webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 28: 5:25

KAISER'S POV

"Ikaw na mismo ang nagsabi na as time goes by, things do change. Kaya kinalimutan ko na ang ginawa sa atin ni mama, Erin! Dahil natanggap ko ng hindi pala siya ang babaeng kaya akong mahalin. Nang makilala ko si Leira, natagpuan ko ang hinahanap kong pag-ibig na sadyang ipinagdamot sa atin ni mama."

"What are you trying to say?? Na kalimutan ko nalang din lahat ng yun?!! Eh, pucha ka pala eh!"

"Kung nakaya kong lumimot at magbago, kayang-kaya mo rin yun, Erin. Maniwala ka." Dahan-dahan kong hinawakan ang mga kamay ni Erin. Ngunit itinabig lang niya ito.

"Get lost! Gusto mo bang masampal ulit?!! Don't you ever dare to say those words again!!! Wag na wag mo akong sumbatan na magbago dahil hinding-hindi mangyayari yun!!!" Bulyaw sa akin ni Erin sabay talikod sa direksyon ko at lumakad ng ilang hakbang. "And one more thing..." Saka balik niya ng tingin sa akin. "Before I leave this damn-stupid-hell-type room, may gusto akong ipagawa sayo."

Biglang kumunot ang noo ko sa sinaad ni Erin.

May ipapagawa?

"..." - Kaiser.

"We will do the things na sadya na talaga nating ginagawa. Ilang araw ka na ring baliw at nagpapakasaya d'yan sa babae mo. You darn! Konting hiya naman, Kaiser!"

"What do you want me to do?"

"I want you to hurt your girl! It's the right time to break her heart." Angas na angas na saad ni Erin.

Umunat ang tainga ko sa sinabi niya.

I'll hurt Leira??

I'll break her heart??

"Hindi! Hindi ko kayang saktan si Leira! I loved her and I'll fight for her no matter what it takes! Kahit kalabanin pa kita bilang kapatid ko!"

Dumukot ulit ng isang stick ng yosi si Erin mula sa pakete nito. Sinindihan at bumuga ng usok ng sigarilyo.

"You're fighting for true love, isn't it? Well... Sige. I'll be less cruel this time. Since kapatid naman kita, mas madali nalang ang ipapagawa ko sayo."

"Ano yun?" - Kaiser.

"Kill Aylwin's girl... Kill Grizzel!"

SOMEONE'S POV

Padaan ako ng headquarters nang may narinig akong nagtatalo sa loob nito. At dahil dakilang usisero, lumapit ako sa may pintuan at idinikit ang tainga ko rito.

"Kill Aylwin's girl... Kill Grizzel!"

Dinig na dinig kong bulalas ng isang babae.

Parang si Erin yun, ah!

At teka... ano yun? May ipapapatay ba?

"Ano ba yang pinagsasabi mo, Erin! Nahihinabang ka na ba?!!" Bulyaw naman ng parang tunog Kaiser na boses ng isang lalaki.

"Isipin nalang natin na kailangan mong mamili sa mga oras na ito. Papatayin mo si Grizzel... O, ako ang papatay sa Leira mo!"

Napangiti ako ng pilyo sa mga narinig ko.

Killing? Murder?

Sounds exciting.

AYLWIN'S POV

"Halika, hon! Dito mo na ilatag yang picnic blanket na dala mo." Saad sa akin ni Grizzel habang nasa isang private open grass area kami to spend some quality time together.

Kung dati ay nagsasama lang kami kapag umuulan, ngayon, rain or shine ay ang isa't-isa lang ang gusto naming makasama.

"Ipwesto mo yang picnic basket d'yan sa ilalim ng puno ng hindi ka mangawit, hon." Tugon ko naman sa honey ko.

Inilapag ko na ang hawak-hawak kong picnic blanket sa gawing ilalim ng isang malaking puno habang inilalabas naman ni Grizzel ang dala naming mga pagkain at mga chicheria.

"Hay, sana lagi tayong ganito hon, nu? Lagi kitang kasama." Usal ko then I immediately lie down above Grizzel's lap.

"Hindi ko naman maipapangako yan, hon."

Biglang lumaki ang mga mata ko sa sinaad ni Grizzel.

Anong hindi?

"Iiwanan mo ba ako, hon??" Aylwin.

"Ano ka ba, hon... Hindi naman yan ang gusto kong sabihin. Ang sinasabi ko lang, ey, hindi naman pwedeng araw-araw magkasama tayo. Syempre, may mga bagay na kailangan nating gawin na hindi magkasama, diba? Unless... yayayain mo na ako ng kasal. Yan, 24/7 na akong nakadikit lang sayo."

Kasal? Oo nga nu!

Pagkasabi niyang yun ay binigyan ko si Grizzel ng isang abot langit na ngiti.

Sige! Pakasal na tayo!

"Heps, heps! Kung iniisip mo ngayon na pakasalan na ako, ay naku!... Baliktarin mo na yang utak mo ng maiba ang laman n'yan. Hindi pa yan pwede, hon... Hindi pa tayo pwedeng magpakasal." Bulalas ni Grizzel sabay pisil sa ilong ko.

Kaagad ko namang hinablot ang kamay niya at inilapit sa nguso ko sabay halik dito.

"Hehehe. Alam ko naman yun, hon. At saka gusto ko din namang makapag-graduate muna tayo at ma-settle muna ang mga bagay-bagay... Nang sa gayon ay hindi gaanong mahihirapan ang mga magiging anak natin."

"Pangako?"

I just nodded my head sa naging tanong ni Grizzel. At dahan-dahan kong inilapit ang pisngi niya sa labi ko to give her a kiss.

"Pero pwede bang maging engage na tayo ngayon, hon?" Seryosong-seryosong tanong ko kay Grizzel.

"Ha?? Nagbibiro ka ba, hon? Nakuu... Wag mo akong binibiro ng ganyan, ha!" Biglang bulyaw nito ngunit nakuha pa ring ngumuya ng isang ring cheese junk food na sinadya ko talagang isubo sa kanya.

"Seryoso ako."

"Hmm... Anong oras na ba?"

Ha?? Eh, hindi mo pa sinasagot yung tanong ko, eh!

"Anong koneksyon ng oras sa alok ko sayo, hon?"

"Basta... Anong oras na?"

Kahit takang-taka ay tinignan ko ang wristwatch ko na nasa kaliwang wrist ko.

"05:25." Saad ko kay Grizzel.

Ilang segundo din siyang hindi umimik.

"Hon?" Pukaw ko sa kanya.

"Hmm... Sige, hon. Papayag ako sa gusto mo... Kung... Kung pagkatapos ng paglubog ng araw na ito ay uulan!"

O_O

"Uulan?? Ang labo naman n'yan, hon!"

"Basta, yun ang kondisyon ko. At saka, yun na din bale ang magiging sign kung tayo ba talaga hanggang sa huli."

Sabay nalang kaming napatingin sa kalawakan. At eto nga't papalubog na ang buong liwanag ng araw.

05:25.

Hindi pwedeng lumagpas ng 05:25 ang paghihintay namin sa pagdating ng ulan.

Tick tock... Tick tock... Tick tock...

Ini-imagine kong tunog ng minute hand para tunguhin ang eksaktong twenty-six minutes ng five o'clock.

Ilang segundo nalang.

At dahil nararamdaman kong hindi talaga bubuhos ang ulan, kaagad kong hinablot ang mineral water sa gawing gilid ko at ibinuhos sa ulo namin ni Grizzel ang laman nito.

"Oh, ayan! Nabasa na tayo! Wohooo!!!" Aliw na aliw kong sigaw.

"Kahit kailan talaga hon ang daya-daya mo!" Ngiti-ngiti namang sagot ni Grizzel.

Dahan-dahan akong umupo katabi ni Grizzel at pinunasan ang mukha niyang may mga butil ng tubig saka ako dumukot ng isang piraso ng ring cheese junk food.

"Grizzel Ybañez? Pwede bang akin ka na for the rest of my life?"

"Of course, Aylwin Senio... Till the end, sayong-sayo lang ako."

My heart tickled sa sinaad ni Grizzel.

Hawak-hawak ang ring cheese junk food ay ipinasok ko ito sa kanang palasingsingan ng daliri niya.

"This ring cheese junk food signifies that right on this day at exactly 05:25 PM, engaged na tayo at akin ka na hanggang sa huli." Huling tugon ko then we shared a sweet, deep kiss.