webnovel

Do you like me?

girlinarain · Teen
Not enough ratings
6 Chs

CHAPTER 2

Pagkatapos namin kumain bumalik na kami sa room dahil ilang minuto nalang at magri ring na ang bell.

Andito na kaming lahat maliban sa prof namin.

"Hi Carina ako nga pala si Gab"bati niya sa akin." Oh yung unang nagpakilala sa harap, Gabriel diba?" tanong ko naman sa kaniya.

"Oo ako nga, Gab na lang ang itawag mo sakin.

"Ok,so Gab may kailangan ka?"

"Wala gusto ko lang makipagkaibigan sayo"sagot niya sa tanong ko.

"Ok freinds na tayo,"sabi ko at nakipag shakehands sa kaniya.

At pagkatapos non dumating nadin ang Prof namin sa Biology.

"Good Afternoon everyone, I Hazel Valenzuela will be teaching Biology in this class,I don't like that any of you will get a low grades so do your best to study and get a high grades."

At nagsimula na siyang mag lecture,at nakinig naman kaming lahat.

"Ok class that's all for now,don't forget your quiz tomorrow."Pagpapaalala niya sa amin.

Next

Next

Ringggggg~Ringgggg

Hay sa wakas uwian na rin, may bibilhin pa pala ako.

"Ava mauna ka nang umuwi, may kailangan pa kase akong bilhin."

"Sasamahan na lang kita."Sabi niya habang inaayos ang mga gamit niya.

"Ava kahit hindi na,kailangan mo pa mag-aral may quiz tayo bukas."

"Sige mag ingat ka,uwi agad pag nabili mona yung mga kailangan mo,ok?

"Sige na mauna na ako."Sabi ko sa kaniya at tuluyan ng umalis.

Nagcommute na lang ako at mga ilang minuto nakarating narin ako sa mall.

"Kailangan ko ng mga libro at pangsulat, sa National Bookstore muna ako. "pumasok na ako at dumiretso sa mga libro,kumuha ako ng dalawang libro tungkol sa biology at nakita ko ang isang libro at ang nakasulat "CHARM ACADEMY",kinuha kona rin para may mabasa basa rin ako.

Nagugutom narin ako kaya nang nabili kona ang lahat ng kailangan ko dumiretso na ako sa paborito kong pagkainan.

"Welcome to McDonalds,"bati sa akin ng gwardiya.

"Wahhh ang tagal tagal kona di nakakain ng Mcdo,ano kaya ang i oorder ko ahhh ito na lang.

"Ate isang order po ng fries, burger, at coke float.

Habang naghihintay ng inorder ko may isang lalake ang umorder.

"Ate isang order po ng burger at coke.

"65 pesos po lahat sir" at habang kumukuha siya ng pera sa wallet niya narinig ko ang sinabi niya.

"50 pesos na lang pala ang meron ako,next time na lang."

"Ate pwede po i-can,"

"Ate yung inorder niya ako napo ang magbabayad."pagputol ko sa sasabihin niya.

At nang nakuha kona ang inorder ko humanap na ako ng table at tsaka umupo na.

"Pwedeng umupo dito?"tanong ng lalake.

"Sure"sagot ko naman.

"Yung kanina salamat,nagkulang kase ako ng pera."pagpapaliwanag niya.

"Your welcome,ako nga pala si Carina at ikaw si?

"Aiden"at nakipagshakehands kaming dalawa.

"Bat ka pala nakulangan sa pera?"tanong ko sa kaniya.

"Pinagbili ko kase ng mga school supplies at hindi naman rin ako mayaman,mahirap lang ako."malungkot niyang sagot

"Hey cheer up!,walang masama sa pagiging mahirap feeling ko masipag kang anak kaya ang mahalaga maging masaya ka."pag chi cheer ko sa kaniya.

"Oh tapos na pala akong kumain,maiiwan na kita diyan."nakangiti kong sabi sa kaniya.

Patalikod na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Carina,sana makikita pa kita ulit."nakangiting sabi niya.

Nginitian ko lang siya at umalis na ako.

Pag-uwi ko sa bahay,sinigawan agad ako ni Ava.

"Carinaaaa ano kaba naman bat ngayon ka lang ha, it's already 8pm,MY GOD!"

"Bat kaba naninigaw?"Na-iinis na tanong ko.

"Eh ikaw kase pinag-alala moko,gabing gabi na kaya."sagot niya.

"Alam mo grabe ka kung makasigaw,wagas talaga. Sige na papasok nako sa kwarto ko wag mo kalimutan mag review."

"Ok na, goodnight,"at pumasok na siya sa kwarto niya.

At nag simula na akong mag review.

Review

Review

At ilang minuto nakatulog narin ako.

Kinabukasan

Kringggg~Kringggg~

Pagtunog pa lang ng orasan nagising agad ako. Kinuha ko agad ang cellphone ko para tingnan kung may message ba.

"Nak pasensiya na ha kung hindi

pa kami makauwi diyan ng papa mo,pero wag ka mag alala babawi kami,I love you."text ni mama.

"Ok lang ma I understand naman po,I love you too mom."I replied.

Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako para maghanda ng almusal namin.

Ok na to ,kung nagtatanong kayo kung ano ang inihanda ko ito lang naman.

Egg, Cornbeef, Hotdog and a toasted bread yan lang naman, gigisingin kona muna si Ava at sabay na kaming kakain.

"Ava,gumising kana may niluto na ako."Wala parin akong natanggap na sagot,pagpasok ko sa kwarto niya natutulog pa siya at mukhang giniginaw kaya hinawakan ko ang kanyang noo kung nilalagnat ba siya.

At oo nga nilalagnat siya.

Kumuha ako ng gamot para painumin siya.

"Ava gumising ka inumin mo to,hindi na lang ako papasok para mabantayan ka.

"Carina sige na pumasok kana, iwan mo lang yung gamot kaya kona to."pagtutol niya.

"Sigurado ka?, ok lang kahit hindi nako papasok,babantayan na lang kita."Nag aalala kong sabi.

"Kailangan mong pumasok may quiz sa bio diba? Papasok ka o ilang araw kitang hindi kakausapin."

"Ok ok,Uuwi ako agad pagkatapos ng klase ko, tawagan mona lang ako pag may kailangan ka."Sabi ko sa kaniya.

Lumabas na ako sa kwarto niya at kumain na lang ng mag-isa,pagkatapos kong kumain lumabas nako ng bahay.

"Ma'am Carina, magpapahatid poba kayo? tanong ng driver kong si kuya gav.

"Hindi na ako nalang po."at kinuha kona ang susi sa kaniya. Tama kayo marunong akong magdrive at may drivers license nadin.

Sumakay na ako at pinaandar na ang kotse at pinatugtog ang paborito kong kanta.

Do you love the rain? Does it make you dance

When you're drunk with your friends at a party?

What's your favorite song, does it make you smile?

Do you think of me?

When you close your eyes, tell me, what are you dreamin'?

Everything, I wanna know it all

I'd spend ten thousand hours and ten thousand more

Oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours

And I might never get there, but I'm gonna try

If it's ten thousand hours or the rest of my life

I'm gonna love you (ooh, ooh ooh, ooh, ooh)

Do you miss the road that you grew up on?

Did you get your middle name from your grandma?

When you think about your forever now, do you think of me?

When you close your eyes, tell me, what are you dreamin'?

Everything, I wanna know it all

I'd spend ten thousand hours and ten thousand more

Oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours

And I might never get there, but I'm gonna try

If it's ten thousand hours or the rest of my life

I'm gonna love you (ooh, ooh ooh, ooh, ooh)

I'm gonna love you (ooh, ooh ooh, ooh, ooh)

Ooh, want the good and the bad and everything in between

Ooh, gotta cure my curiosity

Ooh, yeah.

Hindi na natapos ang kanta dahil nakarating na ako wait magpapark muna ako.

Nang nakapark na ako may nakakuha ng atensiyon ko.

"Si Aiden ba yun o namamalikmata lang ako kung siya nga talaga ano naman ang ginagawa niya rito?"

Ay baka kamukha lang,papasok na daw ako.

Pagpasok ko sa room binati agad ako ni Corey.

"Hello Carina."

"Oh hello Corey,handa kana sa quiz natin mamaya?"tanong ko

"Of course I'm ready.sagot niya. "Wait bat mag isa ka lang where's Ava?"nagtatakang tanong niya.

"She's at home may lagnat. "I answered.

Dumating narin ang prof at ang sabi niya may iaannounce daw aiya.

"Class may bago kayong kaklase, Aiden come here,Introduce yourself."

Siya nga,siya nga ang nakita ko kanina.Napangiti ako sa walang oras siguro dahil nakita ko siya ulit.

"Hi I'm Aiden Galvez, 19 years old."pagpapakilala niya."What does your parent's do for a living?"tanong ng isa kong kaklase.

"Carinderia lang ang meron kami."sagot niya.

"Carinderia? ang poor naman."

"Oh My God ang poor niya."

"No wonder ganyan siya manamit."

Grabe naman sila kung makalait, wala kaya masama sa pagiging mahirap,di kona nakayanan ang mga sinasabi nila kaya bigla akong napatayo.

"Guys enough,andiyan siya sa harap o,"turo ko kay Aiden. "Naririnig niya ang lahat ng sinasabi niyo kaya please stop. Sabi ko habang tinitingnan silang isa-isa.

"Wala ba si Ava dito?"nakatingin na tanong ni prof sakin at tango lang ang isinagot ko sa kaniya.

"Since wala si Ava,doon ka na sa tabi ni Carina umupo."sabi ni prof kay Aiden.

Yun lang at umalis na si prof dahil may kailangan pa daw siyang asikasuhin.

"Hi Carina,masaya akong nakita kita ulit."nakangiti niyang sabi.

"Masaya rin akong nakita kita ulit."sinuklian ko rin siya ng isang ngiti.

Next

Next

Next

Ringggg~Ringggg~

"Aiden gusto mo sumabay kana samin mag lunch,"yaya ko sa kaniya.

"Kung ok lang diyan sa kaibigan mo,"sabi niya habang nakatingin kay Corey.

"Corey ok lang naman sayo diba na sasabay sa atin si Aiden mag              lunch?"tanong ko kay Corey.

Tiningnan niya muna si Aiden bago niya ako sinagot.

"Para sayo ok lang naman."

"So tara na?"tanong ko kay Aiden at sumang-ayon din naman siya.

Nang nakarating na kami sa canteen isinama ko siya kung saan kami ni Corey naga order ng food para hindi na siya mahirapan.

"Carina ang mahal naman ng mga pagkain dito."sabi ni Aiden.

"Don't worry ako na ang bahala, sagot na kita." sabi ko sa kaniya

"Wag na nakakahiya naman sayo,dati ikaw rin ang nagbayad ng pagkain ko."

"Ok lang,masaya ako na nalilibre kita."nakangiti kong sabi

Habang naghihintay napapisip na lang ako bigla, hindi ko alam kung bakit pagdating sa kaniya ang gaan gaan ng loob ko.

Ikalawang araw pa lang naman na nakasama ko siya,siguro dahil sa mabait siya or may iba pang rason? Tanong na gumugulo sa isipan ko.