webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 29: Kailangan Ba?

KAISER'S POV

"Tib, pahinga ka muna." Ani Leira habang papalapit siya sa akin while I was taking a rest with my co-teammates. "Pasensya ka na ha kung hindi kita maaasikaso ngayon. Kailangan ko pa kasing isulat yung new update ko sa first half ng championship game niyo, eh. Sorry talaga, Tib!"

"Ano ka ba, Tib, okay lang yun. Naiintindihan ko."

Napangiti lang si Leira.

"Sige na, bumalik ka na dun. Baka isipin ng committee na you're taking sides on your report." Pagkasabi kong yun ay kaagad namang tumalikod at bumalik na si Leira sa puwesto niya.

At habang pabalik siya doon, hindi ko maiwasang sundan siya ng tingin.

I will never hurt this girl. She doesn't deserve even a single pain.

"Hon!" Bigla akong napukaw nang makita kong papalapit si Grizzel sa kinaroroonan namin. "I'm so happy na leading kayo sa first half ng game. Ang galing mo kasing mag shoot! Hehehe." Saad ni Grizzel habang tinitignan ko siyang pinupunasan niya ng pawis si Aylwin.

"Kill Grizzel... Kill Grizzel... Kill Grizzel..."

Nagflashback naman sa isip ko ang banta sa akin ni Erin.

Iniwas ko ang paningin ko kay Grizzel at itinuon na lamang ang atensyon sa dance intermission number na nangyayari ngayon sa gitna ng court. Kahit sobrang galing ng mga mananayaw ngayon ay hindi ko pa rin makuhang aliwin ang sarili ko. Sobrang nalilito na ako kung ano ba ang dapat kong gawin.

Ang patayin ko si Grizzel kahit nandyan si Aylwin o hahayaan kong mapatay si Leira at mawala siya sa akin?

Bigla akong napatingin sa kaharap na bleachers ng kinauupuan namin. There was Erin! Together with her evil smile towards me.

(message alert tone beeps)

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at inunlock ito.

From: Erin

"Follow me in the audio booth. May ibibigay ako sayo."

Audio booth??

Binalikan ko ng tingin ang dako kung saan ko nakita si Erin. Ngunit pagtingin ko, wala na ito. Sa takot ko kung anong gawin ni Erin ay sinundan ko siya sa may audio booth na sinasabi niya.

"Hoy, Kais! Saan ka pupunta?" Sigaw sa akin ni Aylwin.

"Dito lang." Sagot ko.

Pumunta ako sa may backstage ng court at pumanhik sa hagdan nito patungo sa itaas para tunguhin ang audio booth kung saan matatanaw mo doon ang buong lawak ng court.

"Why do you want me to be here? Anong ibibigay mo?" Tugon ko kay Erin nang makapasok na ako ng audio booth. The audio man maybe visited the toilet kaya walang ibang tao.

"Here." - Erin.

Biglang nanlaki ang mga mata ko sa inabot sa akin ni Erin.

A 9x19 MM Walther, German Semi-automatic handgun pistol!

"Baril???"

"We made an agreement, right? Na papatayin mo si Grizzel." Malumanay nitong tugon habang ipinahawak sa akin ang buong structure ng baril.

"You're crazy, Erin!!!"

"I am not. I'm just setting up things right. Well... Kung hindi mo kayang gawin, ihanda mo nalang ang sarili mong makiramay, dahil sinisiguro ko sayong hindi pa matatapos ang ika fourth quarters ng laro niyo ay nakabulagta na yang Leira mo."

Hindi na ako nakaimik. Pakiramdam ko lang ay nangangatog na ang mga tuhod ko sa mga pinagsasabi ni Erin.

Dahan-dahan siyang lumapit sa gawing likuran ko at hinawakan ako sa balikat. "Kaya dapat mong e 'mission success' ang level na ito. You can kill Grizzel within 15 minutes. Good luck!"

Pagkasabi niyang yun ay kaagad naman itong lumabas ng booth at lumayo.

Nanginginig ang buong kalamnan ko habang itinataas ko ang hawak-hawak kong baril. Mas pipiliin ko nalang na maging masama kaysa mawala sa akin si Leira.

Tumingin ako sa gawing ibaba at nakita kong nakatayo doon si Grizzel habang nakaharap sa gitna ng court.

At wala si Aylwin. Wala si Aylwin sa tabi niya.

Dahan-dahan kong itinutok ang baril sa direksyon ni Grizzel.

Saka ko pinihit ang gatilyo nito.

AYLWIN'S POV

"AAAHHHH! AAAHHHH! AAAHHHH!"

Patakbo akong lumabas ng backstage nang marinig ko ang sigawan at pagkakagulo ng mga tao sa court.

"Si Grizzel!!!"

Mas binilisan ko pa ang takbo ko para puntahan si Grizzel. Alam ko na ang nangyayari! Alam ko na!

Madami ng taong nagtatakbuhan. Madami ng taong may takot habang umiiwas.

At parang biglang pinunit ang puso ko ng madatnan kong nakabulagta na si Grizzel dahil sa tama ng baril.

"GRIZZEL?! GRIZZEL?!!"

Kaagad ko siyang nilapitan at hindi na nag atubiling kargahin siya para dalhin sa ospital.

"Cause of death, gunshot wound to the chest. Time of death, 05:25 PM." Aning doktor while writing on his record sheet.

Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. At parang umi-echo sa tainga ko nung sinabi ng doktor kaninang dead on arrival.

"Hindi!!! Hindi totoo yan!!! Hindi totoo yan!!!" Bulyaw ko sa doktor.

Nagwawala na ako sa loob ng emergency room kaya hinawakan ako nina Ives at Marx para pigilan na sakalin ang doktor.

"Ayusin mo ang trabaho mo!!! Buhay pa si Grizzel!!! Buhay pa siya!!!"

Sa sobrang inis ko dahil hindi ko siya masuntok, nagpadausdos nalang ako sa sahig at doon humagulgol ng iyak.

"I'm sorry pero ginawa na namin ang lahat ng aming makakaya. Excuse me."

Para na rin akong pinatay sa mga pangyayaring ito.

Sana binaril nalang din ako!

Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa higaan kung saan nakalatay ang walang buhay na katawan ni Grizzel. Kaagad akong yumakap dito habang tuloy pa rin ang pag-agos ng aking mga luha. "Hon, gumising ka! Sabi mo sa akin na hindi mo ako iiwan! Nangako ka sa akin, diba? Bakit ginagawa mo sa akin ito? Hon!!! Hon!!!"

Walang pagsidlan ang sakit at poot na nararamdaman ko ngayon. Kung kailan okay na ang lahat, bakit kailangang may mamamaalam pa?

Kailangan ba talagang mangyari ang lahat ng ito? Kailangan niya ba talaga akong iwan? Kailangan ko ba talagang mag-isa?

Hindi ko kaya.