webnovel

Do You Love Me?

Hindi bat wala namang epekto sa akin ang bawat kilos nya NOON? Hindi bat wala naman akong pake sa kung ano man ang ginagawa nya? I used to hate him and he used to hate me. Pero bakit ngayon umiba ang takbo ng nakagawian kong maramdam para sa kanya. Para bang nahulog ako sa isang madilim at nakakatakot na lugar yung tipong walang akong kasamang mahulog. Nahulog ako sa kanya, pero sya ba ganon din? I love him but, Does He Love Me too? DISCLAIMER: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH

Meia_Jannell · Realistic
Not enough ratings
12 Chs

CHAPTER 6

FIRST DAY

"A-are you out of your mind? I never work as an assistant or even maid before." Kunot noo kong tanong sa kanya. Aba't ang hambog na to.

"I'm not out of my mind." Ah talaga?

"No! I'm planning to enjoy my vacation. Now tell me, paano ko mae-enjoy ang vacation sa lagay na to?" Xandria is back, and Dyn says ate Shantell just arrived. Nasisiguro kong masayang bakasyon to.

"May shooting kami this summer which is ilalabas sa November. Since assistant kita you need to come with us and you can enjoy your vacation dahil isla naman yon." Aba't ang hayop na to, syempre aalilain nya ko pag ganon, pano ko yon mae-enjoy?

"P-per-"

"No buts. Final na yon, image natin ang nakasalalay dito at desisyon na den yan ng daddy mo. You can't say no." then he left me dumbfounded.

Aalis na sana ko ng pigilan ako nung waitress. "Ma'am hindi pa po nagba bayad yung kasama nyo." Arghhh. Ano ba sya gold? Inis kong kinuha yung 500 sa wallet ko at iniabot sa babae. Nagtataka naman syang tumingin sa akin.

"500 po yung tall Americano and 425 po yung double espresso." Tang*na e namamahalan na nga ko sa starbucks mas mahal pa pala dito. Hindi lang doble ang presyo halos trumiple pa. Inis kong inabutan ng another 500 pesos yung babae saka sya tinalikuran.

"Ma'am may sukli pa po kayo." Pahabol na sigaw nung babae kaya't itinaas ko nalang ang kamay ko. Sa kanya nalang.

*Chase calling…*

"What?" inis kong tanong sa kanya.

"Chemistry no. 1, coffee date." Mapangasar nyang sabi.

"Alam mo ikaw, kung wala kang matinong sasabihin tantanan mo ko at nagi init lang lalo ang ulo ko sayo." Akmang ibaba ko na ang telepono ng marinig kong magsalita si Crizta.

"Akin na nga Calderon, puro ka kase kalokohan e."

"Hello Akhira? Hoi andito kami sa may parking kanina ka pa sana naming yayain kaso mukhang busy ka kaya ipagpapamamaya nalang sana namin kaso si Xandria kase nagmamadali mukhang tanga lang."

"Sana sinabi nyo agad kanina kung nagmamadali pala, sige papunta na ko dyan."

Tumakbo agad papunta sakin si Crizta nung makita nya kong dumadating sa may Parking.

"Bakit daw ba nagmamadali si Xandria? Hindi manlang ba sya magpapahinga? Wala man lang jet lag?" tanong ko habang sumasakay sa front seat ng sasakyan ni Chase.

"Ewan ko ba don may ikekwento daw na importanteng mahalaga." sabi nya at isinarado ang pinto ko, kaya ibinaba ko ang bintana.

"Hindi ka ba dito sasakay?" Umiling naman sya.

"Hindi, kay kuya ako." tumango tango na lamang ako saka sinundan sya ng tingin papunta sa sasakyan ni Cyruz.

"May lover boy ka na ngayon, huh?" tinaasan ko ng kilay si Chase dahil sa pang aasar nya. Hindi ko na lamang sya sinagot at nag open ng I.G

SHION:

YOU NEED TO START WORKING TOMORROW.

I NEED YOU HERE ST 5 A.M

Seryoso ba sya? 5 am? E tulog pa nga ko ng alas otso e.

REPLY:

K.

SHION:

WHERE ARE YOU? I NEED YOU HERE AT MY OFFICE ASAP.

Aba hambog na to, kinareer na ang pagiging personal assistant ko.

REPLY:

i can't go there right now, im up to something.

"Piwww... Chemistry number 2, chatmate." Inis kong pintay ang data ng cp ko saka binalingan ng tingin si Chase na sa daan nakatingin.

"Shut up. Can you just, keep driving?"

--

"Hey guyz, I've missed y'all." Salubong ng naka bathrobe na si Xandria habang bumababa ng hagdanan nila. Grabe din to, kanina pa kami dito sa sala nila ngayon lang bumaba.

"We missed you too." bakla baklaang sabi naman ni Chase.

"I have some chika to you guyz." Usiserang sabi naman ni Xandria. Grabe siguraduhin nyang importante yun ha. "Juice, beer or something? What do you guyz want?"

"We want your chika, spill the tea Marites." Kahit kelan talaga to si Cyruz, kalalaking tao chismoso. Apat lang kaming pumunta dito si Cyruz, Chase, Crizta at saka ako.

"Ok, pero sa kwarto tayo kase mga Marites din kasambahay namin dito e. Let's go?" Pagkasabi non ni Xandria ay umakyat na sya, kami namang mga chismoso't chismosa sumunod.

Nung makaupo kami ni Crizta sa sofa yung dalawa ayun pinagpi fiestahan yung mga pagkaing dala ni Xandria partida mga nakahiga pa sa kama ang kakapal ng mukha.

"So kanina, nung sinundo ako ni kuya Xavion sa Airport." Panimula ni Xandria na ngayon ay naka bihis na. Sa CR ata nag bihis.

"I saw ate Shantell, pero di sya nakita ni Kuya Xavion, and guess what I saw."

"What?" Sabay sabay naming tanong.

"I saw a kid call her mommy."

"And so?" Pabalang na tanong ko. Ano naman kung may tumawag sa kanya na mommy?

"Gaga, nung tiningnan ko hung bata, boom! Tumpak, kamukha ni kuya Xavion." Sabay sabay nanlaki ang mata namin sa gulat.

"So Ibig sabihin?" Dahan dahang sabi ni Crizta.

"Nagka anak sila!?" Sigaw naman nung dalawang mokong, daig pa ang bakla.

"Maaari, pero pwede din namang hindi. Malay nyo may asawa na." Sabat ko naman.

"May point ka." Sabi ni Crizta.

"And eto pa, narinig kong Tina wag ni Dyn yung bata na Xavi." O.M.G nickname yun ni kuya Xavion noon. Possible kayang nagka anak sila?

"Ay ikaw ate girl ha, nakikitingin lang ako ng IG mo may nag call na agar." Napatingin ako kay Xandria na hawak na pala ang phone ko. Yung tatlo naman ayun nagpipigil ng tawa.

"Hello!?" Inis na sagot ko sa kanya. (SA IG LANG TUMAWAG)

"Pinapapunta kita dito sa office diba? I said ASAP"

"Kung makapag utos ka kala mo boss kita ah?" Pabalang na tanong ko sa hambog na nasa kabilang linya.

"Bakit? Hindi ba?" Aba't ang tarantadong to. "Inuuna mo pa ang pakikipagdate kesa sa trabaho?" naguluhan naman ako sa tanong nya, date? E wala naman akong ka date?.

"Excuse me!? wal-"

"Bumalik ako sa coffee shop kanina, and inabot sa kin nung waitress tong panyo baka daw sayo to." Tiningnan ko ang bag ko at nawawala nga ang panyo ko. Pero panyo lang naman? Bat kailangan asap pa?

"Bukas ko nalang kukunin." Pagkasabi ko non ay ibinaba ko na ang tawag. Napatingin naman ako don sa apat na ngayon ay pare parehong nakaupo sa may kama, magkakatabi pa at nakatingin sa akin na nandito paren sa may Sofa.

"Huwag nyo ko tingnan ng ganyan." saka ako naglakad palapit sa kanila at nakiupo na den sa Kama.

"Pano kaya kung mahulog kayo sa isat isa?" what the!?

"E-excuse me? Mukha nga kaming aso't pusa tapos mahulog pa sa isat isa? Never. Imposible." sagot ko sa walang kabuluhang tanong ni Xandria.

"Ok sabi mo e."

--

Napatingin ako sa orasan at mukhang napaaga ang gising ko ngayon ah, 6 am palang. Ginawa ko na ang morning routine ko at bumaba na sa kusina ng naka pajama pa den.

"Good morning baby." Sinalubong naman ako ng yakap ni mommy. "Aga mo naman nagising wala pa kong nalulutong breakfast ih."

"Sa SE ka na mag almusal." Si Dad naman habang bumababa ng hagdanan naka pajama pa din naman.

"Maaga pa naman Akhiro." oo nga tama naman si Mommy. Eto talaga si Dad.

"As far as I know may biyahe si Shion papunta sa Dicestres Island and Resort, may photoshoot sila don. Nasisiguro kong late ka na."

Sh*t oo nga pala.

Dali dali akong tumakbo papunta sa taas at naligo, sandali lang naman maligo.

Halos sakmalin ko ang sarili ng may halos trenta minuto akong naligo. I did my best para mabilis makaligo, pero bat ganon pa din katagal?

Sinuot ko itong white skirt ko at pullover na brown.

Pagkadating na pagkadating ko sa may parking area, sumalubong agad sa akin ang salubong na kilay ni Shion at nakahalukipkip na nakasandal sa kulay red na Ferrari Portofino. Sanaol.

"Unang araw palang, late ka na? Tss. Sakay." sasakay na sana ko pero may kahon naman. "Kalungin mo, pinabalikan yan sakin si Irish."

Kala ko pa naman inintay nya ko.

--

Bababa na sana ko dahil na Una na si Shion pero, nakalock yung pinto. Aba't ang hayop na yon. No choice lumakdaw ako, I even saw a group of guy laughing while looking at me. I don't care naka Cycling short naman ako, di naman maiwasan ang manyak sa mundo.

Ng makababa ako ay inabot ko naman ang kahon. Saktong pagka talikod ko sa sasakyan ay nasa harap ko na ang madilim na mukha ni Shion at kinuha sa akin ang kahon. Yung totoo problemado ba sya? Laging ang dilim ng mukha e.

"Ang bagal mo kumilos." Edi sya na mabilis.

May sinabi pa sya pero pabulong lang kaya di ko din masyadong marinig.