webnovel

Do you like me?

girlinarain · Teen
Not enough ratings
6 Chs

CHAPTER 3

*Corey's Pov*

Nang natapos na ang paghihintay namin umupo na kami at nagsimula ng kumain.

Habang kumakain tinanong ko silang dalawa.

"So how the two of you know each other?"

"Ahhh ganito kase yun pumunta ako sa mall kase may kailangan akong bilhin then nung nagutom ako napagisipan ko na sa McDo na lang kakain at yun umorder ako then ito naman si Aiden nung umorder siya icacancel niya na sana kase kulang daw ang pera pero ayun binayaran kona lang."pagpapaliwanag ni Carina.

"Ganon nga pare buti na lang andon si Carina kung hindi baka napahiya na ako."dagdag ni Aiden sa sinabi ni Carina.

"HAHAHAHAH,"tawa nilang dalawa.

Ang saya-saya ni Carina.

"Carina mauna na kayo may gagawin pa ako."I lied.

"Huh ano naman ang gagawin mo ilang minuto na lang magta-time na.tanong ni Carina.

"Sige na mauna na kayo kapag hindi ako nakahabol balitaan niyo na lang ako kung ano man."

At yun umalis nako gusto ko munang tumambay sa rooftop para makapagisip-isip.

Dalawang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon tandang tanda kopa siya.

Flashback

"Son can you please go to a convenient store to buy me some napkin?"my mom asked.

"Mom seriously!

"Please"my mom said with a pout on her face.

"Fine,"

At umalis narin ako ng bahay

Convenient Store

Si mom talaga,if someone will see me kung ano-ano na ang iisipin nila kaya nagsuot ako ng mask.

Kukunin kona sana yung isang napkin kaso naunahan ako.

"Hmmm kung hindi ka bibili pwede sa gilid ka muna nagmamadali kase ako pasensiya na."sabi niya.

"Ahh,I'm sorry"at lumabas na ako hindi nako bibili nakakahiya, uutusan kona lang yung katulong namin.

Paglabas ko may humawak ng braso ko pagtingin ko siya na yung babae na naunahan ako sa pagkuha ng napkin.

Natulala ako,ngayon ko lang naklaro yung mukha niya,she's really beautiful.

"Oh sayo nato,"inabot niya sakin yung dalawang napkin. "Dalawa lang ang kailangan ko at apat ang nabili ko kaya sayo na lang yan."sabi niya.

"Bat mo naman yan ibibigay sakin?"I asked.

"Kailangan moto diba?"tanong niya sa akin.

"Sige na nga,"at kinuha kona ang napkin.

"Thank you." at umalis nako.

End of flasback

I'm sure that she already forgot about me at paano niya naman ako maalala kung naka mask ako that time.

At ang gusto ko lang mangyari ay maging close pa kami sa isa't isa yun lang.

*Carina's Pov*

Ano kaya ang gagawin ni Corey?

"Aiden halika na ayaw kong malate"

Pagpasok namin sa room andon na si Ma'am Hazel.

"Good afternoon Ma'am hazel, sorry were late.

"No it's ok,so class hindi matutuloy ang quiz ngayon because we will have an oral recitation tomorrow, don't expect that the question will be easy.

Umuwi agad ako ng matapos ang klase dahio nilalagnat si Ava.

"Ava ayos na ba ang pakiramdam mo?"nag aalala kong tanong.

"Hmm, medyo ok na,"sagot niya.

"Hindi natuloy ang quiz dahil bukas may oral recitation tayo,magpagaling ka para makapasok kana bukas."sabi ko sa kaniya.

"Maiwan na kita dito magluluto muna ako ng dinner natin.

Umalis nako at nagluto na ng dinner namin pagkatapos kong ihanda ang lahat tinawag kona rin si Ava.

"Ava handa na ang lahat,bumaba kana diyan."

"Wait bababa na."

"Ava kung papasok kana bukas baka hindi kana sa tabi ko uupo."

"At bakit?"tanong niya.

"May bago kase tayong kaklase at pinaupo siya ni prof sa upuan mo kaya ayun."

"Is it a boy or girl?"tanong niya.

"Lalaki,bat mo naman tinatanong?"tanong ko sa kaniya.

"Wala lang,"sagot niya.

"Kaya mona bang pumasok bukas?"

"Oo kaya kona."

Nang matapos na kaming kumain pumasok nako sa kwarto ko para mag review.

Kinabukasan

Room

"Ava meet Aiden, Aiden meet Ava my bestfriend and also my cousin.

At yun nagpakilala naman sila sa isa't isa.

Nung time na ni Ma'am Hazel tahimik kaming lahat dahil kinakabahan kami dahil ito ang kauna-unahang oral namin.

"I will call your names randomly,let's start.

Katherine Vilaflor

"In 2005,for each of the 14 million people present in a country, were born and died during the year. Using exponential equation,the number of people present in 2015 is predicted as?"

"17 million,"sagot ni kath.

"Good,"proud na sabi ni ma'am.

Natawag na ni ma'am ang lahat maliban sa akin.

"Carina Easton, What property makes phospholipids ideal building blocks for cell membrane?

Tanong niya sa akin at buti na lang nabasa ko yang tanong kagabi.

"The fundamental building blocks of all cell membranes are phospholipids, which are amphipathic molecules,consisting of two hydrophobic fatty acid chains linked to a phosphate-containing hydrophilic head group."

"Very good,pinahanga moko, that's all for now goodbye class."

"Guys pwede na tayong umuwi ng maaga cause are prof will be having a meeting."announce ni Gab,siya nga pala ang president ng section namin.

Hay salamat,ano kaya ang magandang gawin?alam kona yayayain ko silang mag mall perfect!

"Gusy may gagawin kayo,"tanong ko sa kanila."Wala" sabay sagot nilang tatlo. "So mamamasyal tayong apat!"excited kong sigaw sa kanila.

"Wow that's a good idea in ako diyan!"masayang sagot ni Ava. "How about you boys?"Tanong ni Ava sa kanilang dalawa.

"In ako," sagot ni Aiden."In narin ako,"sagot ni Corey."So let's go!"

Mall

"Guys ganito na lang Ava and Corey kayo muna ang magsama and kaming dalawa ni Aiden."sabi ko sa kanila.

"And why?"nagtatakang tanong ni Corey.

"Secret,magkita na lang tayo dito bye."at hinila kona si Aiden.

"Punta muna tayo sa Vans."nang nakarating nakami sa vans pumasok nakami. Kumuha ako ng ilang damit at pinasuot yun kay Aiden.

"Aiden suotin mo to,"Utos ko sa kaniya. "Lahat to?"tanong niya."Oo lahat yan bilis,"at tinulak kona siya papuntang fitting room.

Sinuot niya naman lahat ng pinasuot ko sa kaniya at nagbagay naman kaya bibilhin ko to para sa kaniya.

"Ate lahat ng isinuot niya bibilhin kopo."sabi ko sa isang saleslady.

"Carina ano kaba ang mahal niyan,"kinuha niya yung isang shirt at tiningnan yung presyo."Tingnan mo 1,300 ang isang damit kaya kung bibilhin mo yan lahat ang mahal mahal na talaga.

"Just accept it,ayaw ko kaseng may naririnig kang salita galing sa kaklase natin,para sayo narin yan."

"Sige tatanggapin ko tong lahat pero ito na ang huli na may bibilhin ka para sa akin."

"Yehey,"niyakap ko siya dahil sa tuwa. "Akala ko di mona talaga tatanggapin tong bibilhin ko."

"Ahhh Carina?"

Oppppsss ang tagal ko pala siyang niyakap.

"Ahhhh sorry natuwa lang, hehehe."nahihiya kong sabi.

Nang nabayaran kona ang mga damit at mga sapatos na binili ko lumabas narin kami.

Lakad lang ng lakad ang ginawa namin at booom may nakita akong vendor na nagtitinda ng ice cream.

"Aiden bili tayo ng ice cream."

"Ok"

Babayaran kona sana kaso binayaran na ni Aiden.

"Binilhan mona ako kanina,ako naman ngayon."sabi niya.

"Ok"nakangiti kong sabi.

"Carina"tawag niya sakin

"Hmmm?"

"Hihingiin ko lang sana yung cellphone number mo para alam mo na."

"Ahhhh hahahaha ok."natatawa kong sabi.

Pinuntahan na namin sina Corey at Ava nang matapos kong ibigay yung number ko kay Aiden at ng nagkita-kita na kaming apat umuwi narin kami.

"Huy anong ginawa niyong dalawa huh? Tanong ni Ava.

"Bukas kona lang ikwento sayo ok antok nako matutulog nako, goodnight Ava.

"Sige ikwento mo lahat sakin bukas walang kulang walang labis.

Dahil sa pagod nakatulog na ako.