webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 87: Crush ko

Maingay na nagrereklamo ang alarm clock. Kung kaya't pikit mata ko itong kinapa at pinatay. Bumalikwas pa ako para muling pumikit pero kumatok na ako ni Mama.

"Wake up sleepy head.." Ani mama galing sa labas. Umungol lang ako bilang tugon sa kanya pero hindi pa rin tumatayo. Tinatamad pa ako. God's sake. Alas kwarto pa lang ng madaling tapos ginigising na ako. Suskupo!. Masarap matulog.

Maaga naman akong umakyat ng kwarto kagabi. Iniwan ang mga lalaki sa baba. Maingay silang nag-iinuman. Matapos kong maligo at mag-ayos. Hinanap ako ni Mama dahil hindi agad ako bumalik sa kanila.

"Bamby. bumaba ka na."

"Ayoko po.." kinatok nya ako. Nakahiga na ako sa malambot kong kama. Malaki ang ngiti sa mga pinapakita ni Jaden.

"Hahanapin ka ng kuya mo.." binuksan ang pintuang di nakalock saka sya pumasok.

"Gusto ko ng magpahinga ma. Mamaya nalamg siguro.." lingon ko sa kanya.

Binuksan nyang maigi ang pintuan papunta sakin. Saka ito umupo sa paanan ko. "Narinig ko kayo kanina."

"Ma--?.."

"Anak. Hindi sa pinagbabawalan kitang lumabas. Ayoko lang na sinusuway mo ang mga utos na binibigay sa'yo. That's for your safety. For your own good.. Ayokong mapahamak ka.."

"Alam ko po ma. Hindi ko naman ginusto na matagalan ako. Umalis si Joyce. Nakita ko sina Jaden. Eksaktong wala akong kasama kaya nagprisinta syang samahan ako pauwi. Nakakahiya pa nga po eh. tapos ganun pa yung trato ni kuya Lance sakanya. Nakakainis sya.."

"Anak. Intindihin mo rin kuya mo. Masyado syang nag-alala sa'yo... papunta na nga sana sila ng mall kanina kung di pa kayo dumating.." bumuntong hininga ako.

"Ayaw ka lang nyang mapahamak tulad ko at ni kuya Mark mo. Kaya sana wag kang magtanim ng galit sa kanya.." nasa binti ko ang kanyang kamay.

"Hindi naman po ako galit. Nagtatampo lang.." paliwanag ko sa kanya. Ngumiti naman ito agad. "Mabuti kung ganun. Bumaba ka na. Magtataka yun kung di ka kakain. Iisipin talaga nyang galit ka."

Sabay kaming bumaba noon at nakisalamuha sa mga bisita. Nakakahiya nga dahil walang bahid ng king ano si Ate Cath. Si Jaden. Hindi ko sya kayang tapunan ng tingin dahil pa rin sa hiya.

"Bamby!.." muling panggigising sakin ni Mama. Kaya para akong robot kung gumalaw. Naligo at nagpalit ng uniform.

"Pakigising kuya mo.." sigaw nya pa pagbaba.

Luamaba ako at dumiretso sa kwarto ni Kuya Lance.

"Kuya. wake up!.." kasabay ng aking katok. Hindi ito sumagot. Tulog pa ata.

"Kuya!!.." pangatlong katok na nung nagsalita sya

"Go away!." paos pa ang boses. Hangover attacked.

"Kuya. Lunes ngayon. Baka malate tayo.." kulit ko dito.

"I don't care. Magpahatid ka dun sa crush mo.." damn you!.. Ang aga kuya. Don't try to start..

Bale. Napilitan akong bumaba.

"Oh. Gising na ba kuya mo?.." tanong ni Mama habang nagpriprito ng itlog. Tumabi ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi.

"Di ata papasok. Mukhang lakas ng hangover.." halakhak ko.

"Ang dami kasi ng ininom nila kagabi eh. Madaling araw pa sila natapos.."

"E si ate Cath ma, anong oras sila umalis?.."

"Wala pang alas otso nagpaalam na sila. Baka di raw sila papasukin sa bahay nila kapag sobrang lasing na sila..hehe.. bakit?.." namaywang sya at hinarap ako. Sinusuri.

"Bakit Bamby?.."

"Wala po.." iwas ko ng tingin.

Mahigit ilang oras din akong naghintay sa kabaklaan ng kapatid ko. Tuwing gumagawi pa sakin ang kanyang paningin. Umiirap pa sya. Ampusa lang!. Bakla nga talaga!..

"Oh, bat mo ako hinintay?.." reklamo nya nang nasa daan na kami patungong school.

"No choice.." lamya kong sagot. Sa labas ang mata. Ayokong salubungin mata nya. Masyadong matalim keaga aga.

"Sana nagpahatid ka nalang dun sa--.."

"Whatever Kuya..." putol ko sa mga gusto nyang sabihin. Suskupo!. Lunes ngayon. Wag nyang simulan ang linggo ko ng sermon nya. Baka malasin na ako buong linggo.

Kung ayaw nyang tanggapin ang ginagawa ko. E di wag lang. Di ko naman sya pinipilit e. At ayoko syang pilitin. Tsaka. Bat ang oa nya?. Wala naman akong ginagawang masama tapos ang tingin nya sakin o samin ay masama na agad. Suskupo!. Sarap nyang batukan.