webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 32: Hidden Feelings

SHAH'S POV

"Lintik na ulan naman tu, oh! Pano ako makakapagmaneho ng maayos nito?!"

Hawak-hawak ko ang manubela ng sasakyan habang tinatahak ang highway.

"Naku, paano ko ba e co-control tung sasakyan gayong napakadulas ng daan? Ngayon pa lang ako nakakapagmaneho habang umuulan! Nakakatakot naman tu, oh!"

Imbis hinaan ko ang takbo ng sasakyan ay mas napabilis ko pa ang takbo nito dahil sa sobrang kabado ko bilang baguhan pa lang sa pagdra-drive sa gitna ng kalye.

"Pahamak! Ngayon na yata ang kamatayan ko!"

At mas lalo pa akong kinabahan at nataranta nang may naaninag akong tao na nakatayo sa gitna ng highway.

"Adik na tao ito! Bakit hindi siya umaalis?! Magpapakamatay ba siya?!"

Panay na ang pindot ko ng busina ngunit hindi pa rin siya umaalis.

"Naku! Wag mo akong mumultuhin kung masagasaan kita! Ginusto mong pumagitna!"

Dahil napako lang talaga siya sa kakatulala ay hindi talaga siya tumabi sa gilid ng daan. Pinilit kong tapakan ang break ng sasakyan nang papalapit na papalapit na talaga ako sa kinaroroonan ng taong may suicidal drama sa gitna ng daan.

At dahil sobrang hirap na talagang pigilan ang tulin ng takbo... Nang maabutan ko siya,

huminto naman ang sasakyan.

"Hay, salamat naman at hindi ako naging criminal ngayong gabi." Sabay hinga ko ng maluwag.

Pero teka... sino ba tung mala-action star na lalaking may balak humarang sa takbo ng sasakyan ko?

Kinlaro ko ang mukha nito na naliliwanagan ng ilaw ng sasakyan ko. At biglang nanlaki na lamang ang aking mga mata.

"Aylwin???"

Kaagad akong lumabas ng sasakyan at sinalubong ang ulan para puntahan si Aylwin.

"Hoy! Bakit ka nandito sa gitna ng daan?? Bakit ka nagpakabasa sa ulan??"

"Hinihintay ko si Grizzel." Sagot nito habang namumutla na ang mga labi niya at naninigas na siya sa sobrang lamig.

"Ha?? Nakuu, halika! Pumasok ka muna sa loob ng sasakyan! Sobrang nilalamig ka na!"

Kaagad kong inalalayan si Aylwin at ipinasok siya sa loob ng sasakyan. Napaupo naman ako sa may driver's seat katabi niya.

"Ngayon, ako naman ang mag-aalaga sayo." Sabay guhit ko ng ngiti sa labi.

LEIRA'S POV

Pagulong-gulong lang ako sa ibabaw ng kama ko habang nag-iisip kung anong pwedeng gawin.

"Ano kayang ginagawa ng tib ko ngayon? Hmm... Matawagan nga."

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko. Pinindot ang menu, pumunta sa phone book, hinanap ang naka-phonebook na 'Tib ko' sabay press sa call key nito.

Ringggg..... Ringggg..... Ringggg.....

"Hello?" Ani kabilang linya.

"Hello, Tib?" Sagot ko naman.

"Oh, Tib... Napatawag ka yata? Miss mo na ako nu?" - Kaiser.

"Oo, sobrang miss na kita!" - Leira.

"Ako din, eh. Miss na miss na kita! Anong ginagawa mo ngayon?"

"Eto, iniisip ka."

"Talaga? Eh, naiisip mo rin ba na iniisip din kita?"

Napangiti lang ako sa kilig.

"Shanga pala, san ka ba ngayon?" Saad ko.

"Nasa headquarters lang, Tib. Dito na muna ako magpapalipas ng gabi."

"Kasama mo ba sina Aylwin d'yan? Shanga pala, kamusta na kayo? Nagkausap na ba kayo, Tib?"

"Ako lang mag-isa dito, Tib. Hindi pa din kasi ako kinakausap ni Aylwin. Pati nga sila Marx iniiwasan na rin ako, eh."

Naging malungkot ang boses ni Kaiser nang sabihin niya yun. Then he sighed. Siguro mabigat lang talaga ang nararamdaman niya dahil sa mga epekto ng pangyayaring hindi niya inakala.

He lost his friends. At nakakalungkot yun.

"Hindi ko alam Tib kung papaano kita e co-comfort sa sitwasyon mo ngayon. Pero just don't lose hope! Alam kong dadating din yung araw na lalabas yung totoo."

"Sana nga, Tib... Sana nga."

Bigla nalang akong napabangon ng higa sa ibabaw ng kutson ng kama ko nang may narinig akong biglang bumagsak at nabasag sa kabilang linya.

"Tib??? Ano yu---"

Toot. Toot. Toot.

Hindi ko na natuloy dahil nag hang-up na yung phone. Kabadong-kabado ako habang dina-dial ko ulit yung number ni Kaiser.

"This call cannot be reached. Please try again lat---"

I hit the call end button.

"Tib, ano na bang nangyayari sayo???"

SHAH'S POV

"Halika! Ipatong mo yang kanang braso mo sa balikat ko."

Karga-karga ko si Aylwin habang papasok kami sa pintuan ng tinitirhan kong high-class apartment. Masyadong mataas ang lagnat niya para usisain ko pa siya kung saan ba siya nakatira at ihatid ko siya doon. Pagkapasok ng pinto ay kaagad ko siyang dinahan-dahan ng higa sa isang sofa.

"Grizzel... Grizzel..." Lagaslas ni Aylwin habang nakapikit lang siya sa pagkakahiga.

Tinitigan ko lang siya. In his sickness and weaknesses, si Grizzel pa rin ang hinahanap niya.

Pero imbis na pag-iisipin ang nararamdaman ni Aylwin, mas inuna kong inintindi yung kalagayan niya.

I immediately took his shirt off, his pants off, his brief off.

His brief off?

No! Hindi ko na tinanggal yung brief niya. Baka kasi kung ano pang makita ko doon.

All his clothes were deeply wet kaya pinalitan ko siya ng mga tuyong damit ng hindi na mas lumala pa yung lagnat niya. Then I went in my kitchen at kumuha ng isang bowl ng maligamgam na tubig at saka ng bimpo. Pumiwesto ako ng upo sa may paanan ni Aylwin at dahan-dahan ko siyang pinunasan mula sa kanyang noo, mukha, leeg, patungong braso.

Hindi na siya gumagalaw pa mula sa kanyang pagkakahiga. Kaya feeling ko ay nakatulog na siya at hindi man lang niya naramdaman yung pagpupunas na ginagawa ko sa kanya.

"Hindi ka lang pala manhid pag gising... Pati din sa pagtulog hindi mo maramdaman yung mga ginagawa ko para sayo."

Kasabay ng pagsabi ko niyon ay ang biglang pagpatak ng luha ko. I just can't deny the fact na hindi ako ang babaeng minamahal ni Aylwin... At masakit sa akin yun.

Sa tuwing nakikita kong magkasama sila noon ni Grizzel, lagi nalang akong lumuluha ng patago.

Oo, nasasaktan ako! I was deeply hurt.

Lalo na nung nasaksihan ko kung paano sila nagsimula... until their love grew stronger.

FLASHBACK

Habang dinig na dinig ko ang sobrang lakas na buhos ng ulan sa labas ay siya ring pabilis na pabilis na tibok ng puso ko.

May chance na ako kay Aylwin! May chance na ako para makasama siya!

Nasa gawing likuran lang ako ni Aylwin habang sinusundan ko siyang lumalakad sa may hallway ng campus.

Oo, crush na crush ko siya!

Pero ako?

Eto, stalker lang niya.

Pero okay lang yun. Naiintindihan ko naman na baka hindi niya pa nga lang talaga napapansin yung presence ko... sa ngayon.

Oo, umaasa ako... Asang-asa ako!

Tangay-tangay ko ang payong ko habang naglakad-takbo akong sumusunod sa kanya.

Anak ng tokneneng! Lumingon ka naman!

"Hey, miss! Wait!"

Hey, miss, wait??? Anong 'hey, miss, wait' ???

Hoy! Sa akin ka sasabay! Dito ka makikisilong sa payong ko!

"Miss, please! Hintayin mo ako!" Narinig kong sigaw ulit ni Aylwin dun sa babaeng papalabas na ng main gate.

Imbis ma-upset ay tumakbo na talaga ako para habulin si Aylwin at yayain siyang sa akin nalang siya makikisabay.

Pero wala.

Tuluyan na rin talaga akong na-upset, dahil habang papalapit na ako sa kanya... Nakasukob na siya sa payong ni Grizzel.

END OF FLASHBACK

"Sayang. Ako sana yung naging babaeng payong mo."

Biglang gumalaw ng kaunti si Aylwin ngunit natulog lang din ulit.

"Aylwin, gusto kita... At mahal na mahal kita kahit patago lang."

Then, I burst out my tears.