webnovel

daHELL sayo

No matter how evil a person is, if love hits, he'll bend his knees. Not for an apology... but for a promise of eternity.

Deynee · Urban
Not enough ratings
15 Chs

DHS 27: The Reason Why

KAISER'S POV

"Erin???"

"Oh, hello there my little brother!" Malumanay na saad nito sabay halik sa magkabila kong pisngi.

Oo, ate ko siya. Nakakatandang kapatid. Pero 'Erin' lang ang tawag ko sa kanya, short for Kaiserin.

"Boys?" Arteng tawag pansin naman nito kina Aylwin, Ives, Rald, at Marx na nasa gawing likuran namin ni Leira.

Iniyuko lang nila ang kanilang ulo ng bahagya to show respect kay Erin.

"So, these are your girls? Pang-ilan na ang mga ito?" Taray na taray naman nitong saad sa mga babaeng kasama namin lalong-lalo na kay Leira na hinead-to-toe talaga ng tingin ni Erin.

"Erin... please." Saway ko dito.

Hindi ito umimik ngunit tinaasan lang ako ng isang kilay.

"What brought you here? You're supposed to be in Germany." - Kaiser.

"Well, I just smelled something fishy that's why my nostrils led me here."

Hindi ko na siya kinibo dahil baka kung saan pa humantong ang usapang ito.

"So, I'll just see you around my little brother. Enjoy your game!" Mataray na tugon ni Erin sabay balik ng tingin kay Leira. "Bye, boys!" Dagdag na saad nito sa mga lalaking nasa likuran at kaagad naman itong tumalikod at lumakad palayo.

"Ate mo yun? May kapatid ka pala?" - Leira.

"Oo. At syanga pala, wag mo ng intindihin at isipin yung mga sinabi niya kanina. Ganun na talaga yun."

Tumango lang si Leira.

Everything had changed. At hindi ko hahayaang masira ang mga pagbabagong ito dahil lang sa pagbabalik ni Erin.

ONE MONTH LATER

LEIRA'S POV

#OFFICIALLYTOGETHER!

Oo, kami na po makalipas ang isang buwan ng panunuyo. I never thought that I would fall for someone whom I thought I would never fall for. And because love changed them into a person they never expected to be, they definitely made us loved them in return.

Kakaiba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.

May Leira-Kaiser na, Grizzel-Aylwin, Idette-Ives, at Clovis-Marx pa!

Pero bakit nga ba walang Fritzi dash Rald?

Eh, napag-alaman ko sa source na FF lang daw talaga sila.

Friends Forever!

Naku, sana lang talaga mapanindigan nila ang mga bagay na yan, ha!

KAISER'S POV

"Ano ba yan, pawis na pawis ka na. Lumapit ka nga dito't pupunasan kita." Tugon sa akin ni Leira sa may bleachers ng court.

Galing ako sa pagbabasketball kaya medyo pawis. Pero heto nama't alagang-alaga ako ng anghel ko.

Katatapos lang ng one-on-one basketball league. At bawat laro, may panalo. Kaya we're on our way to the championship game.

"Thanks, Tib." Tugon ko kay Leira sabay ukit ng ngiti.

Pero kumunot lang ang noo nito.

"Tib?! Gago ka! Eh, hindi naman ako si tib, ah! At saka tunog lalake ang pangalan na yan! May syota kang lalaki?!! Bakla ka ba?!! Sino yan?!! Sino yang tib na yan?!! " Bulyaw ni Leira sa mukha ko sabay hampas ng dalawa niyang kamay sa malapad kong dibdib.

"Teka, teka!" Pigil ko sa nagwawalang si Leira. At dahil hindi ko siya mapigil, hinawakan ko na ang dalawa niyang kamay at hindi ito pinakawalan. "Hindi... Hindi ko yan syota. Ano ka ba! Yang tib na yan, ikaw yan! Ikaw lang naman ang babaeng mahal ko wala ng iba."

"Eh, hindi nga tib ang pangalan ko! Leira... Leira. Okay? Nagka-amnesia ka ba??"

"Eh, mas gusto kong tinatawag kitang tib, eh."

Mas kumunot ang noo ni Leira sa sinaad ko. Kaya tinigil ko na ang pagtataka niya. "Sa tuwing nakikita kasi kita, tumi-TIB-bok ang puso ko."

Kitang-kita sa mukha ni Leira na gusto na niyang humagalpak ng tawa sa sinabi ko. Kaya kagat-labi lang siya para mapigil yun.

"Hindi ka naman corny nu? Hahaha! Pero dahil mahal kita... Sige, papalampasin ko yang ka corny-han mo... Tib." Ngiti-ngiting tugon nito.

I just smiled back.

DB HEADQUARTERS

Matapos kong maihatid si Leira to attend her academic class ay dumiretso na ako sa headquarters para makapagpalit ng damit.

I grabbed the key mula sa bulsa ko para mabuksan ang pinto ng headquarters. But then I noticed na hindi na pala naka-lock ang knob ng pinto.

May bumukas at pumasok ng headquarters??

Dahan-dahan kong pinihit ang siradora ng pinto at itinulak ito para bumukas. Nang tumambad sa mga mata ko ang isang babaeng nakatalikod habang hawak-hawak ang isang nakasinding stick ng sigarilyo.

"Hey." Usal nito at dahan-dahang humarap sa direksyon ko.

"Erin??? You're still here???" Gulat na gulat kong reaksyon.

"Why do kept on asking me that damn stupid question? Ayaw mo ba ako dito sa Pinas?" Usisa nito sabay buga ng usok mula sa kanyang sigarilyo.

"No. That's not what I meant. Nasanay lang talaga ako na nasa Germany ka lang lagi. At isa pa'y sabi mo noon na you don't like staying here in Phil."

"As time goes by, things do change. And this time, gusto ko munang mag stay dito. And!... Gusto ko ring makita kung paano ang pagha-handle mo sa buong Dame Breaker clan. You're the emperor, right?"

"Matagal ng patay ang sinasabi mong grupo, Erin. Kaya makakabalik ka na ng Germany."

"So, totoo nga ang nakarating sa akin sa sumbong. That the Dame Breaker operation was stopped because you found that low-class, idiot girl na nagbigay sa inyo ng putang-inang pagmamahal na yan??!!"

"Oo! At narealized kong maling-mali pala ang pinaggagawa namin noon! Natin!!!... I had stopped doing these horrible things to the girls, kaya tigilan mo na rin ito! Babae ka rin, diba? Alam mo yung pakiramdam! At si mama---" Naputol ako sa pagsasalita nang bigla akong ginulat ng sampal ni Erin.

"Wag mong mabanggit-banggit ang hinayupak na babae na yun!!! Bakit? Nakalimutan mo na ba yung ginawa niya kay papa?! Yung ginawa niya sa atin?! Did you already forget kung paano niya ginawang miserable ang buhay natin?! Kung bakit tayo nagkaganito?!!! Ha?!!!"

Nasa gilid na ng mata ko ang mga pinipigil kong luha. At hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan.

FLASHBACK

"Halika dito malanding babae ka!!!" Kitang-kita namin ni Erin kung paano kaladkarin ni papa si mama habang papasok ng pinto ng bahay. Hila-hila nito ang kanyang buhok habang si papa ay nag-uusok na sa galit.

"Sino yung lalaking kahalikan mo sa labas ng hotel?!!! Ha?!!! Sinundan kita! Hayop ka!! Kitang-kita ko kayo!!!" Umiiyak na si papa habang binubulyawan si mama. Kaya pati kami ni Erin ay napaiyak na rin.

Binitawan na ni papa ang buhok ni mama at buong tapang na sumagot si mama dito. "Lalaki ko yun!!! Ano tapos ka na?!!!"

"Hayop ka!!!" Buong lakas na sinampal ni papa si mama hanggang sa tumilapon ito sa sahig. "Lumayas ka!!! Sumama ka na dun sa lalaki mo!!! At kahit kailan, wag na wag ka ng babalik dito!!!"

"Talagang lalayas ako!!!" Kaagad na tumayo si mama at pumanhik sa ikalawang palapag ng aming bahay para kunin ang mga gamit niya.

At tulad nga ng inaasahan, lumayas nga si mama at hindi na ulit nagpakita pa.

We lost our mother at a very young age. I was ten while Erin was two years older than me.

Pero may mas strength pa kami na harapin ang bawat araw na wala si mama. Hindi katulad ni papa.

"Pa, tama na po yan! Wag na po kayong uminom." Awat ko kay papa habang hawak-hawak niya ang panglimang bote ng alak at lasing na lasing na.

"A-ano bang ginawa k-ko sa mama niyo p-para gawin niya sakin ito?... G-ginawa ko naman lahat, ah! B-binigay ko lahat ng g-gusto niya. L-LAHAT ng luho niya! M-minahal ko siya! I-inalagaan ko siya! A-ano bang k-kasalanan ko? S-sabihin niyo nga sa a-akin! A-ano ba?!" Tugon ni papa sabay patak ng mga luha niya.

Masakit nung iniwanan kami ni mama, pero mas masakit sa tuwing nakikita namin si papa na nahihirapan ng ganito.

Kaya panay na rin ang iyak namin ni Erin. "Pa, nandito pa naman kami, eh! Hindi ka namin iiwan. Mahal na mahal ka namin, pa!" Saad ni Erin kay papa at sabay kaming napayakap sa kanya.

Ngunit lumipas ang ilang araw, tulad ni mama, iniwan lang din kami ni papa... pero sa kabilang buhay.

Namatay si papa dahil sa palagiang pag-inom ng alak. Ni hindi na siya kumakain, hindi na rin natutulog. Siguro hindi lang talaga niya nakayanan ang lahat.

At mas naging impyerno at miserable pa ang buhay namin matapos mailibing si papa. Nang tumira kami sa kalupitan ng babaeng kapatid ni mama.

Kinupkop niya kami. Hindi para alagaan pero para gawin lang na katulong. Limang taon din niya kaming pinagmalupitan, sinaktan, at inabuso.

Ngunit isang araw ay nalaman ng lolo namin ang pinaggagawa sa amin ni tita. Kaya kinuha nila kami, inalagaan, minahal, at pinayaman.

He brought us to Germany.

At lumipas ang panahon, bumalik ako ng Pilipinas para tuparin ang napagkasunduan namin ni Erin... To build the Dame Breaker.

Pain, regret, and anger... That's the reason why our heart turned like a stone.

Pinangako namin ni Erin na gaganti kami! Hindi lang kay mama kundi sa lahat ng babae. Pare-pareho lang din naman sila! Katulad ni tita.

We were born to make girls suffer... to make their life miserable! Katulad ng ginawa sa amin ni mama.

END OF FLASHBACK