webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 31: Walking In The Rain

AYLWIN'S POV

Dalawang araw na din ang lumipas matapos naming mailibing si Grizzel. Araw-araw na rin akong nagkukulong lang sa bahay. Hindi na ako pumapasok. Hindi na ako naglalaro.

"Anak, kumain ka naman kahit konti. Walang mangyayari sayo kung palagi ka nalang magmumugtok habang nakaupo sa bintana na yan." Ani mama.

"Hayaan niyo po muna ako, ma. Mas gusto ko pong gawin tu. Gusto ko pong hintayin ang buhos ng ulan, baka sakaling bumalik siya."

Napailing nalang ng ulo si mama sa sinabi ko.

Oo, umaasa pa rin ako... Umaasang makakasama ko ulit si Grizzel kahit sobrang malabo na.

Narinig kong kumukulog ang kalawakan. Tumingala ako at nakita kong kumilimlim na ang buong lawak ng langit.

"Oh, ayan! Umulan na! Pero wag ka ng aasang babalik pa siya." Saad ni mama.

Kaagad akong umalis ng bintana at lumakad palabas.

"Hoy, anak! San ka pupunta?"

"Dito lang po, ma! Magpapabuhos ng ulan."

Kasakasama ko ang ulan habang naglalakad ako sa gilid ng public highway.

Bakit kagaya ng ulan ang dali lang ding naglaho ni Grizzel?... Bakit ang dali lang niyang naglaho sa buhay ko?

I burst out the tears inside me. Hindi ko na talaga napigilan. I'm just playing fine with the pain I'm feeling sa bawat segundong naaalala ko siya. Kaya nga mas gusto kong umiyak sa ilalim ng ulan... Para hindi nila mapansin ang mga luha kong pumapatak kasabay nito.

Bakit kailangan mo akong iwan sa panahong mas mahal na kita?... Sa panahong kailangan kita.

"...Here I am, trying to save you from the rain.. Kung may maisasalba pa ."

"Pwede pa ba, Grizzel?... Pwede pa bang sa pagkakataon na tu isalba mo'ko sa ulan ?" Tanging naging hagulgol ko lang sa sarili.

Wala na akong ibang nagawa kundi sunod-sunod na e-reminisce ang mga pangyayaring kay sarap balikan. Gaya ng paghahabulan namin ni Grizzel sa ilalim ng ulan habang nag-aagawan ng payong.

"...Hoy! Anong ginagawa mo?! San ka pupunta?! Ang payong ko! Hoy!"

Pwede pa bang mangyari ang mga bagay na hanggang alaala nalang?

05:25 PM.

"...Till the end, sayong-sayo lang ako."

"Bakit kailangan nating magkaroon ng wakas, Grizzel... kung noon ay iniisip natin na tayo na talaga hanggang sa huli?"

Don't we deserve a happy ending?

Sa walang tigil kong pag-iyak ay halatang mugtong-mugto na ang magkabila kong mata. Masyado ng makipot ang paningin ko sa bawat daang tinatahak ko. Wala na ring mga sasakyang dumadaan dahil pakiramdam ko medyo malalim na ang gabi at napakatindi pa ng buhos ng ulan. Kahit ganun, hinablot ko ang cellphone ko mula sa basang-basa kong bulsa para sumilip ng oras.

Ngunit napapunta lang din ako sa inbox ng cellphone ko at nabasa ko ulit ang ni-lock kong text message ni Grizzel noon.

"...Sana umulan para makasama kita :("

Napatigil ako sa gitna ng public highway sabay hagulgol ulit ng iyak.

"Sana nandito ka para makasama pa kita kapag umuulan."

Napatulala nalang ako at hindi na makaisip ng tama kung ano ba ang gagawin.

Nang biglang may sumalubong sa akin na isang humaharurot na takbo ng sasakyan.