webnovel

Do You Love Me?

Hindi bat wala namang epekto sa akin ang bawat kilos nya NOON? Hindi bat wala naman akong pake sa kung ano man ang ginagawa nya? I used to hate him and he used to hate me. Pero bakit ngayon umiba ang takbo ng nakagawian kong maramdam para sa kanya. Para bang nahulog ako sa isang madilim at nakakatakot na lugar yung tipong walang akong kasamang mahulog. Nahulog ako sa kanya, pero sya ba ganon din? I love him but, Does He Love Me too? DISCLAIMER: THIS STORY IS WRITTEN IN TAGLISH

Meia_Jannell · Realistic
Not enough ratings
12 Chs

CHAPTER 4

EPISODE 4: MUST BE CLEAR

Akhira's POV

"Excuse me Mister!? This is our company." di ko na napigilan ang inis ko saka tinanggal ang kamay nyang nakaharang sa dinadaan ko. Aalis na sana ako pero nakalimutan ko ang sling bag ko. Out of choice, I need to go back.

Bumalik ako at nilampasan lang sya sa pinto saka padabog na dinampot ang sling bag ko. Inirapan ko muna sya bago tuluyang lumabas ng dressing room.

Kinalma ko ang sarili ko bago pumasok sa loob ng elevator. Sasara na sana ang elevator ng harangan ng isang kamay ni...

"What the hell!? Ikaw ata ang sumusunod sa akin e" inis na sabi ko kay Villamur dahil nakisakay pa sya sa elevator.

"Miss, nagkataon lang na kailangan kong pumunta sa Conference ng 8th floor." tiningnan nya ang close botton ng elevator. Mula sa likuran ko ay pinindot nya ang open button, kaya halos lumapat ang pisngi nya sa labi ko. Agad akong umayos ng tayo na parang walang nangyari.

Tama! Wala naman talagang nangyari. Ano bang nangyari? Wala naman diba?

Pumasok ang hindi naman karamihang tao sa loob. I just move a bit, nagiingat na huwag lumapat ang balat sa kanya. Kaya't mas pinili kong siksikin ang ding ding sa may pindutan.

"Miss 6th floor nga." sabi nung aleng mukhang trabahador dito. Nasa sulok sya kaya sinunod ko nalang ang utos nya.

May ilang bumaba sa 5th floor. Ng huminto ang elevator sa may 6th floor ay nagsilabasan na lahat ng tao maliban sa aming dalawa.

Huminto ang elevator sa 8th floor at nagkatinginan pa kami ng halos sabay kaming lumabas ng elevator, sabay kaming napagtighim at nag I was tingin.

Nauna na akong lumabas ng elevator. I even feel his eyes looking at me. FVCK that was so awkward.

"Arkhin!" tawag ko kay Arkhin ng makita ko syang nakatindig sa tabi ng double door, I think eto ang conference room.

Naitaas ko ang kilay ko ng makitang lumingon din sa akin ang babaeng kausap nya. Kaedad na rin siguro to ni Arkhin. She's even familiar to me. I even saw Cyd came out from the other room she look at Arkhin's direction, pero sandali lamang at umalis na rin. Di din nya siguro ako napansin dahil sa kabilang side sya dumaan.

A/N: nathalia CYD zartous, second name po nila tinatawag yung bunsong kapatid nina Cyruz and Crizta.

Lumapit ako kay Arkhin at tiningnan ang babaeng kasama nya from head to toe. Do I look mean? I don't care, I need to assure that my Arkhin won't be with someone who's, you know. ugly.

"U-uhm... H-hi ate." do I hear it right? He's stuttering?

Tinanguan ko lamang sya bilang tugon, saka tiningnan ang babaeng kasama nya na para bang natatanong.

"U-uh yeah, this is Shein Brent. You might know her sister, Shaniah Brent. She's studying at yo-" I cut him off.

"O-kay? Let's go?" yaya ko kay Arkhin. I don't know why but I feel like I don't like her for Arkhin. Well Arkhin didn't say that this was something for him, pero kahit happy crush man ni Arkhin I feel like I don't like her. Friends?Maybe?

Nakapout na tumingin sa akin si Arkhin. "Nice to meet you Shein." binati ko muna yung bata bago umalis. I don't want to look so rude. Hagyang lumiwanag ang mukha ni Arkhin sa ginawa ko.

"Mauna na kami Shein, see you around." rinig kong paalam ng kapatid ko. Ang landi naman neto.

Ng makapasok kami sa loob ng conference ay wala pa ang mga Press. Usually sa mga ganitong event nauuna ang mga press bago ang mga tao. Pero mas better na daw to sabi ni Daddy, baka mahirapan daw kase kami papasok pag nandito na yung mga Press. Masyado daw kasing malaki ang paguusapan, kaya kung mauuna ang press ay di na kami makapasok ng matiwasay dahil sa paulan neto ng mga tanong.

Hindi naman ganoon kalaki itong conference. May mini stage kung saan uupo yung mga i-iinterviewhin, may long table den sya doon. Sa harapan naman ng stage ay mga upuang kagaya ng nasa cinehan, pero hindi sya pahagdan ang style, hindi din ganoon kalawak.

"Dito muna tayo ate." tawag sa akin ni Arkhin, itinuturo ang isang maliit na pinto. Hindi ko alam kung pa saan iyon pero sa tingin ko ay mini backstage den nitong conference.

"Hindi ba tayo uupo na doon?" tukoy ko sa upuan sa stage.

Inilingan nya ako bago saka muling nagsalita. "Hindi muna ate. Saka tayo lalabas dito pag nandyan na yung media." kahit kelan talaga pa importante, maaari namang deretsuhin na lamang sila like, HI THIS IS AKHIRA MARIE STREY MY HIDDEN DAUGHTER.

Sumunod na ko kay Arkhin na nauna ng pumasok sa loob ng tinuturo nyang pinto. Hindi ito ganoong kalaki, merong tatlong upuan sa tapat ng may kahabaang salamin kung saan may ilang nakapatong na pang ayos ng mukha. May couch den sa naman at mini coffee table. This is more like mini dressing room, wala nga lang damit na pampalit.

Inilapag ko ang sling bag ko sa ibabaw ng coffee table at naupo sa couch. Si Arkhin naman ay sa harap ng salamin naupo at doon nag cellphone. Ang bata naman ng kapatid ko pero luma-love life na.

Kinuha ko din ang cellphone ko at nag fb. Napakadaming friend request ang dumating. Private naman ang mga post ko pero may ilan paring nakakakuha ng pic mula sa profiles ko. Kaya ni-lock ko nalang ang profile ko. Yung tipong friends lang ang nakakakita ng post ko at ng personal information.

May kalahating oras din kami dito ni Arkhin at aaminin kong naiinip na din ako. Tiningnan ko si Arkhin na naka ngiti habang nagtitipa ng kung anong mensahe sa cellphone nya. Mukhang hindi naman naiinip ang isang to.

"Who are you talking to?" nakangiti pa rin akong binalingan ng tingin ni Arkhin.

Umiling sya bago sinagot ang tanong ko. "It's Cyd, we're talking about something funny. That's why." natatawa nyang sagot habang umiiling pa. Bakit ngayon ko lang napansin? Ang baritono na ng boses nya, nagbibinata na. Naalala ko dati nung nasa province kami, umiiyak pa sya saken kase tutulian na sya. Ang masama pa non nasa province kami pinili ni Dad na sa traditional way sya patulian kaya, tawa kami ng tawa ni Akhie habang si Arkhin umiiyak na.

"Do you like Cyd?" tanong ko kahit alam kong best friend sila. Lalong lumakas ang tawa nya dahil sa tanong ko.

"W-what!?" natatawa nyang saad. "You know we're only best friends."

Tumango nalang ako hanggang sa nakarinig ako ng mahinang ingay sa labas.

"I think press is already here."

"Yeah, I know." kalmado kong sabi ngunit sa loob loob ko ay kinakabahan na ko. Pinag uumpog ko ang dalawa kong hintuturo habang magkasalikop ang aking mga kamay.

"Hey! Don't be to nervous. This will be fixed, I'm telling you." pagpapakalma sa kin ni Arkhin ngunit hindi ko sya sinagot o tiningnan man. "Hintayin lang natin ang tawag nila kung lalabas na tayo."

Hagyang tumahimik sa labas kasabay ng pagtawag ng isang magandang ginang. "You may now come out, people are waiting."

Lumabas ako ng dressing room, sunod sunod na flash ng camera ang sumalubong sa akin habang si Arkhin ay nakasunod sa akin. Alam kong maganda ako pero hinay hinay sa pag flash ng camera.

Naupo ako sa tabi ni Daddy habang si Akhie sa right side nya at sa tabi namn ni Akhie si mommy.

Umupo sa left side ko si Arkhin. "Arkhin." mahinang tawag ni Daddy kay Arkhin.

"What is it Dad?" kuryosong tanong naman ni Arkhin kay Daddy.

"You have nothing to deal about this, you should go out instead."

"But Dad-"

"Sheila..." mahinahon nyang ibinaling kay Mommy ang atensyon nya. Tinaasan lang sya ng kilay ni mommy for an answer.

"You and Arkhin may go out, hindi na kailangan pang-"

"I'm their mom Akhiro. MOM. How the hell you tell me that I have nothing to deal about this." Mataray na sagot ni Mommy. What's happening? Why are they became tense all of a sudden?

"Not here mom and dad. We're in front of media." magalang na paalala ni Akhie sa dalawa.

Natigil ang tensyon sa pagitan ni Mommy at Daddy ng balingan ng press ang apat na bagong dating. It was Shion, his manager, agent and Shaniah. Nakapulupot ang kamay ni Shaniah sa braso ni Shion na nakapag patindi ng pag flash ng camera. Ang ilang guwardya ay naka harang den sa mga press na pilit kumukuha ng inpormasyon.

Naupo yung agent ni shion sa tabi ni Arkhin, sa tabi naman nung Agent ay si Shion katabi ang kalove-team nyang si Shaniah, sa pinaka dulo naman ay ang manager ni Shion.

"As we all know. These kids beside me, Akhie and Akhira." tiningnan ako ni Daddy and give a little smile. Si Mommy naman ay kinakabahan, pero bakit? Hindi ba parang kahapon lang ay excited pa sya para rito?

"And Mr. Villiamur sitting beside Ms. Carsuevo" pertaining to Shion's Agent. "We're involved in an issue that we still didn't cleared. I asked this press con to clear these misunderstanding."

Ang dagundong ng dibdub ko ay di ko mapigilan. Ang kaba ko ay umabot na sa sukdulan pero mas lamang ang pagtataka ko ng mapatingin ako sa gawi ni Mommy. Ang kamay nya sa ilalim ng lamesa ay mahinang nangangatal at pinagpapawisan sya ng sa tingin ko ay malamig. May problema ba?

"You can now start asking question." muli inakyat ng kaba ang aking dibdib. Ano ba ang dapat kong isagot kung sakali mang tanungin nila ko?

Hinawakan ni Daddy ang kamay ko saka bumulong. "Don't be too nervous, I can handle this. You don't need to speak, let me explain it to them."

Napatingin ako sa harapan ng muling mahagip ng aking mata yung familiar na reporter.

"What is your relationship with Mr. Akhie Strey?"

Nakatingin lang ako dun sa reporter, she smirk? WTF!?

"This beautiful girl beside me, she's my…" napatingin sa akin si Daddy kaya't nabaling ang atensyon ko sa kanya.

"She's my daughter, my second child. One of the most beautiful girl beside her mom." Parang hinaplos ang puso ko sa sinabi ni Daddy pero mas naagaw ng atensyon ko ang pagpatak ng isang butil ng luha sa mata ni Mommy. Is she, okay? Maybe it is a tears of joy?

Ng dahil sa sinabi ni Daddy mas lalong lumakas at dumami ang tanong ng mga press.

"Well, since people are asking where's my second child. I think this is the time to tell. If you're going to ask me why a hid her, sorry to say. But I prefer to let her enter our business world when she's already an independent woman for some reason." Nakatungo lang ako habang pinakikinggan ang mga paliwanag ni Daddy. "Basically her name came from my name Akhiro. End of discussion, thank you all."

Sunod sunod na bulungan ng media ang maririnig dito sa conference.

Tumayo na si Daddy at susunod na sana kami ng biglang… "What about the issue about Ms. Akhira and Mr. Shion?" napatingin ako sa reporter na nagtanong. Sya parin yung reporter na creepy. Sino ba sya?

Tumingin muna sa akin si Daddy bago nag salita. "Since its summer, my daughter decided to work at my company." Nag tataka akong tumingin kay Daddy, pero ng tingnan nya ko ay parang si nasabi nyang kalmahan ko lang.

"She wants to be an agent, but I told her its not that simple." Tumungo nalang ako at pilit pinipigilan ang sarili na huwag mag reklamo. "I decided to let her work as an personal assistant so…" tumighim muna si Daddy bago ipinag patuloy and kanyang sasabihin. "Kaya nyo nakitang magkasama sina Akhira and Villamur it is because Akhira is currently working as Shion's Personal assistant."

WTF!?

A/N: Ano kaya mangyayari sa kanila? Si Akhira magiging PA ni Shion?