webnovel

Never Been In Love

Hello! Ako nga pala si Joan Clemena. You can call me any you want basta wag lang ang Jojo. Ang lakas kasi makapanglalaki ng nickname na yan.

Sixteen years old na nga pala ako. Nag-aaral ako ngayon sa Allison Academy at fourth year high school na ako. Nakakatuwa kasi malapit na akong grumaduate at malapit na akong pumasok sa college.

SSG President nga pala ako sa Allison Academy. Hindi naman sa pagmamayabang, consistent honor ako (first year to fourth year) at nagpapasalamat naman ako doon kasi kahit sobrang hirap mag-aral at madaming mga conflicts, na-maintain ko ang study habit ko.

Hindi ako nerd. Kahit mahilig akong mag-aral, hindi ako isang geek. Simple lang akong babae, hindi tamad mag-aral, laging pumapasok, hindi nale-late, at never pa akong nagkarecord doon sa guidance office. Diba nga consistent honor ako. Dapat i-maintain ko itong ganitong attitude kasi kung hindi ko ime-maintain, yari ako kay Papa.

Kapag tungkol sa pag-ibig ang pinag-uusapan, I've never been in love sa totoo lang, peksman mamatay man. Hindi pa ako nakaka-experience ng kinikilig. Hindi pa ako nakaka-experience na magkaboyfriend at never akong naakit sa isang lalaki kahit gwapo man yan o ano pa. Napaka-sad naman talaga ng life ko diba pero totoo po iyan.

Si Mama housewife siya. Si Papa naman nagtatrabaho bilang manager sa RD Motors, isang sikat na company ng mga motor at sasakyan. Atsaka, unica iha ako. Wala akong kapatid kaya nga parang bini-baby pa ako nila Mama at Papa hanggang ngayon kasi ako lang ang anak nila. Si Mama mabait yan. Lagi siyang supportive sa akin. Pero si Papa napakaseryoso niya. Kapag nasa bahay kasi siya, natatakot ako sa kanya. May rules kasi siyang itinatag sa bahay at kailangan ko daw iyun sundin.

Una, dapat malinis ang bahay. Dapat daw maging malinis kami mga gamit namin. Kaya kung mayroon man siyang makikitang kalat o kahit alikabok man lang yan, paglilinisan ka talaga niya.

Pangalawa, dapat walang maingay. Okay lang naman na manuod kami ng TV. Basta huwag lang masyadong malakas ang volume ng TV kasi kapag nadatnan kang malakas yan, papatayin niya yan whether you like it or not.

Pangatlo, dapat daw maging masunurin ako sa kanya. Kasi kapag hindi ako sumusunod kay Mama lalo na kay Papa, palo ang matatanggap ko sa kanya. At ayoko naman na paluin niya ako 'no kasi sobrang sakit ng sinturan niya.

Pang-apat, dapat walang barkada ang pumupunta sa bahay. Pwede naman pumunta sa bahay namin kung project ang pag-uusapan. Pero kapag pumunta lang kayo sa bahay namin na nag-iingay, papalayasin talaga kayo ni Papa. Sorry sa mga nasigawan na ah kasi mukhang marami-rami na rin kayo hehehe.

At ang pang-lima, bawal ang bisitang lalaki, bawal ang boyfriend, bawal ang crush-crush, bawal mag-topic ng love-love na yan. Hindi naman sa bitter si Papa pero sabi niya sa akin mag-aral muna daw ako saka na 'yang ganyan. Ako naman na wala ring pakialam sa mga ganyan, pinanindigan ko naman. At saka ayoko rin naman na magka-boyfriend muna kasi ayoko na madistorbo ang pag-aaral ko.

Siguro naman alam niyo na ang rules sa bahay. Dapat gawin niyo yan para ma-disiplina kayo.

"Jo! Nasaan ka na? Tara na! Late na tayo!" narinig kong sigaw ni Althea sa akin sa labas ng kwarto ko habang kumakatok siya. Siya nga pala si Althea Trinidad, ang one and only pinsan ko na nakatira dito sa bahay namin. Third year high school pa lang siya at sa Allison Academy rin siya nag-aaral kasama ko.

Yung parents kasi ni Althea ay nasa ibang bansa na at nag-migrate na kasi may business sila doon. Eto namang si Althea pinapapili siya kung saan niya gustong mag-aral, kung sa Pilipinas ba o kaya naman doon sa ibang bansa kasama ang parents niya. Dahil sa sobrang close talaga kami nitong pinsan ko na naituring ko na ring kapatid ko, dito niya pinili sa Pilipinas mag-aral.

Pamangkin pala siya ni Papa kasi anak siya ng kapatid na babae ni Papa. Nagpapadala ang parents niya ng pera para sa kanya. Siguro sa ganoong paraan, masusuportaan siya ng parents niya na nasa ibang bansa.

"Pababa na!" sigaw ko sa kanya habang nag-iipit ako ng buhok sa loob ng kwarto ko. Maya maya, binuksan ko na ang pinto at tumambad naman sa akin si Althea na nakatayo sa unahan ko.

"Tara na." sabi pa niya sa akin at nag-nod naman ako sa kanya para bumaba na kami.

Kaagad na pumunta kami sa kusina kung saan nandoon sila Papa at Mama. Niyaya pa kaming kumain ng breakfast pero sinabihan namin sila na doon na lang kami kakain sa school kasi male-late na kami.

At syempre, binunganga na naman kami ni Papa kasi bakit daw hindi kami gumigising ng umaga. Aish, si Papa talaga.

Binigyan na lang naman kami ni Papa ng baon, tig 100 hundred kami ni Althea. Tapos ay lumabas na kami ng bahay at umalis na.

Masaya kaming lumabas sa gate ng bahay at pumara kami ng tricycle para magpahatid sa kanto.

Habang bumabyahe kami, nag-uusap naman kami ni Althea tungkol sa boyfriend niya na si Clyde Gonzaga. One year na nga pala sila last month at happy naman ako para sa kanilang dalawa. Alam naman ni Papa na may boyfriend si Althea at okay naman ito sa kanya. Aish, ang daya lang 'no kasi pagdating kay Althea, okay lang kay Papa pero pagdating sa akin, over protective siya.

"Jo!"

"Oh?" napalingon naman ako sa kanya nung tinawag niya ako.

"May ipapakita ako sa iyo." nakangiting sabi niya sa akin.

"Ano yun?"

Nakita ko na biglang may inilabas siya mula sa loob ng damit niya. At nakita ko na isa iyong necklace na may pendant na heart. At sa gitna ng heart na iyun ay may capital letter na A&C, siguro A means Althea at C means Clyde. At silver rin itong necklace niya at parang mamahalin. Hindi ko na rin talaga iisipin kung gaano kayaman si Clyde, sobrang yaman talaga ng family niya at napaka-swerte ni Althea kasi may boyfriend siya na mayaman. Gwapo si Clyde, sa unang tingin mo pa lang sa kanya kamukha na siya ni Nash Aguas. Ganun ang pagkaka-describe ko kay Clyde. Maganda naman si Althea at hindi na rin ako magdadalawang isip kung bakit nagkagusto si Clyde sa kanya. Eh sa kwento pa lang ni Althea sa akin ay patay na patay talaga sa kanya si Clyde.

"Wow! Ang ganda naman yan!" mangha kong sabi sa kanya.

"Pinagawa niya yan. Diba nga may sarili silang shop ng family niya ng mga alahas. Nag-request pa talaga siya sa Daddy niya na magpapagawa siya ng kwintas para sa akin daw. Hindi ko ini-expect na mage-effort siya ng ganun para sa akin, para sa anniversary namin. Ang sweet niya diba!" sabi pa ni Althea sa akin habang kinikilig siya.

Minsan, inaamin ko sa sarili ko na naiingit ako kay Althea. Kasi bukod sa matalino siya at maganda siya, mayroon siyang gwapo, matalino rin, mayaman at very loyal and supportive na boyfriend. Ang swerte niya talaga pagdating sa love life. Dapat hindi na niya papakawalan si Clyde kasi kung papakawalan lamang niya ito, sasabihin ko talaga sa kanya na napakatanga niya.

Eh ako? Kailan ko kaya makikita ang para sa akin? Kailan ko kaya makikita ang lalaking magmamahal sa akin? Katulad ni Clyde, mayaman, matalino, gwapo at very loyal and supportive na boyfriend. Nah! Bakit ba ako nangangarap na magkaroon ng boyfriend ah!? Diba wala naman akong alam diyan. Ni wala nga akong experience sa mga ganyan kaya wag na lang. Baka pagalitan pa ako ni Papa.

"Kaya ikaw Joan, mag-boyfriend ka na kasi. Sayang naman 'yang ganda mo kung hindi ka magbo-boyfriend diba. Ang daming nanliligaw sa iyo, bakit ayaw mo silang i-entertain ah?" sabi pa ni Althea sa akin ng itago na niya ang necklace niya sa ilalim ng damit. Suot suot niya kasi ito.

"Alam mo naman siguro kung bakit diba." sabi ko sa kanya.

"Aish, ewan ko ba dyan kay Tito bakit ayaw ka magka-boyfriend. Ang panget kaya ng high school life kung hindi ka makaka-experience ng ganyan."

"Pabayaan mo na lang si Papa. Over protected lang talaga siya pagdating sa akin."

"Over protected ka dyan? Eh para kang nakakulong sa hawla niyan eh. Daig pa ng martial law ang mga rules niya sa bahay." sabi pa ni Althea sa akin. Minsan inamin rin niya sa akin na naiinis siya kay Papa. Naiintindihan ko naman siya eh kasi kahit ako na anak ni Papa, naiinis rin ako sa kanya sa pagiging over protected niya sa akin.

Natawa na lang ako sa sinabi niya sa akin at hindi na ako nagsalita pa. "Pero speaking of boyfriend, never ka pa ba talaga na-in love sa isang lalaki, Joan?" tanong ni Althea sa akin.

Tinatanong pa ba iyan. "Syempre oo 'no!" sabi ko sa kanya.

"Naayy! Ang panget naman!"

"Ano'ng panget doon?"

"Ang panget kasi para kang hindi tao diyan. Sino ba ang tao na ayaw ma-in love ah. Oh sige, sabihin na natin ang reason mo kung bakit hindi ka pa nai-in love o kaya hindi ka pa nagkaka-boyfriend is dahil sa pag-aaral mo. Tama naman yan eh, good choice naman din kasi sa atin na mag-aral tayo ng mabuti pero dapat maging masaya ka naman sa buhay mo. Hindi 'yung puro ka stress dahil sa pag-aaral mo..." sabi ni Althea sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya na natatawa.

"Alam mo Joan, magko-confess na ako sa iyo na mas matalino ka kaysa sa akin. Oo, ina-admit ko na iyon sa sarili ko na matalino ka kaysa sa akin. Pero huwag mo naman kalimutan 'yang puso mo oh. Tumitibok yan at patuloy lamang iyan sa pagtibok. Hindi 'yan napapagod sa kakatibok, ano ka ba! Tsaka, hindi ako naniniwala na hindi ka pa nai-inlove kahit isa."

"Wala nga, ano ka ba. Bakit ba ayaw mo maniwala sa akin. Ni wala pa nga akong experience sa ganyan." natatawa kong sabi sa kanya.

"Kahit crush lang ah?"

"Oo.."

"Alam mo ang tindi rin ng puso mo 'no. Bato ba yan at parang walang nararamdaman." sabi pa ni Althea sa akin.

Natawa ako sa sinabi niya. "Alam mo tumigil ka na dyan ah.."

"Ayy hindi ako titigil. Nakaka-imbyerna kasi 'yang pagkatao mo. Para kang walang kaluluwa na marunong magmahal."

"Excuse me, lahat ng tao may kaluluwa."

"Pero ikaw wala!"

Kaagad na hininto na ni manong driver ang tricyle na sinasakyan namin at nagbayad naman kami sa kanya bago bumaba.

Nakababa na kami ng tricycle at nakatawid na kami sa kabilang kalsada para pumunta doon sa waiting shed para mag-abang na naman ng bus papunta sa school namin, hanggang ngayon, sobrang ingay pa rin ni Althea kasi nga nagtatalo kami about sa kaluluwa. Sa totoong buhay, sobrang ingay talaga ni Althea at hindi naman ako naiinis sa pagiging ganyan niya. Nai-enjoy ko nga pagkabungangera niya kasi nakikipagtalo rin ako sa kanya.

"Tumigil ka na nga sa kaluluwa na yan, baka ikaw gawin kong kaluluwa diyan." sabi ko sa kanya. Bigla naman siyang tumigil sa kakasalita. Tapos maya maya naman ay nagsalita ulit siya.

"Alam mo may irereto ako sa iyo. Mamayang lunch sabay tayo kumain ah." nakangiti pa niyang sabi sa akin.

"Alam mo kahit 'yang irereto mo sa akin eh napaka-gwapo, mas gwapo pa ni Clyde, hindi pa rin ako mai-in love sa kanya."

"Hmf. Huwag ka ngang magsalita ng patapos ahh.."

"Bahala ka. Tsaka ayoko muna talagang maggaga-ganyan. Mag-aaral muna ako kasi malapit na ako grumaduate."

"Sabagay." nakangiwi niyang sabi sa akin. "Pero i-try natin kung mai-in love ka ba sa kanya or hindi. Ipapakilala kita sa kanya mamayang lunch."

"Sino ba 'yan ah? Barkada siguro yan ni Clyde 'no."

"May ganun. Pero kung tatanungin mo ako, bestfriend kami niyon. Close kami niyon, as in suupppeerr close kami!" sabi niya.

"Talaga?"

"Oo 'no. Pero first year high school pa nga lang siya."

"Ngeee! Ayoko niyan 'no. Napaka-child abuse naman kung papatol ako sa mas bata sa akin."

"Oh, bakit ka nagsasabi ng ganyan kung ayaw mo talagang magka-boyfriend?" nakangiting sabi niya sa akin.

"Ayy bahala ka."

"Alam kong bata pa siya pero age doesn't matter naman diba. Tsaka, hindi naman siya katulad ng mga first year high school ngayon na sobrang ang liliit. Ewan ko ba sa panahon ngayon kung bakit ang mga first year high school ngayon eh mga pandak na."

Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Pero Joan, sinasabi ko sa iyo, hindi siya pandak na tao. Matangkad yun, gwapo, maputi. Tsaka mukhang same lang sila ng height ni Clyde."

"Bahala ka... ayoko sa mga bata 'no."

Bigla naman siyang napatawa sa sinabi ko. Maya maya, may dumating naman na bus. Doon na kami sumakay ni Althea kasama ang iba pang mga estudyante ng Allison Academy na nag-aabang rin ng masasakyan.

Habang nakasakay kaming dalawa ni Althea sa bus papuntang school, hindi niya alam na may inililihim ako sa kanya.

Diba sinabi ko sa kanya na I've never been in love?

Ang totoo niyan...

MUKHANG IN LOVE NA AKO.