng ito! Pinapakaba niya ako eh.

Hindi ko na rin maiwasan na wag ng magmaang-maangan pa kaya wala akong ginawa kundi tumingin na kay mystery guy.

Dahil dito, nagtama ang mga mata namin sa isa't isa. Nakatingin kasi siya sa akin eh kaya hindi ko ini-expect na magtatama ang mga namin dalawa.

Nang makita ko siya ng malapitan, doon na ako kinilig ng sobra. Ewan ko ba. Ganito pala talaga ang feeling kapag kinikilig ka 'no. Dahil sa kilig na nadarama mo, parang feeling ko nilalamig ako, nanginginig ako, nagpapawis ako. Aish! Ano ba itong nararamdaman ko? Bakit ba kasi ganito tayong mga tao kiligin?

Nakita ko na bigla siyang ngumiti. Nang makita ko ang ngiti niya doon na ako nabighani pa ng masyado sa kanya. Ba't ba ang gwapo ng lalaking ito? Ba't ba may mga gwapo dito sa mundong ito?

Narinig ko na nagsalita siya habang nakangiti siya sa akin. "H-Hi.." nahihiyang sabi pa niya sa akin. Bakit siyang ang nahihiya? Dapat nga kung tutuusin, ako nga 'yung mahihiya eh diba.

Nakita ko na naglahad siya ng kamay, gusto niya yata makipag-shakehands sa akin. Ayyy! Ba't may ganito pa!?

Wala akong nagawa kundi tanggapin ang kamay niya. Nakipag-shake hands ako sa kanya habang hindi pa rin napuputol ang mga mata namin sa isa't isa. Halos hindi na nga rin yata ako makagalaw sa inuupuan ko eh. Feeling ko nawalan na ako ng kaluluwa sa inuupuan ko. Feeling ko sinimento na ako dito. Ba't ba kasi ganito ah!?

Narinig ko na nagsalita si Kimberly sa tabi ko. "Joan, si Ethan nga pala.. Ethan si Joan nga pala..." marami pang sinasabi si Kimberly sa tabi ko pero mukhang naputol iyon kasi feeling ko, habang magkahawak kami ng kamay ni mystery guy ayy este Ethan nga pala (ang name niya), feeling ko... nawala ang lahat ng tao sa paligid ko. Feeling ko kami lang dalawa ni Ethan ngayon dito sa oval. Feeling ko umuulan ng heart dito. Ewan ko ba kung ano na ba itong iniisip ko! Nasisiraan na yata ako ng bait.

Natigil na lamang ang pagkakamay at pagtitinginan namin ni mystery guy slash Ethan ng biglang nagsalita ulit itong si Kimberly sa tabi ko. "Okay na.. Okay na ba?" sabi pa niya sa amin dalawa.

"Nice to meet you!" sabi ko kay Ethan bago ko kinuha ang kamay ko sa pakikipag-shake hands sa kanya. Ako na ang nagputol kasi mukhang awkward na masyado ito sa amin dalawa.

Wala akong narinig sa kanya galing sa kanya. Nag-nod na lang kasi siya bigla sa akin tapos nagpaalam na kay Kimberly lalo na sa akin na babalik na siya sa mga kasama niya.

Tinignan ko lang siyang naglalakad na patungo sa bench na tambayan nila. Aish, Ethan pala ang pangalan. Ang ganda ng name. Ang lakas makalalaki. Tsaka ang handsome kaya ng name niya--- ETHAN! Nakaka-in love. Aish.

Ano na ba itong nagyayari sa akin ah? Hindi naman ako ganito sa una diba. Tssk.

Narinig ko ulit na nagsalita si Kimberly sa tabi ko, mukha siya pa itong kinikilig ngayo. "Ayyiieehh! Nilapitan siya ng crush niya! Ehhh." sabi niya sa akin na kinikilig. Tumingin naman ako sa kanya.

"Crush ka dyan! Tumigil ka nga." sabi ko, pero deep inside, kinikilig talaga ako. Feeling ko namumula na ang pisngi ko dahil sa kilig na nararamdaman ko. Sana naman hindi ito makita ni Kimberly 'no.

"Ayieehh! Kung hindi mo siya crush, bakit namumula pisngi mo?" sabi niya bigla sa akin.

"HAH!?" nagulat ako sa sinabi niya. Dali dali ko naman hinawakan ang pisngi ko. Kinuha ang salamin na nasa bago ko at tinignan ko ang sarili ko kung namumula ba ako.

At ayun nga, namumula nga ako... dahil sa kinikilig ako. Tsk. Putek!

"Blush on yan, ano ka ba!" sabi ko na lang sa kanya.

"Wag ka ngang magdeny diyan. Hindi ka kaya nagme-make up!" sabi niya sa akin. Ganun rin! Buking rin ako! Aish.

"Ayy bahala ka. Basta hindi ako kinikilig at hindi ko siya crush." sabi ko sa kanya. Pero deep inside, gusto kong bawiin iyun sa sarili ko.

"Ikaw bahala," nakangiti pa niyang sabi sa akin. "Ang gwapo-gwapo ni Ethan tapos hindi ka magkaka-crush sa kanya."

"Bakit? Hindi ba pwede?"

"Hindi naman sa ganun 'no. Kilala kita, Joan. Ni wala ka pang boyfriend noong nagfirst year ka pa dito sa school natin. Ni wala nga rin akong balita na nagkaroon ka ng crush eh."

"Eh sa ganun ako eh. Ano magagawa mo." sabi ko na lang sa kanya.

"Bahala ka nga. Basta, kung ano man 'yang nararamdaman mo ngayon, wag mong tigilan, masarap kaya ang makaramdam ng ganyan." sabi pa niya sa akin.

Tumingin na lang ako sa kanya at wala ng sinabi pa. Maya maya bigla ng nag-ring ang bell ng school hudyat na tapos na ang break time. Kaagad naman kami tumayo ni Kimberly at naglakad na papuntang room namin.

Aish, hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

Ethan! Ethan pala ang pangalan niya. Now I know.