webnovel

Do You Love Me?

Hindi bat wala namang epekto sa akin ang bawat kilos nya NOON? Hindi bat wala naman akong pake sa kung ano man ang ginagawa nya? I used to hate him and he used to hate me. Pero bakit ngayon umiba ang takbo ng nakagawian kong maramdam para sa kanya. Para bang nahulog ako sa isang madilim at nakakatakot na lugar yung tipong walang akong kasamang mahulog. Nahulog ako sa kanya, pero sya ba ganon din? I love him but, Does He Love Me too? DISCLAIMER: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH

Meia_Jannell · Realistic
Not enough ratings
12 Chs

CHAPTER 8

Nakalabas na den kami ng lintik na coffee shop na yon, at eto namang mga to. Tanong ng tanong. Si Xandria naman pilit nagyaya saken na pumasok don sa bar.

Pag dating ko sa set sa may shore wala na sila, imis na rin ang mga gamit nila. Napatingin ako sa orasan ko at nakitang 4 PM na pala, 3:30 natatapos ang shoot.

"Hoy Akhira nakikinig ka ba?" Napatingin ako kay Xandria.

"Hindi ka ba nadadala? Tinutukan ka na nga ng baril sa ulo, gusto mo pa rin tumuloy sa pagpunta don sa bar?" Hindi ba sya natatakot sa kung anong klaseng mga tao ang makasalamuha namin sa loob ng bar?

"Pero san mo ba nakuha yang mga card mo?" Tanong naman ni Crizta na maayos na ngayon kesa sa kaninang putlang putla.

"Kay Daddy, binigay nya. Apat nga to e, puti yung isa." Tumango tango naman sila.

"Punta tayo sa bar ha. Ano ba kayo, yung nangyari kanina. Patakaran nila yon bago ka makapasok, kase syempre kailangan ng seguridad. Lalo na't mayayaman ang nasa loob." Hindi talaga to titigil, tama naman sya. Base sa nabasa ko kanina, ang patakaran lang sa loob ng bar nila, bawal pumatay, manakit at mamilit. Kung ayaw, ayaw.

"Sige na, pag may time ako." Nagngiting aso naman si Xandria.

Nakarating na rin kami ng parking lot, sa kanila ko balak sumabay since, naiwan na ko ng mga stuff.

"Where did you go? Kalahating oras na kong nagiintay dito." Nagulat ako kay Shion ng bigla syang magsalita sa likod ko. Wala naman kase akong sinabing hintayin nya ko.

"Girl next time huh, punta tayo. Tsaka alamin na din natin kung para san yang kulay black atsaka white. Andaya ha, bat binigyan ka ni Tito Akhiro ng ganyan. Samantalang kami walang binibigay. Sige mauna na kami bye." Pipigilan ko pa sana sila pero nagsakayan na sila sa mga sasakyan nila, napailing na lang ako.

"San ka nanggaling?" Napatingin ako sa sasakyan nya, sumakay ako at nilampasan na lang sya. Ngumiti ako sa kanya, mukha namang nagulat sya, para bang ngayon nya lang ko ngumiti.

Naisip ko den kasi yung tanong nya kanina, bat daw ba ang sungit ko. Napaisip ako kung bat nga ba? We can be friends naman diba?

"What's with the smile?" Napa tighim pa sya.

"Wala lang, narealize ko lang na hindi ka naman pala dapat sungitan. Ewan ko, naiinis kase ako pag nakikita kita. Dahil na rin sa una nating pagkikita." Natawa naman sya. Gwapo rin pala to pag tumatawa e.

"Alam mo ba yung kasabihang, the more you hate the more you love?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya.

"K-kapal mo ha." Natawa naman sya sa reaksyon ko. Natulala ako sa tawa nya, I don't know but I find him hot that way. Wtf? Did I just compliment him?

"Hey, are you listening? Drive thru tayo?"

"Alam mo, di ka talaga marunong mag ingat no? Mamaya may makilala pa sayo don." Natawa naman sya, nakakailang tawa na ba to?

"San ba pwede na hindi ako makikilala? Wala naman diba, gwapo ko kase." Waw!! Habagat!

"Psh, sa condo ko. Marunong naman ako magluto e, papuntahin ko den mga kaibigan ko, pwede mo rin yayain kaibigan mo. Night out." Umiling naman sya. Ayaw nya ba ng alok ko?

"Mas better na mag out of the town kesa sa condo lang mag night out. Friday bukas, walang daw shoot hanggang Monday. Papunta kase ng Bangkok Thailand si Sir Lexter. Wala ka kase kanina kaya di mo narinig." Napatango naman ako.

"Sige sa Montemayor Building nalang ako, sasabihin ko lang kina Xandria, I'm sure andyan sila, sa condominium ni Chase." Napatango naman sya. At lumiko sa may Sitre Road. It's not easy to build an friendship with him, masaya naman pala sya pakisamahan.

Tumigil sya sa may main gate, tanaw mula rito ang pool na may karamihang naliligo. "Dito ka na lang ba?" Tumango naman ako at bumaba na.

"Sama ka pa ba sa loob?" tanong ko naman.

"Hindi na, yayain ko rin kasi sina Racon para dito." Hindi ko alam kung sino si Racon na tinutuloy nya kaya tumango nalang ako.

Umalis na rin sya at sinundan ko ng tingin ang sasakyan nya palayo bago tuluyang pumasok sa loob.

Kahit kelan di talaga sya nagiisip noh? Lalong maraming makakakita sa amin don, beach e.

Pumasok ako dito sa loob ng condo ni Chase, nung wala akong nakitang tao sa salas ay pumunta ako sa kanyang kwarto at nagulat ako sa aking nakita. May babaeng pilit syang hinahabol, si Chase naman ay parang batang patakbo takbo sa gilid ng kama. Napatigil sila ng maramdaman ang presensya ko at parehong tumingin sa akin.

"U-uhm... hi??" awkward na tanong ko. Ngumiti naman yung babae at tumakbo palapit sa akin. Tf!?

"Hi! Diba isa ka sa barkada ni Baby." natawa ako sa tawag nya kay Chase, i never heard anybidy give Chase an sweet endearment. "Tsaka, kapatid ka nina Akhie? Waw, pwede papicture?" naguguluhan man pero, i find her cute. Awkward naman akong ngumiti sa Camera nya.

"Pwede pa-autograph na den, dito sa damit ko oh." ang daldal nya, nakakatuwa sya.

"H-hoi babae, mahiya ka naman. Tsaka tresspassing ka. Kaya umalis ka na habang di pa kita pinapahuli sa pulis." natatawa naman ako kay Chase. Mukhang mabait naman, and gusto ko sya ha. Clingy type.

"Wag mo pansinin yan si Chase, maupo ka muna dyan sa sofa. May itatanong lang ako kay Chase." kunot noo namang lumapit sa akin si Chase, he hates this. Nasisiguro kong fangirl nya ito.

"Nasaan sina Xandria?"

"Lumabas lang sila sandali bumibili ng drinks, tapos tong babaeng to bigla nalang sumulpot dyan pagbukas ko ng pinto ng kwarto." hindi ko na napigilan ang mahinang pagtawa ko sa itsura nya.

"Don't laugh I'm being serious here."

Napatingin ako dun sa babae dahil mukhang nagtaka sya sa ingay sa labas.

"I think their here. U-uhm... Lika sama ka sakin." napangiti naman yung babae at mukhang tuwang tuwa.

"A-ano?" kunot noong tanong ni Chase.

"T-talaga po? Salamat." wala nang nagawa si Chase nung talikuran namin sya habang etong babae naman nakapulupot ang braso sa akin.

"Sino sya?" takang tanong ni Xandria, napatingin ako kay Cyruz at Crizta na mukhang nagiintay din nang isasagot ko.

"Baby ni Chase." lahat naman sila ay nagulat at nagtatakbo sa loob ng kwarto ni Chase. Mamula mula naman ang pisngi nitong babaeng kasama ko. Naupo kami sa sofa at nag i-start akong tanungin sya. Habang di pa dumadating sina Xandria na paniguradong dinudumog na ng tanong si Chase.

Napag-alaman kong Margaux yung pangalan neto. Maganda sya, chubby chicks pero sexy naman sya, laging nakangiti yung mga mata nya. Buenafe daw apelyido nya, hindi daw sila mayaman na kagaya namin pero hindi naman daw sila kinakapos sa pera. May kaya kung tawagin.

Lumabas na si Chase at naupo sa tabi ko na nakabusangot ang mukha, bale sa kabilang tabi ko si Margaux.

"Bat nandito ka pa? Stalker." siniko ko naman si Chase.

"Nagkayayaan kami ni Shion mag out of the town, us and his friends." sigurado akong di tatanggi ang mga to, mga layas to e. Lalo na si Xandria.

"Close na kayo, yie ikaw ha!" asar naman ni Xandria.

"Nope, we're cool na. Not like before, friends?"

"Uhm... Uwi na po ako." napatingin kami kay Margaux nung bigla syang magsalita.

"No, i'll take you home. Sabay na tayo since gabi na rin naman." alok ko sa kanya, masyado ng malalim ang gabi para pabayaan sya.

"Girlfriend ka ba ni Chase?" mabilis naman ang pagsagot ni Chase kahit hindi naman sya ang tinatanong.

"No way!" nahihiyang umiling naman si Margaux.

"Fan nya po ako." nahihiyang sagot naman ni Margaux.

"Cool. Super fan." sabat naman ni Crizta.

"You know, you should go with us in Boracay. I think I like you na." sabi naman ni Xandria.

"Same. I like her too." pag sang ayon ko naman.

Napatigil kami sa pagkekwentuhan nung biglang may humarok. Napatingin kami kay Cyruz na nakatulog na pala sa sofa.

"Seriously? That fast? Tulog na agad?" sabi naman ni Chase.

"Ako na mag aaya kay Josiah." sabi naman ni Chase.

Mahaba haba ding kwentuhan ang nagawa namin. Mabilis namang makisama si Margaux habang si Chase busangot ang mukha.

Naisipan na rin maghiwa-hiwalay nung 7 na nang gabi.

Sinabay ko na lang si Margaux sa taxi, ayaw nya pa nung una dahil kulang na daw ang pamasahe nyang dala, pero sumama rin naman nilibre ko nalang ng pamasahe.

Sa may palengke ng Balintawak sya bumaba dahil may bibilhin pa daw sya. Lalakarin nya nalang daw dahil sa kabilang karsada na daw yung bahay nila.

--

Maaga akong nagising dahil naisipan kong magwork-out muna bago pumunta ng mall. Kailangan ko rin kase ng bagong swimmingsuit, luma na kase yung mga panligo ko e.

Ala una na rin ng hapon kaya't nagayos na ko ng gamit bago naligo.

Alas dos na rin nung makarecieved ako ng text mula kina Xandria. Nasa baba na daw sila kasama si Shion at yung mga kaibigan nito. Di na daw sila aakyat dahil nakakahiya naman daw iwan yung mga yon dun sa baba. Gwapo rin siguro kaya ganon nalang sya. Hay buhay ng may kaibigang lukray.

Agad akong sinalubong ni Chase at kinuha yung mga bagahe ko nung maka labas ako mula sa elevator.

"Uhm... Hi Akhira. I want you to meet my friends." salubong sakin ni Shion nung makalapit ako sa kanila. "This is Von Capistrano, Jestoni Ferraer, and Wesley De Castro." turo nya sa mga kaibigan nyang may sariling mga sasakyan. Seriously? Pwede namang isang sasakyan lang. Kami nga sa isang Van lang e. Tumango nalang ako. Hayst.

Napapaikli mga UD ko, napapatagal pa. Next time hahabaan ko na. Balak ko na sana idugtong first day nila sa isla e. Tinamad lang ako mag type. SORRY PEACE.

Binilisan ko na rin maging close yung dalawa kase ang hirap pala gumawa ng scene na together sila. Pahahabain ko nalang pano sila mainlove sa isat isa.

Meia_Jannellcreators' thoughts