webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 30: All For Love

KAISER'S POV

Dali-dali kaming sumunod ni Leira sa ospital kasama sina Idette, Fritzi, at Clovis. Palakad-takbo kaming pumasok ng ER habang basang-basa dahil napakatindi ng buhos ng ulan sa labas.

"Kamusta si Grizzel???" Kaagad na bungad ni Leira sa loob ng ER.

"Wala na siya. Wala na si Grizzel." - Ives.

Bigla akong nanlumo sa narinig. Ang mga babae ay nag-iiyakan na. Tinignan ko si Aylwin na ngayon ay nakayakap ng mahigpit sa katawan ni Grizzel.

Wala na sigurong mas sasakit pa sa nangyari sa kanya... Ang biglang maiiwan dahil kinakailangan.

Unti-unti akong lumapit sa paanan ni Aylwin to give him some comfort sa mga oras na ito. Ngunit laking gulat ko nang bigla niya akong sinalubong ng suntok.

"Gago ka, Kais!!! Wala kang kasing sama!!! Pucha ka!!!!!"

"Aylwin, ano yang ginagawa mo?!" - Leira.

Hindi na niya ako nasuntok ulit dahil inaawat na siya nina Ives at Marx.

"Bitawan niyo ako!!! Ano ba!!!" Sa lakas ng pagpupumiglas ni Aylwin ay nakawala ito.

"Ano ba, Aylwin! Tama na!!! Bakit ba si Kaiser ang pinagbubuntungan mo?!!" - Clovis.

"Kasi ang gagong pucha na yan... siya ang bumaril kay Grizzel! Pinatay mo si Grizzel!!!"

"Aylwin, hi---" Naputol ako sa pagsagot nang bigla na naman niya akong sinuntok sa labi.

At dahil napuno na ako sa suntok niya, napaganti na ako. Kung saan-saang dako ng kwarto kami napunta maiwasan lang ang suntok ng bawat isa.

"Ano ba kayong dalawa?!! Tumigil na nga kayo!!!" Awat ni Leira at pumagitna ito sa amin ni Aylwin. "At ano ba yung pinagsasabi mo, Aylwin?! Nahihibang ka na ba?! Bakit naman papatayin ni Kaiser si Grizzel??? "

"Dahil pinlano nila ni Erin!"

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig.

Alam ni Aylwin?

Ibinaling niya ang tingin niya sa akin habang hawak-hawak ko ang labi kong pumutok dahil sa lakas ng suntok niya.

"Nakita kita! Narinig ko kayo! Nung tinanong kita kung saan ka pupunta at sabi mo'y dito lang, naging kabado ako kaya sinundan kita! Pumanhik ka ng audio booth at nakita ko dun si Erin habang inaabutan ka niya ng baril! Pinatay mo ang taong mahal ko!!! Gago ka!!!"

"Totoo ba yun, Kais?" Ani sa akin ni Leira habang mangiyak-ngiyak na.

Hindi ko na siya sinagot. Lumabas nalang ako ng ER at nagpakalayo-layo.

"Pwede ba kitang tabihan?" Napatingala ako at nakita ko si Leirang nakatayo sa may gawing kaliwa ko. "Ba't ka naman biglang umalis doon at naisipan mong tumambay at mapaupo sa upuan na ito sa labas ng ospital?"

"Hindi ko kasi kaya yung tensyon na nangyayari sa loob. Gusto kong umiwas sa gulo."

"Pero sinagot mo nalang sana yung paratang sayo ni Aylwin... Na ikaw daw ang pumatay kay Grizzel."

"Sa tingin mo ba, Tib, kaya kong gawin yun?"

Umiling-iling lang si Leira sa sinaad ko. "Kahit wala kang puso para sa mga babae, alam kong hindi mo kayang pumatay."

Ilang saglit kaming natahimik.

Mayamaya ay bigla akong umimik. "Pero lahat ng sinabi ni Aylwin ay tama. Oo... Inutusan ako ni Erin para patayin si Grizzel. Pero hindi ko nagawa! Hindi ko siya kayang patayin! Hindi ko kayang saktan si Aylwin! Kaya nung narinig kong may putok ng baril, nabigla ako, dahil ibinaba ko naman yung hawak-hawak kong handgun."

"Ha?? Kung ganun, sino yung pumatay?"

"Yun ang aalamin ko."

"Pero ano naman ang nagawang kasalanan ni Grizzel para ipapatay siya ng kapatid mo? At saka, ba't ka naman pumayag?"

"Pumayag ako wag ka lang mawala."

"Ha???"

"Mahal na mahal kita kaya I'll take every risk wag ka lang mawala."

Pagkasabi niyon ay kaagad kong niyakap si Leira at hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon para magtanong pa.

Ayokong malaman niya ang totoo. Ayokong mabahala siya.