webnovel

Do You Love Me?

Hindi bat wala namang epekto sa akin ang bawat kilos nya NOON? Hindi bat wala naman akong pake sa kung ano man ang ginagawa nya? I used to hate him and he used to hate me. Pero bakit ngayon umiba ang takbo ng nakagawian kong maramdam para sa kanya. Para bang nahulog ako sa isang madilim at nakakatakot na lugar yung tipong walang akong kasamang mahulog. Nahulog ako sa kanya, pero sya ba ganon din? I love him but, Does He Love Me too? DISCLAIMER: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH

Meia_Jannell · Realistic
Not enough ratings
12 Chs

CHAPTER 9

EPISODE 9: DLHR: FIRST DAY(1)

3:30 PM na kami naka arrive sa Caticlan, wala na kaming mga sariling sasakyan dahil nag air transportation kami. Naiuwi na rin naman daw ng mga drivers nila yung sasakyan nila. Pinasundo dahil may mga duplicate keys naman daw sa mga bahay nila.

"Uhm... Maam wala po kasi talaga kayong reservation dito e." kanina pa kami dito sa may lobby, wala daw kasi akong reservation dito sa De Luna Hotel and Resort. Wala na rin daw available na mga rooms na family size. Pero sigurado naman akong nakapagpa-reserved ako, baka daw nagka-problema sa online system nila.

"Sige po mag book nalang ako ng 10 rooms." nag type naman ng kung ano yung babae at alanganing tumingin sa akin. "9 rooms nalang po kasi yung available sa amin maam punuan po kasi ang reservation namin ngayon." Napasighap naman ako sa narinig.

Hindi ko naman sila masisi dahil talagang sikat ang resort na ito. Ulitimong mga kasama ko nga ay mukhang ayaw ring lumipat ng resort o hotel. No choice tatanggapin ko nalang ang 9 rooms at mag arkila nalang ako ng cabin. "Sige kunin ko na rin yung room."

Sinabi ko sa kanila na balak kong mag book ng cabin. Hindi agad sila pumayag lalo na si Xandria at Crizta, inalok pa kong share rooms nalang daw pero knowing them di sila makakatulog ng may katabi. Yoko naman sa sofa no. Si Cyruz at Chase naman, walang pake.

"You can use my room." lahat naman sila nagulat sa sinabi ni Shion, nagulat ren ako pero di ko pinahalata.

"No, I-i mean. Ako nalang magbo-book ng Cabin." sabay sabay namang huminga yung walo, animo'y hindi huminga ng ilang segundo.

"Much better pre, ang sama namang tingnan kung ang isang magandang dilag ang maga-adjust." nangiwi naman ako sa sinabi ni Von.

Lumabas na ng hotel si Shion dahil sa tabing dagat pa ang mga cabin.

"Akhira!!!" lahat kami napatingin sa babaeng tumawag na kinulob ang buong building sa lakas ng sigaw. Naiilang naman akong ngumiti sa mga taong tumingin sa amin. Naglakad ako papunta kay Margaux.

"Buti naabutan mo pa kami dito sa lobby." ako kase ang naimbita sa kanyang sumama rito. Agree naman sina Xandria. Magaan rin naman kase ang loob nila kay Margaux kaya ok na rin. Kung nagpaalam ba ko kay Chase? Nevermind. Gagawa talaga ko ng paraan para maging close to kay Chase. Mukhang mabait naman sya e.

Nung makalapit na kami kina Xandria ay agad nyang sinalubong ng yakap si Margaux, ganon din ang ginawa ni Crizta. Kunot noo namang tumingin sa amin si Chase.

"What is she doing here!? Hindi ka man lang ba nahihiya? Wala na ring available rooms dito. Tss." nayuko naman si Margaux sa sinabi ni Chase. Grabe din tong si Chase e, ipahiya ba naman ng harap harapan si Margaux.

"Stop being so immature Chase, I invited her. She's a friend of us, and if you don't like that. Then don't. Masyado kang affected Chase." naiwas na lamang ng tingin si Chase. Kinalabit naman ako ni Margaux.

"Ok lang yun, tama naman sya e." umiling nalang ako sa sagot ni Margaux.

"No, he's too much. Chase!" tawag ko kay chase. Nagtatakang tumingin sa akin si Chase. "You'll share your room with her. No buts." sabi ko at saka kami umakyat na sumusunod sa stuff na nagdala ng gamit namin.

"Grabe ka, pag may nangyari sa dalawang yun." grabe talaga magisip tong si Cyruz napaka manyak.

"Wag mo igaya si Chase sayo, may tiwala ako sa kanya. Palibhasa pag ikaw ang may kasama baka pa." naka pout namang tumingin sa akin si Cyruz.

"Grabe ka naman saken." inabot sa amin nung babae yung mga susi ng rooms. Room 1059 yung sa akin. Kay Chase at Margaux ang 1054, kay Crizta 1055, kay Jestoni 1056, Kay Xandria 1057, kay Von daw 1058, kay Wesley 1060, kay Josiah ang 1061, kay Cyruz ang 1062. Bali tabi tabi lang rooms namin. Floor number 15.

Maga alas sinco na nung magyayaan silang kumain sa isa sa mga patok na restaurant dito, ang Hera's Restaurant. Hindi daw ganon kalaki yung lugar at mura lang ang mga pagkain pero talagang masarap.

Gutom na rin kami kaya't bumaba na kami para kumain.

Tanaw mula rito sa restaurant yung dagat dahil isa lamang ito malaking kubo na walang dingding, open area sya. Kagaya lang sya ng mga normal na karinderya mas malaki nga lang ito kesa don.

Kanina pa umorder si Xandria at napag alaman ko ring Seafood ang specialty nila rito. May space pa sa tabi ko at nagulat ako ng may umupo roon, kaya't napatingin ako.

"Sorry na late ako, nakaidlip den e." -Shion.

Nilapag na nung waiter ang mga pagkain at hindi sila nagkamali, amoy palang masarap na.

"Tikman mo to Akhira, masarap yan." sabay abot sa akin ni Shion nung hipon. Tinikman ko yun at masarap nga.

"Anong tawag dito?" wala sa sariling napatanong ako.

"Yan? Nilasing na hipon." weird nung pangalan pero masarap.

Kanya kanya kami ng tawanan at nung maga ala syete na ay nag hiwa-hiwalay na rin kami. Si Wesley na rin ang nagbayad sa mga nakain namin. Nahihiya rin kami pero wala ng nagawa.

--

*tok*tok*tok*

"Akhira! Lika na punta tayo sa White Beach sa boracay!." tawag yan ni Xandria. Nakaramdam naman ako ng pagod kaya tamad na lamang akong sumagot.

"Susunod nalang ako. Inaantok pa ko e."

"Ok its up to you!" naramdaman ko naman ang pagtahimik sa labas kaya siguro'y umalis na sila. Napatingin ako sa orasan at nakitang 6:30 palang. Masyado naman at silang excited.

Nakatulog na lamang akong muli.

Ng mamulat mulat ako ay dahil sa tunog ng alarm at 8:00 na pala. Tumayo na ko at naligo. Nagtimpla rin ako ng kape habang kakatapis ng tuwalya at nakabalot ang ulo. Kukuha sana ko ng bathrobe ng may kumatok sa pintuan.

Wala na naman sina Xandria diba? Sino naman kaya ito?

Nang buksan ko ang pinto ay tumambad sa akin si Shion na naka white sando at red Khaki shorts na may nakasampay na tuwalya sa balikat.

Nagulat ako sa kanya pero mas mukhang nagulat sya sa akin at nagiwas tingin. Napatingin ako sa sarili ko at naka tapis lang pala ko ng tuwalya.

"A-anong kailangan mo?" tanong ko, di na ko nag abalang kumuha ng bathrobe dahil mas lalong o-awkward ang paligid.

"Makiki-gamit lang sana ko ng banyo. Sira kasi yung tubig sa place ko e. Ipapacheck palang. Mukha ring wala na sina Wesley dito."

Tumango na lang ako at pinatuloy sya. "Oo maaga silang umalis e. Papuntang isla. Nagpaiwan lang ako at susunod. Ikaw bat di ka pa nila kasama?"

"Nagpaiwan rin kasi ako, inaantok pa ko nung dumaan sila e. Eto ba yung banyo nyo?" turo nya sa pintuan ng banyo kaya't tumango na lamang ako.

Pag pasok nya sa loob ng banyo ay napahawak ako sa dibdib kung malakas ang kalabog. Woah! Ano yon?

Pumasok na ko sa pinaka ng kwarto ko at nagbihis. White floral dress na di-tali sa batok ang sinuot ko. Sa ilalim naman ay Black Cycling shorts at white tube sakali mang mapaisip maligo.

Lumabas ako ng kwarto ko na saktong paglabas din naman ni Shion ng banyo na nagkukuskos pa ng tuwalya sa kanyang buhok na lalong nagpa-not sa kanya. Latad sa akin ang hot nyang katawan dahil naka khaki shorts lang sya na black at walang pantaas. What!? Hot? Really akhira!?

"Salamat nga pala, baba na rin ako. Sasabay ka ba sakin papunta sa kabilang isla." napabalik ako sa wisyo at wala sa sariling tumango. Ng makalabas sya ay napabuga ako ng hangin.

Nyare!?

A/N: mamaya or bukas yung 10