webnovel

Do You Love Me?

Hindi bat wala namang epekto sa akin ang bawat kilos nya NOON? Hindi bat wala naman akong pake sa kung ano man ang ginagawa nya? I used to hate him and he used to hate me. Pero bakit ngayon umiba ang takbo ng nakagawian kong maramdam para sa kanya. Para bang nahulog ako sa isang madilim at nakakatakot na lugar yung tipong walang akong kasamang mahulog. Nahulog ako sa kanya, pero sya ba ganon din? I love him but, Does He Love Me too? DISCLAIMER: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH

Meia_Jannell · Realistic
Not enough ratings
12 Chs

CHAPTER 5

PERSONAL ASSISTANT

"HA HA HA HA I never know that you became interested to be an Agent all of a sudden?" mapang asar na biro ni Chase.

Nandito kami sa restaurant dito lang den sa loob ng compound ng SE, usually mga trabahador at artist lang ang kumakain dito. Meron sigurong 6 resto dito sa compound ng SE, iba iba ang sine serve.

Kasama ko dito sina Cyruz, Crizta, Dyn, Chase, Ate Lokie, and Joshia.

Josiah Salde, nakilala namin sya dahil kay Cyruz and Chase.

Lokie Mineah Calderon, she's so goergeous, cousin sya ni Chase, we're close, minsan nga naiinggit ako sa kanya. She's so damn beautiful.

Travis Dyn Zera, pinaka babaerong tao sa balat ng lupa. Anak sya ni Tito Travis sabi nila dad and Titos, ganyan den daw si Tito Travis nung kabataan nya. Si tito Travis naman proud na proud sa kapogian nya, just like Dyn.

"Ano kayang mangyayari sa inyo, pag naging PA ka na nya? hmm..." mapang asar na sabi sa akin ni Josiah. Sinabayan pa ng kindatan nila.

"A-anong mangyayari, w-wala... mamaya masapak ko pa yon. Magmu mukha lang kaming aso't pusa." nanlalaking matang sagot ko sa kanila.

Naka ngiting nagtinginan sila bago tumingin sa akin. "Nagtatanong lang kami." sabay sabay pa nilang sabi na halatang nang aasar lang.

Napatingin ako kay ate Xavrina na bagong pasok sya sa restaurant kasama yung pamangkin nya sa pinsan. Napalingon I to sa gawi namin saka kumakaway na lumapit sa amin.

"Di kayo nag aaya ha, nakakapagtampo." Naka pout na sabi nya habang naka hawak yung bata sa kamay nya. Ang cute.

"Ang cute cute mo naman." Sabi ni Crizta saka kinarga yung bata.

"Psh. Syempre alagang Sandejas, kaya bitawan mo na at baka pumangit pa yan." Pang aasar naman ni Cyruz sa kapatid. Kahit kelan talaga tong magkapatid na to.

"Bakit nga pala napasyal ka dito ate Xav?"

"Napaka walang kwenta mo magtanong Chase, malamang kakain yan dito. Alangan namang maglaba si ate Xav dito." pamimilosopo naman ni Dyn kay Chase. Nginiwian lang naman ni Chase si Dyn.

Umiling nalang si Ate Xav bago pumunta sa counter.

"Mauna na pala ko, I need to pick ate Shantell." Sabay sabay naming napatingin kay Dyn na naglalakihan ang mata.

"Dadating si ate Shantell!?" Sabay sabay nilang tanong.

Hindi ba obvious!? Pa ulit ulit?

"Psh, bingi ba kayo? Bye." Sabay Alis ni Dyn at etong mga kurimaw na to naiwang nakatulala at parang pinag sakluban ng langit at lupa. Problemado?

"Hey kids." Tawag pansin ni ate Xav sa amin. Naupo sa tabi ni Lokie na kanina pa tahimik.

"We're not kids anymore ate Xav." Sabi ni Crizta habang nakangiting nakatingin don sa batang dala ni Ate Xav.

"Psh. Whatever." Irap na sabi ni ate Xav.

"Di ba mas madalas sa opisina ni kuya Xavion." Sabi ni Chase tukoy sa batang kasama ni ate Xav.

"Ah kase, ngayon yung dating ni Xandria, kay kuya Xavion sya nag pasundo. Nagta tampo na nga ako don e. Pero okay lang at least nakasama ko naman tong pamangkin ko." Sabi ni ate Xav, kinurot kurot pa ang pisngi Krisheia.

"Humingi ka na din kase ng pamangkin kay kuya Xavion." singit naman ni Cyruz habang inaagaw si Kresheia kay Crizta.

"Ni wala nga yung naging girlfriend, pagkatapos ni Shantell. Pano naman magkakaanak yon?" Sagot naman ni Ate Xav.

Ewan nga namin kay Kuya Xavion, hiniwalayan si ate Shantell. Wala namang dahilan o ipapalit man lang.

"Sa tingin nyo kaya, may chance mag kita sina kuya Xavion at ate Shantell sa airport? Diba sinusundo din ni Dyn si ate shan?" Biglang singit ni ate Lokie na kanina pa nana nahimik.

"Miss, pinapatawag po kayo sa office ni Mr. Akhiro Strey." biglang singit naman ni Ms. De Leon, sya yung secretary ni Daddy. Hanga nga ako dito e, akalain mo sinundo nya pa ko dito simula sa 14th floor. Pero sabagay may elevator naman.

"Uhm... Sige mauna ka na, susunod ako."

"E ma'am, synod po kayo agad ah. Need po kayo don ni Sir e, ASAP?" ngumiti ako tumango. Si Ms. De Leon naman ay umalis na pero papunta sa kabilang Restaurant.

"Sige mga pips, mauna na ko. Mukhang importante yun e." Paalam ko at tinguan lang naman nila ko.

"About saan daw ba?" Tanong naman ni Chase. Nag kibit balikat nalang ako saka umalis na.

Dumeretso na ko sa elevator pagka pasok ko ng building.

Ano kayang importanteng sasabihin ni Daddy? Tumigil ang elevator sa may 3rd floor at pumasok ang...

"Ikaw na naman?" sabay naming sabi habang nakaturo sa isa't isa. Nag iwas nalang ako ng tingin at tuloy na syang pumasok.

Ang kapal den naman ng mukha neto. Talagang tumuloy pa!

Tumigil ang elevator sa may 14th floor. Nagkatinginan pa kami nang sabay na naman kaming lumabas ng elevator. Inirapan ko nalang tong Villamur na to saka dumeretso papunta sa office ni Daddy.

Napatingin ako sa likod ko dahil nararamdaman kong parang may nakasunod sa akin.

"Sinusundan mo ba ko!?" Iritang tanong ko kay Villamur. Nginisian nya lang ako sa sarkastiko, aba hambog den pala ang isang to?

"Hindi ka lang masungit, feelingera ka den pala." Nag init naman ang pisngi ko sa sinabi nya kaya nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad. Ambobo ko talaga kahit kelan, bat ko ba naisipan na sinusundan nya ko. Arghhh.

Pagkapasok ko sa opisina ni Daddy ay pinaupo nya ko sa visitors chair sa tapat ng table nya. Napatingin naman ako ng muling bumukas ang pintuan at iniluwa non itong hambog na si Villamur.

"Ginagawa mo dito!?" Nagnga ngalaiting tanong ko.

"Shion, maupo ka." Sabi ni Daddy at iniaro ang upuang nasa tapat ko. Sinundan ko naman ng masamang tingin si Shion habang umuupo sya sa tapat ko.

"Akhira." Tawag ni Daddy kaya nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"Bakit po Dad?" Magalang at pilit na mahinahon kong tanong.

"Kailangan nyong mag usap about sa mga schedule nyo. Since ikaw Akhira ay mahigiging personal assistant muna ni Mr-"

"Hell no! Daddy are sure about that? I can handle my self dad, I can find my own job." Giit ko kay Daddy.

"Akhira, sandaling panahon lang naman e. I need you to participate for 2 months." nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Daddy.

"2 months!? You mean i'll spent my whole vacation working as assistant of this stupid person." Naubos na ang pasensya ko pati si Daddy na pagtataasan ko na ng boses.

"Watch your mouth Akhira! I just need you for 2 fvcking months! Can't you just forgive me?" namumula ring sigaw sa akin ni Daddy.

"Ahmm. Excuse me sir, I'm good at it. I'll talk to your daughter. C'mon?" nagtataka naman akong tumingin kay Shion. Ha? Ibig nya bang sabihin pumapayag sya sa desisyon ni Daddy? Well ako hindi.

Sumunod nalang din ako sakanya para makalabas na den ako ng opisina.

"Mr. Shion, hanggang kelan mo ba ko balak paghabulin. Pwede bang kausapin mo na ko? Kailangan ko ng partisipasyon mo, I need to get out of this stup*d fvcking job?" sabi ko habang halos tumakbo na ko kakahabol sa kanya.

Napaka arte naman neto. Saan nya ba gustong mag usap? Kating Kati na ko maka alis ng put*nginang trabaho to. Pero teka...

"Are you agreeing with it? Ako hindi. Ha! Siguro dahil gusto mo kong alilain ano? Para makaganti?" Nilingon nya ko ng nagtatangis ang mga bagang. Finally, nilingon nya den ako. Kapagod humabol ng humabol ha.

"First of all, hindi ako kasing childish ng iniisip mo. Pangalawa, wala ka namang atraso sa akin para gantihan." Inis na sabi nya bago tumalikod ulit at pumasok sa elevator kaya pumasok na din ako.

"Ah siguro, para makasama mo ko araw araw no?"

"Ni ayaw nga kitang makita e dahil tuwing nakikita kita minamalas ako. Ni segundo nga lang na magkasama tayo, gugunaw na yung mundo. Yun pa kanyang makasama kita araw araw? HELL!" Aba't ang hambog na to. Nakasiksik sya sa dulo kaya tumayo ako sa harap nya.

"Sa sinasabi mong ako ang nagbibigay ng malas sayo e parang bumaliktad ata? Hindi bat kabobohan mo ang dahilan kaya't napunta tayo sa ganitong sitwasyon?" Nang gagalaiti kong tugon.

"Kanina mo pa ko tinatawag na bobo ha, namumuro ka na" bakit hindi ba totoo? Magsasalita pa sana ko ng tumigil ang elevator sa may 8th floor at sumakay ang may karamihang tao kaya't nadikdik ako sa hambog na to.

Kamuntikan pa kong maout balance ngunit inalalayan ako sa bewang ng kanyang mga bisig. Magrereklamo pa sana ko kaso andaming tao dito, nakakahiya.

Ewan ko pero sa sobrang lapit ng contact namin sa isa't isa, naiilang ako na parang may mga paru parong ligaw sa tiyan ko. What's the hell are you saying, akhira!? Put your as* together.

Agad akong bumitaw sa kanya ng bumaba ng ilang tao sa may 4th floor at hagyang lumuwag ang elevator.

Nang huminto ang elevator sa may first floor. Bumaba na ang ilang tao si Shion naman nakisabay na ako naman, eto nasa likod nya parin.

Dito kami pumunta sa isang coffee shop dito pa din sa loob ng compound.

"Anong gusto mo?" Tanong nya habang nakadekwatro at nakalagay ang index finger sa may noo. Nakapikit pa na akala mo ay nagiisip. Ano kaya iniisip nya? Kung may utak pa sya?

"Double Espresso." Sagot ko na inilista naman nitong waitress na kanina pa nakangiti.

"And one Americano." Sagot nya na hindi manlang tinitingnan yung waitress na malapit ng maging kamatis sa sobrang pula.

"D-dessert sir?" Nauutal na tanong nitong waitress. Yubg totoo? Bat ba sya namumula, ganon ba to kagwapo? E parang hindi naman gumwapo kahit saang banda.

"No thanks." Malamig at kalmadong sagot naman netong Shion na to.

"Kayo po ma'am?" Buti naisipan pa kong balingan nito? Kala ko ay si Shion lang ang nakikita nya e.

"No thanks, I'm fine." Sagot ko. Umalis na din naman yung waitress.

"Alam kong alam mong ayaw ko at alam ko din namang ayaw mo. Kaya mas better kung makiu-"

"Hindi pwede. Career ko ang nakasalalay dito." putol nya sa sasabihin ko.

"Pake ko sa career mo? It's not my business, anyway." Bahala sya.

Tiningnan nya ko ng masama na para bang ang laki ng kasalanan ko sa kanya. "Hindi lang career ko o image ko ang iniisip ko, yung kalove team ko, manager ko, agent ko, at yang image mo den. Masisira." Inis na sabi nya.

"One double express and one Americano sir, ma'am." Sabi nung waitress saka inilapag yung mga order namin.

"Thank you." Saad ko dito sa waitress dahil mukhang walang balak mag salita ang isang to at pinapanatili ang masama nyang titig sa akin.

Nung maka alis yung waitress biglang nagsalita tong si Shion.

"You need to participate. Dahil kung hindi pati image mo ay masisira. I will be your boss and you need to work as my assistant."