webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 86: Kasi

Tumama agad sakin ang matang matalim ni kuya Lance. Nakakatakot. Nakakatindig balahibo ang kanyang tingin na ipinukol nito maging kay Jaden. Kahit maingay at malakas na nagtatawanan at nag-aasaran ang nga kabarkada nila sa labas ay parang wala pa rin itong pakialam. Dumiretso ako sa kanya para humalik pero umiwas lamang ito sakin.

"Bakit ang tagal mo?.." salubong ang kanyang kilay. Kunot na kunot ang noo. Maging ang kanyang labi ay pulang pula dahil sa pagkagat nya dito

Tumayo ako sa harapan nya. "Kinausap ko pa si Joyce.."

"Ng ilang oras?." tumaas pa ang kilay nya sa naging tanong nya mismo.

Hindi ako nagsalita Siguradong mag-aaway kami kung tataas boses ko. Pumikit ako. Pilit binabalikan ang mga oras kanina. Yung masaya kasama si Jaden upang maibsan ang init na pilit kumakawala sa akin.

"Kung ganun, paano mo ipaliliwanag sakin ngayon ito?.." ang tinutukoy ay si Jaden na tahimik na nakatayo sa aking likod. Binibigyan ng nakakamatay na tingin.

No!. Don't stare at him like that. Ako ang may kasalanan dito hindi sya. Gusto kong sabihin ito sa kanya. Kaso,, baka lalo lang syang magalit kay Jaden. Knowing him. Hindi yan basta basta makikinig sa mga paliwanag ko.

Pinigilan kong huwag mainis upang di pa sya lalong magalit. Dahil kung galit rin akong magpapaliwanag. Baka sumabog lang kami. Nakakahiya sa mga bisita.

"Si Joyce. Nagpaalam na uuwi raw muna sya sakanila dahil may sakit si tita..." kalmado kong banggit.

Tahimik lang sya.

"Hindi yan ang gusto kong marinig." I knew it!. Gusto nya ng matinding paliwanag ko.

Yeah right!.

Malapit nang maputol ang pisi ng pasesnya sa akin.

"Namasyal kami nina ate sa mall. Nakita namin sya sa game zone. Mag-isa. Kaya sinamahan ko na." biglang nagsalita si Jaden. Lalong naningkit ang mata nyang tumingin sa kanya.

Damn it!.

Kuya Mark!. Asan ka?. Ma!.. tawag ko sa kanila sa aking isip.

"Kailangan ba hanggang dito sa bahay Jaden?.."

"Kuya---!.." pigil ko dito.

"Hinatid ko lang naman sya pare. Aalis na rin ako.." Hell shit!.. Anong ginagawa mo kuya?..

Suminghap si Jaden. Nagtitimpi. Alam ko ang pakiramdam ng nagpipigil. Tinignan ko sya upang huwag gawin ang naiisip. Ampusa!. Bakla ka talaga kuya Lance!..

"Lance, tama na yan.. Jaden, pumunta ka na muna sa labas para kumain.." galing si Kuya Mark ng kusina ng suwayin nya ang mga ito. Hindi agad gumalaw si Jaden. Nakipagtitigan muna ito sakin ng ilang segundo. "Sa labas lang ako.." paalam nya bago kami tinalikuran.

Mabuti nalang lumabas si kuya. Kundi nagsuntukan na yung dalawa. Rinig kasi ang usapan dahil ilang dipa lang ang pagitan ng kusina at ng sala. Tapos umaalingawngaw pa ang boses kapag nagsalita ka dahil sa ceiling.

"Lance.." sa baba sya nakatingin kahit tinawag na ni kuya.

"Hindi mo ba pwedeng ipagpabukas yang inis mo?. Nakakahiya sa mga bisita.."

"Sa kapatid mo yan sabihin kuya. Hindi sakin.."

"Bakit?. Wala naman silang ginagawa ah. Hinatid pa nga sya dito para lang makasiguradong safe sya. Anong kinakagalit mo dyan?.." pinamaywangan sya ni kuya sa kanyang harapan. Prente itong nakaupo sa sofa. Tapos yung mga bisita ang abala sa pagluluto. How lucky he is!. Senyorito talaga!.

Sinimangutan nya lang kami. "Lance. Give it up. Darating ang araw na magkakaroon ng sariling mundo ang kapatid natin.." buti pa si kuya Mark. Open minded.

"Pero hindi pa ngayon kuya. Masyado pa syang bata. Sila. They're too young and naive.." sinalubong nito ang mata ni kuya.

"I know that. Don't you have any trust on her?... I think she knows what she's doing. Wag mo syang pangunahan.." sakin nakatingin si Kuya Mark. I know. I know my limits and what I've promised. Diploma first before lovelife.

"There you go again kuya. Kaya ayaw makinig sakin yan e. Lagi mong pinagtatanggol.."

"Lance. Can you please... for this day. Calm your mind. you making me uncomfortable here. Baka mapaalis ko bigla mga kaibigan mo kung ipapapatuloy mo yang kainitan ng ulo mo.."

Natahimik ang paligid. Buti hindi sya nag-walk out. Ayaw kasi nitong pinangangaralan. Tigas ng ulo.

"Tumawag sakin si Cath kanina. Lance. Sinamahan daw ni Jaden kapatid mo dahil nakipagkita raw si Joyce sa mga pinsan nya. Nagkataong nagkita sila sa game zone. Kaya sinamahan nya na rin dito sa bahay." paliwanag pa rin ni kuya sa kanya sa kabila ng mga buntong hininga nya.

"Fine. fine. Basta wag mo akong guluhin kapag nagkataong umiyak yang kapatid mo. I'm done here.." nagmartsa na ito palabas. Nagkamot ng ulo si kuya sa frustration.

"At ikaw naman.." hinarap nya akom. "Hindi porket kinampihan kita sakanya ay gusto ko na yang pagsuway mo sa isang oras na palugit ni Mama sa'yo. Rule is rule Bamby. Got that?. Palalampasin kita ngayon. Pero ayoko ng maulit iyon. Naiintindihan mo?.."

Tinanguan ko sya kahit ayaw ko. Alam ko. Nilabag ko si Mama. Sa kagustuhang gumala. Loko kasi Bamby!.. Hindi nag-iisip.

"At hindi ako magsasawang paalalahanan ka. Bawal ka pang magboyfriend ha. Hanggang kilig na muna hanggat wala pang diploma. Got me?.." malungkot ko syang nginitian at tinanguan.

"Good. Now, go upstairs and take a shower. Para makakain na tayo..."

"Thanks kuya. Sorry too. Btw. Happy birthday again..Love you.." sabay abot ko ng paperbag sa kanya at halik sa kanyang psingi.

Dumiretso akong kwarto at nagpahinga ng ilang minuto bago maligo.

What a roller coaster day!..