webnovel

The First Sight Game

Pagkatapos ng Physics class namin, kaagad na akong lumabas sa classroom. Kakatapos lang ng experiment namin at sinabihan pa kami ng teacher namin na magpasa daw kami ng lab report tomorrow sa experiment na ginawa namin kanina.

Sa ngayon, papunta na ako sa canteen. Nag-text kasi bigla sa akin si Althea na nandoon na silang dalawa ni Clyde kasama ang mga barkada nito na mga lalaki na sila Yuan, Andrew at Thomas. Mga kilala ko na rin kasi mga barkada ni Clyde kaya okay na rin sa akin na sumabay na sila sa amin pagdating sa lunch. Mga mababait naman din 'yang mga yun!

Pagdating ko sa canteen ay kaagad na akong pumasok doon at nakita ko kaagad sila Althea kung saan sila nakaupo. Kaagad naman akong lumapit sa kanila tapos umupo sa tabi ni Althea.

"Oh, bakit ngayon ka lang? Nagugutom na kami kakahintay sa iyo!" naiinip na sabi sa akin ni Althea.

"Eh natagalan kami doon sa experiment namin kanina kaya matagal bago kami nakalabas. Dapat kasi nauna na kayong kumain. Teka nga, oorder muna ako." sabi ko kay Althea tapos nagpaalam naman ako sa kanya para um-order na ng pagkain. Nakita ko kasi na naka-order na sila pero hindi pa nila nagagalaw ito kasi hinihintay daw nila ako.

Bago ko tumayo, nagsalita si Andrew bigla sa akin. "Hoy Joan, mauna na kaming kumain sa 'yo kasi nagugutom na kami."

"Oo nga, um-order ka na doon at kakain na kami dito." sabay pa ni Thomas sa akin. Wala naman sinabi si Yuan sa akin kasi busy siya sa pagpipindot ng cellphone niya. May ka-text yata.

"Kumain na lang kayo dyan. Ang dami niyo pang salita eh." sabi ko sa kanilang dalawa tapos narinig ko na tumawa si Clyde bago ako naglakad papunta doon sa counter.

Habang papunta ako sa counter, narinig ko pa na sumigaw si Andrew para sa akin. "ANG SUNGET NAMAN NITO! EPEKTO BA YAN SA WALANG LOVELIFE!" sigaw niya sa akin tapos sinabayan pa niya ng malakas na tawa na ikinatawa rin nilang lahat except kay Yuan na busy pa rin hanggang ngayon sa pagse-cellphone niya.

Napahinto naman ako paglalakad ko at humarap sa kanila. "Che! Tandaan niyo, walang forever! Mamamatay lang tayong lahat!" sigaw ko sa kanila tapos sabay flip ng hair na tumalikod sa kanila. Narinig ko naman na nagsitawanan lang sila sa sinabi ko. Bahala na nga sila! Pinagti-tripan na naman nila ako eh.

Pagpasensyahan niyo na. Hindi ako bitter na tao ah. Atsaka hindi naman talaga ako naniniwala sa forever eh, honestly, kasi nga mamamatay lang tayong lahat dito sa mundo na ito na nagpapatunay na wala talagang forever. Gets mo? Hah? Hah!?

Kaagad naman akong pumila sa counter. Mukhang malayo pa ako sa cashier kaya tumingin-tingin na lang ako sa menu nila na naka-display sa taas. Oorder na lang ako ng double rice at adobong baboy plus ice cream for dessert at pineapple juice for drinks. Gutom ako eh kasi nga wala akong breakfast kanina.

Habang nakapila ako bigla ulit ako napatingin doon sa table nila Althea ngayon. Nagtataka ako. Kasi sabi ni Althea sa akin na may ipapakilala daw siya sa akin na guy. Sabi niya bestfriend niya daw ito. Pero nasaan na? Bakit mukhang wala yata? Siguro naman absent sa klase kaya wala ngayon dito.

Teka!? Ba't ba nagkaroon ako ng intensyon sa mga bagay-bagay na yan ah!? Kung sino man ang guy na ipapakilala sa akin ni Althea, sorry not sorry for him, meron na akong nakilala. At si Ethan yun hihihihi. Kinikilig na naman tuloy ako ngayon eh! Tsk.

Naalala ko ulit tuloy 'yung nangyari kanina doon sa oval. Sa wakas, nakilala ko na siya. Ang gwapo pala talaga niya kapag nasa malapitan 'no. Hindi ko ini-expect ang araw na ito.

Sana makita ko ulit siya. Sana makalapit na naman ako sa kanya.

Mula sa table nila Althea, ibinaling ko ang sarili kong tingin sa kabuuan ng canteen. Nagbabakasakali kasi akong makita ko siya ditong kumakain eh.

Pero nadismaya ako ng hindi ko siya makita. Baka hindi siya kumakain dito sa canteen ng school. Bukod kasi sa canteen dito eh meron pang mga kainan sa labas ng campus. Baka doon siya kumakain kasama mga classmate niya. Aish, sayang naman!

Pero kahit hindi ko ulit siya nakita, hanggang ngayon ramdam ko pa ang kilig ko eh! Nararamdaman ko na nanginginig yung buong katawan ko dahil sa sobrang kilig. Aish, ba't ba kasi ganito ang tao kapag kinikilig eh.

Hindi ko alam na sa sobrang busy ko sa sarili ko sa paghahanap sa kanya dito sa canteen, hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod sa counter. Nag-order na lang ako ng mga napili ko na at tsaka nagbayad. Kaagad ko ng dinala ang tray na may laman ng pagkain na in-order ko atsaka pumunta na ulit sa table nila Althea.

Sa ngayon, nakikita ko na nagsisimula na silang kumain. Nagtatawanan rin sila habang nag-uusap. Kaagad naman akong umupo sa tabing upuan ni Althea para magsimula ng kumain.

Bago ako kumain, tumingin muna ako kay Althea at balak ko sana tanungin kung nasaan na 'yung ipapakilala niya sa akin.

"Althea?" tawag ko sa kanya.

"Oh? Bakit?" sabi niya sa akin habang busy siyang kumakain doon.

"Nasaan nga pala 'yung ipapakilala mo sa akin?"

"H-Huh? May sinabi ba akong ganun sa iyo kanina!?" sabi niya sa akin at mukhang nagmamaang-maangan pa siya. Wag mo nga akong subukan, Althea! Alam ko na lahat ng kinikilos mo!

Tinitigan ko naman siyang masama para huminto na siya sa paga-acting niya. Tapos nagsalita siya. "Sorry, joke lang! Nag-message na ako sa kanya na pumunta na siya dito sa canteen para kumain. Mukhang hindi pa yata sila pinapalabas ng teacher nila eh."

"Ahh ganun ba!" sabi ko. Kaya pala wala pa siya dito. Wala akong clue ngayon kung ano ang itsura niya. Tsaka teka? Bakit parang nagkaroon na ako ng intensyon sa guy na yun ah? Aish. Ano ba yan!?

Sinimulan ko ng galawin ang pagkain ko. Habang kumakain ako dito ay nagku-kwentuhan naman kaming anim.

"Althea, bakit walang kang boyfriend!?" tanong sa akin ni Andrew.

"Bakit mo naman natanong 'yan!?" sabi ko sa kanya.

"Wala lang. Masama bang magtanong."

"Oo. Kaya wag ka ng magtanong pa. Kumain ka na lang dyan!" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Kaya walang boyfriend 'yan si Althea, kasi baka ayaw niya 'kako masaktan. Am I right?" sabat pa ni Thomas sa akin sabay kindat pa ng mata niya sa akin.

"Ano'ng masaktan pinagsasabi mo dyan!? Kung ganyan rin lang din ang mararamdaman ko kapag nagka-boyfriend ako, eh hindi na ako magmamahal. GETS NIYO! HINDI NA AKO MAGMAMAHAL!" sabi ko pa sa kanilang dalawa. Tumingin pa ako kay Althea at Clyde. "Kaya kayong dalawa, sinasabi ko lang sa inyo, WALANG FOREVER! MAMAMATAY LANG TAYONG LAHAT! KAYA WAG NA KAYONG MAG-ASSUME DALAWA NA MAGTATAGAL KAYO!" diin na sabi ko kay Althea at Clyde at kaagad na kinan-chawan ako nila Andrew at Thomas. Hindi nga rin maiwasan ni Yuan na tumawa dahil sa sinabi ko.

"Bro, wala daw forever!" sabi pa ni Andrew kay Clyde.

"Sakit 'nun! HAHAHA" sabi rin ni Thomas sa kanya.

"Tigil-tigilan niyo ko ah! Sasapakin ko kayo eh!" biro na sabi ni Clyde sa kanilang dalawa. Tapos bigla siyang tumingin sa akin. "Joan, kahit naniniwala ka dyan sa walang forever na yan, papatunayan namin dalawa ni Althea na hindi totoo ang sinasabi mo." sabi ni Clyde sa akin habang naka-akbay pa siya kay Althea. Napaka-defensive talaga ng lalaking ito sa totoo lang!

Dahil sa sinabi ni Clyde sa akin, kinan-chawan ulit nila ito nila Andrew at Thomas. Si Yuan, ganun pa rin, tumatawa pa rin siya dahil sa nangyayari. Pabayaan niyo na yan. Silent type talaga yan si Yuan.

Hindi naman ako magpapatalo diba. "Dapat patunayan niyo 'yang dalawa. Kasi kayo rin ang masasaktan kapag hindi ninyo 'yan pinanindigan." nakangiting sabi ko kay Clyde.

"Tumigil nga muna kayo!" biglang sabi ni Althea sa amin at dahil dito napahinto sa sigawan itong sila Andrew at Thomas. Ang iingay kasi nila kung maka-kanchaw eh! Nakita ko na biglang tumingin si Althea sa akin at mukhang may sasabihin siya. "Ikaw kasi Joan, mag-boyfriend ka na kasi. Wala namang mawawala sa iyo kung magbo-boyfriend ka diba. Sayang ang pagiging high school mo kung hindi mo mararanasan na ma-in love." sabat naman ni Althea.

"Hay naku! Masaya na ako na wala akong boyfriend 'no. Atsaka bakit pa ba ako maghahanap ng lalaki na makakapagpapasaya sa akin eh masaya na ako na ako lang mag-isa diba."

"Ang selfish mo!" sabi ni Althea sa akin. "O baka naman may nililihim ka sa akin na hindi ko alam." nakangiting sabi pa ni Althea sa akin. Mukha kasing may gusto siyang ibuking tungkol sa akin eh. "Sabihin mo, may nagugustuhan ka na ba?" biglang tanong niya sa akin.

Natigilan ako sa pagkain ko ng maitanong niya ito sa akin. Tapos tumingin ako sa kanilang lahat at mukhang ang tahimik nila na nakatingin sa akin. Nag-aabang yata sa isasagot ko. Kahit nga si Yuan na walang pakialam sa pinag-uusapan namin, biglang napatingin sa akin at mukhang nag-aabang rin siya.

"A-ano ba kayo! W-wala 'no. Wala pa talaga akong nagugustuhan!" daretsong sagot ko sa kanila.

"PUSONG BATO!" sigaw ni Andrew sa akin.

"WALANG PUSO!" sabat rin ni Thomas.

"HINDI MARUNONG MAGMAHAL!" nagulat ako ng biglang sumabat rin si Yuan.

"FOREVER ALONE!" sabat rin ni Clyde sa akin. Tumingin ako kay Althea at baka may sasabihin rin siya sa akin. Pero mukhang wala siyang isasabat sa akin. Mabuti naman.

"Ano ba kayo? Wala lang boyfriend, ganyan na kaagad. Hindi ba pwedeng ayoko muna talaga ng ganyan kasi gusto ko muna mag-aral." sabi ko na lang sa kanilang lahat.

"Luma na yan!" sabi ni Andrew sa akin. Aish, kahit kailan talaga si Andrew lang ang laging kumukontra sa sinasabi ko.

Inirapan ko na lang siya tapos hindi na nagsalita. Nagpatuloy ulit ako sa pagkain ko at wala ng sinabi.

"Joan, alam kong balang araw makikita mo na 'yung lalaking magmamahal sa iyo. Kung makikita mo man siya ngayon, magiging masaya na ako!" nakangiting sabi ulit ni Althea sa akin. Napatingin naman ako sa kanya tapos nagsalita.

"Ano'ng gagawin ko eh hindi ko pa nga siya nakikita eh.." sabi ko sa kanya. Pero deep inside, sinasabi ng puso ko na Oo, nakita ko na siya. Nakita ko na ang lalaking magmamahal sa akin. Nakita ko na si Ethan. Ayoko naman sabihin kay Althea at baka kan-chawan niya rin ako. Mas gusto ko na ilihim na lang iyun aa sarili ko. Beside sa baka kan-chawan ako ni Althea, nahihiya ako sa kanya. First time ko kaya na makaramdam ng ganito. At oo, tama nga pala si Althea sa sinasabi niya, MASARAP MAGMAHAL. LALONG LALO NA KAPAG IN LOVE KA!

"Gusto mo magtitingin ako dito sa canteen para makita ko na 'yung lalaki na 'yun? Gagawin ko na ba 'yung First sight game na sinasabi mo sa akin kahit hindi naman ako naniniwala dyan." sabi ko pa kay Althea.

"Try mo, baka sakaling magkatotoo." nakangiti pa niyang sabi sa akin. "Wala namang masama kung magta-try diba. Sa totoo man o sa hindi, pwede kang mag-stick doon as a sign. Sign lang naman eh."

"So ganun na yun. Ang unang lalaki na makikita ko dito sa canteen na ito, siya ang magiging forever ko?" sabi ko kay Althea.

"Oo." sabi niya. Magsasalita na sana ako pero biglang nahulog ang tinidor na nakapatong sa plato ko doon sa sahig. Kaagad ko naman itong niyuko para kunin.

Hinanap ko naman ito pero mukhang nawala pa. Nasaan na kaya 'yung letseng tinidor na yun? Nakakainis ah!

Habang hinahanap ko ang tinidor na iyun, naririnig ko ang mga boses nila lima. Nag-iingay ulit kasi sila kasi mukhang bagong dumating.

"Oh, Joan, nandito na pala siya. Nandito na pala 'yung ipapakilala ko sa iyo." tawag sa akin ni Althea. Sakto naman na nakita ko na 'yung tinidor ko. Kinuha ko ito at tumayo ng magsalita si Althea. At sa hindi sinasadya, nakita ko 'yung lalaki na gustong ipakilala sa akin ni Althea.

Dahil dito, biglang namilog ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang lalaking ito.

Ang unang lalaki na makikita ko dito sa canteen na ito, siya ang magiging forever ko.

At nakita ko nga si Ethan.