webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 33: Truth Behind The Crime

KAISER'S POV

"Sana nga, Tib... Sana nga."

Bigla nalang akong nagulantang sa pagkakaupo ko nang may biglang nabasag sa bungad ng pinto ng headquarters.

At nang tignan ko ito,

It was Erin!

Napalaki ang mga mata ko habang kaagad kong hinang-up ang phone at shinut-down ito.

"Playing shocked with my trick?" Usal ni Erin sabay pakita ng evil laugh niya.

"What the hell do you think you're doing, Erin?! Ginulat mo ako!" Sigaw ko kay Erin dahil sa biglang paghulog niya sa sahig ng isang di kalakihang window glass.

"Well, masyado na kasi akong naririndi sa sweet conversations niyo ng babae mo! Hindi ka pa nga rin talaga tumitigil, Kaiser!"

"Why would I stop?! Ha, Erin! Why would I?!!"

"You'll stop in order for you to save Leira's life."

Bigla akong napatayo sa naging angas na sagot ni Erin. "No! I can save her without leaving her! Kaya ko siyang iligtas na hindi ko siya nasasaktan!"

"Well, how? Paano ba?" Diriktang tanong naman sa akin nito.

Hindi ako nakaimik. Paano ko nga ba mailalayo si Leira mula sa mga kamay ni Erin. To migrate is not an option. Hindi ko din siya basta-basta maipapalipad sa ibang lugar dahil siguradong-sigurado akong masusundan din kami ng buong DB. Hindi kami titigilan ni Erin hanggat hindi niya kami naipaghihiwalay.

"You don't have a choice, right? Wag ka na kasing magmatigas, kung ayaw mong pati si Leira ay maisasama na din sa kabilang buhay gaya ni Grizzel."

Bumuka ang tainga ko sa narinig.

Grizzel???

Biglang nag-init ang kamao ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong kaagad na lapitan si Erin habang nanlilisik ang mga mata kong sinigawan siya. "Ikaw ba ang pumatay kay Grizzel?!!! Ikaw ba?!!!"

SHAH'S POV

"Aylwin, gusto kita... At mahal na mahal kita kahit patago lang."

Then, I burst out my tears.

Ngunit laking gulat ko nang biglang idinilat ni Aylwin ang mugtong-mugto niyang mga mata.

"Shah?" Usal ni Aylwin.

Dali-dali kong pinahiran ang mga luha ko sa mata at iniwas ko yung tingin ko sa kanya.

"Kamusta na yung pakiramdam mo? Okay ka na ba?" Tanong ko naman sa kanya habang panay lang ang paglingon ko sa gawing ibaba na kunwari ay inililigpit ko ang mga gamit kong nakakalat.

"Medyo masakit pa rin yung ulo ko."

"Dala lang siguro yan ng lagnat mo. Ang mabuti pa ay ipagluluto muna kita ng sopas para makakain ka. Teka lang ha."

Kaagad akong tumayo dala-dala ang bowl at ang basang bimpo. Ngunit napatigil lang din ako nang biglang hinawakan ni Aylwin ang kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Nangatog ang tuhod ko. Bumibilis ang pintig ng puso ko.

Bakit hinawakan niya ang kamay ko?

"Salamat ha?" - Aylwin.

Matagal bago ako nakaimik. Hindi masink-in sink-in sa utak ko ang ibang pakiramdam ko ngayon.

Bigla na akong napukaw nang umimik ulit si Aylwin. "Salamat Shah at nandito ka para tulungan ako."

"O-okay lang yun. A-ano ka ba. Kaibigan mo ako kaya dapat lang na tulungan kita." Pagkasabi ko niyon ay nginitian ko siya.

But a smile with two meanings... A smile of a happy feeling, and a smile of hidden pain.

Hindi nagtagal ay binitiwan na din ni Aylwin ang kamay ko. Saka ako dumiretso sa may kusina para magluto.

FEW MINUTES LATER

"Eto, oh. Kumain ka na para mainitan yang sikmura mo." Papalapit ako kay Aylwin habang hawak-hawak ko sa kamay ko ang isang pinggan ng sopas. "Susubuan nalang kita, baka kasi mabinat ka pa." Then I smiled at him habang tumabi ako ng upo sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit mo ito ginagawa."

"Wag mo ng alamin. Ganito na talaga ako mag-alaga." Sabay subo ko ng isang kutsarang sopas sa bibig ni Aylwin.

"PWEEEEEE!" Biglang reaksyon ni Aylwin sabay buga niya ng sopas na isinubo ko sa kanya.

"Hala! Bakit? Hindi ba masarap?" Gulat na gulat kong tanong sa kanya.

"Ang init, Shah! Bakit hindi mo hinipan?" Sagot naman ni Aylwin sabay labas niya ng sariling hangin mula sa kanyang bibig.

"Ay, naku. Sorry! Hehehe. Nakalimutan ko."

Ang ini-expect kong magagalit si Aylwin ay hindi nangyari. Imbis mainis ay ngumiti lang siya saka tumawa. "Hahaha. Loko ka! Napaso dila ko dun."

"At least ngayon ngumingiti ka na."

Biglang natigilan si Aylwin sa sinabi ko. Siguro nagflashback na naman sa utak niya ang rason kung bakit ngayon ay nahihirapan na siyang ngumiti ulit.

"You reminded me so much about Grizzel. You're so sweet... Just like her."

"Ano ba yan. Para namang pinapalabas mo na tanging double lang ako ni Grizzel."

"No! It's not what I meant. It's just that may similarities lang talaga kayo ni Grizzel the way kung paano niyo ako alagaan."

I was half delighted. "Kung ganun, may chance pa pala na makahanap ka ng katulad niya."

"Hindi na siguro. No one can replace her in my life. Nag-iisa lang siya."

Ouch! Mas masakit pala ma-reject ng harap-harapan. Akala ko may chance na.

Kinurot ko ng palihim ang sarili ko para mapigilan ang nagbabantang pagpatak ng mga luha ko.

"Mahal na mahal mo talaga siya, nu? Sayang lang at iniwan ka na niya. Sayang lang at pinatay siya."

Biglang pumatak ulit ang mga luha ni Aylwin kasabay ng pagtiklop ng dalawa niyang kamao.

"Sorry." Payukong tugon ko.

"Hindi ko talaga mapapatawad ang gumawa nun kay Grizzel! Hinding-hindi ko talaga mapapatawad si Kaiser!"

Biglang napabalik ako ng tingin kay Aylwin habang nanlaki ang mga mata dahil sa gulat. "Si Kaiser???"

AYLWIN'S POV

"Si Kaiser???"

Nanlaki ang mga mata ni Shah nung marinig niya ang pangalan ni Kaiser. Siguro nagulat lang talaga siya na ang mismong kaibigan ko ang pumatay sa taong mahal ko.

"Oo, si Kaiser! Kitang-kita ko kung paano niya binaril si Grizzel!"

"No! Mali ka sa binibintang mo Aylwin! Alam... Alam ko ang totoo."

Biglang napalaki ang dalawang mata ko sa sinaad ni Shah.

Anong alam?

"Anong ibig mong sabihin?" - Aylwin.

Huminga muna ng malalim si Shah saka siya nagsalita. "Alam ko ang totoo... dahil nakita ko ang lahat." Then she narrated all that she knew. "Papunta ako nun ng audio booth para e-check ang lahat ng equipments na nandoon bilang isa nga sa officers ng student council. Ngunit bago pa man din ako makapasok ng audio booth, napatigil na ako nang makita ko si Kaiser doon na may hawak-hawak na handgun. Biglang nangatog ang tuhod ko nun sa takot. Sa tingin ko, lumabas na marahil ang mas malagim na ugali ng DB. Kung noon ay nanloloko lang kayo, ngayon ay pumapatay na! Dali-dali akong nagtago nun sa isang tagong sulok at pilit pa ring tinitignan ang susunod na gagawin ni Kaiser. Gusto kong maging living witness sa krimen na mangyayari, mabigyan man lamang ng katarungan kung sino man yung mabibiktima. Ngunit biglang may sumulpot na lalaki sa di kalayuan ng tinataguan kong sulok. At hindi nagtagal ay umalingawngaw na ang putok ng baril. Hindi si Kaiser ang bumaril. Kundi yung isang lalaki."

"Sino??? Sino ang lalaki na yun???"

"...Si Levi... Si Levi ang pumatay kay Grizzel."