webnovel

Do you like me?

girlinarain · Teen
Not enough ratings
6 Chs

CHAPTER 4

Kinabukasan

Nagising kami ni Ava ng maaga kaya napag-isipan ko na papasok na lang kami.

"Ava ok lang ba na papasok na tayo ngayon?"I asked.

"Are you sure, isn't it too early 7am pa lang and our class start in 9:30am."nagtataka niyang sabi.

"Diba gusto mo ikwento ko sayo kung ano ang ginawa namin ni Aiden kahapon? " tanong ko sa kaniya.

"Of course I want to know what happened yesterday."

"So papasok na tayo,doon kona lang ikukwento ang lahat."sabi ko.

"Ok,let's go na."sabi ni Ava.

Nagpahatid na lang kami kay kuya gav.

Nang nakarating na kami,konti pa lang ang mga estyudante na palakad -lakad sa campus.

"Mabibilang mo lang ang mga estyudante na palakad-lakad noh?"tanong ko.

"Malamang girl,sino ba ang tanga na papasok ng maaga at ang klase ay magsisimula sa 9:30am?"sarcastic niyang tanong.

"Edi tayo"Natatawa kong sabi.

"Halika na daw ikukwento mo pa sakin yung nangyari."

Room

Since mahaba-haba pa ang oras I already told her everthing what happened yesterday.

Habang kinukwento ko sa kaniya ang nangyari kahapon napansin ko na parang kinikilig siya.

"Ano naman kaya ang nakakakilig sa ikinuwento ko?"tanong ko sa sarili ko.

"Hanggang don lang at wala ng iba."pagwawakas ko.

"Hanggang don lang ba talaga?"nanunukso niyang tanong.

"Oo yun lang,gusto mo dagdagan ko pa parang nakulangan ka."sarcastic kong tanong.

"Hindi naman sa ganon pero akala ko may ginawa pa kayo bukod don sa ikinuwento mo,sabi niya."Pero umamin ka girl do you like Aiden?biglaan niyang tanong.

Sinagot ko naman ng walang alinlangan.

"No,kaibigan lang talaga ang turing ko sa kaniya.

"Kung hindi mo siya gusto bakit binibilhan mo siya ng mga damit? "naguguluhan niyang tanong.

"Binilhan lang ng damit gusto na agad hindi ba pwede gusto ko lang na maging isang mabuting tao."

"Ok sabi mo eh, but soon I'm sure na magugustuhan mo rin siya ang gwapo niya kaya,matalino, at mabait pa."sabi niya.

"Tingnan na lang natin"sabi ko  naman sa kaniya."

Nang biglang dumating si Aiden.

"WOW! You look good"sigaw ni Ava kay Aiden na nakatayo sa gilid ng pintuan.

And our eyes met at hindi ko alam kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko.

DUG DUG DUG

Nilapitan niya ako

"Gwapo ba?"tanong niya sa akin habang nagpo pose na parang model.

"Hmmm you look good bagay na bagay sayo."I said not looking at his face.

"Class go back to your sit,we will start our lesson now."sabi ng prof pagkapasok pa lang niya.

"So we will talk about love."

"What do you know about love?"tanong niya sa amin.

"Anyone?"

Corey raised his hand at tinawag naman siya ni prof.

"Love?,for me love is a unique emotional bond between two people that deepens over time. ... We cannot truly love someone without being true to ourselves. If you truly love your partner, you will feel at home with them. You can relax and play with them."sagot ni Corey

"Do you love someone besides your family?"tanong ni prof.

"Someone I love besides my family? I'm not sure about that but I think I already like somoene"Corey answered while looking at me.

"That's good,so i will pair you into two for our activity next week.

"Katherine Villaflor And Gabriel Santos"

"Kyle Sandoval and Cassandra McCarthy"

"Corey Anderson and Ava Easton"

"Carina Easton and Aiden Galvez"

At tuloy tuloy niya na tinawag ang mga pangalan namin.

"Pag-isipan niyo ng maiigi kung masaya ba ang magmahal o hindi dahil magde-debate kayo tungkol diyan,so you have a lot of time to practice dahil next week pa to gaganapin."

At umalis na rin siya.

Tuloy tuloy lang ang klase at nung dumating narin ang oras ng lunch sabay-sabay na kaming kumain ng tahimik.

"So guys,"pagbabasag ko sa katahimikan."Since partner kayong dalawa,"turo ko kay Ava at Corey."At partner din kaming dalawa ni Aiden,what if sabay sabay na lang tayo magpractice sa bahay namin?"tanong ko sa kanila.

"That's a good idea."sabi ni Ava.

Sumang-ayon din naman silang lahat kaya tuloy na ang plano.

Today is june 28 Wednesday so kung next week ibig sabihin july 3 gaganapin yung activity namin.ang bilis naman ng panahon.

Friday

Dahil sa walang klase ngayon,nasa bahay lang kami ni Ava.

Kung nagtatanong kayo kung ano ang nangyari kahapon, same as usual lang naman.

"Carina nakakaboring naman kung dito lang tayo magdamag,mamasyal kaya tayo?reklamo niya.

Nabobored na din ako kaya eto kami ngayon namamasyal sa mall at napag-isipan namin na mag grocery para wala na kaming alalahanin pa

Nang natapos na ang lahat umuwi na rin kami kaagad agad.

Nang umuwi na kami nagluto agad si Ava para sa lunch naming dalawa at eto ako ngayon sa sofa naghihintay.

"Carina kumain na tayo."tawag ni Ava.

"Ano niluto mo,masarap ba yan?"tanong ko sa kaniya

"Aba syempre ako nagluto kaya masarap talaga yan,"pagmamayabang niya."Yung paborito mo ang niluto ko."

Dahil sa paborito ko ang niluto niya hindi kona pinatagal at nagsimula ng kumain.

"Ang sarap naman!"masaya kong sabi.

Simula bata pa lang paborito kona ang adobo manok kaya subo ako ng subo nang biglang nagtanong si Ava.

"May lakad ka ba mamayang hapon?"

"Wala, pero balak ko sana magpahangin mamaya."sagot ko. "Ikaw?"tanong ko naman.

"Wala dito na lang ako sa bahay."sagot niya.

Nang natapos na kaming kumain,nagpahinga muna ako,magpapahangin na lang ako pag alas tres na.

"Carina pano kung ang lalaki na gusto mo ay gusto ko rin?"biglaan niyang tanong.

"It's impossible iba yung type mo sa type ko noh,yung gusto ko yung simple,mabait,masipag kahit di na siya mayaman basta napapasaya niya ako."sagot ko.

"Parang si Aiden ganun ba?"nanunukso niyang tanong.

"Alam mo puro ka Aiden,may gusto ka ba sa kaniya?"tanong ko.

"No hindi ko siya gusto yung type ko yung..."

Nang bigla kong pinutol yung sasabihin niya.

"Yung cool, yung maangas ang dating,diba ganon yung gusto mo parang Corey lang."sabi ko sa kaniya.

"Oo parang ganon na nga"wow hindi siya tumanggi sa sinabi ko.

Pumasok narin ako sa kwarto ng matapos ang usapan namin para magpalit ng damit dahil magpapahangin pa ako.

Nang nakapagpalit na ako ng damit bumaba narin ako.

"Ava aalis na ako."pagpapaalam ko sa kaniya.

"Pasalubong kahit pagkain lang, ingat ka."sabi niya

At umalis narin ako ng bahay.

Palakad-lakad lang ako ng may natanaw akong bench kaya napagisipan ko na umupo muna.

Ang ganda ng panahon ngayon kaya umupo lang ako hanggang di kona namalayan na it's quarter to 5 na.

Pagtingin ko sa kaliwa may nakita akong carinderia at pumasok agad sa isipan ko ang sinabi ni Ava kanina na pasalubong kahit pagkain lang daw kaya eto ako ngayon papuntang carinderia.

"Magandang hapon po."bati ko sa matandang babae na nagbabantay.

"Magandang hapon iha"bati niya sa akin.

At pumili na ako ng mga gusto kong kainin at isalubong kay Ava,nang matapos na umupo na rin ako sa bakanteng upuan.

"Ma andito na po ako."

Wait parang kilala ko ang boses na yon,paglingon ko si Aiden ang nakita ko.

"Aiden"tawag ko sa kaniya.

"Oh Carina andito ka pala.Teka lang ipapakilala kita sa mama ko."

"Ma"

Tawag niya sa mama niya at pinakilala ako.

"Ma kaklase ko nga pala,si Carina."

"Siya na ba yung sinasabi mo na binilhan ka ng mga mamahaling damit?"tanong niya kay Aiden at ibinalik ang tingin sa akin.

"Opo ma siya nga,"sagot ni Aiden.

"Napakabait mo naman iha,ako nga pala si Marina mama ni Aiden tawagin mo nalang ako tita Mar."at inabot niya ang kamay niya sakin at tinanggap ko naman ito.

"Sige na iha maiiwan kona kayo dito ihahanda ko lang yung inorder mo,"sabi ni Tita Mar at iniwan na kaming dalawa ni Aiden.

"Doon na tayo Aiden,"turo ko sa pinag-upuan ko kanina at tumango lang siya.

Nang nakaupo na kami bigla siyang nagtanong.

"Btw kailan tayo magpapractice yung tungkol sa love yung sabi ni prof?"

"Bukas na lang tayo magpractice,"sagot ko.

"Carina malapit lang ba bahay mo dito?"

"Hindi talaga pero malakad mo lang,"sagot ko.

Nung dumating na ang pagkain na inorder ko nagsimula na akong kumain at syempre kumain nadin si Aiden,nang natapos na akong kumain nagpaalam narin ako sa kaniya.

"Kita kits na lang tayo bukas."aalis na sana ako nang bigla siyang nagsalita.

"Gabi na samahan na kita"

"Gabi na pala ang bilis ng oras pero ok lang malapit lang yung bahay ko dito kaya ko na,"pagtanggi ko sa alok niya.

"Ihahatid na kita para malaman kona rin kung saan ka nakatira para hindi na ko mahirapan bukas."

Ayy oo nga noh may point siya.

"So ano ihahatid na kita?"tanong niya.

"Sige na nga"talo kong sabi.

"So ano tara na?"

Habang lumalakad napansin kong tingin siya ng tingin sa akin, nung una binalewala ko lang ito pero habang tumatagal di nako comfortable.

"Bat ka tingin ng tingin sa akin?"hindi nako nagdalawang-isip na tanongin siya mahirap na baka may dumi yung mukha ko beauty conscious pa naman ako.

"Ang ganda mo."sagot niya na ikinatigil ko sa paglalakad.

"Ganyan kaba ka honest?"

"Oo kung ano talaga ang nasaisipan ko yun talaga ang lumalabas sa bibig ko kaya hangga't sa kaya ko ayaw kong magsinungaling,"sagot niya.

"Ok,btw andito na tayo diyan kami ni Ava nakatira,"turo ko sa bahay namin.

"Ang laki naman sure ka bahay payan?"namamangha niyang tanong.

"Oh papasok nako ha umuwi kana,"aalis na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

"Anong oras pala bukas?"tanong niya.

"9am"sagot ko

"Ok"

"Ah Aiden yung kamay mo."

Tinignan niya yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko bago niya itong binitawan.

"Hmm pumasok kana goodnight"sabi niya at pumasok na ako.

Pagpasok ko sinara ko agad ang pintuan at sumilip sa bintana kung umalis naba siya at oo nakaalis na nga siya.

"Huy anong gingawa mo diyan?"

"AYYYY KABAYO!!!"sigaw ko ng biglang sumulpot si Ava.

"Wala, wala akong ginagawa,"sagot ko at inabot sa kaniya ang pagkain na binili ko."O eto yung pasalubong na hinihingi mo kanina kumain kana tapos na akong kumain."

"Maiwan na kita diyan papasok nako sa kuwarto."at umakyat na ako papuntang kuwarto.

"Thank you sa pasalubong!!!"narinig kong sigaw ni Ava bago ako pumasok sa kuwarto.

Nag half bath muna ako bago ako humiga sa kama ng biglang tumunog yung cellphone ko at tinignan ko kung text ba to o ano.

"Goodnight Carina"

-Aiden

At nireplayan ko din siya.

"Goodnight Aiden"

Mag eight na pala kaya naisipan kong matulog na.