webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Teen
Not enough ratings
303 Chs

Chapter 85: Close

Agad kaming sumakay ng pedicab ng may huminto saming harapan. Suot ko pa rin ang sumbrerong binigay nya sa akin kanina.

Sa bawat pagpadyak ni manong para makausad kami ay ang bawat pagdiriwang rin ng aking puso sa taong katabi ko pa rin hanggang ngayon. Damn!..

Sa huling bulong nya bago bumaba, hindi na nawala saking utak. Paulit-ulit ko pa ring naririnig kung paano nya sinabi yun kanina. Ang lalim na kanyang boses. Nakakabaliw. Unti unti na ring lumalalim ang pagtibok ng puso ko sa kanya. Minamahal na ata kita.

"Ang init.." reklamo nya sabay punas ng kanyang pawis. Mabilis kong hinanap yung panyo saking bag saka iniabot sa kanya.

"Eto.."

"Salamat.." matapos tanggapin at punasan ang pawis. Sumipol ito sa labas. Nagtatawag ng hangin. Bawat lipad ng kanyang buhok na sinasalubong ang mainit na hangin ay lalo syang gumagwapo saking paningin. Damn Jaden!. Stop biting your lips please. You look sexy. And I swear. I'm getting sweat here.. Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanyang labi nung binasa nya ito. God!. Flee me from any sin please!. Nang nakakuha na ata sya ng hangin ay binalik nito sa loob ng pedicab ang mata.

"Malapit na pala ang alis nyo?.." anya sa ilalim ng katahimikan.

Tumango ako. "Oo. Isang buwan nalang.." yung isang buwan, lumipas na parang isang linggo lang. Napakabilis. Kung pwede ko nga lang pahintuin ang bawat pitik ng segundo ay kanina ko pa ginawa para mas marami pa kaming oras para sa isa't isa.

"Sayang naman.." napakagat ako ng labi sa sinabi nya.

"Bakit naman sayang?.." pigil ang aking ngiti.

Damn Bamby!. Umayos ka nga..

"E kasi, aalis kayo ng hindi pa natatapos ang school year.." parang nanghiyang pa sya. O well. Dapat lang. Damn!. Dito nalang ako. Ayaw ko ng umalis.

"Mag-aaral din naman kami dun.." lingon ko dito. Di ko alam na tumingin rin sya sakin. Tuloy nagkatinginan kaming dalawa. My goodness!. My heart is screaming!..

Nilamon ako ng titig nya. Kung kaya't naubos ang lakas ko upang iwasan ang kinang ng kanyang mata.

"Ang cute cute mo talaga..." gulo nito sa buhok ko. Wala na naman akong ibang ginawa kundi matulala sa nakakapigil hininga nyang ngiti. Gosh!..

Narinig kong may sumipol. Yung tagapadyak ata. Suskupo Bamby!.. Iwasan mo nang maging tulala lagi ha. Baka mapano yang mata mo.

Pumikit ako para iwasan ang mata nyang kumikislap. Humugot ng malalim na hininga ng palihim para pakalmahin ang nagwawala kong sistema.

Tanaw kong malapit na kami sa bahay nang maramdaman kong medyo bumigat ang kaliwang balikat ko att bahagynag uminit. Noon ko lang napagtanto na naakbay na naman sya. Hell shit!.. What is the meaning of this?. Do we have mutual understanding Jaden?. I want to ask him but I'm too weak to open my goddamn mouth..

Hindi ako gumalaw. Hindi rin nagrekamo. Para saan pa?. Gusto ko naman. Ampusa Bamby!. You flirt again..

Kabado na ako ng ilang bahay nalang ang pagitan ay di pa rin nya tinatanggal ang kanyang kamay. Mas lalo nya lang akong hinigit palapit sa kanya. Napasinghap ako sa pagkabigla. Jaden Bautista!... I wanna scream your name. Oh boy. I am deeply in love with you..

"I wish... We were this close forever.." Sabi nya nalang bigla. Saka hinalikan ang buhok ko ng may katagalan. Eksaktong paghinto sa tapat ng gate sa aming bahay na kakabukas lang.

Damn it!.. Just Damn it!!.

Una syang bumaba dahil nanigas ako sa ginawa nya. My goodness!. Jaden naman kasi eh.. Errrrrr!...

"Bilis na bro...." dinig kong boses ni Aron sa labas. Mukhang may pupuntahan.

"Oh Jaden. Nakita mo ba si---?.." Hindi nito natapos ang gustong itanong nang bumaba ako. Bitbit ang paperbag na laman ang damit na para kay Kuya Mark.

"Bamby!?." takang tanong ni Bryle.. Tinuro pa ako tapos papunta kay Jaden. Nagtataka.

Ooh-oh!..

"Magkasama pala kayo?.." lumitaw ang malalim nyang dimple nang ngumisi sya samin. Si Aron.

"Hindi naman. Nagkataong nagkita lang kami sa mall..." paliwanag ni Jaden sa harap nila.

Inakbayan nila agad ito at ginulo ang buhok.

"Wag ka samin magpaliwanag. Pumasok na kayo dun. Kanina pa umaapoy ng galit si Lance. Nagbabaga na ata ang buhok. Kulang nalang magsupersayan.. hahaha..." hagalpak nina Aron habang tinutulak sya.

Yeah I know right... Now Bamby. Your sweet dreams is over. Wake up now..